Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 27

heartlessnostalgia

Kabanata 27

I checked my travelling bag and my purse first at nang masiguradong wala na akong kulang at maiiwan ay inilapag ko na iyon sa sofa.

I took one last glance at my face and brushed my hair to the side, hinagod ko rin ang long sleeves na blouse at inayos ng pag-tuck sa loob ng slacks ko hanggang sa makuntento.

I took my bags and checked my appliances before going out of my unit.

I saw Atlas leaning on the wall in front of my door. Napaayos siya ng tayo nang makita akong palabas. I smiled.

"Good morning, ang aga, ah?" I greeted.

"Good morning, bibi." He smiled.

Tumalikod ako para i-lock ang pinto nang may kumuha ng travelling bag sa kamay ko.

Napangiti ako nang akbayan niya ako habang nag-aantay. He even gave me a quick kiss at the side of my head.

"Nasarado mo na ang unit mo?" I asked. He hummed, nagkatinginan kami at kagaya ng hilig niya'y hinuli niya ang tikwas ng buhok ko't inilagay sa likod ng tainga.

"Yes, ganda." He chuckled and my heart jumped while looking at his face. Nag-init ang pisngi ko nang medyo tumagal ang titig ko sa kanyang mukha.

"Alam ko namang gwapo ako, Lia—"

"Ang hangin naman, Doc!" I pinched his cheek, natatawang ngumisi siya at pinisil ang pisngi ko.

"Bakit, hindi ba gwapo ang boyfriend mo?" He shot his brow up.

I touched his cheek at nagpa-gwapo naman lalo ang loko, nanliliit pa ang mata at tumitig sa akin na para bang nang-aakit.

"Um..." I started. Gwapo naman talaga siya pero nang-aasar kasi ang itsura niya na magsasabi ako ng oo.

"Um?" He even wiggled his brows.

"Hmm, pwede na rin." I flashed a soft smile.

Nawala ang ngisi niya. When he glared, I giggled and pressed a kiss on his cheek.

"Joke lang, bibi. Um, ano, gwapo ka naman talaga." I smiled shyly.

I saw his cheeks flush, ngumuso siya at tinaasan pa ako ng kilay para kunwari ay 'di nangingiti.

"Tss, swerte mo love kita," aniya at ngumiti rin pagkaraan kaya nagtawanan kami.

He took my hand, slowly putting it near his lips for a quick kiss before filling the gaps with his. Naglakad kami papunta sa elevator.

"Si Heart?" I asked.

"Nasa baba na, excited yata,"

He pressed the elevator at nang makapasok kami ay muli siyang nagsalita.

"How's your sleep, bibi?"

"Great, you?" I asked. He lowered his head and quickly stole a kiss.

Tapatikhim ako. Mas ngumisi siya at inilapit ako sa kanyang katawan.

"A bit tired because of last night's duty but turned great just now," aniya kaya napanguso na ako at lihim na napangiti.

"Ikaw talaga," I scoffed. He kissed my head at mula sa kamay ko ay umangat ang braso niya sa balikat ko para makaakbay.

Bumukas ang elevator dahil may mga sasakay. I saw a group of loud girls laughing outside pero nang makapasok sa elevator at mabaling sa may amin ay natahimik.

Kumunot ang noo ko. I saw them quietly giggling, pasimpleng sinisiko ang isa't isa at pabalik-balik ang tingin kay Atlas na walang alam sa paligid niya.

He was just staring at our reflection in the elevator, seryoso at tahimik habang nakaakbay sa akin. He was wearing a simple army green shirt and black pants, ang shades niya ay nasa ulo. Sumulyap ako sa mga babae na pasimpleng ngumunguso para ituro si Atlas.

I glanced again at my bibi beside me, nararamdaman ko ang marahang haplos niya sa balikat ko at tumitig ako sa repleksyon niya sa may elevator at natantong makasalanan nga talaga ang suot niyang shirt.

Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan, his broad shoulders were emphasized and the great build his body had was to die for. I even caught sight his toned arms and it made me think of dirty thoughts...

I remembered when he kissed me that day we celebrated his birthday, it was so new to me. We kissed in the past back when we were still young pero dampi lang iyon. That day, I remembered him touching my butt and my...bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at napakurap.

'Di naman kalakihan iyon, sakto lang. kasya naman siguro sa palad niya.

What the heck? Anong iniisip mo, Amalia? Akala ko ba mabait at inosente kang babae!

I almost screamed inside my mind, nag-init ang pisngi ko.

Parang habang tumatagal ay medyo lumalandi na nga talaga ako? Or...did it comes with age? Dahil siguro almost approaching thirty na ako kaya ganito na mag-isip?

Noong college naman ako, nata-topic sa mga lessons ang tungkol sa mga matured thoughts na ganito. I was in the medicine field kaya hindi na bago na buhay na buhay ang klase kapag reproductive system ang topic.

There were times na magsasabi ng mga dirty jokes ang mga kaklase ko at parang relate silang lahat at nagtatawanan samantalang ako'y tulala lang sa gilid o kaya'y ngingiti-ngiti na lang.

Or...maybe I was a late bloomer when it came to this?

The girls giggled, mas narinig ko iyon kaya miski si Atlas ay napalingon sa mga babae na nagpipigil ng ngiti.

My brow raised, tumikhim ako pero walang tigil ang pagtitig nila kaya 'di ko na kinaya. I possessively placed my arms on Atlas' waist. That stopped the giggles.

Atlas's back straightened. Bumaling siya sa 'kin. I smiled pero mukhang tabingi 'yon at naaliw siya. Napasulyap pa sa mga babae sa gilid na walang hiya at lantaran ang tingin sa kanya at pabalik sa akin.

I saw the knowing look in Atlas' eyes. Pinanliitan ko siya ng mata kaya nangiti siya at mas umakbay sa akin.

I gasped when he immediately planted a small kiss on my head and touched my shoulder affectionately.

"I love you, bibi," he said out loud. It made me feel giddy.

Taas noo akong bumaling sa mga babae sa gilid at nagtaas ng kilay. They avoided my gaze and some cleared their throats.

Huh, akala n'yo, ah? Akin lang si Atlas. Bibi ko 'to!

Tuwang-tuwa si Atlas pagkarating namin sa ground floor at 'yon naman ang hiya ko nang matanto ang nagawa ko.

"Possessive naman po pala ang bibi ko," bulong-bulong ni Atlas, halos nakayakap na sa akin.

"A-ano ba!" My cheeks flushed, embarrassed. "H-hindi ako possessive, ah—"

"Ay, hindi ba?" humalakhak pa siya kaya siniko ko na. I glared at him. Sumasayaw ang amusement sa mata niya.

"Isa, Atlas," I warned. He gave me a hard kiss on my cheek and caught my gaze.

"Sige, secret lang natin?" agap niya. I appreciate it and pouted.

"O-okay,"

"Yehey! May secret ulit kami ni bibi ko bukod sa nahulog siya sa kanal at tumambling ako sa hagdan!" he cheered happily. Napangisi ako, nawawala na ang hiya.

Heart was laughing with Tita Marichu in the reception area when we got there. Pagkakita sa 'min ay kumaway sila.

Nang makalapit kami'y niyakap ako ni Tita. I embraced her tightly back.

"Hello po, magandang umaga," I greeted.

"Good morning, Lia!" she cheered and glanced beside me. "Atlas, hijo, good morning."

"Magandang umaga rin po." He smiled back. Nakipagbeso sa kanya si tita at hawak pa rin ang braso ko ay may kinuha siya sa counter at iniabot sa akin.

"Oh, here. I packed you some snacks, you'll ride an airplane, right?" she asked. Tumango ako.

"Yes po, Tita. Thank you, kakainin po namin 'to." I smiled.

Hinatid pa kami ni tita patungo sa sasakyan ni Atlas at nagpaalala pa bago kami tumuloy sa airport.

Sa buong biyahe ay nag-iingay lang si Heart habang nakadungaw ako sa kanya mula sa front seat at nakikipagkwentuhan.

Ever since Heart and I talked, we were inseparable. Maybe it was because we were apart for years kaya we were doing a lot of things to catch up for the times we missed.

Ted and Josh went back to Peñablanca the day after we celebrated Atlas' birthday dahil sa business at trabahong kanilang naiwan. They told us they'll visit again here at kinontrata pa akong umuwi sa Peñablanca kapag may oras.

And now, we were on our way to the airport for the volunteer work we agreed to attend last time. We will visit a small and secluded area to reach out to people there na hindi naaabutan ng tulong medikal.

This was usually our hospital's goal, na kahit isang beses sa isang taon ay makabisita ang mga doktor sa mga taong pwedeng mabigyan ng tulong and luckily, kahit intern pa lang, nakasama ako sa agenda na ito.

It wouldn't just look good in my credentials, masaya rin akong makatulong sa mga nangangailangan. Noong college ako ay masayang-masaya ako palagi kapag may feeding program ang university namin. It was fun seeing kids smile and playing with them.

Isa pa sa nagpasabik sa akin sa event na ito ay ang kaalamang around Cagayan Valley lang ang area, my hometown. I was so happy when Atlas informed me na it was just a four-hour drive until we reached Peñablanca kaya pagkatapos daw ng volunteer work namin ay kaagad kaming tutulak bukas.

"Sa 'kin si Lia!" Atlas whined when Heart took me with her.

"Anong sa 'yo? Kami muna, may pag-uusapan kami!" my friend hissed back at his cousin who was now sulking.

Ever since the two of us started hanging out again, palagi na kaming magkasama ni Heart at si Atlas ay na-a-out of place raw kuno pero hindi naman talaga.

"E!" he groaned and grabbed my other hand. "Akin si Lia!"

"Akin nga kasi!" agaw din ni Heart.

"Girlfriend ko 'to!" laban ni Atlas.

"Boplaks, BFF ko 'to!" Hindi rin papatalo ang pinsan niya.

I saw them glaring at each other.

"Ano ba kayo, dito lang naman ako." I chuckled, kulang na lang ay mag-wrestling sa harapan ko.

"Lia kasi." Atlas pouted. "Inaagaw ka na sa akin ni Puso! Palagi na lang siya kausap mo, tampo na ako."

"Luh, ang arte?" hagalpak ni Heart. "Ilang years kami kayang 'di nag-usap ng best friend ko kaya malamang ay magke-kwentuhan kami palagi!"

"Ako rin naman, ilang years, ah? Nasaan ang hustisya?" he whined like a kid.

Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa airport kaya nakagat ko ang labi ko at sumingit na sa kanilang dalawa.

"'Wag na nga kayo mag-away," pagpigil ko.

"Ayan, si boplaks kasi!" reklamo ni Heart.

"Anong ako? E, ikaw nga nang-aagaw sa girlfriend ko—"

"Walang umaagaw sa akin na kahit sino sa inyo," natatawang sagot ko. "Just talk to me, lahat naman kayo kakausapin ko."

"Pero dapat lamang ako, Lia, love mo ako kasi ako ang bibi mo," ani Atlas.

"Anong bibi? Mas love ako! Ako ang best friend kaya dapat—"

"Love ko kayong dalawa, okay?" I cleared out. Ngumuso sila kaya kumapit ako sa mga braso nila at nasa gitna nila ako.

They looked so stunned.

"Tara na, bibi at BFF ko," anyaya ko, masaya naa kumalma na sila.

I feel lucky to be with people who care and are attentive to me.

I saw Dr. Sean with some of the staff from the hospital waiting for us in the boarding area.

"Lia, hija!" Mukhang nagulat pa ang ibang mga doktor nang tumayo pa si Doc Sean para salubungin kaming tatlo.

"Doc!" Heart cheered, napangiti ako nang mag-apir sila nina Heart at Atlas.

"Good morning po, Doc," I greeted.

"Good morning, Lia. Kumusta ang tulog?" His eyes smiled behind his eyeglasses. I remembered myself whenever I smiled like that. Medyo nawawala rin ang mga mata.

"Okay na okay, Doc," I said. "Kayo po?"

"Ayos din, mabuti naman at maayos ang pahinga n'yo. Ikaw, Louis, hijo?" baling niya kay Atlas na napahawak pa sa batok.

"Madaya naman, Doc! Pahinga sila tapos ako night duty!" ungot niya.

"Ayos lang 'yan, hijo. Marami ka namang pahinga," tawa ni Doc at tinapik ang balikat ng huli bago kami niyaya paupo.

Atlas slowly reached for my hand. Nilingon ko siya. Binasa niya ang labi.

"Tatago ko naman," he whispered.

"Baka may makakita..." I whispered back. "Ayaw ko namang ma-issue ka sa akin, alam mo namang intern pa lang ako—"

"So? I don't care if ma-issue ako sa 'yo, mas okay nga 'yon para 'di ka na landiin n'ong isang intern. Sino 'yon? 'Yong Lawrence—"

"Atlas!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Bumusangot siya sa akin.

"Hahawak lang, e," maliit na boses niyang reklamo.

"Mamaya sa eroplano na, baka makita ng mga kasama natin," I told him. "I don't want them thinking na ginagamit lang kita para mataas ang grades ko sa internship. Isa pa, ayokong kung anong isipin nila sa 'yo—na pumapatol ka sa akin," I said, remembering what Nurse Lyka told me, na nakikipaglapit ako para sa sariling dahilan at taas ng ambisyon.

"Hey," he called, alarmed and concerned. "I don't care what others think, okay? Your opinion is only what matters to me."

"Oo, pero ako iniisip ko kung anong iisipin sa inyo ni Heart ng ibang tao dahil malapit ako sa inyo. I don't want them thinking na nakikipaglapit ako dahil matagal na kayo sa ospital at gusto ko ng special treatment. I don't want them thinking bad about you two."

"Alright." He smiled gently, marahang humarang sa may gilid ko para 'di matamaan ng nagmamadaling pasahero. "Basta, ah? Hawak-kamay tayo sa eroplano?"

Ang harot talaga. I nodded.

"Oo, basta tago mo sa jacket?"

"Okay po, bibi ko." He beamed.

"Hi, Atlas, good morning!" Nurse Lyka came out of nowhere with a smile and sat beside Atlas while waiting for the boarding.

"Hello, good morning," bati niya.

Her eyes landed on me. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya pero biglang ngumiti. Alam ko kaagad sa paraan ng pag-angat ng labi niya na hindi iyon sinsero.

Ewan ba bakit lapitin ako ng mga ganitong tao. Mabuti naman ata akong tao, wala naman akong sinasaktan. 'Di naman masama ang ugali ko.

"Good morning, Doktora!"

"Good morning, Nurse Lyka," bati ko.

Nag-iwas siya at bumaling sa tabi ko, may pekeng ngiti pa rin. "Nurse Heart, good morning."

"Ay, good ba ang morning?" ani bigla ni Heart pero biglang ngumisi. "Patola, good morning din, Nurse Lyka!"

Her face turned sour pero nang bumaling kay Atlas ay mabilis na ngumiti. "May nakaupo ba rito, Atlas? Tabi tayo, ah!"

"Wala naman, sure," Atlas said formally, nasa akin na naman ang atensyon.

Nakahanap na naman siya ng tikwas na buhok ko at ginawa ang paborito niya. Nangiti ako.

"Don't cover your face with your hair. I always want to see that pretty face," he said, voice barely above a whisper.

"Okay..."

"Hey, Atlas, anong seat number mo? Patingin naman ng ticket. Pwede ba tayong magkatabi?" ani ni Lyka.

"Uh, here," pinakita ni Atlas ang ticket sa huli kaya tinignan iyon ni Nurse at ngumiti.

"Ay? Hindi tayo magkatabi? Sabi ko kay Doc Sean tabi tayo, ah?" Biglang lumambing ang boses niya kaya kumunot na ang noo ko.

Ayaw kong pumatol pero makiramdam naman sana?

"Luh, pa-paper," bulong-bulong ni Heart sa tabi ko at nang nilingon ko siya ay ngumiti lang siya sa akin.

"I'm seated with Lia and my cousin," ani Atlas.

"Oh, really? Lia!" tawag sa akin ni Lyka kaya humarap ako.

"Yes?" I asked. She smiled softly at me, that smile na akala mo'y hindi halos umirap sa akin kanina.

"Tabi pala kayo ni Atlas sa seat, 'di naman kayo masyadong close, right? Pwede bang mag-request na palit tayo ng seat para tabi kami?" malambing niyang sabi.

I heard Heart snort beside me. Si Atlas ay kumunot ang noo at akmang magsasalita pero inunahan ko na siya.

"Hindi," I answered straightforwardly.

She was caught of guard she didn't even recover quickly.

"Why—"

"Sorry, Nurse. I'm not comfortable with changing my seat," I said.

Umawang ang labi niya, kumunot ang noo at nagmukhang iritado pero pilit pa ring ngumiti. "Excuse me, CR," palusot niya bago tumayo, umirap pa sa akin at halos magdabog paalis.

Narinig ko ang hagalpak ni Heart sa tabi ko nang mawala siya kaya nag-init ang pisngi ko, nahiya.

"Boom! Slap sa face left and right! Pa-paper pa more! Stan Lia!" Heart giggled.

"That's my girl!" tawa ni Atlas na mabilis pang inangat ang baba ko para magnakaw ng halik sa labi ko. Nanlaki ang mata ko at tinulak siya, gulat na napalingon kung may nakatingin sa amin at nang wala ay napahugot na lang ng hininga at tumalim ang tingin. Ngumisi lang siya.

Pagsakay namin sa eroplano ay binati kami ng mga flight attendant papasok. Lumaki ang ngiti nila pagkakita kay Doc Sean.

"Welcome aboard, Doc," the FAs greeted.

"Director, good morning," bati ng isa sa senior flight attendant kaya bahagyang nanlaki ang mata ko.

Director? What?

"Good morning, these are our doctors," ani doc at inilahad ang kamay niya sa amin. Bumati rin sila sa amin.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin ma-proseso ang narinig.

Director? Si Doc Sean?

What...

"Heart," tawag ko sa kaibigan.

"Hmm?"

"Is Doc Sean the director of the hospital?" I asked and my eyes almost fell out my eye sockets when she nodded.

"Yes, why?" she asked, gasping when she saw my reaction. "Don't tell me you didn't know—"

"I-I don't!" I hissed, naiiling pa. "O-oh my God, I-I didn't even think—"

"Don't worry, girl. Okay lang 'yan," tawa ni Heart sa akin. "Dr. Sean is lowkey, ayaw na ayaw niyang masyadong formal sa kanya ang mga tao. He didn't even want to brag his position and just wanted to work peacefully with us."

"B-but..." Kumalabog ang puso ko sa kahihiyan.

"Don't worry," ani Atlas na narinig yata ako. He touched my waist and walked beside me. "I didn't know about his position too at first, binabarkada ko lang 'yan si Doc dito noon tapos grabe, bi, nagulantang ako kasi after two months ko pa nalamang siya ang director."

I was so shocked and startled but somehow, what I heard from him lie lowed my embarrassment. Ni hindi ko na nga napagbigyan ng pansin ang bangayan ni Atlas at Heart kung sino ang window seat dahil nakabaling lang ako kay doc na kausap ang head ng mga flight attendant.

"Gagi, bato-bato pick na lang!" ani Atlas at nahuli ko pa ang pagtama ng kamao nila at si Heart ang gunting at papel si Atlas. Napailing ako.

"Boo, bye, bobo. Hello, window seat!" Heart sang, dancing while walking towards the window. Napasimangot tuloy ang huli.

I looked around and when I saw no one was looking, pinatakan ko siya ng halik sa pisngi kaya napasulyap siya sa akin.

"Bibi, inagaw niya 'yong bintana," sumbong niya.

"It's okay, magkatabi pa naman tayo," alo ko.

Sa huli ay napapayag ko na si Atlas na tanggapin ang pagkatalo niya sa bato-bato pick nila ni Heart, I sat in the center seat habang inaayos ni Heart ang phone at ngumingiti.

"Guys, selfie!" she chirped and took a photo of the three of us.

Dr. Sean even visited us in our seats to check if we were good! He's hands on! Nakakahiya na 'di ko man lang alam na siya ang director ng ospital na pinag-i-intern-an ko!

I didn't know about his position! And all this time, mini office niya lang sa floor namin ang nakikita ko. Ni walang nakalagay na placard with his position. I was so embarrassed and disappointed for myself!

Nang bumiyahe na kami ay nakatulog ang puyat na si Atlas sa tabi ko dahil sa duty niya kagabi. Pinatulog ko siya sa balikat ko habang hawak niya ang isang kamay ko na tinatago sa itim na jacket sa kanyang hita. Naka-shades pa siya at malalim ang tulog.

Kami ang naging abala sa pag-uusap ni Heart. She kept on asking me kung anong magandang shots sa mga pictures niya sa ulap dahil mag-i-Instagram story daw siya mamaya.

It was actually my first time riding a plane my whole life, nakakakaba sa una lalo na kapag paakyat pero kapag nasa taas na ay masaya at payapa. I never thought I could ride one, actually, noon kasi ay nag-bus kami ni Nanay patungong Maynila.

Heart and I catched up. Noong una'y puro sa akin ang pinag-uusapan at parang sa ilang beses na naming kwentuhan ay sa tingin ko'y na-kwento ko na sa kanya ang lahat.

"Tama na sa 'kin, ikaw naman," I said and that stopped her.

"Sa 'kin? Uh, wala namang interesante sa 'kin, Lia," tawa ni Heart pero alam kong may something.

"I want to know what happened to you too, siyempre. 'Di naman pwedeng alam mo ang tungkol sa akin pero 'di ko alam ang sa 'yo,"

She sighed.

"Nililigaw ko nga ang usapan sa 'yo para mag-kwento ka ng sa 'yo tapos ako ang topic bigla?"

"Bakit hindi?" I chuckled. "Sa pag-uusap natin, I only know you tried nursing kasi nurse ang mother mo, right? You just told me about where you studied college pero you didn't mention anything other than that."

Ngumuso siya at sumandal sa may bintana, malalim na nag-iisip.

"Ano namang shi-share ko bukod do'n?" tawa niya. "Social life ko is medyo tabingi, mas focus ako sa work ko ngayon. You know about where I studied, ano pa ba?"

"Hmm..." Nag-isip ako kunwari pero may gusto nang itanong. "Love life?"

She froze and tried to deny it.

"Luh, as if mayro'n." She cackled. "Taga-sana all lang naman ako sa inyo ni bobo."

"Hmm," I hummed but noticed her avoiding my gaze, chuckling awkwardly. She's lying.

"Hmm, alam mo Heart, may napansin ako," I commented. Nangunot ang noo niya.

"Hmm? Ano 'yon?"

"About...sa inyo ni Josh?" Her expression instantly dropped with that mention. Napaubo na parang nabibilaukan kaya mabilis kong kinuha ang tubig sa harapan ko at inabutan siya.

Dire-diretso niyang ininom iyon bago umiling, namumula.

"L-luh, walang kami ni gagong alien, paki ko ba sa kanyang gago siya?" Tumalim ang boses niya at ang mata niya kaya may something talaga.

"Curious lang ako," I said. "Pero if...ayaw mo i-share, I understand naman." I smiled a bit, my voice sounding so sad. Nagkunwari pa akong malungkot, umayos ng sandal sa upuan at inayos ang ulo ni Atlas sa balikat ko na humigpit ang hawak sa kamay ko.

Halos mapatawa ako nang manlaki ang mata ni Heart sa akin. "Uy, Lia..."

"Okay lang, I understand," mahinang sabi ko.

"Ano ba 'yan, 'di naman kita matiis!" she grunted. "Fine, alright..."

Doon na kumawala ang ngisi ko't dagli siyang nilingon.

"So...anong story?" I asked excited. She scratched her eyebrows.

"Ang daya ni Lia, dinadaan ako sa lungkot-lungkot!" reklamo niya.

"Effective naman, 'di ba?" I grinned. "Siyempre, gusto ko rin naman malaman kung kumusta ka kasi ako alam mo na. So, ano nga?"

She sighed, bumaling siya kay Atlas para tingnan kung tulog ba.

"He's sleeping," I confirmed.

"Mabuti, kakantyawan lang ako niyan ni bobo, e," ngiwi niya at umayos ng upo, She took another sip from the water bottle and glanced at me.

"Ready ka na ba?" she asked. I nodded, bracing myself.

"Sige, I'll listen."

She sighed again, sinuklay niya ang buhok niya at sumandal sa upuan. "Ted and Atlas knew about this. I didn't tell them kaya I assumed na tsismoso lang sila or ginulo si Josh para magkwento. It's my first time telling the whole story kasi BFF kita, okay?"

"Okay. Secret lang natin 'to," I promised and listened intently because she was giving me a part of her. I wanted to keep it safe.

"After my relationship back in high school, that was the end of it. After that, 'di na ako nag-jowa. 'Di dahil na-trauma ako, the hell with Anya and that jerk. I didn't engage in any relationship kasi nga para saan? Atlas' family...which is also my family—was in trouble. Tita Bea was stressed, nagkaproblema ang pamamahala ni Tito Louis kasi 'di ba, na-stroke rin siya?"

"You mean, no'ng umalis ako..."

"Yes." She smiled and I felt my heart breaking, the image of the young Atlas and Heart having a heart time broke my heart.

"I-I didn't know." I sighed. "I'm sorry, Heart. Kung...kung wala ako sa tabi n'yo para dumamay noon."

"Nah, wala na 'yon, Lia. We were young back then. Isa pa, sinabi ko naman na sa 'yo na wala kang kasalanan sa nangyari noon. It was supposed to happen, one way or another. Mapigilan man natin ay mangyayari ang mga dapat sa ibang paraan. Isa pa, your health should be your priority, baka na-stress ka lang sa amin noon." She smiled at me. "Anyway, ayon nga, sunod-sunod ang naging problema namin sa pamilya. You know I studied a bit late kasi patigil-tigil ako, 'di ba? Since my family has no permanent address. During our vacation, we went all the way to States to confine Tito Louis to a better facility and kailangan din ng examination ni Tita Bea because of what happened. Alam mo ba, hindi sana makakapag-college kaagad si bobo at hindi ako sana makakapag-grade eleven kaagad?"

"Bakit?" I asked worriedly. "I-I'm really sorry, because of us—"

"Wala ka ngang kasalanan, Lia," she stopped me. "And Tita Liv apologized to us, she sincerely did that. We couldn't ask for more."

I just sighed, napatungo pa ako pero mabilis na inabot ni Heart ang isang kamay ko at pinisil. "Don't blame yourself, Lia. Hindi mo kasalanan ito, isa pa, natuloy naman ang pag-aaral namin ni Atlas. We went back here, nagtapos ako ng senior high dito sa Manila and Atlas got into a university and took his pre-med."

"Sina Ted?" I asked.

"Luckily, they got into the same university where Atlas was studying. Magkakaiba nga lang ng course, Ted was into business and gagong alien was in culinary. No'ng nag-college naman na ako, my mother convinced me to take nursing so I did, doon din ako nakapag-aral sa school nila. Occasionally, the three of us are meeting if we had free time and..." She cleared her throat and looked around cautiously.

"M-may sasabihin akong secret sa 'yo, Lia." Inilapit niya ang mukha.

"Hmm?" Inilapit ko rin ang ulo ko. "Ano 'yon?" Bulong ko.

"I didn't tell you this before kasi awkward but uh..." She blushed. "B-back in high school, w-we kinda flirted with each other."

"Si Josh?" My eyes widened. She nodded, blushing.

"Y-yeah..." She cleared her throat. "I-I mean, he's so good, he always treats me good. Binangasan nga niya iyong cheater na 'yon na ex ko and we, uh, we kissed in the ball too."

"R-really?!" Halos sumigaw na 'ko kung hindi niya lang ako kinurot.

"Lower you voice, loka ka!" she hissed, namumula.

"Okay, okay, sorry." Niliitan ko ang boses ko. "A-akala ko ba kami lang nag-kiss ni Atlas?" I whispered.

"Akala ko rin, e." Hilaw siyang ngumisi. "Kaso, girl, ang pogi ni gago. Na-kiss ko tuloy!"

Naghagikhikan kami. Mas inilapit niya ang bibig para bumulong.

"Aba, malay ko bang magki-kiss back si gago? Nanginig ang hita ko, Amalia!" she gasped.

"Ikaw, ah? Hindi ka nag-o-open! Sana sinabi mo para dalawa tayong nagwawala!"

Ngumisi siya.

"Awkward nga kasi, landian n'yo ni bobo, ayaw ko makisawsaw 'no! 'Tsaka landian lang naman, 'di naman naging kami," aniya.

"High school 'yan, 'di ba? E, no'ng college?" I asked.

"'Yon nga. Ano, we met again when I got to college and we...kinda clicked. Alam mo na, he's always waiting for me every end of the class. No'ng second year college na ako 'tsaka siya nagsabi kung pwede manligaw. Siyempre gusto ko siya kaya gora ang Ate Puso mo..."

Nangiti ako. She looked so in love but pain was also there.

"When I was nearly third year, I said yes to him and kami na. For years, our relationship was great, minsan talaga nag-aaway pero nagkakabati rin. Bobo got into a med school in States and after I passed nursing, I got an offer from different prestigious hospitals around," she said.

"Ayon nga, we've been together for years. The resto he built wasn't in good shape at pinauwi siya ng pamilya niya sa Peñablanca and he told me he'll go back to the province. Siyempre, may relasyon kami, paano naman ako? Sabi ko sasama ako sa kanya sa probinsya tapos nagalit siya paano naman daw ang offers ko rito sa Manila? He offered me a long distance relationship and kahit mahirap, that went on for years. Nagkikita kami kada-buwan but it wasn't enough for me. I saw on his Facebook how people made issues, linking him with different girls and it pained me so much."

Miski ako ay nasaktan. Her eyes were so sad.

"I confronted him, wala naman daw iyon at naniwala ako kasi boyfriend ko 'yan ng ilang taon, e. May tiwala ako sa kanya, alam ko rin naman na wala pero I had trust issues. Nagpatayo siya ulit ng resto sa Peñablanca, gusto ko na umuwi para doon na lang kami pero ayaw niyang iiwan ko ang magandang trabaho ko rito para sa kanya, so, paano naman ako?" she asked sadly.

"Heart..." I muttered softly, touching her hand. Natahimik siya at marahang hinawi ang luha na nahulog na sa mata.

"M-mahal na mahal ko siya tapos ayos lang sa kanya na malayo kaming dalawa? Hindi iyon ayos sa akin, Lia! I was so willing to sacrifice my work here just so I could be with him tapos..." She sniffed. "T-tapos, ayos lang sa kanya na malayo kami? I-I know he's so damn loyal to me pero I have my issues with him dahil nalalaman kong pumupunta siya sa Maynila at nakakausap niya sina Atlas tapos 'di ko alam..."

My heart went to my friend. It hurt.

"Did you ask him anything about that?" I asked.

"Hindi, pakyu siya, break na kami. I broke up with him kahit ayaw niya when I found out he went here in Manila twice yet he didn't tell me. Pakialam ko kung pumunta siya rito, baka may babae siya, pakialam ko. Mamatay na sila."

But I felt like there were some misunderstandings here.

"Did you ask Atlas about it?"

"Hindi, ayoko nga. I blocked that alien in any way I can yet he always find ways, nitong nakaraan ay bumalik na naman dito sa Manila at wala akong paki sa kanya," she said. "He wanted to talk pero mabaliw muna siya bago ko kakausapin. I am so willing to make my terms with him but he's just...sometimes, I'm thinking na baka 'di naman niya talaga ako minahal."

Heart was such a strong woman. While talking to her, she was emotional yet always trying her best to be cheerful and change the gloomy ambiance. She always found ways to smile and hearing her side of the story, I was more curious about what Josh did.

He may have had a reason but Heart was still in pain for what he did. I didn't want to judge Josh because I still didn't know his side and I could never invalidate Heart's pain for I never know how deep it is.

Wala naman tayong karapatang manghusga sa sakit na nararamdaman ng ibang tao, we could never know what they feel unless it happens to us and we feel the same way which was kinda impossible. Iba-iba ang lalim ng sakit sa bawat tao kaya hinding-hindi mo pwedeng sabihin na mababaw ang sakit na mayro'n ang isa at mas malalim ang sa iyo.

I may never take that pain off her chest but maybe, I could help her forget even bits of it when we were together. As a friend and treating her as the sister I never had, I will do my best para damayan ang kaibigan ko.

Heart slept after a while, magkabilaan sila ng balikat ko natutulog ni Atlas at kahit na mabigat sila ay hindi ko iyon alintana dahil masaya akong kasama ko sila. These days, I was always happy and inspired. Masaya akong nagigising sa panibagong umaga dahil alam kong nariyan sila.

I wasn't alone anymore. There were my friends, my mother in heaven and God who was watching over me.

"Dra. Lia?" Napabaling ako sa may gilid at nakita ang isang flight attendant na nakangiti sa akin.

"Hello, yes?" I smiled.

"Pinapabigay po ni Doc Sean sa inyo," she said and showed me a small paper bag. "May snacks po and drinks."

"Really?" That made me smile. "Thank you, pwedeng palagay dito? Sorry kasi," nguso ko sa dalawa sa balikat ko at tumango ang FA at inilagay ang paper bag sa may lamesa sa harapan ko.

"Thank you, Miss...?" Pinagmasdan ko siya at nakita ang asul niyang mata.

"Daru po, Ma'am." She smiled humbly.

"Thank you so much, Ms. Daru. Pasabi po kay Dr. Sean na maraming Salamat,"

She nodded and bid her farewell.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

NAKARATING kami sa Tuguegarao airport pagkatapos ng halos isang oras. Heart and Atlas were so refreshed, kahit saglit lang ay bawing-bawi sa power nap nila sa biyahe.

"Thank you, bibi," Atlas whispered while hugging my waist habang pababa ang eroplano.

Sinuklay ko ang buhok niya.

"Did you sleep well?" I asked. He nodded against my shoulder, giving it a small kiss.

"Hmm, bawi na ako. I love you, bi."

Bi...

I chewed on my lip. It made my heart jump, hindi pa yata ako masasanay sa kalambingan niya.

"L-love you too," I whispered, lumayo siya sa leeg ko para panoorin ako sa namumungay niyang mga mata.

"Bakit nauutal?" he teased.

"Uh, wala naman...medyo ano, nahihiya lang." My cheeks flushed.

He chuckled. He cupped my cheek and pressed a quick kiss on my lips, nanlaki ang mata ko at natulak siya pero ngumiti lang siya lalo at humalik na sa noo ko.

"Ay, wow, sana everybody. Number one thousand sixty-five." Natulak ko sa gulat si Atlas at napasulyap kay Heart na nakabusangot na sa amin.

"Ano na naman?" Atlas frowned and hugged my waist again, pinalo ko ang braso niya pero ayaw patalo.

"Respeto naman sa single, mga pre," ani Heart at mas napatawa lang si Atlas sa tabi ko kahit anong kurot ko sa kanya.

"Makipagbalikan ka lang kasi kay—"

"Bobo ka talaga, pakisabi sa kanya kahit mag-twerk siya gilid wala akong paki," ngiwi ni Heart at ngumiti bigla nang makita ako. "Right, Lia?"

"Um, oo," pagsakay kong at ngumiti sa kanya.

Nang makarating sa Tuguegarao ay nauna si Heart palabas at magpi-picture daw siya. Nahuli kami ni Atlas sa grupo at pinauna namin sila. Kinuha ko sa compartment ang hand carry.

"Hey, bibi, you okay?" Nagulat ako sa tanong ni Atlas na humawak sa baywang ko.

"Hmm, yes, bakit hindi?" I asked but he looked very worried.

Tumitig siya at hinaplos ang pisngi ko.

"You're pale," he noticed. "Are you tired? Sorry if nakatulog ako, sa biyahe mamaya papuntang site ikaw naman ang matulog."

"It's okay." I reasured while we're walking together. "Tama naman ang tulog ko kagabi, baka maputla lang ako kasi nalusaw na ang light makeup?"

"Hindi naman mainit dito." His forehead creased more. Marahang hinaplos niya ang baywang ko at inangat ang isang kamay para idampi ang daliri sa pisngi ko. "You're cold too."

"Oh?" Hinawakan ko ang pisngi ko. "Ah, baka sa aircon?"

"Hindi, e." Mas mukha na siyang nag-aalala. "Masama ba ang pakiramdam mo, bibi? Do you want us to rest first or eat—"

"It's okay, bibi." I smiled at him to assure him I was alright. "Don't worry."

He nodded. He stared at me again and slowly pulled me closer to his body to kiss my head. Hindi ko na pinansin kung may nakakakita ba sa aming dalawa at napapikit lang ako at napangiti.

I am so in love with this man. I really hope this love will make it until the end. I hope this love will last.

Nakababa kami sa eroplano na magkahawak ang kamay. I didn't care if anyone would see us now. Kahit ngayon ay pagbibigyan ko ang sarili.

"Careful, bibi," Atlas reminded, assisting me.

Si Heart ay buhay na buhay at nagpi-picture.

"Ayan, tara, selfie! Welcome home!" Heart giggled when we reached her, ngumiti kami sa camera.

"Kulit mo, Puso." Atlas laughed. "Tara, kunin na natin ang bagahe. Lia, baby, stay here, hmm? Kami na kukuha ni Puso ng bagahe para makapagpahinga ka."

Hindi na ako nagpumilit. I was feeling a bit off right now simula nang mapansin ni Atlas na namumutla ako. Atlas kissed my forehead briefly, tinuro niya sa akin ang bench sa malapit at nagpaalam na kukunin muna ang mga bagahe.

While I was walking to the bench, I suddenly felt a bit uneasy and weak. I saw Dr. Sean looking at me when I stopped walking. Kumunot ang noo niya at mukhang lalapit pero ngumiti lang ako at kumaway.

"Hello, Doc. Salamat po sa pagkain kanina," I told him and smiled. I remembered what I found out earlier, he was the director yet he talked to us like friends.

He was so humble and down to earth, sila ni Tita Marichu.

"Tita Marichu gave us snacks too, Doc. Kanina po no'ng umalis kami, hindi pa po nauubos kaya sa biyahe po siguro'y kakainin namin. Maraming salamat po," I said, grateful.

His eyes softened. Lumapit siya.

"Welcome, are you okay? You're pale," pansin niyang nag-aalala.

Maputla ba talaga ako?

"Yes po, ayos lang ako," I reassured.

He was very worried. He even touched my elbow and pointed the bench near us.

"You should sit first, saan na sina Louis at Pusong makulit?" aniya at inalalayan ako paupo.

"Nasa may baggage po, Doc."

He nodded, nakatayo pa rin sa harapan ko.

He looked like a worried parent as he sighed and watched Atlas and Heart take the baggage, nakita ko pang gustong maupo ni Atlas sa lagayan ng baggage paikot pero pinipigilan ni Heart at nagtatawanan pa silang dalawa.

I smiled while watching them but it faded when I felt the slight pain inside my chest.

Nurse Lyka watched us from afar, at nang magsalubong ang mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay at inirapan.

I flinched and touched my chest when I felt a sharp pain this time. Nakatitig pa rin si doc sa dalawa na mukhang kakatapos lang makuha ang mga gamit namin.

Nang mapabaling sa akin ang dalawa ay mabilis kong tinanggal ang kamay sa dibdib ko. The two suddenly looked worried when they saw Doc Sean beside me. Mabilis silang lumapit at si Heart ay naupo sa tabi ko, inabot ang kamay ko.

"Lia..." she called.

"What happened?" Atlas asked, glancing at me back to Dr. Sean.

"Nothing, she's just pale kaya sinamahan ko muna. We should check her first," ani Doc kaya nanlaki ang mata ko roon at umiling.

"Doc, hindi na, ayos lang ako," I insisted but Atlas was already lowering himself and cupping my cheek.

"Are you okay, bibi?" he whispered, caressing my cheek. "Let's go and check you up first—"

"No, I'm okay,"

Hindi siya naniwala. "Lia..."

"Ayos lang ako, Atlas. Baka hindi lang sanay sa biyahe dahil first time ko sa eroplano," I explained.

Atlas stared at my face intently. Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan ng isang kamay ko bago bumaling sa nag-aalala ring si Heart at Dr. Sean.

"Are you sure?" ani Dr. Sean. "If you feel uneasy, let us know. Hindi pwedeng balewalain, Lia. Doktor ka, alam mo kung gaano kaseryoso 'yan."

"Ayos lang talaga ako," I confirmed with a smile, assuring them not to worry despite the visible and sharp pain inside my chest.

I rarely felt chest pains pero these days ay pansin kong madalas at mas lalong lumalala. I wanted to tell them but I couldn't, I didn't want them to worry. It was the first time I felt this intense pain again without doing anything intense and it made me feel so...scared.

Please, heart. Let's remain tough and brave.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co