Truyen3h.Co

Bride For Hire

Simula

heartlessnostalgia

The Magnates 2: Bride for Hire

Hi, everyone! Blaze is here! This is just a preview; this will resume maybe after Rebel Hearts. Enjoy! See you at this year's MIBF! I'll be there by Saturday and Sunday for Bachelors and Sandejas Book Signing!

Note: You will notice grammatical errors in this story like A LOT. It's written on purpose. Our main female character is not very good with grammar and not an English speaker kaya 'yon hehe.

Warning: The characters in this book is not the usual educated and properly mannered. There are instances they would say and joke around something that may not be comfortable with some readers.

--

Simula

"To the left! To the left! To the right! To the right!" sigaw ng coach namin.

Inilagay ko ang palad sa baywang at mas iginiling pa, todo bigay.

"Energy!" sigaw niya, "ano ba 'to, intermission number o parada ng patay?!" umalingawngaw ang boses niya.

"Intermission!" sigaw namin pabalik at mas hinataw ko ang giling, pawis na pawis pero dapat energy! Pak!

Umikot ako hanggang sa nahihilo at nakakakita na ng shining stars on—in—at ata 'yon? To the up up of my head.

Nahilo ako lalo sa inisip.

Basta star taas ng ulo!

Sumigaw siya ng break kaya parang lantang-gulay na gusto kong mahulog sa upuan sa pagod pero 'di ako papakabog sa mga kasama kong looking fresh pa sa isda.

Dapat ako rin sariwa! Parang tahong na kabubuka lang sa kabibe!

Pinaikot-ikot ko ang buhok sa ere sabay angat no'ng sa panali at kindat sa mga nagba-basketball. Umugong sila at naghiyawan.

Ayan! Tama 'yan! Ako ang bilhan n'yo ng ticket para manalo sa pageant!

"Hoy, Davina!" salubong ni Chocnut pagkalapit sa 'kin.

"Oh?" tanong ko at pinunasan ang mukha ko. "Nangyari na naman sa 'yo? Mukha kang ulikbang pagod."

"Gago!" hinampas niya ako ng pamaypay niya, "ikaw nga mukhang shokoy na naipit kanina kakagiling pakita ng pwet mo sa mga nagba-basketball! Ano ka, bulate?"

"Tanga, kailangan maganda para bilhin nila 'yong ticket ko sa pageant! Paano naman tayo mananalo niyan?"

Umupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang plastik ng softdrinks niya. Kinuha ko at sumipsip, nililingon siya. "Ano na? Bakit nandito ka? Wala ka bang customer sa parlor?"

"Ayon nga, muntik ko na makalimutan. Pinapatanong pala si Pisya kung sasali ka raw ba sa paluwagan?"

"Ay, 'te, kayo na lang. Talo na 'ko. Innocence pa 'ko, eh."

Sinapok niya ang batok ko kaya pumasok ang soft drinks sa ilong ko. Naubo ako at tinakpan ang bibig.

"Ano ba?!" bulyaw ko, umuubo.

"Gaga! 'Yong paluwagang hulugan! 'Di 'yong paluwagan ng kipay!" singhal niya at bago ako inantay na kumalma. Nilingon ko siya.

"Ay, pass," sagot ko at pinunasan ang labi. "'Yong huli 'kong sali sa paluwagan tinangay ang pera ko."

"Iba 'to," pilit pa niya pero inilingan ko na, "ano? Saan mo itatago ang pera mo? Doon sa alkansya mo na naman?"

"Oo," sagot ko at inubos na ang soft drinks niya. "Wala namang ibang lalagyan. At least do'n maiipon ko kapag kailangan."

"Oh, sige, sige," tango niya kaya nginisian ko na, nag-aantay na umalis ang huli pero nanatili siyang nakatitig sa 'kin. "Pero seryoso, 'te? Virgin pa ang keps mo?"

Namilog ang mata ko at hinampas ang hita niya. Lumingon-lingon ako sa paligid at nginisian ang ibang kandidatang napapasuluyap sa amin.

"H'wag ka maingay, bakla!" binulungan ko, "kailangan ba ibalita sa lahat?"

"Totoo nga!" napanganga siya, "seryoso ka ba?! Kumusta na 'yang ano mo? Bente-kwatro ka na, 'di ka pa rin na-kangkang?!"

"Shhh!" nag-init ang mukha ko, "hindi! Were it matters?"

"Ano?"

"Importante ba 'yon?" pagta-Tagalog ko na.

"Seryoso ka ba, bakla?" singhal niya. "Anong ginagawa mo d'yan?!"

"Eh, tusok-tusok lang," sagot ko. Mas nahulog ang balikat niya at 'di ako makapaniwalang tinitigan kaya suminghap na ako at tumikhim. "You listen me."

Umayos siya ng upo at tinitigan ako. Tumikhim ako.

"A girl is not matters virgin or no. Virginity was—were only not important. Virginity is just social construction."

"Ano?!" mas lumakas ang boses niya. "Social ano? Construction worker?"

"Social construction," sagot ko. "Sa Tagalog, ang virginity nasa utak lang ng mga tao. Sabi sa palabas sa T.V. hindi naman daw lahat ng tao may hymen."

"Anong hymen? Ramen ba 'yan?"

"Ewan ko," nagkibit-balikat ako, "'yong pader ata sa kipay kapag napasok ng kalaban."

"Ahhh..." tumango siya, "so, anong connect sa speech mong wala 'kong na-gets?"

"Na those matter doesn't to people, virgin or no," sagot ko. "What's matters is the heart because beauty is–was at the eye of beholder."

Nahulog ang balikat niya, "teka, sumasakit ang sentido ko sa 'yo, Davina!"

"'Di ka lang kasi maalam sa Ingles," yabang ko sabay hawi ng buhok. "English is you know, my father tongue."

"Mother tongue ata 'yon!" pagtatama niya. Umirap ako.

"H'wag mo nang itama basta parents sila," sagot ko sabay ngisi.

Bumuntonghininga siya at bumusangot nang ibalik ko sa kanya ang plastic ng ubos na soft drinks.

"Ano pina-practice n'yo?" aniya, "'yong intermission ba?"

"Oo," tumango ako. "Bigatin daw ang mga judge! Mga dayo daw galing Maynila! Kaya gagalingan ko kasi first expression lasting."

"First impression lasts," pagtatama niya. Tumango ako.

"Basta first," humikab ako. "Naayos na ba ni Pisya 'yong hihiramin kong gown niya na ginamit no'ng Santa Cruzan?"

"Oo, 'yong yellow ba? 'Yong may bulaklak sa may dibdib?" tumango ako sa kanya. "Nakita ko kanina nakasampay sa may likod bahay nila. Paano ang swimsuit mo?"

"Sabi sa barangay sila daw magbigay," ngumisi ako, "maganda na, may gown na rin tapos tayo na bahala sa make-up. Marunong naman ako tapos ikaw na bahala sa buhok ko, gusto ko 'yong may angat-angat sa likod na may kulot."

"Ako bahala!" nag-thumbs up siya. "Musta na ang ticket mo? Ubos na?"

"May sampu," reklamo ko na, "nagpapa-cute nga 'ko sa mga nagba-basketball at bebentahan ko mamaya. Pakitaan ko lang ng dyoga." Sabay alog ko sa dibdib.

"Ayan, mabuti 'yan!" tinapik niya ang boobs ko, "may silbi din ang dyoga na 'yan kahit wala pang tusok ang kipay—"

"Shh!" singhal ko na, "h'wag kang maingay! Secret nga lang! Baka magkapila sa bahay sa mga manliligaw ko kapag nalaman nilang I'm innocence."

Nag-away pa kami at kwentuhan ng halos sampung minute bago kami tinawag pabalik ni coach sa gitna para ituloy ang nakakaakit naming intermission number.

Pagod na pagod ako pagkauwi matapos magpa-cute at magkalat ng pekeng number sa mga tambay sa basketball court galing kabilang barangay dahil naubos ko ang ticket ko.

Dagdag points kasi iyon sa mga kandidata bilang People's Choice daw kahit ang ending bibilhin lang naman nila ng pera nila. Pero hindi sa 'kin, sila lang 'yon. Wala akong budget pambili ng sariling ticket kaya umaasang maaakit ang mga tambay sa aking alindog.

Naligo ako pagkauwi at nagbukas ng sardinas bago ininit ang kanin kong tinira kagabi para may makain ngayong gabi bago umupo sa upuang kahoy sa harapan ng maliit kong lamesa, nakatitig sa repleksyon sa basag na salamin sa harapan ko.

Hindi ako nabusog sa sardinas dahil kalahati lang ang kinain ko't tinira ko ang kalahati para pang bukas ko.

Sana talaga manalo ako sa pageant, sayang ang ten thousand. Sobrang isang buwan ko siguro 'yon kung aayusin ko ng gastos, may kita din naman ako sa mga panghihila at pambubudol ng mga babaeng dadaan sa may parlor para magpakilay silang manipis.

Naglakad ako papunta sa salamin at hinawakan ang pisngi ko.

"Beauty rest, Davina!" tinapik ko ang pisngi bago tinuro ang sariling repleksyon. "Dav, you have need very beautiful to be winner."

Kumindat-kindat pa ako sa salamin habang nagsusuklay ng mahabang buhok at nang ma-overdose na sa natural kong kagandahang taglay ay kinuha ang pipino para ilagay sa mata ko at epektib daw 'to sa mga eye bags.

Habang nakapikit at nag-e-enjoy sa dilim ay naisip na naman ang pagod bukas. Ganitong mga oras lang ako nakakapag-isip ng plano sa buhay at sa umaga'y mas maraming bagay akong kailangangan isipin.

Papasok sa parlor, manghihila ng biktima para kilayan bago sisingilin o 'di kaya'y sasama sa mga gig para may kitain at pangkain sa araw-araw.

Itong pageant na 'to ang pag-asa ko para makaluwag-luwag sa gastusin ngayong buwan at ayaw ko talagang basagin ang alkansiya ko't may pinag-iipunan talaga ako.

Paulit-ulit ang araw ko. Gigising sa umaga para maglinis at magtrabaho sa parlor, sa hapon ay nakakamatay na practice para perfect daw kami sa pageant at pinagyayabang talaga ni Mayor na bigatin ang judge.

"Awrahan n'yo, mga hija!" excited na sinabi ni Kapitana sa amin, ngiting-ngiti. "Pangmalakasan ang judge this year at may surprise daw sa winners!"

"Tama," ani coach. "Be natural, be yourself! Rampahan n'yo sila at gilingan ng kagaya ng sa praktis natin!"

Marami pa silang sinabing Ingles pero 'di ko na ma-gets sa sobrang bilis kaya napakurap-kurap na lang ako at kunwari'y naiintindihan pero ang totoo'y nakikitawa lang talaga 'ko kapag tumatawa ang mga kasama.

"Basta, ang program flow alam n'yo na kaya yakang-yaka!" pumalpak siya, "smile and just be your authentic self!" huling sinabi niya bago kami pakawalan.

"Ano daw?" ani Chocnut.

"Ah, be your synthetic self daw," sagot ko bago kinuha ang lipstick para mas pumula ang labi.

Dahil sa lipstick ay mas naging mapusyaw ang kulay ng balat kong akala mo'y 'di natatamaan ng araw sa puti kahit na madalas akong lumalabas. Pero salamat talaga at alagang lotion lang kasi 'yan at panghilod kaya maganda ang balat.

Kinulot ni Chocnut ang itim na itim na buhok kong hanggang sa gitna ng baywang at ako ang nag-make up sa sarili. Medyo dark ang kulay asul na may glitters na eyeshadow ko at night show kami. Ayaw ko namang light at baka 'di lumitaw ang ang kagandahan ko.

Nag-mascara ako para mas humaba ang pilik-mata ko at mas pinatapang ang mga mata kong maldita daw kung makatingin madalas. Matangkad ako, 'di naman sobra pero dahil sa heels ay mas nadepina. Balingkinitan ang pangangatawan, sexy daw sabi nina Boyet na tanggero sa may tindahan pero gutom lang talaga kaya 'di ako nagkakalaman.

Hinagod ko ang katawan sabay giling sa salamin para tignan kung maganda ba ang pagbibida ko mamaya at nang makuntento ay pumikit para ikalma ang nagwawalang puso.

Sa pageant na 'to nakasalalay ang pagkain ko ngayong buwan! Ilalaban natin 'to!

"Goodluck, 'te!" hinawakan ni Pisya ang balikat ko bago ako bahagyang itulak. "Galingan mo! Naku, nakita ko 'yong mga kalaban mo, ikaw ang pinaka-bet ko!"

"Malamang alaga natin 'to!" sabat ni Chocnut. Bumusangot ako.

"Aba, sinasabi mo bang 'di ako maganda?" namaywang ako at pinalakihan siya ng mata.

'Di nila 'ko sinagot. Mas lumaki ang mata ko.

"Maganda... maganda naman—"

"Please welcome, candidate number six!" nawala ang atensyon ko nang matantong malapit na ang number ko. "Chi-chi Kana! At naniniwala siya sa kasabihang iba ang batang laki sa gatas!"

Mas humugot ako ng hininga at humawak sa dibdib, mas kinakabahan na.

Tinawag ang candidate number seven, ang isa sa matinding kalaban ko sa kagandahan ngayong gabi!

"Frances Rizal na naniniwala sa kasabihang ang kabataan ang pag-asa ng bayan!" may tumama sa balikat ko at narinig ko ang ugong ng reklamo nina Chocnut at Pisya nang banggain pa niya 'ko bago lumabas.

"Bruha talaga 'yon," reklamo ni Chocnut pero 'di ko na pinansin ang irapan nila ng make-up artist ni Frances at kinakabahan na ako.

"Ayan na, ayan na!" tinapik ako ni Chocnut. "Good luck, bakla! Ikangkang mo!"

"And last but not the least, our candidate number eight!" humawak ako sa baywang, ngumisi ng malaki at confident na lumabas. "Davina Efephania Lozano! Siya ay naniniwala sa kasabihang... siya lang ang may alam!"

Nag-ingay sila sa tawanan sa hirit ng host sa kalokohan ko.

Marahan akong lumabas para mas dramatic. Dinama ko ang ilaw, medyo patalikod pang naglakad bago unti-unting humarap sa audience kahit 'di ko masyadong maaninag dahil sa spotlight at kumindat.

"Ohhh..." narinig kong sinabi nila sabay sigaw at palakpak, nag-flying kiss ako. Sumipol din ang host na tropa-tropa ko sa parlor.

"Pak! Palaban! Candidate number eight believes in the saying that 'di mahalaga ang magandang body kung one by one naman ang picture sa ID!" tumawa siya bago bumaling sa mga tao para ilahad ako.

"Candidate number eight is wearing a kita ang pusod black pageant shirt partnered with maong pekpek short and boots na galing sa talipapa!"

Nagtawanan sila kaya mas nabuhayan ako at mas umawra pa bago pinakita ang nananampal kong mahabang legs, ngumiti ng malambing sa judges nang may mahuling tingin sa nakaupo sa gitna.

Naglakad ako patungo sa host pero napa-second look pang muli sa lalaking nasa gitna na mukhang bored pero nang magtagpo ang tingin namin ay napaayos ng upo at bumagsak ang tingin sa papel.

Itim na itim ang mata niya't kumislap pa dahil sa pagtama sa kanila ng ilaw sa stage nang muli siyang bumaling sa akin at binasa ang labi, pinapaikot na ang ballpen sa daliri at tinagilid ang ulo para pagmasdan ako.

Lumunok ako. Nanginginig ata ang pechay ko!

Kahinaan ko talaga ang mga gwapo!

Ikalma mo, Davina! Nasa camera tayo! Dapat synthetic daw!

Matamis ko siyang nginitian.

"What a crowd, candidate number eight! How are you feeling right now?" bumaling ako sa host at kinuha ang microphone para sabihin ang ni-rehearse kong sagot.

"Thank you for ask, I'm very good fine. Thank you," confident kong sabi.

"Oh! Ang ganda ng gabi ng ating candidate! Thank you, candidate number eight!" sa sinabi niyang iyon ay umatras na ako para pumunta sa pwesto ko bago humugot ng malalim na hininga nang may marinig na tugtog.

"Everyone, please welcome the candidates for this year's Miss Kangkangan Philippines for their intermission number!"

Umikot kami at sa pagbagsak ng beat sa kanta ay hinataw ko. Magaling akong sumayaw, sabi nila at alam ko iyon sa sarili ko.

Hinataw ko ng bongga at iginiling ang balakang na parang belly dancer pa nang muling nahagip ng tingin ko ang judge na nakaupo sa gitna.

Hindi ko masyadong maaninag ang kabuuhan niya dahil sa spotlight na nakakasilaw pero sapat na iyon para mangatog ang hita ko sa tingin niyang malalim. Mukha siyang naaaliw. Lahat kami ay sumasayaw ng todo bigay pero nasa akin lang ang mata niya.

Nakikipagtitigan ako sa kanya habang umiindak sa Jai Ho! ng Pussycat Dolls at bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

Tumalon ang puso ko, mas naging confidence sa reaksyong iyon.

Ngumisi na ako at nang mahuli ang mata niyang muli ay kumindat. Napaayos siya ng upo at tumaas ang sulok ng labi. Natulala ako at biglang nakalimutan ang next step.

"Dav!" tawag nina Chocnut sa backstage kaya napamura ako't lumingon sa mga katabi bago naalala ang step kaya sa takot kong mapahiya at makalimutan ay 'di na muna ako tumingin.

Nakapasok na kami sa loob pagkatapos ng number para sa talent at nagwawala lang ang puso ko pagkapasok, wala nang pakialam kung batuk-batukan ako nina Pisya. Pinapagalitan ako't bakit daw ako natutulala sa stage.

Narinig ko pa ang bulungan nina Frances, tinatawanan ang pagkakatulala ko kanina sa intermission.

Muntik nang kurutin ni Chocnut ang singit ko.

"Sorry, my friends," tinaas ko ang kamay. "May pogi kasi! Aba, mahina ako sa ganyan! Forgive me, I'm distraction."

"Sino, 'yong sa gitna?!" ani Pisya. Tumango ako. "Ay, 'te! 'Di kita masisisi! Kung ako 'yan baka 'di na ako makatayo, napaluhod na ako kaagad!"

Nagtawanan kami, nagkakasundo na nanghihina kapag may mga gwapo.

"Oo! Kita n'yo 'yon? Ang gwapo, 'di ba?!" ngumisi ako habang inaayos ni Chocnut ang buhok ko't nagre-retouch ako. "Nakikipagtitigan, mga bakla! 'Di ko napigilan, nakikipagtitigan din ako!"

Nagpalit ako ng outfit habang nagsisimula na ang talent ng mga nauna nang bumalik si Chocnut na malaki ang ngiti at hinihila kaming dalawa para bulungan.

"Dav! Doon ka lang lagi makipagtitigan sa gwapo sa gitna!" tumalon-talon pa siya.

"Bakit?"

"Narinig ko! Siya daw 'yong galing sa Maynila! Narinig ko parang nagtatrabaho daw ata 'yon sa parang clothing... clothing line ata daw? Basta 'yong mga damit na mamahalin!"

"Oh..." bumilog ang bibig ko, "ibig mong sabihin siya 'yong niyayabang nina Mayor?"

"Oo! Narinig kong usapan nila sa banyo ngayon lang! Nagtago 'ko sa cubicle para makitsismis! Malaki na daw chance mo kapag nakuha mo atensyon no'ng gwapo! Eh, 'di ba, nakikipagtitigan sa 'yo?!"

Tumango ako.

"Tapos ito pa! Naghahanap daw sila no'ng... ano 'yon? 'Yong exotic beauty!" aniya, "tamang-tama at pang-exotic 'yang mukha mo!"

Nagningning ang mata ko. Tunog maganda! Tunog ako!

"Bakla!" sigaw niya kaya walang ingay kaming sumigaw-sigaw at nagyayakapan.

Pero seryoso, ano 'yong exotic?

Hindi naman sa pagmamayabang pero isa sa mga pinakaaabangang at pinagmamalaki ko ay ang talent portion sa pageant na 'to kaya nang tinawag at pagkalabas ko'y todo bigay na kaagad.

"Nay?" tawag ko habang may hawak na bilao, ang mukhang may dungis pa at suot-suot ang sirang damit. "Nay, nakauwi na 'ko!"

Inikot ko ang tingin sa stage at napatitig kay Chocnut na naka-wig na puti at nakahiga sa lapag ng stage suot ang daster at nasa dibdib ang kamay, nakapikit.

"Nay, m-may dala akong pancit..." mahina kong sabi, ang mata'y nagtutubig na.

"N-Nay? Nay, nakauwi na 'ko," nabasag ang boses ko habang lumalapit kay Chocnut na in characteristic pa sa role niya. "Nay, b-binili ko ng pancit 'yong nabenta kong Sampaguita."

Hindi gumalaw si Chocnut kaya napahawak ako sa dibdib at nabitawan ang pancit kunwari. Tinakbo ko siya at naupo sa kanyang tabi.

"Nay?" tawag ko, "N-Nay, gising! May pangkain na tayo ngayong gabi."

Ngumuso si Chocnut, nagpipigil ng tawa. Ang sarap sampalin pero dito nakasalalay ang pagkain ko ngayong buwan kaya pinigil ko ang kamay at inalog siya.

"Nay!" tawag ko at nabasag na ang boses. "Nay, g-gising ka na po. M-may dala akong pancit! Makakakain n-na tayo, Nay!"

Narinig ko ang singhutan ng mga tao sa audience.

Napatitig ako kay Chocnut. Kinurot niya ako at binuksan ang mata ng maliit para tignan ang mukha kong umiiyak para yata patawanin ako at idamay sa tawa niya.

Umangil ako.

King inang mukha 'yan, Chocnut.

Mas inalog ko siya, sinasadyang tumatama na ang ulo sa kahoy na stage para makaganti man lang.

"Nayyy!" iyak ko, "paano na 'ko, Nay? P-paano na ako kapag wala ka?!" humagulgol ako, muli pang mahinang inumpog ang gagong Chocnut na namumula na ang mukha sa pigil ng tawa bago yakapin.

May matang kanina ko pa nararamdaman mula sa mga judges pero 'di ako malingon para 'di mawala sa characteristic at nang dumating na si Pisya at Boyet para takpan kami ng kurtina ay dali-dali na akong tumayo para hubarin ang pang-itaas para maiwan sa belly dancer na damit.

Nahulog ang bells na nilagay sa ulo ko, ang kulay itim na makinang na bra ay may partner na maikling shirt at mahabang tela sa likod, may bells din.

May talento ako sa pag-acting, mabilis umiyak at todo bigay na akala mo nag-workshop sa Starstruck pero hindi lang 'yon! Magaling din akong sumayaw!

Nag-iba ang music kasabay ng pag-alis ng kurtina at sumabog ang ilaw sa mukha ko nang mag-iba ang ilaw at pinagdikit ko ang dalawang palad para gumiling sa Hips Don't Lie.

Mas umugong ang sigawan sa crowd at doon na ako nagkalakas ng loob na balikan ang lalaking hindi matanggal ang titig sa akin.

Matamis akong ngumiti sa kanya at umikot para igalaw ang balakang at pwet. Sumayaw ako na parang mag-o-audition bilang dancer ni Kuya Will at mamimigay ng jacket at five thousand!

Sa pagbabalik ng titigan naming dalawa pagkaharap ko ay nahuli ko ang pagbasa niya ng labi at mas ayos ng pagsandal, nilalaruan ang ballpen sa daliri, naghahamon ng tingin.

Tila may kuryeteng dumaloy sa ugat ko sa sobrang intense na bigay ng tingin niya iyon, sa unang pagkakataon ay nagpasalamat na natapos na ang kanta kaya bumalik na ako sa stage. Wala na naman sa wisyo.

Bakit ang gwapo niya? Bakit nakakahigop ng kaluluwa ang tinginang gano'n?

"Ang mahalaga ay 'yong mga rampa, Dav!" ani Chocnut sa akin, "formality lang daw ang Q&A pero sa rampa sila titingin ng winners kagaya ng last year kaya kalma ka lang!"

"Kalmado 'ko," sagot ko at pinisil ang sarili.

"Kalmado raw pero nangangatog," ani Pisya, "chill ka lang, bakla. H'wag kang mag-alala at sigurado akong isa ka sa top na pinagpipilian nila sa mga winners! Ang ganda kaya ng rampa at talent mo! Isa pa, malakas din ang audience impaction mo."

"Talaga ba?" nawala ang kaba ko kahit papaano.

"Oo," ani Chocnut at sinuklay ang buhok ko. "Sigawan sila kanina, umiyak kaya 'yong ibang judge sa talent natin! Galing ko kaya um-acting!"

"Acting eh, nakahiga ka nga lang do'n?" sikmat ko na, "muntik pa 'kong mapatawa kasi nagpapatawa ka! Gago."

"Pangit kasi ng mukha mo pagmulat ko," sabat pa niya at kung 'di niya lang tapos ang buhok ko'y baka naghilahan na kami ng anit.

Gano'n din ang naging epekto sa akin ng tingin niya sa swimsuit competition kaya nahihiya ako bigla at nako-conscious pero kapag nakikita ko ang mata niyang satisfied naman ay tumataas lalo ang confidence ko.

Sa long gown ay suot-suot ko ang Santa Cruzan na outfit na pinahiram ni Pisya. Mabagal at ma-drama ang bawat pag-ikot ko, ginagaya ang mga pinanuod ko sa internet na rampa ng mga beauty queen para mas makita nila ang ganda ng kulay dilaw na damit.

"What a beautiful gown, candidate number eight! Sunflower 'yan?" ani ng host.

"Yes," ngisi ko sabay hawak sa nananampal na bulaklak sa may dibdib, "diniligan ko pa 'tong bulaklak kanina."

Muli akong napatingin sa audience nang umugong ang tawanan at nag-init ang mukha nang mahuli ang ngisi ng gwapo at bahagyang iling niya't muling sumandal, pinaglalaruan ang ballpen.

"Please take one so we could see who would ask you a question for tonight."

Kumuha ako ng isang papel sa loob ng fish bowl at pumilantik ang puso nang impit na tumili ang host at napahawak sa dibdib niya.

"Oh! Our special judge!" namula siya kaya nagtaka ako nang bumulong siya, "s'werte mo, 'te! Galingan mo!"

"Ah?" takang tanong ko pero bumaling na siya ulit sa harap at pinaypayan ang sarili.

"Sorry, everyone! I was flustered!" humagikhik siya sabay lahad sa judge.

"The judge would be the current and acting Director for CAGE! Mr. Midnight Blaze Samaniego!" nagpalakpakan sila at nakita ko ang pagtango at maliit na ngiti no'ng lalaki sa gitna.

Nanigas ako sa kinatatayuan at huminga ng malalim.

Kinuha niya ang microphone na inaabot sa kanya at nakipagtitigan sa akin.

"Good evening, Miss Davina," malamig at baritonong bati niya, mapaglaro ang mata. "You look rather gorgeous and ravishing tonight."

Nagsitaasan ang balahibo ko at nangatog ang tuhod ko.

Behave, Davina! Nasa camera tayo!

"Good evening," bati ko sabay ngiti. "You is looking gorgeous yourself tonight, too. Pero don't worry. I finished done having vaccine in—on the center, kaya wala akong rabies."

Nagtawanan sila. Nakita ko rin ang paggalaw ng balikat no'ng lalaki at ang paglayo niya ng microphone sa bibig.

Nag-init ang pisngi ko.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sinabi ko lang na nagpa-vaccine na 'ko no'ng nakagat ako ng asong ligaw last month kaya wala na 'kong rabies!

Ngumuso ako nang makita ang pagpula no'ng mukha ng judge na si Blaze, "I-I'm sorry..." tumikhim siya, "I'm sorry, wait..." muli siyang napatawa.

Mapagbintang kasi 'to, sabi niya ravishing daw ako! Mukha ba 'kong may rabies?

Judgmentality naman 'to, sayang pogi sana!

"Alright, I'm sorry," tumikhim siya pagkatapos uminom ng tubig at sinuklay ang buhok niya kaya nawala iyon sa ayos. Mas nadepina ang panga niya at mas nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya.

Nagkatitigan kami. Kagaya ko ay napatitig siya ng ilang segundo sa mukha ko bago nagbaba ng tingin, mukhang wala sa sarili.

"Let me... ask you a question," aniya at may binasa sa papel bago ako tignan. "Miss Davina, what's your love language?"

Natigilan ako at umugong ang orasan sa ulo ko, nasira ata ang battery.

Humigpit ang hawak ko sa microphone at tumango, "thank you for very wonderful and is amazing question. I honored to be here... next question, please?"

Mas nag-ingay sila. Hinampas ako ng host, tawang-tawa.

Bruhang 'to! Muntik na 'ko mahulog sa stage!

"Ano 'to, recitation?!" aniya, pulang-pula na at alam kong napapahiya na talaga 'ko pero nang makitang maingay ang audience ay gumaan ang pakiramdam.

Ngumisi na lang ako at pinagmasdan si Blaze na namumula na ang mukha at hawak na ang panga niya, nakatitig sa akin.

"You made our night, candidate number eight!" tawa ng host, "let us repeat the question, Mr. Samaniego? Could you ask our contestant again?"

Tumango si Blaze, inayos ang coat niyang kulay itim sa itaas ng kulay puting long sleeves na top at abot ng microphone.

"You're very interesting, Miss Davina," aniya habang nakatitig sa akin.

Wala naman akong pautang kaya walang interest!

Pero 'di ko sinabi ng malakas at baka ipatapon na talaga ako sa kanal. Ngumiti lang ako.

Ang pogi talaga, oh!

"Let me repeat the question, sweetheart. What's your love language?" ulit pa niya at doon na dumagungdong ang mundo ko. 

'Di ako sigurado kung sa sweetheart 'yon o sa tanong.

Nag-buffer ang utak ko at nakakarinig na ng kuliglig na literal sa loob ng bungo ko.

Napansin ng tingin ko sina Chocnut sa audience at nakita kong bumubuka ang bibig nila at may sinasabing walang tunog kaya may bombilyang lumitaw sa utak ko.

"Love language," panimula ko sabay hawak ng microphone na mahigpit, confidence na. "We born and live in mother nature and Philippines. We are fight and protect us from the uh, invading of other mother nature."

Tumikhim ako at tinaas ang baba para mas may power.

"We born in Philippines and their say... mahalin ang sariling atin kaya ang love language ko ay s'yempre, Filipino tayo kaya Tagalog!" I answer at confidence.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co