Brave Hearts (Published Under LIB)
Kabanata 1
Kabanata 1
"LIA, ayos ka na?" ani Nurse Anna.
"Opo," I muttered, smiling hesitantly.
They helped me lay down on the bed and my eyes landed on Atlas. Abala siya sa pagpilit na pagtayo para silipin ako pero hindi magawa dahil sa pagpigil sa kanya ng coach.
"Atlas!" he hissed.
"Coach, sisilipin ko lang—"
"She's alright, okay?" paliwanag ng coach.
"No, her watch—"
"Okay ka lang, Miss, 'di ba?" the coach asked, sumusulyap sa akin kaya mabilis akong tumango.
"O-opo..." I nodded. Nangunot ang noo ni Atlas.
"Really? Your—"
"A-ayos lang po ako," agap ko.
"Sabi ko sa 'yo, e," ani ng coach pero seryosong nakatitig pa rin sa akin si Atlas.
Tumikhim ako, nag-iinit ang mukha at nag-iwas ng tingin para uminom ng tubig para iwasan siya.
Kakakalma ko lang pero nagsisimula na naman ang malakas na pintig ng puso ko. Pasimple akong sumulyap sa kanya at nagsalubong ang mata namin. Napaubo ako nang malakas nang pumasok ang tubig sa ilong ko at napahawak sa lalamunan.
"Amalia!" Nurse Anna called worriedly. Mas humawak pa ako sa lalamunan at nakita ang akmang pagtayo ni Atlas habang kunot ang noo.
"A-ayos lang po ako," sabi ko nang mahanap ang boses pero patuloy pa rin ang pagsubok ni Atlas na tumayo nang mahuli siya ng coach.
"Montezides!" Nakita ko ang pagbalik niya sa pag-upo nang bahagya siya itulak pabalik.
"She's—"
"A-ayos lang po, pasensya na," mahinang sabi ko, hiyang-hiya habang tumutungo.
Ano bang ginagawa mo, Lia? Buong araw kang pinapahiya ag sarili!
"Lia, ayos ka lang?" ani Nurse na hinaplos pa ang likod ko. Tumango ako.
"N-nabilaukan lang po,"
"Oh, sige, siya, maupo ka muna at magpahinga,"
The assistant nurse helped me. Sumandal ako sa may headboard at napansing nawala na sa akin ang atensyon ni Atlas kaya nakahinga ako ng mas maluwag.
I smiled.
At least, kahit papaano ay mayro'n. Kahit saglit.
Nakita kong binatukan ng coach si Atlas kaya napanguso ako. Inayos ni Nurse Anna ang kumot sa hita ko at inabot sa akin ang bag ko.
"Magpahinga ka muna,"
"Salamat po,"
Iniwan niya ako para asikasuhin ang gagamitin kay Atlas.
"Coach, ayos na rin ang paa ko, baka p'wedeng maglaro—"
"Subukan mo, Montezides at ako pa mismo ang puputol sa paa mo!" iritadong sabi ni coach sa kanya.
His lips protruded, napahawak sa batok at suminghap.
"Coach!" he whined.
"Hindi, ipagpahinga mo 'yang paa mo o ikaw pagpapahingahin ko buong taon sa laro," panakot ni coach at bumaling kay nurse. "Nurse Anna, ikaw na muna bahala sa pasaway na 'to, ongoing pa ang game, bibisitahin ko lang ang team at baka magpatapon na kasi wala ang pabida nilang captain—"
"A-anong pabida? Coach!" reklamo niya, kunot na ang noo at nakanguso.
Napangiti ako at bahagyang dinama ang puso at siniguradong kalmado na ako.
"Aba, manahimik ka at totoo naman!" he exclaimed. "Nurse..."
"Don't worry, akong bahala," ani Nurse Anna.
Nakagat ko ang labi nang batukan ulit ng coach si Atlas at mas nagreklamo ang huli.
"Coach!" Sinipa pa niya ang paa pero napangiwi nang sumakit ang paa. "A-aray..."
"Ayan, mabuti nga!" halakhak ni coach. Natawa rin si Nurse Anne kaya nahawa ko't natawa rin ng mahina.
I froze when Atlas suddenly looked at me, nahuli ang tawa ko. Nanliit ang mata niya sa akin kaya napatakip ako sa bibig ko at biglang natahimik.
"Pati ba naman ikaw?" He pouted more.
"Sige na at mauuna na ako!" tawa ng coach at umalis sa clinic.
Nanatili akong nakatakip sa bibig ko habang nakatitig pa rin. His black eyes were playful and I find it hard to breathe again.
"S-sorry," I stammered, ashamed.
"'Wag mong takutin Atlas." Tawa ni Nurse Anna. Napanguso si Atlas.
"Grabe, Nurse, tinitigan lang tinatakot agad? Akala ko kakampi ko, e," ungot niya kaya mas natawa si nurse at bumaling sa 'kin.
"Anyway, Lia, kilala mo na si Atlas, 'di ba?"
Kilalang-kilala, nurse! Muntik ko pang isigaw pero kinagat ko ang dila.
"O-opo." Tumango ako.
Atlas' intense stares made my heart leap again. Tumikhim ako't nagbaba ng tingin nang 'di na kinaya iyon, natatakot na mamula ang mukha.
"She's Amalia, Atlas," ani Nurse Anna kaya muli akong napasulyap kay Atlas na tumango at seryosong nakatingin pa rin sa akin.
"Amalia..." he said, and my name sounded so good when he was the one saying it.
Sa totoo lang ay hindi ko talaga gusto ang pangalan kong buo at mas gusto kong Lia na lang, pero bakit noong narinig ko ito sa kanya ngayon ay parang ang ganda sa pandinig?
He was good-looking, just like his brothers. Mapupula ang labi, seryoso minsan at mapaglaro ang malalim at itim na mga mata, magulo ang buhok at nang tumaas ang sulok ng labi niya ay mabilis akong nagbaba ng tingin.
Ano ba, Lia! Dalang-dala ka na naman?
"Ah, pagpasensyahan mo na, hijo, at mahiyaan talaga iyang si Lia," Nurse Anna said.
"I see."
I bit my lip. Para makaiwas ay pasimple akong humiga sa kama at binalot ang kumot sa katawan.
"P-papahinga po muna ako," mahinang paalam ko.
"Sige, Lia. D'yan ka muna at aasikasuhin ko muna itong pa ani Atlas," aniya at hindi na ako lumingon.
I tried sleeping but I couldn't. Tahimik lang ako habang nakatitig sa pader pero ramdam ko ang presensya ni Atlas na isang kamang walang tao lang ang pagitan mula sa 'kin.
"A-aray, Nurse, masakit..." reklamo ni Atlas.
"Namamaga ang paa mo, Atlas, ano ba ang nangyari?"
"I twisted my ankle, I think," he answered.
"Sa susunod ay mag-ingat ka, okay? Tignan mo ang tinatakbuhan mo, noong nakaraang taon na-sprain ka rin," paalala nito.
"I did, tinulak lang ako. Hindi ko alam kung sino 'yon."
Tumawa si Nurse Anna.
"Sige, basta ay mag-iingat ka sa susunod, ah? Mahirap na at baka mas maging malala ang bagsak mo. Mabuti ay sprain lang ulit, pagpahingahin mo itong ng ilang araw o linggo hanggang sa mawala ang pamamaga."
"Opo. Sayang lang talaga ang game."
"Hayaan mo na 'yon, ang mahalaga ay maayos ka. Kaya ng team mo 'yon,"
"Well, I hope we'll win." He sighed.
"Of course, bago lang yata iyong kalaban n'yo, ngayon lang nakadayo rito sa atin. Naniniwala naman akong mananalo kayo,"
"I hope so..."
"Kumusta na nga pala ang mga kuya mo?" I heard her asking at mas naging kuryoso ako, gumalaw akong kaunti para umikot paharap sa pwesto nila pero nanatiling nakapikit at nagpapanggap na tulog.
"Sino roon? Si Kuya Hunter?" he asked.
"Oo, kumusta na ang kuya mo?"
"Nandoon, pinapaasikaso ni papa ng rancho, si Kuya Damon naman ay abala rin," he answered.
I slowly opened my eyes, trying to just take a quick peek when he caught me.
His lips twitched. He winked at me and my eyes widened.
Nagpa-panic at mabilis na ipinikit ko ang mata at narinig ko ang mahina niyang halakhak.
Oh my God! He caught me looking!
"Bakit ka tumatawa, Atlas?" Nurse Anna asked.
"Nothing," he answered, still chuckling.
"Nurse Anna, pinapatawag po kayo saglit ni coach!" ani ng assistant kaya mas 'di na ako mapakali.
Hala! Dapat umalis na lang ako kanina! Bakit pa kasi 'ko lumingon?!
"Sige, papunta na. Sandali lang, hijo, idiin mo lang itong compress sa namamagang parte para umayos ang takbo ng dugo, babalik ako."
"Alright, thanks," he said.
Narinig ko ang paglakad palabas ng nurse. Humigpit ang hawak ko sa kumot, mariing pumikit at mas nag-init ang pisngi.
Nahuli ako! Nalaman niyang nagpapanggap akong tulog!
Slowly, umikot ako, dahan-dahang haharap sana pabalik sa pader nang magsalita siya.
"Lia, right?" his baritone voice echoed. Nagsitaasan ang balahibo ko.
Natulos ako, nakatihaya na at parang tuod na hindi makagalaw.
Anong gagawin ko? Haharap ba ako o...papanindigang tulog ako?
"I saw you open your eyes, Miss," he said. I gulped harshly.
"T-tulog ako..." I muttered. I tried turning my back when he laughed again.
"Uh-hmm, I see. Tulog na nagsasalita?" he teased. I paused.
Oh my God! Bakit ako nagsalita?
"U-uh, sleep talking," palusot ko pa pero natawa lang siyang lalo.
"Come on, Lia, hindi ka naman tulog, e. Kausapin mo na lang ako, I'm bored," aniya pero hindi ako gumalaw.
"Please?" He sighed. "I'm sad, you know? Dapat nasa game ako pero—"
"O-okay..." Unti-unti akong humarap sa kanya at nakita kong nakangisi siya kaya kumunot ang noo ko.
"H-hindi ka naman mukhang malungkot," I muttered, and slowly, his face fell. Biglang sumimangot.
"Ayan, malungkot na ba?" he asked sadly and a smile rose to my lips.
"P-p'wede na," sagot ko bago marahang umupo sa kama.
Our eyes met again. I noticed he was now wearing a fresh white shirt and basketball shorts, naka-elevate ang paa niya at may nakapatong na hot compress.
"A-ayos ka na?" I asked. His lip twitched.
"Hmm, ako pa ba?" He chuckled. "Lia,"
"H-hmm?" pilit ko pang kinalma ang sarili dahil sa pagkausap niya sa akin ngayon.
"Is it okay if I call you Lia? Amalia is a bit mouthy so..."
"A-ayos lang." Tumango ako ng mabilis at marami pero no'ng natantong excessive na ay tumikhim, nagbaba ng tingin.
"Are you shy?" he suddenly asked. I stiffened. "Come on, Lia. Look at me."
Slowly, I did.
"Bakit?" I asked.
"Wait." He licked his lower lip, inabot ang compress sa paa. "Lalapit ako, I wanna see you properly."
"Huh?" Nanlaki ang mata ko at halos mapatayo nang bigla siyang humawak sa may kama at tumatalon-talon na naglakad sa akin.
"B-bakit...bawal ka pa maglakad!" I exclaimed and stood.
"Shh, ayos lang. Nabuhat ko nga ang mundo, maglakad pa kaya?" He chuckled and I blinked.
Natakot ako kaya bumaba ako sa kama at mabilis siyang inalalayan paupo sa kama sa tabi ng akin. He smelled nice. I almost giggled when I got to touch his arms.
Lia, ano 'yan? Ikalma mo!
"Tulungan kita," I offered.
"Thanks, Lia." He held my hand habang paika-ika at halos tumalon-talon na siya para lang makalakad.
"F-fuck, it hurts..." he muttered harshly and it made me smile.
"Ikaw kasi...p'wede naman mag-usap kahit doon ang pwesto mo,"
I noticed that my head only reached his broad shoulders. He was well-built and had an athletic stance. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya nang kumirot marahil ang paa.
"No, I wanted to see you properly," he said and I stopped myself from smiling.
Kumuha ako ng maliit na upuan, marahang ipinatong ang paa niya at napapangiwi pa siya.
"A-aray...shit, pahamak talaga 'yong tumulak na gagong 'yon," he hissed.
Pinatong ko ang compress sa paa niya at humarap sa kanya. Mula sa seryosong mukha ay bigla siyang ngumiti. "Thanks, Lia."
I shyly nodded.
Naupo akong muli sa kama. Ipinatong ko ang kumot sa hita. Nakatitig lang siya kaya nag-iwas na naman ako, 'di kinakaya ang intensidad ng mga mata niya.
Hindi ako nagsalita, hindi pa rin makapaniwalang narito siya at kinakausap ako. Parang dati...tinatanaw ko lang siya sa palayo at ngayo'y nandito sa harapan ko na.
"I'm Atlas," he introduced.
Tumango ako.
"N-naririnig ko nga," I answered and looked at him.
"I was named after a titan, um, the Greek myth? 'Yong nagbuhat ng mundo?" he said and I just stared at him, walang masabi rin.
"Um." He licked his lips. "Fuck, I don't even know how to start a conversation now," bulong niya.
That made me laugh. Kumislap ang mata niya't umawang ang labi bago lumunok at tumitig na naman. Medyo naibsan ang kaba ko.
"Amalia," I introduced myself. "Amalia Lorraine Argueles."
"Amalia," my name rolled in his lips so good it made me think I was floating. His lip twitched. "Bagay sa 'yo."
My heart hammered. Natakot ako na mag-ingay ang smart watch kaya pasimple akong sumulyap sa pulsuhan.
"Atlas Louis Montezides," he said.
I know.
"O-oh, bagay din sa 'yo," –tayo.
Pero 'di ko ibinoses at ngumiti na lang.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked. Tumango ako. He glanced at my watch kaya itinago iyon sa kumot para hindi niya makita.
"Oo, ikaw? Masakit ba masyado ang paa mo? 'Wag ka masyadong maglalakad at pasaway kasi baka lumala, ang pinsan ko dati ay na-operahan, akala noong una sprain lang kaso malalang bali pala, hindi naming nadala sa doktor," tuloy-tuloy kong kwento nang mahuli ang mga mata niyang mapungay, may ngiti sa labi.
Nakagat ko ang dila.
"M-madaldal na pala...sorry," nautal na naman ako. Muntik ko pang tampalin ang bibig.
Ang mga kaklase ko ay malamang iniwan na ako kapag gano'n pagkatapos umirap, kaya nagulat ako nang tumawa siya.
Kumuyom ang kamay ko sa loob ng kumot at napalunok.
"B-bakit? Sorry, n-naparami lang ang sinasabi ko—"
"You're adorable," he commented.
Hinablot ko ang tumbler at mabilis na napainom doon at umaapuhap talaga ang dibdib ko.
"Sorry," sabi ko pagkaraan at tumungo.
"No, don't be sorry." He chuckled. "I like it when you talk that long."
Really? Okay lang kapag marami akong sinasabi? Napansin niya siguro ang mga mata ko kaya tumango siya.
"Don't be shy, it's alright. I don't mind."
Mas lalo lang akong natunaw.
"Salamat." Nahagip ng tingin ko ang oras at nagulat nang mapansing lagpas na ng sampung minuto sa schedule ko sa pag-inom ng gamot.
Kinuha ko ang bag at binuksan habang tahimik lang na nanunuod si Atlas.
Binuksan ko ang mini pill manager. Kumunot ang noo niya.
"Ano 'yan—"
"Cap! Nanalo kami!" I almost jumped noong halos sumabog ang pintuan ng clinic nang pumasok ang mga ka-teammate niya sa basketball.
Napasulyap doon si Atlas at nagsitakbuhan sa kanya ang team. Sa likod ay si coach at si Nurse Anna na nakangiti.
"Anong score? Mababa 'no?" Atlas teased.
"Loko, Cap, sorry, 'di ka na naming kailangan pala. Mataas pa rin kahit wala ka!" Nagtawanan sila roon at natatabunan na si Atlas sa dami ng team niya.
I noticed the girls peeking on the door, iniilingan lang ng assistant nurse para hindi makapasok.
Bigla akong nahiya sa dami nila at hindi na ako napapansin.
Ano pa bang bago?
I sighed, itinago na lang ang kit sa bag at tahimik na tumayo.
"Teka, I have—" I heard Atlas' voice say pero natabunan ng ka-team.
"Kumusta paa mo, Cap?" tuloy-tuloy nilang tanong.
"Teka—" Our eyes met again and I smiled at him.
"Bye," I mouthed before turning my back on him.
Kinabukasan ay hindi na naman ako nakaligtas sa jail booth. Umiwas naman ako, hindi na ako dumaan doon pero mukhang hina-hunting talaga nila ang mga preso nila!
"Wala nga kasing magpa-piyansa sa akin," pinaliwanag ko na sa kanila pero ngumisi lang sila, ayaw talaga maniwala.
"Malay mo mayro'n, antay ka lang, Amalia," ani Ray.
"Ako na lang ang magbabayad ng piyansa, wala namang magbabayad, ang kulit n'yo," paliwanag ko.
"Basta, d'yan ka lang. Kapag one hour ulit tapos wala, p'wede na."
Napailing na lang ako at tahimik na sumandal sa upuan sa loob. Marami pa silang nahuli at kagaya ng inaasahan ay tatawag lang ng kakilala at makakalaya na.
Samantalang ako? Thirty minutes na ang nakalipas ay tulala lang at nagmamasid sa barkadang tuwang-tuwa at nag-iikot sa booth.
Hindi ko maiwasang mainggit at napaisip.
Kapag kolehiyo kaya ay may magiging kaibigan ako? Ano kayang pakiramdam ng mga sleepover at galaan kasama ang barkada?
"Oh, Argueles! Laya ka na!" Mark called kaya napatalon ako sa upuan ko.
"Huh?" I asked, confused.
Napasulyap ako sa orasan at wala pang isang oras.
May...nag-piyansa sa akin?
"Malaya ka na, may piyansa na. Sige, labas na," ani Ray at naguguluhang sinuot ko ang bag at lumabas sa booth nila.
"Sinong..." Hindi na ako nakapagsalita nang makitang umalis na ang dalawa at umaaresto na ng mga magagandang upper batch para sa jail booth nila.
I sighed, napangiti at lumingon sa paligid pero walang kahit sinong nakita.
Kung sino ka man, salamat.
Kahit paano ay nakatulong ako sa booth, taga-sukli lang at saglit lang dahil naubos kaagad at nag-ayos na sila para manuod ng game sa basketball ngayon.
Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta sa gym dahil nga wala naman si Atlas para panoorin ko. Sigurado akong nasa bahay iyon at nagpapahinga.
Siya lang naman kasi talaga ang habol ko.
"Uy, Lia, wala ka namang ginagawa, ikaw na magpunas dito, ah!" ani ng kaklase ko na inabot sa akin ang basahan.
"Huh?"
"Bye! Linisan mo, ah!" sigaw niya at nagsialisan na para manuod ng basketball.
Napasulyap ako sa basahang bilog sa kamay ko at napabuntonghininga. Nilingon ko ang quadrangle at wala nang tao maliban sa akin at ang mga booth na abandonado na ng mga estudyante.
"Ayan lang ambag mo, Lia. 'Wag ka na magreklamo," I muttered to myself and began cleaning our area.
Nasa tapat ng hagdaan papuntang second floor ang booth kaya kitang-kita kung may aakyat o bababa mula roon. Pumunta ako sa may counter ng booth at nilinis ang natapong juice bago punasan ang sandok nang may maaninag.
My forehead creased when I saw a tall man going down the stairs. Nanliit ang mata ko at napakurap nang matantong si Atlas iyon.
Pumasok pala siya?!
Mayro'n siyang saklay, naka-bandage ang paa at nakatungo habang pababa ng hagdan. He was watching his feet and my heart hammered, afraid he'll miss a step.
Umawang ang labi ko, tatawagin sana ang atensyon niya para matulungan nang bigla siyang mawalan ng balanse.
"Putang ina!" he shouted and I gasped when he fell on the stairs.
Tumalbog ang pang-upo niya sa bawat step ng hagdan. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya habang parang bola siyang nahuhulog, ang pang-upo ay bumaba sa bawat step.
I gasped, napatakip sa bibig nang tulala siyang mapaupo sa pinakahuling step ng hagdan.
I thought he'd cry because I would kung mahuhulog ako, pero sa halip ay humawak siya sa pwet niya at inilibot ang tingin sa magkabilang-gilid para tingnan kung may nakakita at nakahinga nang maluwang nang makitang walang tao.
Nahulog ang hawak kong sandok sa gulat, nakaawang ang labi.
Slowly, his eyes landed on me. His eyes widened in horror.
"O-oh, Lia! N-nakita mo?" he asked, stuttering, and slowly, I nodded.
Nagkatitigan kami, akala ko'y iiyak siya o ano pero sa gulat ko ay alanganin siyang ngumiti at itinaas ang daliri sa may harap ng labi.
"Shh, secret lang natin..." He chuckled awkwardly and I just blinked and nodded, dumbfounded.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co