Truyen3h.Co

Brave Hearts (Published Under LIB)

Simula

heartlessnostalgia

[REVISED EDITION, 2024]

˙⟡⋆˙

Simula

"LIA, anak, ang bilin ko, ah?" Napangiti ako sa sinabi ni Nanay.

"Opo." Sinulyapan ko siya.

Nag-check muna siya kung kumpleto ang dala ko bago ibinigay sa 'kin. Kumaway ako.

"Manunuod ka lang, bawal tumakbo at sumali, naiintindihan mo?" pahabol niyang sigaw bago ako makaalis.

"Opo, Nay! Manunuod lang!"

"Ang gamot!" pahabol pa niya. Tumango ako at nag-thumbs-up.

Pinagmasdan niya akong papalayo at kumakaway ako umalis papunta sa nakaparadang traysikel na maghahatid sa 'kin sa eskwela.

"Amalia, magandang umaga!" bati ng suki kong driver.

"Magandang umaga po," bati ko bago pumasok.

"Sa Carig?" Dungaw niya sa 'kin. Tumango ako at nagpapuno kami saglit bago umandar.

Nakaupo ako malapit sa pintuan ng traysikel kaya kitang-kita ko ang matataas na puno ng niyog at mga puno ng Narra habang nasa biyahe, ang malamig at mabangong samyo ng hangin ay tumama sa mukha.

What a beautiful day.

Humugot ako ng hininga habang nakatitig sa daanan at marahang hinawakan ang dibdib kung nasaan ang aking puso. Napangiti ako bago marahang pumikit.

Panginoon, maraming salamat sa panibagong umaga. Salamat at buhay pa rin ako.

Nang marating ang eskwela ay nagbayad ako at nagtungo sa arch entrance papasok sa university.

Napangiti kaagad ako nang madatnang nagkakasiyahan ang mga tao, ang iba ay may hawak na mga banner at pom-poms para sa basketball game mamaya. Ang iba ay naghahanda para sa mga booth at ang iba ay sa ibang palaro.

Today is the foundation day, the most awaited program every year.

Ang araw na kung saan masaya ang lahat at walang iisiping aral. Once a year lang kaya kahit 'di man ako makasali sa events, masaya namang manuod.

"Uy, Amalia! Magandang umaga, hija!" bati ng guard pagkakita sa akin na kaagad kong nginisian.

"Magandang umaga po, Kuya Tonyo!" Kumaway ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa eskwela.

Humigpit ang hawak ko sa aking backpack nang makita ang mga cheerleaders na nag-eensayo sa kanilang routine.

Wearing a red and black ensemble uniform and in their high ponytails, sobrang nakakamangha sila. Matatangkad, magaganda, habulin ng juniors at kahit ng mga seniors at college.

Nakakainggit.

"Hoy, bawal bata rito!" Napunta ang tingin ko sa leader ng pep squad na nakangisi habang nakamasid.

"Gusto yata maging cheerleader," tawanan ng iba sa may bleachers at miski ang nagpa-practice ng routine ay napatigil para pagmasdan ako.

"Gusto mo sumali? Tara, Argueles!" sigaw ng isang senior, nakangisi. "Ikaw ang ihagis!"

I suddenly felt embarrassed. Napatungo ako at mas humigpit ang hawak sa backpack at suminghap.

"P-pasensya na po," mahinang sambit ko at mabilis na naglakad paalis.

I can hear their faint laughter kahit malayo na ako kaya napatungo na lang ako.

Nagtungo ako sa quadrangle at nakita ang mga booth na itinatayo ng iba't ibang batches simula sa grade seven hanggang sa senior high.

Ang mga kaklase ay abala sa marriage booth, kami kasi ang naka-assign doon at gustong-gusto kong lumapit para tumulong, pero alam ko namang hindi nila ako papayagan.

Pero kahit gano'n ay nakaka-excite mag-ikot mamaya kapag nakumpleto na.

"Oh, huli ka, Argueles!"

Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa braso ko.

"H-huh?" I looked around and saw the students from grade ten. They grabbed my arms. "Bakit?"

"Nakasuot ka ng relo!" Ray, said.

"Huh? Hindi ito relo, para to sa pag-mo-monitor sa—"

"Daming arte, parehas lang iyon!" Tawanan nila. Suminghap ako.

Inilagay nila ako sa jail booth at napailing ako, humalukipkip at napatingin sa mga lubid na harang kung saan nila ako inilusot.

"Seryoso ba 'to?" tanong ko.

"Swerte mo at ikaw ang unang preso,"

Swerte? Kailan naging swerte?

"Sige na, palabasin n'yo na ako," pakiusap ko at humawak sa lubid pero natawa lang sila, naaaliw na ako ang unang biktima ng booth nila.

"Hanap ka munang kakilala na magpa-piyansa sa 'yo," ani Ray.

Piyansa? As if namang mayro'n?

"Magkano?"

"Bente," aniya at napailing ako. Kinuha ko ang wallet para magbayad pero i-aabot ko pa lang ay nagsi-ilingan na sila.

"Bawal ang piyansa sa sarili,"

"Alam n'yo, walang magpa-piyansa sa akin dito," paliwanag ko at naupo sa plastic na upuan.

"Wala ka bang kaibigan? Ayon ang mga kaklase mo, 'di ba? Kapag may dumaan tawagin mo," ani Mark.

"Una sa lahat, walang magtatangkang magbayad para sa 'kin," paliwanag ko.

"Kaibigan? 'Wag mong sabihing wala kang kaibigan?" Umiling ako kasi totoo naman.

May mga kaswal naman akong kausap pero hindi darating sa point na sobrang lapit ko na sa kanila. Impossible iyon sa lagay ko.

No one had the guts to be friends with me. Well, kung mayro'n mang iilan, aayaw din dahil KJ daw ako.

"Ako na nga," mahinanhon kong sabi.

"Sige, kapag wala pang nag-piyansa sa 'yo ng isang oras, laya ka na,"

Sayang sa oras.

Sobrang bagot na ako matapos lang ang isang oras. May mga kasama rin naman akong nahuhuli pero may nagpa-piyansa at ako na lang ang naiwan.

Sumulyap ako sa card board doon sa gilid at napasimangot nang makita ang mga criteria para maturing kang preso.

1. Relo

2. Backpack na pula

3. Headband na pink

Seryoso ba? Malamang, halos lahat ng tao ay nakaganyan!

"Boring naman nito, wala talagang nag-piyansa sa 'yo?" ani Mark na dinungaw ako.

"Sabi ko na, 'di ba?"

"Palayain na natin, kawawa naman," tawa ni Ray. They opened the booth to let me out pero nagulat pa ako nang humarang si Mark.

"Bayad bayad," aniya at napasinghap ako.

"Akala ko ba isang oras lang tapos p'wede na?"

"Siyempre, nakulong ka," tawa ni Mark at naiiling ay inilabas ko ang wallet at nagbayad ng bente.

Napanguso ako nang makitang naglalabasan na ang mga estudyante para mag-ikot sa mga booth.

Ang saya-saya nila, may mga cellphone at kumukuha ng litrato. Nagsasaya, samantalang ako...

Napailing na lang ako, napangiti nang malungkot at mahigpit na hinawakan ang backpack.

Sumulyap ako sa clinic at papunta na sana doon nang magkagulo ang iilang estudyante.

"Ayan na!" they cheered and stepped back carelessly.

"Aray!" singhap ko nang may makatapak sa paa ko pero wala silang pakialam na may natatamaan.

Hahayaan ko na sana at aalis na lang nang matanto kung sino ang dadaan at nagkakagulo.

Kagaya ng mga babae ay natigilan ako, napatitig sa mga daraan at nanuyo ang lalamunan nang makita ang varsity.

Lahat sila ay naka-jersey pa, naka-shorts at rubber shoes. Paniguradong maghahanda na sa paparating na game mamaya.

They all looked good and handsome yet that one man caught my attention.

He's tall, maybe around 5'9. Hapit ang suot niyang puting shirt at magulo ang maitim na buhok. May maliit na ngiti sa labi niya habang kausap ang team at hawak sa isang bisig ang bola na gagamitin sa laro mamaya.

"Atlas! Good luck! Galingan n'yo!" the girls in front cheered. He shifted his gaze.

His lips curved into a smile and I saw how his black eyes glistened as he nodsed at them.

"I will," he said, smirking. My heart's pace spiked.

"Mahal ka namin!" the group chirped, lifting the banner kahit wala pang game at tinatawag ang atensyon niya.

"Sige, papanalunin namin 'to," he even reassured with a silly, handsome smile. "Right, team?"

"Oo naman!" his team agreed, earning cheers from everyone.

Nang makaalis na ang team ay nawala na rin ang mga grupo pero ako'y nanatili, nakahawak sa puso at nagmamasid habang papalayo ang team.

Atlas Montezides. Ano kayang pakiramdam maging malapit sa 'yo?

Nang matanto na kahibangan na naman ang naiisip ko ay tumungo ako at napailing na lang.

Amalia, nangangarap ka na namang gising?

Pumunta na lang ako sa clinic para tumulong sa nurse.

"Oh, Amalia, hija? Napadaan ka?" the head nurse, Nurse Anna, asked.

"Ay, hindi po, tutulong lang saglit. Wala naman pong ginagawa."

"Oh, hindi ka tumulong sa booth?"

"Hindi po ako pinapayagan, e," sabi ko at nakita ko ang paglambot ng mata niya bago ngumiti at tumango.

"Oh, siya, sige. Tulungan mo na lang kami rito maghanda at paniguradong may madadala na naman dito, lalo na at may basketball."

Ngumiti ako at tumango, tumulong sa kanya at sa mga student assistant nurse na mag-asikaso ng gamit. Madalas na rin kasi ako rito. Well, palagi akong dinadala rito kaya naging malapit na sa aking ang mga nurse na naka-duty.

Matapos kong tumulong ay nagpaalam akong manunuod muna ng game. May kakaunting nakatoka sa booth no'ng dumaan ako pero walang estudyante at marahil ay nasa game.

Siguro 'kong nag-umpisa na ang laro dahil sa ingay nasa labas pa lang ako ng gymnasium. Nang inikot ko ang tingin ay mas lalong na-excite nang makitang punong-puno ng mga estudyante ang bleachers, nagtsi-cheer at tumitili.

The team from our university was wearing a mix of black and red jerseys, at nakasulat pa roon ang pangalan nila.

PHOENIX

I smiled. Kaagad na naagaw ng pansin ko ang tumatakbo sa gitna at ngayon ay may hawak at nag-di-dribol na ng bola.

"Go, Atlas! Team Phoenix for the win!" the students sang, raising their banners. Sa kabilang part ng bleachers ay ang mga cheerleader at and mga nanunuod at sumusuporta sa kalaban ng aming team.

The game was so intense. Napapasigaw ako habang pinagmamasdan ang mga takbo at pag-shoot nila ng bola pero hindi matanggal ang tingin sa team captain.

Atlas looked so handsome running across the court. Even if he was sweating, he looked great, shining. His wet black hair was disheveled, his smile despite the other players hitting him was contagious. Nang ipasa niya ang bola sa kasama ay nakita ko ang pagbasa niya ng labi at pagsuklay gamit ang daliri sa buhok.

"Captain!" sigaw ng team niya at maya-maya ay nasa kanya na naman ang bola.

I loved how the muscles on his arms stretched while he dribbled. Malalim na ang paghinga niya at bahagyang nakaawang ang labi pero ang gwapo pa rin sa paningin ko.

Oh. Amalia was daydreaming again. Too bad hanggang panaginip na gising ka lang.

"Go, Atlas! Buhatin mo ako!" sigawan ng cheerleader na nag-uwi sa tawanan.

His lips twitched to a manly smirk. He glanced at where the cheers came from at miski ako ay kinilig nang kumindat siya roon.

Then, one of their opponents came his way. I saw how fast Atlas moved, his long legs strode on the court and ran around like it was a dance. Like a pro, he moved away from the opponent team while dribbling the ball.

Maraming humaharang pero mabilis siyang nakakaiwas at miski ako ay tumigil ang paghinga nang makitang sampung segundo na lang ang timer.

"Atlas! Atlas!" they cheered and my eyes widened when I felt the tension in the way his jaw clenched.

Mas bumilis siya at natahimik ang buong court. Miski ako ay parang lumabas ang kaluluwa sa katawan nang sa isang mabilis na galaw ay naipasok niya ang bola sa hoops.

"Oh my God!" I screamed.

Nagsigawan ang mga tao sa tuwa pero kaagad na napawi nang sa pag-atras ng nakangiting si Atlas ay natulak siya ng kalaban at nawalan ng balanse.

Napatayo ako nang malakas ang naging bagsak niya at ilang sandali pa ay hawak na niya ang kanyang paa.

"Oh God, Atlas!" the students cheered.

I saw their coach run to him at miski ako ay gustong lumapit dahil sa pag-aalala ay hindi ko nagawa sa dami ng umpukang tao.

"Tara, Lia." Nagitla pa ako nang biglang lumitaw si Nurse Anna.

"P-po?"

"Tara, tumulong tayo para dalhin sa clinic," aniya at hindi na ako nakapagsalita nang iabot niya sa akin ang emergency kit at humawak para isama ako sa imbak ng tao.

"Excuse me," aniya at hinawi ang mga nakikiusyoso.

Parang nadurog ang puso ko nang makita si Atlas sa lapag, hawak ang paa at bakas ang sakit sa mga mata pero pilit na pinapagaan ang sitwasyon.

"Kaya ko, Coach. Kaya ko pa nga maglaro," he said lightly, masking the pain with his smile, trying to stand yet he fell on the ground again.

"Atlas, ang kulit mo, sabing..."

"Kaya ko nga, Coach."

But his coach shook his head and glanced at the nurse.

"Nurse, dalhin na natin sa clinic," he said.

"Pero Coach—"

"Manahimik ka, Montezides," the man hissed and helped him stand.

Nurse Anna immediately went to his side and his coach too, ako naman ay may hawak ng emergency kit at napasinghap pa nang mapansing malapit kami sa isa't isa ngayon na naaamoy ko siya.

He smelled nice despite the sweat. Kita ko ang pag-ngisi pa niya roon pero napapangiwi nang itapak ang paa.

"Sinasabi ko kasi sa 'yo!" pagalit ng coach niya.

My heart stopped when our eyes met. Kita ko ang pagkunot bahagya ng noo niya nang mapansing nasa harapan niya ako. Marahas akong napalunok.

His dark eyes are intense. It was jaw-dropping. His jaw moved and I got to see his parted red lips and aristocratic nose up close.

"Excuse, Miss." Napatalon lang ako sa gulat nang magsalita ang coach. Napagilid ako.

They walked, nakaalalay kay Atlas na naiwan pa ang tingin sa 'kin..

Nakasunod ako sa head nurse at coach na dala si Atlas palabas, tahimik na nakamasid sa kanyang likod at ramdam na ramdam ang pagtalon ng puso.

I glanced at my smart watch. Paano kung tumunog ito habang nakasulyap ako sa kanila?

Nakakahiya kung sakali.

I watched his masculine back and smiled when I saw his name.

Montezides

10

I quietly giggled. Nang makarating sa clinic ay nakita kong namula at nagulat ang student assistant na nurse nang makita ang pasyente.

"Coach, ayos nga—"

"Isa, Montezides. Iba-ban kita sa laro," he hissed. Atlas pouted and scratched his brows.

Tahimik akong naupo sa upuan ng nurse katapat ng kama kung nasaan si Atlas dahil wala naman akong maitutulong.

Nurse Anna and his coach talked on the side. The assistant nurse was quiet yet blushing while checking on Atlas, who was now smiling a bit.

"Bukod po sa paa, Sir, maayos naman po ba ang pakiramdam?" tanong ng nahihiyang nurse.

"Hmm, ayos naman." He smirked, placing his hand on his jaw. "Nurse, paki-check naman ang mukha ko."

She froze and looked at him who was smiling cockily.

"Gwapo pa rin naman, Miss, 'di ba?" He smiled cutely and the nurse looked like she's gonna faint.

"Y-yes, Sir," amin nito at kinagat ang labi.

I frowned, but I admit he was really handsome. Can't blame her reaction.

"Uh, e-excuse me po muna," the nurse stammered and left. Atlas' smile widened. He shook his head while glancing at his injured foot.

I just watched him quietly. He tilted his head and my breath got caught off my chest when our gazes clashed. Dali-dali akong nagbaba ng tingin at tumitig sa mga papel sa harapan ko.

He didn't say anything, makalipas ng ilang segundo ay nag-angat ako ulit ng tingin at pinagmasdan siya pero saktong lumingon siya't nagkatitigan kami.

Trumiple ang kalabog ng puso ko at nag-panic na nagbaba ako ng tingin.

Oh, God. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko!

Tumitig ako sa papel ng matagal, inaantay na mawala ang pansin niya sa 'kin at makalipas ng ilang segundo ay nag-angat pero parang gusto na lang lumubog sa lupa nang matantong nakatitig siya at nag-aantay sa tingin ko.

I froze. Nanlaki ang mata ko at marahas na napalunok.

"Gwapo ba, Miss?" he asked me, a playful smile on his lips.

"H-huh?"

"Gwapo ba? Kanina ka pa kasi nakatitig." He smiled, his brow shooting up as he crossed his arms in his chest.

Hindi ako nakapagsalita, halos hindi na rin yata humihinga, lalo na nang binasa niya ang labi niya.

"Breathe, Miss. Ako lang 'to," he said and winked at me.

My smart watch made a loud sound, making me gasp. I touched my chest with my heart beating wildly and harshly.

I like you, but Atlas, you're such a playboy. You're too bad for my brave heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co