Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Kabanata 6

heartlessnostalgia

Kabanata 6

SHOULD I be honored na kasa-kasama ko ang crush ko o...matatawa na lang sa nangyayari sa aming dalawa?

Nakabantay ako sa labas ng banyo na parang sundalo. Good thing may banyo sa third floor na wala masyadong tao at abala ang lahat sa mga ganap sa ibaba.

I could still imagine how red Atlas was no'ng sinabi niyang tinatawag daw siya ni Mother Nature. It was very vivid! Siyempre, I was shocked, kaagad akong sumang-ayon, binilhan pa siya ng sabon at inabutan ng tabo at ngayong nakabantay ako sa labas ay 'tsaka ko lang naproseso at natatawa na.

I bit my lip, nakasara ang banyo at nasa loob siya pero na-i-imagine ko ang pagpula ng mukha niya habang hiyang-hiya. Nauutal pa nga siya kanina no'ng inabutan ko ng tabo.

"Oh, Argueles? Bakit nand'yan ka?"

Nagulat pa ako at halos mapatalon nang makita ang isa sa teacher namin.

"U-uh, g-good afternoon po." Maliit akong ngumiti.

"Good afternoon, anong ginagawa mo—"

"U-uh, wala naman, Ma'am." Hilaw pa akong ngumisi. "Ano lang po...um, may binabantayan."

"Huh?" Kumunot ang noo niya. "anong binabantayan—"

"'Yong Tupperware!" I said out loud. Nangunot ang noo niya.

"Huh? Bakit?"

"Um, I mean, n-nasa kaibigan ko po kasi sa s-senior ang Tupperware ni nanay kaya inaabangan ko lang po, ano para 'di ako pagalitan," I said.

"Oh, okay." Tumango siya pero nagmumukhang nagtataka pa rin. "Pero bakit sa banyo, hija? Pwede namang sa bench—"

"N-nababanyo na kasi 'ko, Ma'am." Wala na akong maisip na sabihin kung hindi iyon.

"Ah, I see..." She eyed me and nodded. "Bumaba ka na lang, hija, pagkatapos, ah? May program sa ibaba at bawal umakyat ang mga estudyante rito."

"O-opo." Lumunok ako. "Sige po."

Nang umalis siya at doon lang ako nagpakawala ng malalim na buntonghininga, napahawak pa ako sa dibdib at saktong pagbaba ng teacher ay siya ring pagbukas ng pinto at napatalon ako at sumulyap doon.

"Atlas...okay na?" I asked.

He swallowed painfully. Hindi ko makita nang buo ang katawan niya dahil nakadungaw lang siya sa maliit na siwang ng pinto.

"W-well, yeah." I heard his awkward laugh. "M-may dumaan ba?"

"Just a teacher," sagot ko at nakitang nanlaki ang mata niya.

"W-weh? Saan? Sino? Alam ba niyang na-jebs ako?" he asked, almost hysterical, kaya natawa ako at umiling.

"Hindi, 'di ko sinabi. Ayos lang, bumaba na rin naman. Tara na, okay ka na?"

Tumitig ako sa kanya, inaantay na lumabas na siya pero nanatiling mukha niya lang ang nakalitaw doon, tuod na ata.

"Labas ka na, bakit ka nagtatago r'yan?" tanong ko pero marahas lang siyang umiling at namula. "Atlas?" tawag ko ulit, nag-aalala na. "Masakit ba talaga ang tiyan mo? Punta tayo sa clinic—"

"L-layo ka kaunti sa 'kin, Lia," he stammered.

"Huh? Bakit naman?"

"S-sige na, ano, nahihiya kasi ako." Lumiit ang boses niya kaya suminghap ako at marahang umatras palayo.

"Ayos na ba 'to?" I asked. He slowly nodded. Bumukas ang pintuan at marahang lumabas na siya roon.

Gusto ko siyang lapitan para tulungan dahil nahirapan siya sa saklay niya pero nang maalalang nahihiya siya sa akin ay 'di ko na lang ginawa.

Nang maging maayos siya ay nagkatinginan kaming dalawa, mas namula ang mukha niya at ngumuso, biglang nag-iwas ng tingin.

"Sinalo ko yata lahat ng kahihiyan no'ng nagpasabog si Lord," aniya at bigla na lang akong natawa. Sumulyap siya sa akin, ngumunguso.

"Tawa-tawa ka d'yan," simangot niya pa kaya mas napangiti ako at napailing.

"Normal lang 'yan, Atlas," alo ko.

Lumapit ako sa kanya at nag-panic siya at napaatras pero hindi maayos na makagalaw kaagad dahil sa saklay niya.

"H-hindi ah." Umabot ang pula sa tainga niya at marahang sumandal sa may pader at ginilid ang isang saklay.

Muli kaming nagkatinginan. Matangkad siya kaya tiningala ko siya at nakita kong may pawis ang kanyang noo. I sighed, kinapa ko ang panyo sa bulsa ng skirt ko at inangat para punasan ang kanyang noo.

Breath caught in his lungs. I heard it hitch as he shifted nervously, swallowing.

"Ayos na ba ang tiyan mo?" I asked.

"M-medyo?" bulong niya.

Tumitig ako't bumuntonghininga.

"Ikaw kasi, inubos mo 'yong melon. Ang dami-dami n'on, Atlas. Ilang estudyante rin pwedeng makainom, baka 'di sasakit ang tiyan mo niyan kung 'di ka lang nag-solo, tapos kumain pa tayo kaya normal lang na tatawagin ka ng kalikasan," nangingiti kong sabi at pinunasan ang pisngi niya.

"Yeah, it's normal to burst like that pero 'di normal 'yong ma-tae ka sa harap ng crush mo," bulong pa niyang may panibugho na miski ako ay natigilan.

"Huh?" tanong ko, mas bumilis na ang kalabog ng puso na parang sasabog ilang saglit lang mula ngayon.

Tama ba iyong narinig ko? O daydream na naman ng bata kong puso?

"Wala, si Josh kasi..." Nag-iwas siya ng tingin.

"Anong mayro'n kay Josh?" tanong ko pa, medyo nanginig ang boses.

"Inaagawan ako sa melon mo e, akin nga lang 'yan." Kumunot ang noo niya at mukhang iritado na.

"'Di naman ako ang nag-timpla n'on, paborito ko lang, 'di mo na sana inubos," I said.

"Basta, akin lang ang melon," suplado niyang sabi kaya tumango na lang ako at akmang ibababa ang panyo na ipinamunas ko sa pawis niya pero nahuli niya iyon.

"Bakit?" Ang kamay kong hawak ang panyo ay inilagay niya sa may leeg.

"A-ano...may pawis din leeg ko," maliit niyang sinabi.

⋆˙⟡♡⟡⋆˙

AKO na lang din ang nakanuod ng program dahil kinailangang umalis ni Atlas dahil inatake na naman ang tiyan niya, nagpunta pa ako sa clinic para humingi ng gamot pang-LBM sa nurse pero hindi effective kay Atlas at sa sobrang kahihiyan niya ay 'di na kinaya at nagpasundo na sa driver nila pauwi sa kanila.

He was cute.

Sa halip na ma-turn-off ay mas nagustuhan ko siya, nakakatuwa siyang kasama. Noon nga noong 'di ko pa siya nakakausap, hangang-hanga na ako, paano pa kaya ngayong may interaction na kami?

Natapos ang Foundation Day at naging abala naman ang buong klase kaka-review para sa darating na fourth grading examination namin. Pagkatapos nito, nasa senior high na ako kaya dapat ay galingan ko para makakuha ako ng scholarship kapag nag-college.

'Di ko rin nakikita si Atlas nito mga nakaraang linggo dahil sa abala ang klase namin, hindi pa tugma ang schedule namin sa mga senior high. Ang balita ko kay Heart ay maayos na ang paa ni Atlas.

"Ah, halos four days ding wala si bobo," ani Heart habang nakaupo kami sa library at nag-aaral para sa exam sa susunod na araw.

"Huh? Bakit? Saan pumunta?"

"Ah, nasa Peñablanca, pinatingin ang paa sa doktor nila roon. Nadagdagan ng araw kasi 'di gumaling kaagad, lakad nang lakad, obob kasi," humagalpak siya kaya napangiti ako at nagtanong.

"Anong obob?"

"Bobo." She grinned.

Natawa akong mahina at pinalo ang braso niya, "Ang sama mo sa pinsan mo."

"Duh, 'di kaya, nagsasabi lang ako ng totoo, Lia," ngisi niya. "'Tsaka bully 'yan si Atlas, akala mo mabait? Nagpapatagisan kami sinong mas bobo sa 'ming dalawa. Scam 'yan, nagpapa-pogi points lang sa 'yo kasi..."

Ngumisi siya, nag-init ang pisngi ko at tumikhim, nag-iwas ng tingin.

"M-mag-aral na nga lang tayo," iwas ko.

"Weh? Namumula tayo r'yan, 'te?" Sinundot niya ang pisngi ko.

"Heart, ano ba," I warned, nahihiya pa pero mas lumaki ang ngisi niya at pumahalumbaba sa tabi ko.

"Tell me, Lia, paano mo nagustuhan si Montezides?" she blurted.

"Hoy!" My eyes widened in panic. Tumayo na ako para takpan ang bibig ni Heart at huli ko nang matantong lumakas ang boses ko at natigilan nang mapansing napatingin sa amin ang mga estudyante.

"Quiet please!" Halos manlaki ang mata ng librarian sa malayo kaya tumikhim ako at mabilis na tinanggal ang kamay sa bibig ni Heart na nagpipigil ng tawa.

"S-sorry..." Yumuko ako bago nag-iinit ang pisnging bumalik sa upuan.

"Hala, sumigaw si Ms. Argueles. First time," asar ni Heart. Hinampas ko siya ng mahina at pabulong na nagsalita.

"Ikaw kasi," I hissed pero mas natuwa siya, sumandal pa sa upuan at pinagmasdan ako.

"Ano nga kasi, sagutin mo na ako, Lia. Kailan mo nagustuhan si Montezides?"

"'Di ba dapat nag-aaral tayo?" sinubukan ko pang ibahin ang topic pero persistent talaga ang kaibigan ko.

"Sus, iniiba ang topic, 'wag ako, Amalia." She grinned.

I sighed, ibinaba ko ang librong binabasa at pinagmasdan siya bago bumuntonghininga.

"Kasi si nanay, nagsa-sideline sa mga Montezides," I said. "'Di ba may plantation sila ng gulay?"

"Hmm, tapos?"

"Ano...inutusan ako ni nanay tapos nakita ko sila ng kuya niya na pinapaliguan ang kabayo," sabi ko.

"Oh? Sinong kabayo pinapaliguan? Si Atlas?" she said seriously kaya sumimangot ako at sinipa siya.

"'Wag mo nga awayin ang Atlas ko," I hissed quietly and rolled my eyes kaya halos humalahak na siya, ang tanging pumipigil lang ay ang isiping nasa library kaming dalawa.

"Ay shit, may pag-angkin?" She giggled. I paused, biglang natanto ang nasabi kaya nag-init ang pisngi at halos ibaon ang mukha sa libro sa harapan ko.

"I-I mean si Atlas," paliwanang ko at ngumisi siya sa akin, mukhang hindi naniniwala. 'Totoo nga!"

"Wala naman akong sinasabing 'di ako naniniwala, ah?" ngisi niya kaya mas nag-init na ang pisngi ko. "Cute mo, Lia. 'Di na, sige, tapos?"

"Ano, nakita ko siyang tumutulong sa kuya niya. H-he looks good too, tapos no'ng nabigatan akong dalhin 'yong pinapadala ni nanay, ano...tumulong siya."

"Yie..." she giggled at ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Secret lang, ah?" I said and she nodded, smirking. "Ano, a-aral na nga tayo."

"Okay," sumaludo pa siya at nangingising sumulyap sa libro.

We spent an hour reading. Nagpaalam si Heart para umalis at makipagkita sa boyfriend no'ng na-bored kaya naiwan ako mag-isa.

Medyo umingay nga lang library makalipas ang sandali at nang sumulyap ako ay nakita kong may mga pumapasok na grade eleven doon.

Napaayos ako ng upi. Kaagad na nahuli ng mata ko ang lalaking katatapos lang pumirma sa log sheet.

He looked great and clean, maayos ang magulong buhok, maganda ang pagkakayakap ng uniporme niya sa kanyang katawan habang nakasabit sa kanyang balikat ang jacket. Nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti nang may kumaway na junior sa kabilang dulo.

Wala na siyang saklay ngayon kaya habang nakatayo at naglalakad patungo sa kanyang grupo ay kitang-kita ko ang tangkad niya. He had that athletic stance, proud and confident aura. He's handsome and he knew it. Habang nakikita siyang nakipag-apir sa kakilala ay medyo nahiya naman ako.

I sighed, mabuti na lang at sa gilid kami ni Heart naka-pwesto kaya 'di naman siguro ako makikita, ano?

Sumandal ako sa upuan ko, sinubukang magbasa habang pinagmamasdan siyang maupo kasama ang mga ka-grupo at swerte lang at kita sa pwesto ko ang kanya.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri, binasa pa ang labi at tahimik na nakipagbiruan sa mga kasama. Pasimple naman akong kinilig sa gwapong ngiti niya at tila ba'y nagliliwanag ang paligid dahil sa kanya.

I let out a dreamy sigh.

But then he face moved and I panicked so hard when our gazes clashed na mabilis na itinakip ko ang libro sa mukha.

Oh my God, oh my God! Hindi naman niya ako nakita, ano?!

Suminghap ako, mabilis na sumulyap sa relo ko at napailing.

Hindi ka niya nakita, Lia. Hindi!

I waited for a few moments before taking a peek to see but then he was still looking! He grinned playfully. Suminghap ako at muling nagtago at sumigaw sa loob-loob ko.

Nakita na niya yata ako! Nakita na! You're so careless, Amalia!

Narinig ko ang tunog ng hinilang upuan. My stomach's twisting!

Aalis na lang ako. Sa bahay na lang ako mag-aaral! Tapos na rin naman ang klase ko!

I'd decided, ibinaba ko ang libro ko pero halos atakihin naman ako sa puso nang saktong pagbaba ko nito ay siya ring pagsalubong sa akin ng mukha niya.

My eyes widened when I saw him leaning across the desk I was using, nakalapit ang mukha sa libro ko kaya nang maibaba iyon ay halos magsalubong ang mukha namin.

"Hi, Lia." He flashed a handsome smile.

"H-hi..." I said, trying my best to stay sane kahit sa loob-loob ko ay may Waka Waka dance na ang mga paru-paro.

Pasimple kong sinulyapan ang smart watch ko at tumitig kay Atlas.

"N-napadaan ka?" I muttered, trying to mask the panic.

"Na-miss lang kita." He smiled, biglang umupo sa harapan ko at pumahalumbaba kaya nakagat ko ang labi ko.

"O-oo nga, e. 'Di kita nakikita nitong nakaraan." I smiled shyly.

"Hmm, ikaw, na-miss mo ako?" He raised his brow.

Napalunok ako, suminghap at tumitig sa kanya. Nag-aantay siya ng sagot ko at nahihiya akong tumango.

"O-oo, siyempre..."

"Hmm," he leaned in on his seat and crossed his arms on his chest. "Siyempre ano?"

"Siyempre...na-miss kita," maliit kong sagot.

His eyes glistened. A wide smile escaped but he bit his lip.

"Really?"

"Hmm..." I nodded.

"'Di na ako pilay," biglang bida niya sa akin.

"At talagang pipilayan ka ni ma'am, Cap, kapag 'di ka tumulong sa group work!" Biglang lumitaw si Josh na nakabusangot pero ngumisi nang makita ako. "Oh, hi, Lia!"

"Hi." I smiled.

"Ang blooming natin ngayon, ah? Parang habang tumatagal—"

"May group work, 'di ba?" Atlas suddenly hissed, tumayo na at lumapit kay Josh.

"Ku-kumustahin lang—"

"Hi, Lia!" Biglang lumitaw si Ted na malaki ang ngiti. "Sabay ulit tayo uwi?"

"Anong sasabay?" singit ni Atlas kaya napatingin kami sa kanya.

"Sa pag-uwi, magkapit-bahay lang naman kami—"

"May group work daw! Bakit ba kayo nandito?" he spat, his thick brows furrowed.

"Ku-kumustahin nga lang si Lia," ani Ted. "'Tsaka sabay kami—"

"Sumbong ko kayo kay ma'am, puro kayo chika, sa halip na tumulong sa group work!" he muttered, annoyed.

"Luh, si Cap..." Josh frowned. "Akala mo siya 'di naunang pumunta—"

"Ma'am, 'di tutulong si Josh at Ted," pasimula niya kaya nagmura ang dalawa at sumunod, natawa na lang ako nang ang nakasimangot na si Atlas ay ngumiti nang mahuli akong nakatingin at kumindat.

"Later," he mouthed and waved adorably.

After minutes of reading, I felt quite sleepy and exhausted. Malamig din ang aircon sa library kaya inantok akong lalo at isinara ang libro.

I rested my head on the desk, muttered a small prayer, and found myself dozing off to sleep.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang kung ano sa daliri ko. My forehead creased as I slowly opened my eyes and a gasp left my lips when I met Atlas' dark eyes staring at me.

Nakatagilid din ang mukha niya sa lamesa pero nakaharap sa pwesto ko. Kumalabog ang puso ko, sa gulat ay 'di pa ako nakagalaw kaagad.

"You slept well?" His baritone voice echoed.

"N-nakatulog pala ako," I whispered. "S-sorry."

"It's okay," he said in a low voice, ang isang kamay ay inangat para tanggalin ang iilang hibla ng buhok na nahulog sa aking mukha at inilagay sa likod ng tainga.

"S-salamat," I said. Umayos ako ng upo at nagitla nang may kung anong mahulog sa balikat ko, kukunin ko sana pero 'di ko nagawa nang dumako ang tingin ko sa kamay kong nasa desk.

My palm was under his with our fingers intertwined. My heart lurched out of my chest. Natanto niyang nakatingin ako roon at gulat kaya siya na rin ang kumuha ng kamay niya.

"Um, malamig kasi ang kamay mo sa aircon, p-pinainit ko lang," tikhim niya.

"Uh..." I nodded, tumingin ako sa upuan at nakitang jacket niyang itim ang naroon kaya nilingon ko siya. "Sa 'yo ba 'to?"

"Yeah." He licked his lips and brushed his hair with his fingers. "I saw you shivering and thought I could lend you my jacket."

Good Lord, what did I do to deserve this? Bakit sunod-sunod na kilig naman po? Kaya ba 'to ng puso ko?

Inayos ko ang jacket at inabot sa kanya.

"Salamat," mahinang sabi ko. "Ang group work n'yo?"

"Ayos na." He smiled.

"'Di ka pa umuwi?" sumulyap ako sa orasan at nakitang mag-a-alas singko na ng hapon. "Tapos na ang period mo, 'di ba?"

"Well, yeah..." He licked his lower lip. "I should but you're sleeping, I couldn't leave you here alone."

"Kaya ko naman," I said. "'Tsaka safe naman dito sa library."

"I know. But I just can't leave you, you look like an angel while sleeping, I don't have the heart to leave you alone."

My fingers twitched. Kumuyom iyon at nginitian siya.

"Salamat, Atlas."

"Well..." He played with my pen and glanced at his watch. "Pauwi ka na?"

"Oo," I answered, inayos ang mga libro ko at inabot niya sa akin ang ballpen.

"Uh, before you go, can I at least treat you? Ano, kwek-kwek sa may labasan?" aniya kaya sumulyap ako sa kanya pagkatapos i-zipper ang bag.

"Para saan?"

"Nothing, kasi 'di ba, we have secrets to keep. Isa pa, ang patapon ko no'ng pilay pa ako and I'm positive I ruined your view of me. Baka akala mo wala ako sa sarili. 'Di naman ako gano'n sa tunay na buhay, Lia."

Natawa ako. "Ay, hindi ba ito totoong buhay?" I teased. Namula siya.

"I-I mean, under maintenance lang talaga 'yong utak ko minsan. Kaya nga ti-treat kita para ma-reset ang view mo sa 'kin. Maayos naman kasi talaga ko, Lia." Kumbinse pa niya.

Nagpigil ako ng tawa at frustrated siya kakapaliwanag.

"Kaya babawi 'ko. Libre kita! 'Yong mga katangahan ko last time? Kalimutan mo na. Last na 'yon! Baka na-turn-off ka na nga—"

"I am not," agap ko. Natigilan siya at nagpigil ng ngiti kaya napatungo at humawak sa batok.

Ang sarap tuloy sapuin ng mukha para titigan kung paano mamula. Sumulyap siya no'ng maka-recover. 'Di ko inasar.

"Kahit na, ano, can I treat you?" He asked hopefully. "Please? Please, Lia?" Ngumuso pa siya, nagpapa-cute.

S'yempre, si Amalia lang ako! Kapag dating kay Atlas wala na! Ibibigay ko lahat! Pati sahog ng melon!

"S-sige," I agreed.

"Yes!" he chirped with conviction and even raised his fist.

Nang tumayo ako ay gano'n din siya. Ipinatong niya ang jacket at isinukbit niya ang bag sa balikat.

"Give me your bag," he showed me his palm.

"H-huh? Hindi na." Marahas akong umiling.

"Come on, Lia," he insisted. "Sige, ano, kahit 'yong libro mo na lang?"

"Bakit?"

"Because I want to help you carry those." He scratched his head shyly. "Gusto kong bumawi sa 'yo, 'di na ako pilay, I can finally show you my version 2.0."

I remembered it, natawa na ako kaya sumang-ayon at inabot sa kanya ang dalawang libro.

"Ayan lang, kaya ko naman ang bag,"

"Yes, Ma'am!" Sumaludo pa siya at hinawakan ang siko ko.

Nag-time-out kami sa log book bago lumabas, malamig na ang simoy ng hangin sa corridor kaya lumipad ang buhok ko. Sinakop ko iyon, inilagay sa balikat at nakitang nakamasid sa akin si Atlas kaya ngumiti ako.

He looked stunned yet he managed to smile back. Sabay kaming bumaba sa hagdan at nakita kong napatingin pa ang ibang seniors dahil magkasama kaming dalawa pero walang sinabi dahil si Atlas ang kasama ko.

Binati siya ng iilang kakilala na nakakasalubong. May mga dumadaang sasakyan habang papalabas kami ng school at nakita ko ang pagdiin ng hawak sa siko ko ni Atlas kaya sumulyap ako sa kanya.

"Palit tayo," aniya at nagtaka ako nang inilagay niya ako sa kabila at lumipat sa kaninang pwesto ko.

Noong una ay nagtataka pa ako pero nang matantong iginilid niya ako sa mga dumaraang sasakyan ay napangiti.

A gentleman.

Kaya 'di talaga ako masisisi kung matagal na kitang pangarap, e.

Nagtungo kami sa may street food sa may labas ng school, kaunti na lang ang tao kaya 'di na nahirapan.

"Anong sa 'yo?" Atlas asked noong nasa tapat na kami.

"Um." Sumulyap ako sa paninda at tinuro ang gusto. "Kwek-kwek lang 'tsaka fish ball."

Inilapag niya ang libro ko sa may gilid at nagpresintang siya na ang kukuha ng pagkain ko. While watching him, I couldn't help but praised him more. I couldn't help but fall for him more.

This might be just my young heart speaking but the gentleness he'd been showing me was more than I expected him to be.

Walang kahit sinong gumawa nito sa 'kin. Siya lang.

"Here." He smiled at kaagad kong tinanggap ang plastic cap ang ngumiti.

"Salamat,"

He nodded. Kumuha rin siya ng kanya at napasulyap ako sa puno ng Narra at napangiti.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Mas pipiliin ko pa rin talaga ang probinsya kaysa sa kahit anong lugar.

"Kuya, dalawang palamig, 'yong melon," aniya sa tindero na mabilis tumalima.

We began eating, nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na natawa nang mahuli ang isa't isang nakanganga at susubo ng kwek-kwek.

"Masarap?" he asked and I smiled, nodding.

Mas masarap kasi ikaw ang nagbigay.

"Oo," I chirped. Tumaas ang kilay niya't naging mapaglaro na naman.

"Fast talk tayo, Lia. Atlas o kwek-kwek?" biglang sabi niya at nagulat ako roon at napasagot bigla.

"Mas masarap ka, siyempre!" I exclaimed.

He grinned. Nag-init ang pisngi ko at narinig ko ang tawa ng tindero sa aming dalawa.

"I-I mean..."

"Mga bata talaga," tawa ni Kuya kaya tumikhim ako at kinuha ang melon at ininom.

Atlas' eyes and mine clashed, may naglalaro pa ring ngiti sa labi.

"Fast talk ko sarili ko, melon o Lia? Siyempre si Lia." He even winked at me at nakagat ko ang labi ko at ibinaba ang melon.

"A-ano ba!" I hissed. He laughed and pinched my cheek.

"Pinapatawa lang kita," aniya at pinagmasdan ako.

I shook my head. "Ikaw talaga."

Inayos ko ang plastic cup, kinain ang fish ball na naroon at pansing napatitig si Atlas sa akin pagkatapos niyang kainin ang kwek-kwek.

His forehead creased, kumuha siya ng tissue bago lumapit at ipinunas sa gilid ng labi ko.

"There's a stain," he informed me.

"Salamat," masaya at kinikilig kong sabi.

Nagpa-refill siya ng melon at kinuhaan pa ako ng kikiam naman habang kwek-kwek ang kanya. Nilagyan niya ang akin ng sauce at habang nag-aantay siya ng refill sa pagkain niya ay inaabangan niya ako.

Kapag may kalat, mabilis na pupunasan niya ang gilid ng labi ko. Noong una ay hindi ko sadya pero no'ng nagustuhan ko ay sinasadya kong medyo mag-iwan ng sauce sa labi ko para punasan niya.

Si Amalia pala ay medyo malandi rin! A voice chanted in my head accompanied by a maniacal laughter.

Inabot ni Atlas ang ibinigay na pagkain ni kuya. He ate the kwek-kwek but noticed na wala pa lang sauce ang pagkain niya.

"Stain," he said and wiped the side of my lip.

Bumaling siya sa may sauce pero mabilis akong naglagay ulit ng kaunting kalat sa may labi ko.

"A-Atlas, um, may s-sauce ulit," I said and he became distracted, bumaling siya sa akin, ang tissue ay inangat sa may labi ko at habang naka-focus doon, ang kwek-kwek na nasa stick ay inilagay niya sa sawsawan na hindi tumitingin.

"There."

"Salamat." I smiled.

He nodded, kinain niya ang kwek-kwek at bumaling kay kuya na nanlalaki ang mata at nakatingin kay Atlas na ngumunguya pa ng kwek-kwek.

"Hijo..." aniya.

"Hmm?" Atlas said and ate another one but froze while chewing it.

"Sawsawan iyon ng sandok, hijo, hindi sauce," ani kuya at natulala si Atlas. Ako nama'y bumaba ang tingin sa mga lagayan doon at umawang ang labi nang matantong tama siya.

"Ay, maling sawsawan. Atlas Montezides AKA boplaks..." Hagalpak ng tawa ang narinig namin at nakita ko si Heart sa likuran na humahagalpak habang Josh ay nakanganga lang sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co