Kabanata 5
Kabanata 5
"EXCITED ka na ba mag-aral?" ani Krista na mas excited pa ata sa 'kin.
"S'yempre naman!" sagot ko kaagad.
Na-iimagine ko na kapag papasok na ako! Nae-excite ako!
"E, di matutuloy na 'yong pagiging teacher mo niyan!" aniya. Ngumiti ako at tumango.
"Oo, laking pasalamat ko nga kina Kuya Iñigo at kung hindi dahil sa kanila hindi siguro ako makakapasok..."
Late na kasi ko sa enrollment, nagsimula na ang klase isang linggo na ang nakalipas at ngayon lang ako nakapag-enroll.
Hindi kasi pumasok kaagad ang budget ko at kung 'di dahil sa tulong nila ay baka postponed na naman ako.
Hindi rin naman kasi naasikaso kaagad ito dahil busy rin sina Sir Ejercito sa Manila at ngayon lang nagkaroon at sino ba naman ako para magreklamo?
Ang swerte ko nga at kahit bente-dos na ako ay makakapag-aral pa ako!
Kung tutuusin nga ay hindi na sila tumatanggap ng mga enrollees dahil umpisa na ang klase pero masaya ako at naihabol pa ako. Thanks to Sandejas' connections, I guess.
Nakapasok pa rin ako sa Sta. Monica University!
"Aba, Kuya na raw, oh! Lakas!" Humagalpak si Krista.
"Parang 'yon lang," Natawa ako pero nahihiya rin.
Dinutdot niya ang pisngi ko. "Kuya talaga? Ibang level na 'yan!"
"Sila naman ang nagsabi na tawagin ko siyang Kuya kaya tinawag ko at saka..." Sumulyap ako sa magkabilang-gilid ng kalsada at inantay na hilahin niya ako sa kabilang side ng daan.
"Hanggang ngayon takot ka pa rin tumawid?" tanong niya.
"Nakaka-paranoid kasi ang mga sasakyan, baka biglang may bumulusok palapit tapos masagasaan ako at magka-amnesia..." Paliwanag ko at kumapit sa braso niya.
Humagalpak siya.
"Nilamon ka na talaga ng mga pocketbook na nababasa mo, 'no?" Iling niya. "Sa kwento lang nangyayari iyon, loka!"
"Hindi mo naman masasabi, 'no, at saka malay ba natin..." Nagkibit-balikat ako.
We've decided to eat at our favorite mami house here in Sta. Monica. Iyong mamihan ni Aling Chena. Masarap doon kaya doon kami madalas kumakain. Inilibre ko siya dahil sa sumahod naman ako sa pagiging waitress ko na sideline. Nakakamiss din ang trabaho kong iyon pero wala naman na akong choice.
Wala na akong time para doon. Una, kailangan kong mag-aral at pangalawa'y kailangan kong alagaan si Dash.
Ikalawang semester ko na rin kasi sa third year ngayong pasukan. Third year, first semester ako sa kursong Education, Major in English noong tumigil ako at pinauna ang kapatid ko.
Malapit na, isang taon kalahati o dalawa na lang ay graduate na ako.
"Adrian!" Kaagad akong nanigas sa kinauupuan ko at natigil sa pagkain ng biglang sumigaw si Krista.
"Uy, Krista!" Narinig kong sagot ni Adrian. Napatingin kaagad ako kay Krista at pinanlakihan siya ng mata pero ngumisi lang siya at kumaway pa.
"Halika rito, nandito si Reah!" She called him.
Nangunot ang noo ko at kinurot na siya sa isip ko pero ang loka-loka ay tinawanan lang ako at kinindatan.
"Krista!" I hissed pero huli na dahil naramdaman ko na ang kamay na umakbay sa akin.
"Hi, Fleureah!" He showed me his bright smile. I did my best to smile back.
"Hello," bati ko. Marahang umusog ako palayo sa kanya at pasimpleng tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa akin.
"Kumakain pala kayo rito?" aniya.
Ay, hindi. Sumasayaw.
I kept my mouth shut. Parang nagiging masama na ako, ah? Kukurutin ko talaga 'tong si Krista mamaya.
"Oo..." sagot ko, nag-iwas ng tingin at binalingan ang pagkain ko.
"Alam mo namang favorite namin dito ni Reah, 'di ba?" hirit ni Krista. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi na ako nagsalita at inirapan ko lang siya.
Bwisit na babae 'to!
"Gano'n ba, ngayon ay alam ko na! Palagi na akong bibisita rito!" Lumapit siya sa akin. "Reah, kumusta ka na?"
"Ayos lang naman," sagot ko, 'di na alam ang sasabihin.
Kung tutuusin ay mabait naman itong si Adrian. Halos dalawang taon na rin itong nanliligaw sa akin pero wala talaga akong interes sa mga ganyan. I told him to stop but he never did. Ang sabi niya ay maghihintay siya at kahit anong paliwanag ko sa kanya na hindi ko siya nakikitang maging boyfriend ay hindi naman siya nakikinig kaya useless lang.
Itong si Krista kasi ay masyadong tino-tolerate si Adrian kaya ayaw rin tumigil.
Push na push talaga siyang mag-jowa na raw ako para mairampa ang puhunan with tubo.
Loka-loka talagang kaibigan 'to.
"Balita ko, mag-aaral ka ulit?" tanong niya.
"Oo," sagot ko na lang. "Paano mo nalaman?"
"Sa Nanay mo, napadaan kasi ako kanina sa bahay n'yo at naisipan kong bisitahin ka pero wala ka roon kaya nabanggit niya rin sa akin..."
"Sinwerte lang ako." Ngumiti ako.
"Oo naman, makakapag-aral ka na ulit! Gusto mong mag-teacher, 'di ba?" Tumango ako.
"Kain ka o, Adrian." Turo ko sa pagkain namin. Kita ko ang panunukso sa mata ni Krista habang tinitignan ako at sumimangot lang ako at itinaas ang tinidor ko.
Akmang itutusok ko iyon sa mata niya kaya namutla siya at umatras.
"May lakad ka ba ngayon, Reah? Pasyal naman tayo, palagi mo na lang kasi akong tinatanggihan," ani Adrian.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang pagsuklay niya ng kamay sa mga buhok. Singkit at moreno siya, marahil dahil siguro nandito kami sa probinsya at babad siya sa araw.
Gwapo pero kasi iba talaga ang gusto ko...
Sino, Reah?!
"Busy kasi ako, eh," sagot ko. Ayokong paasahin siya.
"Busy?" Biglang sabat ni Krista.
Ang haliparot talaga nito! Sinipa ko ang paa niya sa inis.
"Hindi 'yan busy! Sige, ayain mo miss ka na niyan!" dagdag pa niya.
I saw how Adrian's smile widened. Kumislap ang mata niya sa narinig.
"Sige! Bakit ka naman nahihiya sa 'kin, Reah? Miss din naman kita!" Kulang na lang ay mapaubo ako ng malakas dahil sa sinabi niya.
"Uh–" Biglang tumunog ang cellphone ko at halos mapahiyaw ako sa tuwa.
My life saver!
Tinipa ko ang keypad at kaagad na tumambad sa akin ang message ni Zeijan.
From: Zeijan
Reah-tot! Where are you? Dash the sunget is looking for you! Can you go here ASAP?
Kumabog ang puso ko sa sinabi niya at napangiti. Is Dash looking for me?
"May kailangan pala akong puntahan..." Saglit na ipinakita ko ang telepono ko at akmang sisilipin nila ay ibinaba ko agad.
"May gagawin ka?" bumaba ang tono ni Adrian.
"Oo, eh, urgent kasi..." paliwanag ko at halos manliit naman ang mata ni Krista sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo and mouthed Dash kaya napatango siya.
"Sa susunod nalang kung gano'n?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaya si Krista na ang nagsalita.
"Oo sa susunod na lang daw." Ngiting pilit ni Krista. Nagpaalam naman kami kay Adrian na inihatid pa kami sa sakayan ng traysikel pauwi.
"Si Fafa Dash iyon, 'no?" ani Krista sa malisyosang tono.
"Si Zeijan iyon," sikmat ko.
"Oh, my God! Don't tell me na kayo ni Fafa Zeijan ang magkaka-developan?" Nanlaki ang mata niya.
Napailing ako at pinukpok sa ulo niya ang envelope na hawak ko.
"Loka! Alangan namang mag-text si Dash?!" iritang sabi ko.
Itong babaeng 'to sa kakahanap ng mga gwapong foreigner na bibiktimahin, wala ng naiwang kanormalan sa utak.
"Ay oo nga, 'no?" Napaisip pa siya.
Nasapo ko na lang ang noo.
Excited akong umuwi sa mansyon at umakyat.
Makikita ko si Dash!
Nang makatapat ako sa kwarto ni Dash ay siya ring paglabas ng nurse niya.
"Good evening po," bati ko. "Si Dash?"
"Magandang gabi, Reah. Si Sir Dash, nandoon sa loob at wala na namang imik. Ikaw na ang kumausap," paalam niya.
Mabilis akong pumasok sa loob at nangunot ang noo ko nang makitang napakadilim ng kwarto niya. Bakit pinatay ang ilaw?
Naalala ko si Dash kaya mabilis na binuksan ko ang ilaw at may kung anong kumirot sa puso ko nang makita ang itsura niya sa kama. Nakataas ang mga tuhod sa kama at nakayuko siya't nakayupyop doon. Nakasabunot ang kamay niya sa buhok niya at malalim ang paghinga.
Mabilis na ibinaba ko ang bag ko at tumakbo sa kanya. Naupo sa tabi niya at naalerto siya kaagad sa biglang paglitaw ko.
"Dash..." I whispered to let him know it was me.
Mabilis na inabot ko ang kamay niya sa buhok niya at napasinghap ako nang basta na lang niya akong hinila at niyakap.
"Rhea..." he whispered breathlessly.
"Ayos ka lang?" tanong ko nag-aalala.
Umiling siya sa leeg ko at yumakap sa baywang ko.
"I was in the dark again," bulong niya. "The silence is deafening and..."
"Sshh, it's fine. I'm here now..." I hushed and touched his hair.
"Why aren't you here kanina? I was looking for you but..."
"Sorry, inayos ko iyong requirements ko sa school..." paliwanag ko.
"School? Why? Mag-aaral ka ulit?" tanong niya. Nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay natahimik ako at napatakip sa bibig ko.
Shit! Nagpapanggap pala ako! Bakit ko sinabi iyon?
"U-uh, ang ibig kong sabihin. Magma-masters kasi ako..." paliwanag ko. Tumango siya.
"Thank you for coming here. Akala ko 'di ka pupunta." He sighed.
"P'wede ba naman 'yon? S'yempre pupunta ako," bulong ko bago lumayo.
I fixed his hair when I stood and slowly removed the bandage. Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan ako sa ginagawa.
Nang matanggal ko iyon ay kaagad akong napangiti at hinaplos ang nakapikit niyang mata.
"You want to go outside?" marahang tanong ko. Tumango siya at ngumiti. Iminulat niya ang mata niya at kumabog ang puso ko nang makita ang mga ito.
His eyes were ocean blue, beautiful yet mysterious. It made me miss the past, back when we could still see each other.
Iwinagayway ko ang kamay sa harapan niya. Sadly, hindi naman siya nag-react kaya napangiti na lang ako at nilinisan ang mukha niya. When I was done, I changed the bandage to a newer one.
"CR lang ako saglit..." paalam ko sa kanya pagkatapos.
Mabilis lang akong nag-ayos ng sarili at nang paglabas ko ay gano'n na lang ang pagluwa ng mga mata ko nang makitang naghuhubad ng damit si Dash.
I almost drooled as I looked at him. Hinila niya mula sa likod ang sando niya at itinapon kung saan. I saw how his biceps moved while doing that. Malinaw na malinaw sa paningin ko ang ugat sa braso niya.
His six-pack abs were in full view now. Napakurap ako nang mag-unat siya ng mga kamay niya at pinadyak-padyak pa ang paa.
"Rhea..." tawag niya bigla. Hindi ako nagsalita, ni gumalaw man lang.
Tumungo siya at nakita kong may kinapa siya sa kama. Hindi ko pa pinansin ang hinahanap niya dahil sinilip ko ang likod niya at napalunok.
Sexy back! Napapunas ako ng laway sa gilid ng labi.
It felt like the hero in my pocketbooks came to life–but better!
"Where the fuck is that shirt?" mahinang mura niya at kumapa sa kama. Nakita kong nasa may paanan ng kama ang shirt niya kaya walang ingay na naglakad ako palapit. Naupo siya sa kama at kumapa.
I tiptoed so he won't hear me. Inabot ko nang marahan ang shirt niya mula sa paanan at bahagyang tumungo palapit para ilapit ang shirt at makapa niya. I moved a little closer and readied myself to drop the shirt I was holding, but to my shock, ay bigla niyang nahawakan ang shirt bago ko pa man mailapag, dahilan para masama ako sa pagkakahila niya.
Napatili ako nang mapaluhod ako sa gilid ng kama at gano'n na lang ang panlalaki ng mata nang mag-landing ang mukha ko sa hita niya.
"Rhea?!" He was shocked.
Ako nama'y umawang ang labi. Inabot niya ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa shirt niya. Lumihis ang mata ko sa abs niya sa harapan ko!
As in sa harapan ko! Ang kaninang sinusulyapan ko sa malayo ay malapit na malapit na! Mas lalong luminaw ang mata ko!
Natulala ako. The most sane thing to do was to stand but I didn't! Natulos ako ro'n! Nakaluhod at tulala sa harapan niya!
Naramdaman ko ang kamay ni Dash sa buhok ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Why don't you sit on my lap, instead?" Nag-init ang pisngi ko nang makita ang pilyo niyang ngiti.
"Dash!" Napaupo ako. Namumutok na ang pisngi ko sa init habang humahalakhak siya. "Dash Rakiel!" sigaw kong muli.
He was laughing heartily and I am not sure if that would offend me or amaze me–I think it's the latter.
"I wish I could see your face right now!" he blurted. Umusog siya ng upo at inabot niya ako, hinila paupo sa tabi niya.
"Nanghihila kasi basta-basta!" giit ko.
"Sorry!" Halos mamula na siya sa kakatawa. Umangat ang kamay niya paakyat sa balikat ko kaya tinapik ko iyon dahil nakikiliti ako.
"Makiliti! H'wag d'yan!"
"May kiliti ka rin, huh?" He tugged me closer until his face was on my neck. Slowly, I felt his hand crawl on my waist until he was hugging me sideways.
Napalunok ako pero hindi pinaalis ang hawak niya.
"Can you tell me what you looked like earlier?" tanong niya.
"Huh?"
"Tell me what you look like while you were facing my abdomen..." Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano.
"Dash naman! Nang-aasar ka ba?!" I pulled away and punched his shoulder playfully.
"No! No..." He chuckled. He caught my face and reached for my cheeks. "I just want to know what you look like so I can imagine how you look..."
"I..."
Biglang bumaba ang daliri niya sa may panga ko at marahang hinaplos ito.
"I want to imagine your face so when I see you with my own eyes, I'll know what you look like..." There was a faint sadness in his voice.
"Dash..." mahinang tawag ko.
"Honestly, I don't know why this is happening to me..." mahina siyang natawa at napatungo habang hawak ang pisngi ko. "I am mad at you, and you already know that. But why are you making my heart flutter so much?"
"I..." Pumilantik ang rebelde kong puso. "I looked ugly..."
"Hmm?" He sounds doubtful at may maliit na ngiti sa labi niya.
"I'm serious, Dash..."
"Well, I doubt that..." Nagkibit-balikat siya at binasa ang labi niya. Doon ko lang din napansin na may maliit siyang dimple sa may kaliwang pisngi.
"Uhm, I was blushing kanina..." sabi ko. "I guess? Mukha siguro akong pinisat na kamatis?" Natawa kaming dalawa.
"I bet you're beautiful..." Kumabog ang dibdib ko.
"I am not..." I answered him. Bumaba ang daliri niya sa labi ko at humaplos iyon doon. He rubbed his finger gently on my lips back and forth.
Right now, I could feel my heart in my throat.
"I bet you have beautiful eyes, a pointed nose, and rosy cheeks. I imagined it would turn crimson red whenever you're being embarrassed, just like earlier..." mahinang sabi niya na ngayon ay dinadama na ang features ng mukha ko hanggang sa bumalik iyon sa labi ko.
He touched my lips even more. Umawang ang labi ko at bumagsak ang tingin ko sa labi niyang madalas niyang basain at paglaruan.
"And I bet your lips are red as a blooming rose and as sweet as a cherry..." Lumambing ang boses niya.
"You think?" I rasped.
Tumungo siya at naipikit ko ang mata ko. I can feel his breath on my nose. Ang malalalim niyang paghinga ay naririnig ko na ngayong malapitan.
"If..." Iminulat ko ang mata ko nang magsalita siya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "I know I was being too fast but... if I kiss you right now, would you mind?"
Nahigit ko ang paghinga.
His hands went to my cheek from my lips. Ang isang kamay naman niya ay marahang humaplos sa baywang ko at hinigit ako palapit sa kanya. I gasped when his lip touched the tip of my nose.
"If... If I taste your lips right now..." Lumapit ang labi niya sa akin kaya umawang ang bibig ko pero inilayo niya iyon kaya hindi ko naabot. "Will you like it?"
Tumungo pa siya at inabot ko ang labi niya pero hindi ko naman nagawa nang lumayo. His grip on my waist tightened as he moved closer again, like he was teasing.
"D-Dash..."
"Hmm?" he hummed. His lips touched the side of my mouth.
"I won't mind..." wala sa sariling sagot ko at nahuli ko ang multo ng ngiti sa labi niya. Inilapit niya ang mukha at halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa nang biglang bumukas ang kwarto ni Dash, dahilan para mapalayo kami dahil sa gulat.
"Dash-beybe! My brother! Nandito na ba si Reah-tot?" Zeijan exclaimed happily at natigilan sa itsura naming dalawa. "Oh? 'Tsura n'yo?"
"Go to hell, Zeijan!" mariing sigaw ni Dash.
"Huh? Bakit?" Napakurap pa itong naguguluhan. Nakatulala lang naman ako sa kanilang dalawa. Nabitiwan na rin ni Dash ang baywang ko at galit sa kapatid.
"Get out! We're busy!"
"Busy? Huh?" inosenteng sabat nito. "Nakahubad ka pa, beybe?! What?!" sigaw niya nang may mapagtanto.
"Labas!" he hissed.
"Dash! Don't tell me may bol—"
"Just..." Naiiritang pinasadahan ni Dash ang buhok. "Just get out and leave us..."
"Oh, sige?" Tumango-tango si Zeijan na naguguluhan at kakamot-kamot pa ng ulo bago lumabas.
"Tss..." Dash hissed. Bumaling na naman ang ulo niya sa puwesto kong muli. Nakagat ko ang labi ko.
"Shall we?" Napaubo ako sa sinabi niya May pilyong ngiti na naman sa labi.
"H-huh? Pinagsasabi mo?!" gulantang kong sabi.
"Shall we..." Itinukod niya ang kamay at mabilis na lumapit sa akin. "Kiss then?"
"S-sige..." Nangiti siya. "P-pero Dash! Baka bumalik ang kapatid mo–" But my voice faded when he caught my chin, grabbed my nape and pulled me close as he pressed his lips on mine.
I was shocked, my heart racing. I was frozen for a moment, processing everything.
Dash Rakiel Sandejas was kissing me!
His kisses were slow, almost light and feathery. I didn't know what to do, I just looked at him, wide-eyed.
"Kiss me back, babe..." he whispered against my lips.
"H-hindi ko alam paano..."
He bit my lip, making it part. His tongue snaked on my mouth and tasted mine. I gasped and let him, my eyes falling.
"Just follow my lead," aniya nang lumayo sabay muling halik na naman.
My stomach fluttered, trying to mimic his movements. I was lost at first until I got the right rhythm.
I reached for his face, my hand by the side of his head, to his ear when he paused. Bigla niyang itinagilid ang ulo at mahinang natawa pero hindi nilubayan ang labi ko.
"N-no, no... May kiliti..." sinabi niya iyon habang humahalik sa akin kaya marahang ibinaba ko ang kamay ko sa balikat niya.
It made me smile but it vanished as the kisses became hotter and more intense.
Hindi ko na-imagine na marunong na pala ako humalik. Na siya ang unang halik ko.
We were breathing hard, catching our breath for the air we just lost when we pulled away.
"Damn, woman. I'm so sorry for being too fast but I think I like you," he said as he caressed my jaw, his lips nuzzling the side of my lips. Mas napapikit ako. "Just damn..."
Iniangat niya ang baba ko at walang pasubaling hinagkan akong muli.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co