Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Chapter 2(Motorbike)
Motorbike
Iritado ako nang marating ang mesa na okupado namin. Maingay sa dance floor at naabutan ko agad si Amethyst na nag oorder.
"Dalawang Henessy at apat na lalake," humagikhik si Amy pagkasabi niya nun. Nangunot naman ang noo ko.
Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.
Oh my.. Ito na talaga ang mga pinsan ko.
"Hi." bati ko sa kanila pero niyakap na agad ako ng mahigpit ni Ruby.
"I miss you cuz." She whispered. She's wearing a pink dress at high heels.
Sumunod naman si Emerald na naka pulang dress. Kulot ang buhok niya. She's taller than me kaya minsan, ang daming offer sa kanya para maging model. Hindi naman siya interesado.
"Miss you Saphire," Mahigpit niya akong niyakap. Our table was a jungle that night. Ang daming pulutan at kung ano ano pa.
Binaba ni Amy ang sigarilyo niya at niyakap rin ako. Halos maubo ako sa mint flavor na cigar niya.
"That's bad Amy.." bungad ko at umupo na.
"Wow naman cuz. Akala ko Hermes bag ang pasalubong mo sakin. Bad Amy naman pala." uminom siya sa Henessy.
Sa amin, itong si Amy ang mabisyo. Masikreto rin siya kay tito Clinton at tita Kylie.
Nakangiti naman si Ruby at Emerald sa akin.
"Where's Margo?" I asked Ruby.
"Studying. Bagsak siya last year. How about you? Mag eenrol ka? "
Kahit na sa unibersidad sila naka enrol ay hindi nagkoconsider ang mga prof kung anak ka ng may ari o pamangkin dahil kung bagsak ka...bagsak kang talaga.
"I will think about it. Mas gusto ko sa ibang Unibersidad. May nagbago ba habang wala ako?" ininom ko ang Henessey na nasa aking baso.
The dance floor became wild. Even the beat of the music. Nakaka dala ang energy ng mga sumasayaw. Pate mga pinsan ko ay gumigiling na rin at nag heheadbang.
"Focus sa pag aaral syempre hindi nawawala ang landi." si Emerald ang sumagot.
"Yang si Ruby...may ka fuck buddy yan! Ilang beses na papalit palit ng fuck buddy!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Ruby sa sinabi ni Amy.
"Duh.. hindi ah. Those are just my ex flings! Si Emerald nga matalino sa klase pero may lalaki rin ah."
Bakit hindi nawawala ang lalaki sa usapan? Hinilot ko nalang ang batok ko.
Fucking jetlag.
Alam ko naman na ayaw lang nila madepress ako dahil sa issue ko noon kaya maiingay sila. Sa iba hindi sila ganito.. natatakot ang iba na pumasin dahil mga snob ang mga to. Mga maldita.
"Seriously Rubz? Meron?" tanong ko.
Namula naman si Ruby.
"Si Ysmael." sagot ni Amy.
I nodded slowly. The younger brother huh? Tinitigan ko si Ruby. Ngumuso ako ng umiwas siya.
Damn guilty. Hindi ko nakakalimutan na sobrang gusto niya noon si Raphael.
Ew. Sinong magkakagusto sa isang hambog, maraming tats at nakasakay lagi sa motorbike? Parang pinabayaan ng magulang dahil sa dumi ng damit.
Umirap ako at ininom ang last shot ko for tonight. Ayokong umuwi na lasing ako. The last time I was drunk ay ano na ang nangyari kaya ayoko nang malasing pa. Hindi deserved ni Raph ang virginity ko. Goodness.
Napaindak na ang mga pinsan ko dahil sa hype ng music. Ni walang lumalapit sa table namin pero maraming tumitingin. Tingin ko mga nandito ay mga kaklase o ka blockmate ng mga pinsan ko.
"Saph, samahan moko bukas bumili ng school supplies huh?" nairaos pa rin ni Ruby ang kanyang sarili ng sabihin sakin iyon. She look so fucking drunk.
"Sure-" naputol ang isasagot ko nang nabuhusan ako bigla ng isang waiter! Nabuhos sakin lahat ang limang bote!
Hindi ako napatili kundi natulala nalang sa nangyari. Nasapo ni Emerald ang labi sa gulat.
Pate ang buhok ko ay basa!
"Tanginang yan oh! Suntukan nalang?!" sabay akmang suntok ni Amy sa waiter na malaki. I stopped her.
"No, it's okay.."
"Ma'am, I'm sorry po. Naitulak po ako kanina ng nagsasayaw po. I'm sorry po." hinging paumanhin ng waiter.
Tumayo ako at huminga ng malalim.
"Don't worry. I'm fine." Nilingon ko si Ruby. Tumayo ito at sinamahan agad ako papuntang banyo.
She hold my hand dahil sobrang dami nang tao. Nababangga pa kami.
"Ugh.. Ayoko na talaga mag bar ulit. Gusto ko nalang mag bakasyon." ingos niya ng marating namin ang banyo. May mga nakapila doon.
Tinitigan ko si Rubz. "Malinis ba Cr nila dito?" tanong ko. Medyo mahina na ang music ng dance floor dahil malayo kami doon.
Tumawa si Rubz. "Oo , siguro?" She shrugged.
"Call Ysmael please. Tell him I'm so so soo.. drunk!"
Napatigil kami nang marinig namin ang ingay ng babaeng kakalabas lang ng banyo. Mukhang lasing na nga ito.
"Girl... ano ba? Akala ko ba papansinin ka pa nun? Look at your self! Ang gulo gulo na nang buhok mo! Alam mo naman kasi na playboy talaga yang si Mondragon kaya bakit mo sineryoso?"
"Linda! Last year niya nalang sa college kaya hindi ko na alam kung magkikita pa kami!"
"Nawawala na ang poise mo!"
Nagkatinginan kami ng pinsan ko na tila ba nahimasmasan sa ininom niya. Pareho kaming natawa pero pinigilan ko naman agad.
"Hey! Tinatawanan mo ba ako?"
Kinagat ko ang labi nang sigawan ng babaeng lasing si Rubz.
"Oo. Bakit?"
Gusto kong sabunutan ng mahina si Ruby sa sinagot niya!
"Oh.. kaya naman pala. Lakas ng loob? Kasi Montemayor ka? Kasi habol nang habol ka kay Ysmael pero hindi ka naman pinapansin!"
"Tapos kana? Puwede ka nang umalis? Kasi nakapila kami e." sagot niya.
"Rubz, stop it." pigil ko. Nakita naman ako ng dalawa. Nagkabulong bulongan na nang ako ang magsalita.
The girl smirked. "Mga malalandi ng campus! Ang isa may scandal. Ang isa naman sikretong makati!"
"Leave or I will punch you? You choose." nagtataray na si Ruby.
Tila natakot naman ang dalawa at inirapan si Ruby bago umalis. Kinagat ni Em ang labi at yumuko.
Hindi kami nagtagal doon at pagkabalik namin ay nagkakagulo na! May mga police pa!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na pinosasan si Amy!
"H-Hey! What's going on?" tanong ko at kinabahan. Si Emerald naman ay umiiyak sa gilid ng tahimik. Maraming tao sa paligid ang nagkumpulan. Bakas sa mukha ni Ruby ang pag alala.
"Ma'am, ka ano ano po kayo ng suspek?"
Suspect?!
"Cousin. What happened? Can't you just freed her? Baka masaktan siya."
"Hindi puwede maam. Matagal na siyang minamanmanan. Reported siya samin bilang drug pusher."
Halos mahulog ang puso ko sa narinig. Kumawala naman si Amy. Namumula siya at gusto maiyak.
"Hoy unggoy! Hindi ako drug pusher! Sampalin ko kaya kayo ng pera!"
"S-Sir.. baka mapatay kayo ni Tito Clinton. W-Wag niyo nalang pong posasan ,please.." pagmamakaawa ni Ruby.
Hindi kami pinakinggan. Puro nalang ba sakit ng ulo ang naidudulot namin?
Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag mula kay papa. Nasa labas na kami ng bar at handa nang pumunta sa presinto.
"Pa-"
"Go home..." malamig ang boses niya. "Nandiyan na si Nathan."
"Pa, si Em kasi."
"I know. Don't worry. Gagawin lahat ng tito mo. Go home now."
"Alright.." sagot ko at babaling na sana sa kotse nang may mahagip ako.
Raphael on his motorbike while smoking. Napalunok ako at umiwas nang makita ko rin doon ang kapatid niya.
Bakit ako magtataka kung nandito siya? Bar is his favorite place.
Nagmadali akong pumasok sa kotse para maibsan ang kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co