Truyen3h.Co

Chained By The Mafia Lord

Chapter35

frezbae

Kabanata 35
Don't leave me

Hawak hawak ni Marco ang aking kamay habang nagda-drive siya papuntang school. Hinatid niya ako dahil wala pa naman daw siyang importanteng gagawin sa opisina."What kind of party is that? wet party?" He sneered while driving.

Sinabi ko kasi sa kanya yung magaganap na wet party sa school. Sabi ni Flora na kaklase ko. Basaan daw iyon habang may sikat na banda ang nasa stage.Sa football field daw iyon gaganapin. Pwede daw uminom iyong mga studyante at sumayaw. "Oo daw eh. Iyon ang sabi ng mga ka klase ko."

"Bullshit! So ibig sabihin magsusuot ka ng bikini? Hell No!" Natawa ako sa kanyang ekspresyon.

"HIndi no! Bawal iyon! Yung pormal naman daw at yung komportable ka."

"Gabi gaganapin?"Para siyang imbestigador. Ang dami niyang tanong.

"Oo sa gabi "

"Sige , pero kasama ako."

"Sasama ka? Really?" Ngumiti ako sa kanya.

"Oo kung hindi ako kasama hindi ka rin pupunta."

I rolled my eyes."Fine!."

Nang huminto ang sasakyan lumabas din siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Dito kana. Kaya ko naman."

He shooked his head. "Pupuntahan ko din naman si Sebastian. May pag uusapan kami."

Lumakad na kami papasok ng gate.
"Tungkol naman saan?" Tanong ko.I saw how girls drooled over Marco. Alam ko namang hot siya kaya hindi na ako magtataka na nagkakaganito ang mga babae dito. HMP!

Parang nagde-day dream pa ang mga ito habang nakatingin kay Marco eh!Nainis ako bigla. Hinawakan ko ang kamay ni Marco dahil naiinis na ako."Wala. It's not important .Hatid na kita sa room niyo."

Ngumuso ako nang hinawakan niya ang baywang ko. "Baka tungkol sa babae yan ah."Tumawa siya at namangha na naman ako uli sa karisma niyang taglay. "Kung tungkol sa babae edi ikaw yung pag uusapan namin. Wala naman akong ibang babae."

"Inuuto mo pa ako eh! may Sam ka naman."

"Isabella please." Naging seryoso na ang boses niya kaya tumahimik na ako. I don't want to push his button.Naging busy kami sa aming paaralan dahil sa pararating na wet party.

"Students! gusto kong sabihin sa inyo na tayo ang napili mag organize ng wet party this friday. Kaya igo-group ko kayo at kayo na ang bahala kung saan niyo uumpisahan. Kayo ang bahala sa designs ng stage at pumili ng banda. I owe you this one students kaya may bonus kayo sa grades! Everything's clear?'' Mahabang sinabi ng aming guro na si Ma'am Gemotea.

"Clear ma'am!". We answered.Agad kaming ginawan ng grupo ni ma'am .

"So , all set! I'm giving you thirty minutes para mag meeting." Agad akong pumunta sa grupo ko na puro babae.

Lumapit sa akin si Flora na ka grupo ko bale pito kami."So ,ganito iyon.Ako na ang bahala sa bandang iimbitahan natin dahil may koneksyon si mommy sa mga nagsisikatang banda ngayon. Yung problema nalang natin ay yung motif ng stage dahil okay naman ang field."Magkaharap kami na naka upong pito.

"Madaming extra na upuan at mesa sa lumang building diba? Madami iyon okay na yun gamitin . Tsaka mas prefer ko ung kulay na gray or black ng stage." Opinyon ko sa kanila kaya nakatingin sila sa akin.

"Tama ka! Yun nalang ang sa atin. Yung s iba ibang grupo na ang bahala doon. Bale dapat mamayang gabi bumalik tayo dito dahil two days nalang ang meron sa atin! Ang hirap kaya maghanap ng curtains sa storage room!" Suhestyon ni Camille na kaklase din namin.

Agad akong napangiwi dahil hindi ako papayagan ni Marco for sure. Pero baka naman maintindihan niya.Natapos ang araw namin sa kakaisip tungkol sa wet party. Alas tres na ng nakaramdam ako ng pagod. Naka dismiss na kami at papunta na akong locker para ilagay ang mga gamit ko.

"Isabella! Pahingi ng number mo para itext kita mamaya ha? Kitakits nalang!" Sabi ni Flora kaya binigay ko ang number ko. Ngumiti ako at kumaway ng umalis siya.Humarapako sa locker at binuksan iyon.Fear crept in me when I saw a black small envelope sa loob ng locker ko! Who the hell put it in here?!

Nagtaas baba na ang balikat ko ng nag umpisa na akong kabahan. Kinuha ko iyon at binuksan. Halos maitapon ko iyon ng makita kong si Marco ang sa litrato.

May hawak siyang latigo at may lalaking punong puno ng dugo ang likod. Nakatalikod iyon kaya hindi ko makita ang mukha! Halatang stolen na pag picture iyon dahil halos patago iyong pagkakuha.

Meron din na nakahulod na lalaki at sinasabunutan ni Marco ang buhok. Pilit na pinapatingala niya ito at tinutukan niya iyon ng baril sa ulo. Nanginginig na ang kamay ko .Nilukob na ako ng kaba at takot dahil ibang iba na Marco ang nakikita ko sa litrato.

A mercilessly monster,a beast,and a ruthless man!Sa ika apat na litrato ay ang kaninang lalaking tinutukan niya ng baril ay nakabulagta na at umaagos na ang dugo sa sahig.Damn!Tuluyan nang umagos ang luha ko. The place looked like a dungeon. It's like a cell of dead people. Madilim doon. Madaming kadena sa gilid at may nakita pa ako sa picture na may mga kasama si Marco.

Tinitigan ko ng mabuti ang isang picture na hawak ko at hindi ako nagkakamali. Si Mang cesar ang nakahawak sa lalaki habang nilalatigo ni Marco!What the hell!

"N-no."Humikbi ako at umalis na doon sa locker. Madaming tanong na hindi ko masagot. Ang dami kong tanong na walang sagot! Isang tao lang ang makakasagot sa akin at alam kong si marco iyon.

Alam ko naman na ganon siya eh. Pero hindi ko masikmura yung ginagawa niya. Talaga bang siya iyon? Nagagawa niya iyon? Hindi ba siya nakokonsensya?Naging ekstranghero muli siya sa aking sistema. He killed people violently and on a barbarous way! Ganon ba siya ka brutal?!

Mahal na mahal ko siya kaya ayokong ganito siya. Hindi niya kailangan dungisan ang kamay niya dahil may batas naman tayo. Yung mga tao na may kasalanan ay mananagot sa batas. Wag niya namang ilagay sa kamay niya ang batas at kapalaran ng mga taong yon!

Halos takbuhin ko na palabas ng school at pamilyar na black SUV na nakahinto sa harap at alam kong si Mang cesar ang sumundo sa akin. Pinalis ko ang luha ko at pumasok na doon.

"Magandang hapon ma'am. Diretso uwi na po ba tayo?" Paunang tanong ni Mang cesar sakin.Maghalos isang taon na naging driver ko si Mang cesar. Aaminin ko na nakagaanan ko siya ng loob. I just really can't believe it! Gusto kong umiyak!

Simula nang namulat ako sa mundong ito napuno nang kadiliman ang buhay ko. Puno nang ekstrangherong pangyayari ang buhay lalo na ngayon na nasa poder ako ni Marco.

Nahahawakan ko nga siya, nayayakap, nahahagkan, pinapadama ko yung pagmamahal ko sa kanya pero may side sa kanya na parang hindi ko siya kilala.May bagay na wala akong alam. Buong tapang kong tinignan si Cesar sa rearview mirror. "Diretso uwi tayo."

Ngumisi ito."Okay Ma'am."

"Mang cesar." I called him.

"Po?"

"Driver ka nga lang ba talaga ni Marco? " pigil emosyon ko na sinabi.

I saw him stiffened."P-po Ma'am?"

"Don't pretend I know what you are. "I hissed.Huminga ito ng malalim at binaling ang tingin sa kalsada.

"May mga tao talaga na kailangan mag kunwari Ma'am. Wala po akong sasabihin. Si lord lang po ang makakasagot niyan."

Nangunot ang noo ko."Lord?"

"A-ah! Ser Marco pala Ma'am!".

Nanlilisik ang mga mata ko dahil sariling bibig niya mismo ang magpapahamak sa kanya.Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Wala pa si Marco,si lola Martha naman nagluluto.

Hindi ako mapakali sa kwarto. I need to confront him! Ngayon, hindi ko na kayang manahimik. It's too much. Hindi kona kaya ang manahimik! Punong puno na ako ng kahiwagaan!

Dumaan ang alas kwatro, alas singko ,alas sais at alas syete nang marinig ko ang ugong ng kotse ni Marco. Sa lumipas na oras. Hindi ko nagawang kumilos at hindi ako naka meryenda. Nakatunganga lang ako sa loob ng kwarto.

Nang natagalan siya sa pag pasok ng kwarto. Ako na ang bumaba. Hawak hawak ko ang envelope ng pictures sa nanginginig ko na kamay.Pagkababa ko nakita ko siyang seryosong kausap si mang Cesar.

"Marco." Agad siyang bumaling sa akin at agad naman yumuko si mamg Cesar at umalis.

"Baby." Akmang yayakapin niya ako ng itaas ko ang envelope kaya napatigil siya. Nasa sala kami ngayon. Hindi ko na magawang hilahin siya para mag usap sa kwarto dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag hahawakan ko ang kamay niya na marami nang napatay.

"Explain this!" I waved the enveloped on his face by my trembling hand.Umigting ang bagang niya habang nakakatitig doon. Binalik niya ang titig sa akin na nananantya. Kinuha niya sa kamay ko iyon at buksan. Mabilis niyang tinignan iyon at kumuyom ang kamao niya. His jaw clenched dangerously.

"Sinong nag bigay nito?!" He hissed madly. Parang gusto na niyang sumigaw at manapak kaya napakurap kurap ako.Hinila ko lahat na hibla ng tapang at lakas ko. Once and for all. Aalamin ko ngayon! Dahil kapag hindi kopa malaman hindi na talaga ako matatahimik.

"Sino nga ba Marco?! Sino sa mga taong kaaway mo ang nagbigay niyan ? Dahil ako wala akong alam! Wala akong kaalam alam! Bakit hindi mo sabihin sakin? Sa tuwing tatanungin ko noon sayo palagi kang umiiwas! Parang nasa bangin ako na nag aabang kong sinong tutulak sa akin! I am clueless! I am hanging on the air! Alam mo iyon?" Tumaas baba na ang dibdib ko at nag umpisa nang bumuhos ang luha ko.

Pula na ang tenga at dibdib niya. PIlit niyang kinalma ang sarili at pumikit.
"Ayokong madawit ka dito Isabella. You're out of it!"

"Anong kaguluhan ito?!" Dumagondong ang boses ni lola Martha pero ni isa samin ni Marco walang tumingin sa kanya.

"Tell me!" Tinignan ko siya mata sa mata.

Umiling siya at ginulo ang buhok niya.
''Wala kang dapat malaman."

"Marco! pumapatay ka ng tao! Buhay yung kinukuha mo! Bakit mo iyon ginagawa?! May batas tayo! Wag mong ilagay sa kamay mo! Hindi mo ba naiisip na may pamilya din sila?!"

"That's bullshit! Really?! Sa tingin mo ba maiisip ko pa iyon? Hindi Isabella! They deserve to suffer! They deserve to die!"

"Wag kang magsalita ng ganyan! You're a criminal!" I shouted on him.Ngumisi siya ng mapang insulto. And swear, parang hindi na si Marco ang kaharap ko ngayon. Ibang Marco na ito.

"You really wanna know? huh?" He asked.

Tumango ako."Hijo! Hindi mo kailangan sabihin." Pang aalo ni lola Martha sa kanya.Tama ako. May alam si lola Martha sa lahat.

"I had a twin sister." Panimula ni Marco.Namumula siya at sa unang pagkakataon nakita kong lumamlam ang mata niya. Nakitaan ko iyon ng pangungulila.

"Hijo! T-tama na." Naiiyak na si lola Martha.

Umiling lang si Marco. "Dahil sa organisasyon na pinatayo ni papa. Marami siyang kaaway. Mas naging delikado ang buhay namin. Madaming death threats. Madaming uhaw sa aming buhay. Nang dahil sa organisasyong pinatayo ni papa at ng nagretired siya sa Philippine Army nalalagay na sa panganib ang buhay namin.Organisasyong tumutugis sa mga drug lord, at sa mga mayayaman na yumaman dahil gahaman. Mga kriminal at mamamatay taong mandurugas! Lahat iyon napatumba ni papa."

Narinig ko ang hikbi ni lola Martha kasabay ng hikbi ko. Bawat bitaw ni Marco ng salita hindi niya nilulubayan ang mata ko.

"Hanggang isang araw nalinlang nila si papa.Pinaniwala nilang may malaking sindikato na dapat tugisin sa ibang bansa na siyang nagsusupply ng cocaine ,marijuana at shabu dito sa bansa."

"Hijo! tama na...please.." lola Martha begged.

Hindi natinag si Marco. "Naiwan kami ni Maricar at mama sa mansyon. I was only eleven years old nang lusubin kami ng mortal na kaaway ni papa! They planned it! Nilinlang nila si papa! Walang nagawa ang aming body guards Isabella! Wala akong nagawa!!" Sinuntok pa nito ang sariling dibdib.I am speechless.I am hurt.

"H-hijo." hikbi ni lola Martha.

"Alam mo yung pakiramdam na wala kang magawa?! Wala akong nagawa! Sa harap ko mismo Isabella! Walong lalaki kabilang ang leader ng Sigma ang nagpalit palit na ni rape ang aking ina ,kamBal at si lola Martha!! Putangina!!"

I was so stunned. Parang binagsakan ako nang mundo sa aking narinig kaya natutop ko ang sariling bibig.Tuluyan nang napaupo si lola Martha sa sofa at umiiyak.

"I saw it with my both eyes! Putangina! Ni rape nila at pinatay! Alam mo yung pakiramdam na naririnig ang mga ungol nang mga putanginang iyon habang walang awa na inaangkin ang kambal ko? Si mama? Si lola?? Hindi diba?! Hindi mo alam kaya kay dali mong nasabi yan!"

"They beated them a baseball bat! They punched,and kicked them! Walang awa nilang pinalo sa ulo ang kambal ko! Walang awa nilang binaboy at binaril ang ina ko! Tanging si lola martha lang ang nakaligtas at ako dahil akala nila namatay na ako ng binaril nila ako sa dibdib ng ilang ulit Isabella!!"

"All my life, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanila! Tangina! Wala akong nagawa! Lalaki ako pero wala akong nagawa!!" Bigla niyang kinuha ang vase at kanyang binato sa dingding kaya napatili ako at humagolhol.Oh my god! I don't know what to say.Kung alam ko lang ang pinagdaanan niya.

"Wala akong silbi!" Tinadyakan niya ang table glass nila kaya nabasag iyon sa sahig. I was crying the whole time.

"Ngayon , sa tingin mo... mali ako Isabella? I'm a criminal? Shit! I'm just seeking for justice isabella! And I want it on my own! Dahil kulang pa iyon! Kulang na kulang!"Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.Ramdam ko ang panginginig niya.

"I-I'm s-sorry. Hindi ko alam." I cried. Ramdam ko ng sakit. Tagos puso ko iyong naramdaman.Umiyak ako ng umiyak. Gusto kong kunin lahat nang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam na sa likod ng isang Marco ay may tinatagong kalungkutan at sakit.

"I'm a killer Isabella." He cupped my both cheeks.Ilang hibla lang ang layo ng mukha namin. His eyes were deep red.

"I killed people . I'm a killer ,I'm a criminal. Hindi ako nakakaramdam ng konsensya kapag pumapatay! kasiyahan ko ang patayin sila." Diin na sabi nito at nakatingin sa aking mga mata.

"Takot akong malaman mo. Dahil baka matakot ka at iwan ako. Ngayon, mahal mo pa ba ako kahit ganito ako? Kahit brutal akong pumapatay? Mahal mo pa ba ako? huh?" It almost a whisper and he wiped my tears.

Suminghot ako at tumango. "M-mahal na mahal kita Marco.Mahal na mahal.I'm s-sorry for being so insensitive. K-kung kaya ko lang p-pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo." parang dinudurog ang puso ko.

"Shh.." He hugged me. "You're my life . Ayokong masali ka sa gulo ng buhay ko. That's why I am keeping this a secret. But now you know."

"I-I'm sorry". Tanging nasabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Please don't leave me Isabella. Ikaw lang ang meron ako..Don't leave me,baby."

Pumikit ako ng mariin.
"I wont. I promise."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co