Kabanata 1
Note: You will notice grammatical errors in this story like A LOT. It's written on purpose. Our main female character is not very good with grammar and not an English speaker kaya 'yon hehe.
Warning: The characters in this book is not the usual educated and properly mannered. There are instances they would say and joke around something that may not be comfortable with some readers.
--
Kabanata 1
The key to winner is face be beautiful.
Proud akong ngumiti, pinakamatamis sa lahat. Mas matamis pa sa asukal na nangingibabaw sa walang lasang pandan na binebenta ko para sa sideline. Mas matamis pa sa pangalan ni Chocnut kahit mukha siyang expired. Mas matamis pa sa ngiti ni Pisya sa kabila ng kanyang pustiso at mas matamis pa sa katawan ko.
Malalim at seryoso pa rin ang tingin sa akin ng judge na si Blaze at kaya kong palagpasin ang sinabi niyang may rabies daw ako ngayong gabi dahil gwapo siya.
Gano'n talaga sa panahon ngayon. Kapag gwapo, walang mali-mali! Tatanggapin ko ang lahat!
Kapag gwapo, auto pass away na!
Ayan ang prinsipyo namin sa Barangay 165, Kangkangan Street! Sa hirap ng buhay, kapag gwapong afam at may datung, harutin mo na! Para lang maranasan ang buhay na walang problema sa datung, 'di bale nang mabalita ka sa SOCO sa sunod na taon!
Nangangalay na ang labi ko pero I believe the patience is for virtue. Kaya dapat tiis-ganda.
Para sa pangkain ko ngayong buwan! Kailangan kong manalo at kung hindi ay baka mag-evolve na talaga ako sa pagiging magandang sardinas sa mga kinakain ko!
Pero if I becoming sardines, I want be mermaid to be pink tails.
Nangunot ang noo ko at nalito din sa naisip.
Basta, kapag naging mermaid ako, gusto kong pink na buntot! Tapos dapat kumikinang at kakantahan ko ang mangingisda sabay hila sa kanila papunta sa ilalim.
Hindi ko napansing nawawala na ang atensyon ko sa nangyayari at nagtawag na pala ng second runner up. Umayos ako ng tayo at pinakitaan sila ng isang makamandag na ngiti.
Aba, dapat lang at nagpaganda ako ng ngipin para sa pageant ngayon! Nagpalinis pa ako ng ngipin sa Tita ni Pisya na nagbebenta ng fake na mga brace na iba-ibang kulay! Three hundred din iyon! Dapat flexing smiles lang.
Kinakabahan ako pero ang kabang iyon ay tila nawala habang nakikipagtitigan sa judge sa gitna.
Sa makulay na ilaw sa stage ay mas nagiging maliwanag ang mapaglaro niyang mga mata. Itim na itim kagaya ng pangalan niya, Midnight. Nang tumama ang magulong ilaw sa kanyang mukha ay kumislap ang mga matang iyon.
Parang twinkle twinkle stars shining above all else and the skies up.
Tumaas ang sulok ng labi niya at mas sumandal sa upuan niya, pinapanuod ako. Umayos din ng tayo para i-flex ang dyoga kong pinagmamalaki.
Hindi kaliitan, 'di rin kalakihan pero p'wede na pisil-pisilin na parang stress ball.
Nang bumagsak ang tingin niya sa dibdib ko'y mas napuno pa ng confidential ang puso ko, mas proud na proud habang pinapanuod ang paghanga sa mga mata niya.
Ayaw ko ng kahirapan pero kung tatanungin ako ano ang gusto ko rito? Iyon ay ang wala masyadong pangkain kaya 'di namomroblema kung mananaba. Sexy ako dahil sa kahirapan.
Sexy dahil walang pangkain! Sexy dahil sardinas lang ang ulam sa Lunes, Martes hanggang sa Linggo! Ito ang life hack para sa fans ko. Kung gusto mo ng sexy body, sardinas palagi ang ulamin ng everybody!
"First runner up is candidate number seven, Frances Rizal!" umawang ang labi ko nang tawagin ang naiwan sa tabi ko.
Kung siya ang first runner up...sumigaw nang malakas ang mga kaibigan ko. Nakatulala lang ako, gulat na gulat.
"Please give a round of applause for this year's Miss Kangkangan Philippines...candidate number eight, Miss Davina Efephania Lozano!"
Napuno ng sigawan ang buong lugar na sa ingay no'n ay wala na akong marinig.
"Nanalo...ako?" bulong ko.
Nanalo ako? Ako? Nanalo? Nanalo ako?!
"Yes, sweetheart. You won," nahulog ang panga ko nang sa pag-angat ko ng tingin ay nasalubong ko ang mga matang kanina ko pa pinupuri.
"A-ako?" turo ko sa sarili.
"Yes, you," sumayaw ang aliw sa mga mata niya at inilahad ang kamay sa akin. "Would you like me to escort you?"
Nanginginig ang kamay kong inabot ang palad niyang nakalahad nang maramdaman ang pag-guhit ng kuryente sa kamay naming nagdikit. Nagkatinginan kaming dalawang muli.
"Umamin ka, nag-aayos ka ng poste ng Meralco, ano?"
Tumaas ang sulok ng labi niya, "seems like you felt it, too. Come on, pretty miss."
Malaki ang kamay niya't medyo magaspang pero sakop na sakop nito ang palad kong hindi kalakihan.
Hinawakan niya ako't dinala sa gitna kung nasaan ang ibang mga judge at ang mga host. Masama ang tingin sa akin ni Frances pero naa-amaze pa rin ako na ako ang pinalad na manalo kaya walang epekto sa akin iyon.
Binitawan ako ni Blaze. Nanghihinayang pa ako na 'di na siya hawak pero hindi inisip masyado sa sobrang saya sa pakiramdam habang nilalagyan ako ng sash na may nakalagay na Miss Kangkangang Philippines at korona sa ulo ko.
"Congratulations, Miss," pumpon ng bulaklak ang bumungad sa mukha ko nang may maglahad sa harapan ko.
"S-salamat," nag-init ang pisngi ko at tinanggap ang ibinibigay ni Blaze.
Ngumiti siya, ang mapaglarong mga mata'y kay sarap titigan. Ilang segundo pa kaming nagpalitan ng tinginan nang ma-distract ako sa ingay.
Ang sumisigaw sa tuwa na sina Pisya at Chocnut habang nagkukumahog paakyat sa stage ang kumuha no'n. Malakas akong natawa at sinalubong sila ng yakap.
"Congratulations, bakla!" sigaw nilang dalawa habang tumatalon-talon kaming tatlo.
"Worth it ang sardinas mo this month!" ani Pisya.
Naiiyak ako sa sobrang saya at mabuti na lang ay tinawag kami para sa picture taking kaya napigilan ko ang sarili. Napapalibutan ako ng judge para sa picture at pagkatapos ay kasama ko naman sina Pisya at Chocnut na naiiyak na rin sa tuwa.
"Congratulations, Dav! You are so beautiful and funny; I like your humor!" ani ng matandang lalaking judge.
"Salamat po," sagot ko kahit 'di ko gets anong humor daw. Rumor ba 'yon? May issue ako?
Hinila niya ako para sa mahigpit na yakap kaya nagulat ako. Humawak siya sa baywang ko at pinisil iyon kaya namilog ang mata ko't hindi naging komportable.
"Uh..." panimula ko at bahagya siyang tinulak, "p'wede pong—"
"Bagay na bagay kang modelo ng calendar at alak! May kakilala ako sa industriyang kaibigan! Bakit 'di ka sumama sa amin sa inuman ngayong gabi—"
"I'm afraid CAGE has the right to offer Miss Lozano opportunities first," ani ng baritonong boses sa gilid namin.
Nakita ko ang brasong umakbay sa balikat ng matanda bago ito hilahin palayo sa akin kaya napakawalan ako. Nagliwanag ang mata ko pagkakita kay Blaze.
"Blaze!" ani ng matanda sa kanya at nang siya na ang balingan ng atensyon ay ngumiti ako.
"Salamat," ibinuka ko ang bibig at walang boses na sinabi iyon sa huli.
Tumango siya at kumindat sa akin, umangat ang sulok ng labi kaya mas nagliwanag ang mukha. Lumabas ang maliit na dimple niya roon.
Kumalabog ang puso ko at nagwala ang bulate sa tiyan. Oo, bulate at hindi paru-paru dahil wala silang makain kung hindi ang sardinas sa tiyan.
"Bakla! Picture!" hinilang muli ako ng dalawa at naubos ang oras ko kakaawra sa litrato o 'di kaya'y kaka-thank you sa mga bumati.
Nagpasalamat din ako sa mga naakit kong tambay sa court at nabenta ang tickets ko!
"Grabe, nakaka-proud! Bukod sa cash prize, paniguradong may mga ibang offer pa! Kita n'yo 'yong gwapo kaninang nagtanong kay Dav? Narinig ko may offer daw!" habang nagdidiskusyon ang mga kaibigan sa gilid ay nakangiti akong hinahaplos ang mga petals ng bulaklak ko.
"Hi, Miss. P'wedeng magpa-picture?" napatalon ako sa gulat, nilingon kung saan nanggagaling ang boses at ngumisi.
"Oh, ikaw pala!"
Nagtilian sina Chocnut at Pisya, kulang na lang ay mangisay.
"Hello, pogi!" sabay nilang bati.
"Hello, ladies," bahagya siyang yumukod at muling ngumiti. "Is it okay if I take a picture with your friend?"
"Sige, sige! Bakit naman hindi!" ani Chocnut at tinulak ako. "Kahit iuwi mo na 'yan wala kaming say!"
Tumalim ang tingin ko sa kanya pero tuwang-tuwa lang sila na halos ipamigay na ako kay Blaze. Sa lakas nga ng tulak ng dalawa ay tumama ako sa dibdib ng huli at nahawakan niya ang baywang ko para alalayan ako.
Suminghap ako.
"Sorry," inalis niya kaagad ang kamay nang makaayos ako ng tayo. "You alright?"
"O-oo," nag-init ang mukha ko. "Ayos lang, salamat. Sorry at mahaharot talaga ang mga kaibigan ko."
"It's okay," tumango siya. "Can I..." tinuro niya ang photographer na may dalang camera.
"Sige, sige!"
Tumayo siya sa tabi ko't nagdikit ang balikat naming dalawa. Matangkad si Blaze, kung 'di ako naka-heels ay baka hanggang chin niya lang ako pero ngayon ay abot ko ang may sentido niya.
"I'm Blaze, by the way," pakilala niya kaya mas umalon ang sikmura ko.
"Dav," sagot ko. "Hindi 'yong lumilipad, ah? Davina, ibig sabihin love or beloved."
"Dav," bulong niya at kinilabutan ako nang marinig iyon sa labi niya. "Suits you well. Beautiful, like you."
Lumunok ako. Humigpit ang hawak ko sa bulaklak nang mapansing 'di niya ako hinawakan para sa picture. Nakatayo lang siya sa gilid ko, ang kamay ay nasa likod at nakangiti.
Wow, he was gentlyman.
Plus one sa pogi points!
"One more!" ani ng photographer, "Mr. Samaniego, akbayan mo naman si Miss Dav!"
Nagkatinginan kami ni Blaze nang hinanap niya ang akin, "is it okay?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot kaagad sa gulat sa tanong niya.
"P'wede bang umakbay?" aniya, "it's okay if you're not comfortable with it, I'm sure the photos are enough—"
"Ayos lang!" ako pa mismo ang kumuha ng kamay niya para akbayan ako. "'Di naman ako choosy, pogi!"
Tumawa siya at komportableng umakbay sa akin. Nalanghap ko ang mamahaling pabango niya. Mas nag-ingay ang dalawang kaibigan at pinagtitinginan na kami kaya hindi ko alam ang ngiting naipakita ko sa camera.
Hindi niya ako hinawakan kung saan pa man. Ang akbay niya'y nanatili sa pwesto at 'di ako nakaramdaman ng halong kamanyakan doon.
He respectful my private spacing.
Dumadagundong ang puso ko habang ngumingisi sa camera at nang matapos ang picture ay nalungkot ako.
"Thank you," ngumiti siya. "And congratulations."
"Salamat!" malambing kong sabi, "pasensya na rin nga pala kanina sa question and answer, ah? I not know if my answer is true or false..."
Bigla siyang natawa at nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Napangiti ako.
"S-sorry," tumikhim siya at nagseryoso, "I didn't mean to laugh, that's disrespectful. What I mean was you're amusing and funny, I didn't laugh at your question or—"
"Ito naman, ayos lang!" humagikhik ako, "I know naman my grammar is not very understanding. What important is you understand! True or false?"
"True," tumango siya at namulsa, may ngiti pa rin.
Muli kaming nagkatitigan nang walang salita hanggang sa nag-iwas na siya at napahawak sa batok niya bago ako pagmasdan.
"Anyway, uh, we rented the rooftop bar near the municipal hall," aniya sa akin. "Just a mini celebration for tonight's event. The winners are invited and of course, your friends and you."
Tumango-tango ako at sumulyap kina Pisya na nakikipagtawanan na kina Mayor.
"Unless, you're full, it's okay." Pahabol ni Blaze, "have you eaten dinner yet?"
Gwapo sana nito kaso puro English! Napapalaban ang brain cells kong tatatlo na lang!
"No, we join you for party-party! Don't worry, I'm not eated yet," sagot ko.
Kinagat niya ang labi at tumango-tango, "great! May masasakyan ba kayo? I brought my car—"
"Bakla! May party at lafang daw sa rooftop bar na mamahalin!" sigaw ni Chocnut, "tara dito, sabay tayo kina Mayor!"
Sumulyap ako kay Blaze, tumango siya.
"It's okay, see you later?" aniya.
"Yes, I do," tumango ako. "See you later, alligator!"
Inihatid pa niya ako sa mga kaibigan bago nagpaalam. Sa buong biyahe papunta sa rooftop bar sa may munisipyo at puro congrats sa akin sina Mayor at mga konsehal. Nagpapasalamat ako at nakikipagkwentuhan pero ang utak ko'y na sa gwapong lalaking iyon.
Midnight Blaze Samaniego.
Pangalan pa lang, gwapo na. Mabait pa at palangiti!
Pagkababa namin ay nakita ko siyang pababa rin sa kulay dark blue na kotse at sa itsura pa lang ng sasakyan niya'y halatang big time na si Kuya mo! May kausap siya sa phone at mukhang seryoso. Napahawak siya sa batok at umiling. Narinig ko pa ang tawag niya sa kausap.
Mom...
"Sports car," ani Chocnut. "Ang yaman!"
Hinawakan ko ang balikat ko para kunin sana ang de-keypad na phone nang matantong naiwan ko ang bag sa sasakyan.
"Mauna na kayo! Naiwan ko ang bag ko!"
"Sunod ka, ah!"
Bumalik ako sa sasakyan at sinabi sa driver na naiwan ko ang bag. Pagkaabot niya'y dumiretso na ako sa pintuan ng bar ay may nagbukas na no'n mula sa tabi ko.
"Blaze!" tawag ko.
"Ladies first," tango niya kaya nangingiti akong pumasok bago siya sumunod.
"Salamat," tumango siya at sinabayan ako.
Pinagtinginan tuloy kami ng mga nagpa-party. Paano ba naman kasi ay suot-suot ko pa ang winning gown ko, korona at sash! May flowers pa!
Nabundol na sana ako ng lalaking lasing na dumaan kung hindi lang ako nahila ni Blaze palayo.
"Careful!" malakas niyang sinabi sa lasing na 'di man lang nag-sorry at diretsong umalis.
Kumunot ang noo ng huli at naging seryoso ang itsura, ibang-iba sa ngiti niya kanina sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa dim na ilaw iyon pero nagdilim ang mga mata niya.
"Ayos lang, Blaze," sinabi ko na pagkahanap ng tingin niya.
"That asshole," bulong niya bago lumambot ang tingin sa akin. "Are you okay?"
"Yes, I will okay," kumindat pa ko at nakampante nan ang bumalik ang ngiti sa kanya.
"Alright, let me help you instead," dinungaw niya ang bulaklak. "Want me to carry it for you? The elevator's out of service right now, we'll be taking the stairs instead."
Kinuha niya ang bulaklak ko. Humawak ako sa braso niya habang inaalalayan niya ako paakyat sa hagdan papunta sa rooftop. Nakakahiya nga't ilang beses na 'kong matipalok sa heels pero inaalalayan niya ako.
Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan sa rooftop pagkarating namin at doon ko napatunayan ang kasabihan na chivalrous is not dead. It alive.
Gusto ko pa sanang makasama si Blaze pero ki-nor-ner na siya ng mga kasamahan. Mukhang sikat siya at pinakita sa akin ni Pisya kanina ang Instagram account daw no'ng clothing line at milyon-milyon pala ang followers.
Panibagong picture taking ang nangyari kasama ang candidates at winners, may buffet at drinks din doon na libre ata nina Mayor o nina Blaze? 'Di ako sigurado, basta masaya akong may pagkain!
Marami at 'di pamilyar sa akin ang mga nando'n sa buffet. Puro ulam ang kinuha ko. Hindi ako naglagay ng kanin at sagana naman ako ro'n pero ang ulam na ganito'y madalang lang.
Tanong nga ako kay Blaze mamaya kung p'wede mag-take home.
Ngayon lang ako ulit makakakain ng karne! Puro ko sardinas at isdang paksiw nitong buwan!
"Dapat ako ang mananalo, eh," natigil ako sa pagkuha ng karne sa narinig pagkatapat ko sa pwesto nina Frances.
"Oo nga, mas maganda ang sagot mo!" ani Chi-chi, "hamak namang mas lamang tayo do'n! Malaki lang ang dibdib kaya nanalo, sa itsura at sagot wala! Bobo! You hear her grammar? Very not correct!"
"Right!" ani Frances, "she's so not smart! Didn't not know love language! Ang bobo, sagot Tagalog daw kasi Filipino?"
Naghagalpakan sila at nag-apir, 'di itinatago ang pinag-uusapan at sinadyang marinig ko.
Natahimik ako, natantong mali ang sagot ko at nahiya. Proud na proud at very confidence pa ako no'ng sinagot 'yon.
Biglang nawala ang tawanan nang may maramdaman akong presensya at narinig na boses sa tabi ko.
"Here, sweetheart, try this," may naglagay ng ulam sa plato ko.
Nginitian ko si Blaze, "hello! Masarap 'yan?"
"Yup," tumango siya at may kinuha pang isang putahe. "Ito, masarap kapag nilagyan mo ng bagoong mas masarap. Won't you get some rice?"
"Ah, hindi na," umiling ako. "Sabi kasi sa buffet, dapat mas damihan mo ang ulam para sulit! Alam mo na, ang kanin p'wedeng matikman mo araw-araw pero ang ulam na ganito, hindi!"
"Why not?" kumunot ang noo niya.
"Ah," natawa ko. "Magkaiba kasi tayo ng buhay, pogi. For sure p'wede mo 'tong makain araw-araw pero ako...'di kasya sa budget ang ganitong sosyal na pagkain. Tamang sardinas lang o kaya'y init ng paksiw."
Hindi siya sumagot at siniko ko nan ang napansing nagtataka ang reaksyon niya.
"Tulala ka r'yan," pansin ko at tinuro ang table namin na bakante pa't kumukuha pa ng pagkain ang mga kaibigan. "Gusto mo rito? Tara!"
Umupo siya at sinulyapan ako, "you mean to say you're only eating fishes?"
"Sosyal naman," tumawa ako, "pero sa bagay at isda rin ang sardinas kaya oo. Minsan naman kapag medyo malaki ang budget o kaya'y may extra, 'yong Century Tuna o kaya munggo kapag Friday."
Tumango siya at inabot ang pitcher ng juice na nasa lamesa namin para lagyan ang baso ko.
"Come on, eat," turo niya sa plato. "You should eat more, after this, sasamahan kita ulit sa buffet kapag gutom ka pa."
"Ah, 'di naman ako gutumin, kaya ko sexy dahil sa kahirapan," tumawa ako sa kanya. "Pero baka naman p'wedeng mag-take out?"
"Take out?" takang tanong niya.
Tinuro ko buffet table, "kung may tira." Walang-hiya kong sagot. "P'wede rin ang init-init, pang-isang linggo rin."
"Sure," tumango siya, ang mga mata'y nasa akin pa rin. "I can ask now—"
"H'wag! Mamaya na kapag may natira," ngumiti ako. "Pero kapag wala, ayos lang! Busog naman ako ngayong gabi!"
"Alright, I'm sure may tira. I'll help you pack, I know how to," sa pag-ngiti niya'y sumabay ang hangin dahilan kaya sumabog ang buhok ko't nahulog ang korona.
Mabilis niya iyong nasalo at ibinalik sa ulo ko. Muli kaming nagkatinginan at sa pag-angat niya ng kamay para ilagay ang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko'y kumalat ang init sa mukha ko.
"Salamat," bulong ko sabay iwas ng tingin.
Tahimik kaming dalawang kumain hanggang sa nagsalita na ako, "Blaze, may tanong ako, ayos lang ba?"
"Hmm, what is it?" bumaling siya sa 'kin.
"Ano...ano 'yong criteria n'yo sa pageant kanina? Bakit, bakit ako ang nanalo? Mali ang sagot ko sa love language kanina, ano?" hinarap ko na siya na may ngiti.
Wala na siyang ngiti pagkakita ko. Umiling siya at bumaling sa pagkain niya, "it doesn't matter, Davina."
"Pero, bakit nga ako nanalo? Curious lang ako kasi panigurado mas maraming...maraming magaling sa 'kin. Pasensya na at maganda lang ako pero medyo may pagkabobo kasi 'ko."
"Walang taong bobo, Davina," umiling siya at muling bumaling sa pagkain pero siniko ko na, feeling close.
"Pero bakit nga ako nanalo?"
"Because of your confidence in stage, your presence screams elegance," aniya. "I'm sure you are nervous but you walked and ramped in there believing in yourself and your capabilities. You also have talent; you are a model material and you know what makes a queen? It isn't just someone's wits in answering the questions but also about how you act."
"Blaze..." tawag ko.
"We aren't in battle of the brains, Davina. We are looking for a queen. We are looking for someone who has the qualities we are looking for. Someone with character. Someone like you."
"Blaze—"
"So, stop saying you're not smart or whatever, it's annoying me. And if you're saying those girls should've won, yes, they answered good in the questions but as someone who's been working in the industry and seeing talents, they don't have the qualities I am looking for. Sportsmanship is the number one quality a candidate must possess. We don't want a winner who'd talk behind someone's back just because they lost. That is not a quality of a winner. You get me?"
Isinara ko ang labi kong nakaawang.
"Davina," tawag niya at lumambot na ang tingin. "You understand me?"
"Ah, p'wede pa-Tagalog? He-he!" awkward akong ngumisi at nang magkatitigan ay napabughalit kaming dalawa ng tawa.
Inulit niya ang sinabi niya sa Tagalog at na-touch naman ang aking heart, entity, and soul.
"Thank you very much, Blaze," taos-puso kong sabi. "You have very nice complimentary. I'm fluffy very much and very happy. Have a good day, study hard."
Pinisil niya ang ilong ko, "you're amusing. I like you."
"H-huh?" napatakip ako sa bibig sabay hampas sa balikat niya, "grabe ka, 'di pa 'ko nagpapaligaw!"
Mas lumakas ang tawa niya. Napabaling sa amin ang mga tao kaya nahihiyang uminom ako ng juice. Nakita ko pa si Chocnut at Pisya na sa halip na pumunta sa pwesto namin ay nagsisikuhan sa malayo at kumakain, tila nanunuod ng K-Drama.
"No, I mean, I like your character," tinagilid niya ang ulo at sumandal sa upuan. "You're beautiful but what makes you more likeable is the way you speak and talk to someone. You know I'm not usually this loud but you..." lumambot ang tingin niya. "Perhaps, I'd like to make you an offer."
"Ah, narinig ko 'yan sa sinabi ni Mayor!" ngumisi ako, "model sa clothing line? Sure! Kaso mahal ang TF ko at future dancer ni Kuya Will ang iyong lingkod! Gusto mo pakitaan kita ng Boom Tarat Tarat?"
Mas sumandal siya at binasa ang labi niya, nagtatago ng ngiti.
"No, not that, Davina," umiling siya at muling hinuli ang tikwas ng buhok ko para ilagay sa likod ng tainga ko.
"Eh? Arte naman, sige! Igiling-giling na lang?" inangat ko pa ang kamay para kunwaring gumiling pero umiling siyang muli.
"Ano? Arte mo naman. You very hard to pleasing, ah?" reklamo ko, "acting, gusto mo? Magaling akong magkabisado! Hearing man o seeing! Magsabi ka ng kahit ano, kabisado ko na 'yan mamaya-maya—"
"Would you like to be my wife, sweetheart?" putol niya sa sasabihin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co