Truyen3h.Co

Chained By The Mafia Lord

Chapter36

frezbae

Kabanata 36
Ang ganda mo talaga

Iniisip ko palang yung nangyari sa pamilya ni Marco parang may puot na namumuo sa aking dibdib. Puot sa mga taong gumawa nun. Gabi gabi ko iniisip ang mga sinabi niya. Sinubukan kong inisip iyon at nilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya.What if , Ako yung taong naka saksi ng lahat ng iyon? Wala akong nagawa. Sa harap ko mismo ni walang hiya ang aking pamilya, ni rape at pinaslang ng walang awa.

Iisipin ko palang ang sarili ko na sa ganong sitwayon. I would feel the same way too. I'll seek for justice. Kaya gustong gusto kong malaman ang lahat lahat. Alam kong wala pa sa kalahati ang nalalaman ko. Alam kong madami pa akong dapat malaman.

Sa mga rebelasyon ni Marco. Mas lalo ko siyang minahal. He's a tough man. Hinahangaan ko siya sa pagiging matatag niya. Para siyang katakot takot na dagat. Maraming misteryo sa pagkatao at maraming pang malalaman tungkol sa kanya. Hindi ako natatakot na tumalon sa dagat na iyon at isa isahing ungkatin ang kanyang pagkatao. Wala na akong pake kung hindi man makaahon. Basta sa kanya lang ako mahuhulog.

Maingat kong inangat ang aking katawan at pinulupot ang kumot sa aking kahubadan. Tinignan ko si Marco sa aking tabi at nakapulupot parin ang kanyang kamay sa aking baywang. Tulog na tulog siya.Ang ibabang bahagi lang ng katawan niya ang natatakpan ng kumot.

Yumuko ako upang patakan siya ng halik sa noo. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Kahit tulog napakasuplado pa din ng mukha. Napanguso ako ng bumaba ang tingin ko sa kanyang balikat.

Napakakisig ng balikat niya.Yung dibdib niya na nalalatagan ng balahibo ay napakakisig. Ang braso niya na maugat hanggang kamay. Yung walong abs niya na palagi kong hinahaplos at talagang matigas iyon.At iyong eight inches niya.Haaayyy.

Napangisi ako sa sariling pag iisip umahon ako at tumungo sa banyo. I felt so sore.He took me last night so many times. Kumikirot pa nga ang aking gitna hanggang ngayon.

Nang makalabas ako ng banyo natutulog pa rin siya.Kaya nagbihis nalang ako at tinungo ang kusina. Hindi na ako papasok ngayon.Exempted naman kami dahil kami ang nag organized ng wet party para mamayang gabi.

Nagluto nalang ako ng fried rice at ng omelette. Tsaka gumawa narin ng pancakes. Mahilig kasi si Marco sa pancakes kung umaga.Pinagtimpla ko din siya ng kapeng barako.

"Ang aga mo yatang nagising?"Napalingon ako sa likod at nakitang si Lola Martha iyon. Sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. Nakaramdam ako ng awa sakanya at poot sa mga taong nang rape sa kanya noon.

Ngumiti ako. "Magandang umaga lola! Opo, inihanda ko po si Marco ng breakfast."

"Hija.." napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang aking palad.

"H-Hoh?"

Matamis siyang ngumiti at pinisil ang aking kamay. "Salamat sa pagmamahal mo sa alaga ko. Salamat dahil hindi mo siya tinalikuran ng nalaman mo ang totoo. Sana wag mo siyang bitawan hanggang sa huli."
Huminga ako ng malalim at hinawakan din ang kamay niya.

"Mahal na mahal ko po si Marco lola. Hindi ko po yata kayang iwanan siya." Ngayon mas lalo akong humanga kay Marco. Hanga ako sa kanya determinasyon at lakas ng loob.

"Kaya nga sana wag mo siyang iwan tulad ng ginawa sa kanya ni Nancy noon. "

Nabigla ako sa kanyang sinabi ni lola.
"P-Po? Sinong Nancy lola?"

Parang nanlamig ang buong pagkatao ko.Luminga linga si lola at tinignan ako pabalik."Wag mong sabihin kay Marco na sinabi ko ito ha?" Tumango ako.

"Si Nancy ang unang babaeng minahal ni Marco. Alam kong hindi niya ito sinabi sayo dahil mula ng sumama ito sa ibang lalaki ayaw na ni Marco marinig ang pangalan niya." Umawang ang labi ko at parang tinutusok ng ice pick ang aking dibdib sa sakit. Mas may nauna pala sakin?

"Hija alam kong mahal na mahal ka ni Marco dahil ngayon ko lang siyang nakita na nagkaganito.Ngayon ko lang nakita ang hindi ko nakita na ginawa niya kay Nancy noon."

Kinagat ko ang labi ko. "Nasaan na ngayon si N-Nancy lola?"

"Sumama siya sa ibang lalaki Maria. Sumama siya sa anak ng lider ng Sigma. Si Virgo kapatid ni Samantha."

Oh my god. "Kapatid ni Samantha?" Takang tanong ko.

Tumango si lola. "Ginagamit ni Marco si Samantha para makalakap ng impormasyon sa mga Sigma. Hija, sana wag kag tutulad kay Nancy dahil baka ngayon mabaliw na ang alaga ko."

Lutang akong bumalik sa kwarto habang bitbit ang tray. Pagkapasok ko nakita ko si Marco na gising na. Gulo gulo pa ang buhok niya. May ka tawag siya sa cellphone niya.

"No. Cancel it all.May uunahin ako ngayong araw." Paos ang boses niya at nakahiga pa siya sa kama. Nakasuot na din siya ng boxer.Kaya nilagay ko sa mesa ang pagkain at umupo sa sofa na nandoon. Tinignan ko siya at nagtagpo agad ang paningin namin.Nangunot agad ang noo niya.

Kinapa ko ang aking dibdib kung saan ang aking puso. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Ang lalaking kaharap ko ngayon ang lalaking dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang dahilan kung bakit ako nakabangon sa pagka lugmok. Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng saysay ang aking buhay sa mundo. Ang nagpakita sa akin ng totoong kulay nito. Ang nagpamulat sa akin sa katotohanan.

Mahal namahal ko ang lalaking ito. Ngayon hindi ako mag papaapekto sa kanyang nakaraan. Noon tinulungan niya akong bumangon at hindi ako hinusgahan kong ano ako. Ngayon ako naman ang tutulong sa kanya. Bibigyan ko ng kulay ang madilim niyang nakaraan.

Tatanggapin ko ang lahat lahat.Hindi ko siya iiwan hanggang sa huli. Pero sana siya ganon din sa akin.

"Are you okay?" Napabalik ako sa huwisyo ko ng marinig siya. Nakaupo na pala siya sa tabi ko at agad akong niyakap mula sa gilid. Hinalikan niya ang aking sentido.Nanatili ang tingin niya sa akin na nananantya.

"Diba may trabaho ka pa?" Sabi ko at nagsimula nasiyang mag hain sa akin ng pagkain. Nilagyan niya ng pagkain ang aking pinggan.

"Kinansela ko.Sasamahan kita sa inyong wet party.." sagot niya at sumimsim sa kape.

Ngumuso ako. "Pwede ka namang wag sumama eh. Alam kong busy ka."

Seryoso niya akong tinignan.
"Well. You're my first priority."

Napataas ang kilay ko.. mapag tripan nga to."Marco It's okay. I can manage. Isa pa I'm young and free. I mean free to explore." Kumagat ako sa pancake at nakita kong nilapag niya sa mesa ang kape. "Alam ko. You're young but not fucking free and fuck the explore thing! Tell me may balak kabang lumandi doon? Bakit parang ayaw mong sumama ako , huh?" Nakataas ang dalawa niyang kilay habang pinupukol ako ng masamang tingin. Oh Uh! I think he's pissed off.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.
Pero pinagpatuloy ko pa din ang pag iirita sa kanya."Paano kung oo?"

Halos mag isa na ang kilay niya at umigting ang bagang. "Are you fucking serious Isabella? Simple lang naman babasagin ko lang naman ang bungo ng lalandiin mo.No sweat."

Napamaang ako sa sinabi niya."I - I was just kidding." bawi ko.

"But I'm not.So be careful baby." banta niya sa akin bago kami nagpatuloy sa pagkain.Buong araw ay wala siyang ginawa kundi ang turuan akong lumangoy sa pool.

Nang dumating ang alas sais ng gabi ay nagbihis na ako.Nasa harap ako ng tokador habang naglalagay ng liptint sa aking labi.

"Kailangan pa ba yan?" Bagot na sabi niya habang nakaupo sa kama. He's wearing a white v neck t-shirt at naka ripped black jeans siya. Wala na akong masabi. Siya na ang maskulado. Siya na ang napakagwapo.

"Marco konti lang naman."

"At pinapatay yata ako ng damit mo.." seryoso niyang sabi.

"Ano?"

"Bakit kasi sleeveless at short?"

"Kasi nga wet party diba?" Sabi ko sa kanya at binilisan ang galaw dahil baka magbago ang isip niya.

"Wag mong kalimutan ang sinabi ko Isabella. Kung ayaw mong may basagin akong bungo.Wag kang aalis sa tabi ko." Kahit na kinakabahan nakuha kong tumango sa kanya.Pagkadating namin agad kong nakita ang aking mga kaklase. Kanina agaw pansin talaga si Marco nung papasok kami. Panay ang tingin ng mga babae sa kanya pero parang wala lang siyang pake.

Tulad ng inaasahan ko.Nalaglag ang panga ng mga kaklase ko ng makita si Marco.Ngumiti ako sa kanila pero naiilang.Kung kanina ay ang ingay ingay nila dito. Ngayon halos pate paghinga hindi nila magawa.

"Ah hi! Si Marco Mondragon pala f-fiancee ko." pakilala ko sa mga ka klase ko.
Sabi ko na nga ba. Ang iba nagulat talaga dahil wala naman akong sinabihan sa kanila tungkol kay Marco eh. Ang iba siguro nakikita naman kami sa tuwing hinahatid ako ni Marco.Agad silang bumati pabalik kay Marco na tanging tango lang ang naging responde ni Marco.

Nag simula na ulit magkwentuhan ang mga ka klase ko at madami na ang tao sa gitna ng field. Open space lang kasi dito sa soccer field at tanging stage lamang sa gitna kung saan may banda.

May mga nakahilera ring mga mesa at upuan. May mga pagkain sa gilid na pwedeng pagpilian. Bahagya pa kaming nababasa ng bubbles mula sa stage.Ang mga sumasayaw basang basa na. Ngayon pwedeng uminom dahil once a year lang naman ito.

"Maria!" Tawag sakin ni Camille.

"Huh?"

"Picturan ko kayo.Ilalagay ko sa facebook ang sweet niyo kasi eh!" Sabi ni Camille kaya napatingin ako kay Marco.

"Okay lang ba?"

"Of course." he drawled. Naamoy ko ang mint sa bibig niya na may hinalong beer. Naka anim nabote na kasi siya. Nakaka adik ang amoy niya.

Tumango ako kay Camille at ngumiti sa cellphone niya na nakatutok sa amin. Bahagya akong lumapit kay Marco na niyakap na ako ng kamay niyang nakaakbay sa akin.Kasabay ng pag ilaw ng flash nang camera.Patuloy lang sa paghalik si Marco sa aking sentido.

"Ay ang sweet!" Hiyaw ni Flora na sinang ayunan ni Camille.Napatingin ako sa kabilang mesa lamang dahil napakaingay don. Nakita kong nakatitig sa akin ang isang lalaki . Isa siya sa mga varsity dito eh. May itsura pero mukhang swabe at hambog eh.

Umiwas agad ako ng tingin ng mag ring ang cellphone ni Marco. "I'll take this.. wag kang umalis dito." Bilin niya ng tumayo kaya tumango ako.Kailangan niya talagang lumayo dahil maingay dito dahil sa banda.

"Grabe ka Maria! Hindi mo sinabi na boyfriend mo pala yun!" Sabi agad ni Camille.

Ngumiti ako."Actually , fiance ko na pala siya." sabi ko at itinaas ang palad na may singsing agad nilang nasapo ang bibig.

"Oh my god! oh my god! Ang swerte mo! Nangunguna si Marco Mondragon bilang Bachelor tycoon ng Pilipinas eh!" Si flora.

"Oo nga! Segundahan naman agad ni Ser Sebastian yung bestfriend niya! Pero nangunguna talaga si Marco Mondragon!".

Napapangiti nalang ako bilang sang ayon. Pinalibot ko ang tingin sa pagkain dahil mukhang gutom na ako. Tumayo ako at lumapit doon at kumuha. Medyo dinamihan ko daihil para kay Marco ang iba.

"Hi miss beautiful." napalingon ako sa nag salita at nakitang ito yung lalaking sa kabilang mesa na tumitingin sa akin.Hindi ko pinansin at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain.

"Oh!" Humalakhak siya."Snob! Yan ang gusto ko! Saan na jowa mo? Iniwan ka?"Humalahak din ang mga lalaking kasamahan niya sa mesa na tila chini-cheer itong hambog na ito.

"Pwede ba? Wala akong oras sa mga walang kwenta!" Sabi ko at dadaan na sana pero humarang siya.Nilingon ko ang paligid at mukhang hindi kami nila pansin dahil maingay ang banda.

"Wag ka ng pa hard to get! Alam ko namang gusto mo eh. Come on! doon tayo sa likod."Fuck.

Sobra akong nairita dahil sa sinabi niya hindi pa ako nakakareact ng hilahin niya ako. "Gago ka! Bitawan moko!" Sigaw ko at sinampal sampal siya. Amoy alak siya.

"Wag ka nang pakipot!"

"Tulong!" Ginawa ko lahat para magpabigat at hindi niya mahila. Mukhang narinig yata ako nila Camille kaya nataranta siya at humingi ng tulong sa katabing lalaki.

Naramdaman ko nang dumadaloy na ang luha ko. "Marco!" Sigaw ko ulit at hindi pa nag miminuto ng marinig kong may nabasag. Agad nagtilian ang mga babae at nag sitayuan ang mga kasamang lalaki ng hambog na ito.

Nakita kong may dumaloy na dugo mula sa ulo ng lalaki at mukhang nahihilo pa.Nalaglag ang panga ko ng makitang si Marco ang humampas ng bote sa ulo ng lalaki.Nasa kamay pa niya ang naiwang kalahati ng bote.Shit! Marco Wag dito!

May mga lumapit na sa amin at tumulong sa lalaking halos matumba na. Hinila ako ni Marco at tinignan sa mukha.Umiigting ang panga niya at taas baba ang dibdib sa galit.

"Are you okay?" He drawled seriously.Napakurap kurap lamang ako at hindi makapagsalita. Kinakabahan ako sa maaring gawin ni Marco. Sanay siya makipag bakabakan. Shit!

Nakita kong pumulot ng bote ang kasamahan ng lalaki at lumapit sa amin. a Nagtilian ang mga babae sa takot. May mga umawat ang iba at nagsitakbuhan. Ang dami nila!

"O-Oh my god! Ma-Marco!" Nanginginig ako sa takot pero tila wala lang iyon kay Marco.May hinugot siya mula sa likod niya at ki-nrack iyon. Huli ko nang natanto ng ituon niya ang baril sa mga lalaki na hawak ang lalaking bumastos sa akin kanina. Agad silang nagsi atrasan. Ni hindi ko alam na may dala siyang baril!

"Marco! tama na!" Sinubukan ko siyang hilahin pero matigas siya.May humawi sa kamay niya at umagaw sa baril. Agad akong napabaling kay Sir Sebastian na tinago agad ang baril sa likod ng damit niya.

"What the fuck are you doing ?!" Singhal agad ni Sir Sebe.Umigting ang panga ni Marco na nakipagtitigan sa mga lalaki.Napatingin din ako doon at nakitang naroon sina Radleigh at Clinton.Tila pinapaalis ang kanilang grupo.

"Fucking give me my gun Sebastian!Babasagin ko ang bungo ng lalaking iyon! Binastos niya si Isabella!" Nanginginig sa galit na sabi ni Marco.Damn! mukhang mag aaway pa ang matalik na magkaibigan.Nagmumurahan na sila eh! tila hindi din natatakot si Sijlr Seb kay Marco.

"That's my point! Ako na ang bahala dito dahil kung ikaw papatayin mo lang! " Mahinahong aniya ni Sir Seb.Ramdam ko ang galit ni Marco kaya hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap sa akin.Napahikbi ako."P-Please.. umuwi na t-tayo."

Agad lumamlam ang mata niya at ginulo ang buhok binalingan niya ako at pinunasan ang aking luha.Tumango siya at hinawakan ako sa kamay.Tinanguan niya lang si sir Sebe at tango din ang responde nito. Sa tanguhan lang tila may ibig sabihin iyon na sila lang nakakaintindi.

Nanginginig pa din ang kalamnan ko sa kaba ng pumasok sa kotse niya agad din siyang umikot at pinaharurot ang kotse ng mabilis na tila doon binuhos ang lahat ng galit.Pagka dating sa bahay ay tuloy tuloy ang pag pasok namin sa garahe dahil may bumukas na guard sa gate.

Agad niyang hinampas ng malakas ang manibela na ikinaigtad ko. Hindi na ako nag salita dahil alam kong galit siya. Hindi ko din nakita kanina na may dala pala siyang baril. Gosh!

Naalala ko iyong mukha niya ng kinuha niya ako kay Logan noon. Kanina ganong ganon din siya. Tila brutal na Marco ang nakita ko.Hindi talaga siya nag dalawang isip na hampasin ng bote sa ulo ang lalaki.

Alam kong malaking gulo ang naiwan namin kay Sir Seb. Nakakahiya!Marahas siyang bumuga ng hangin.
"I'm sorry.. natakot ba kita?" Tanong niya.Umiling lang ako.

"H-Hindi naman.."

"Hindi ko talaga mapigilan ag sarili ko kapag nakikitang may ibang humahawak saiyo.'' Seryoso niyang sabi.Napalunok ako at talaga ngang babasagin niya ang bungo ng lalaking iyon kanina..
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Nanginginig ka." komento niya. Napasinghap ako at tumango.Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.

" Mukhang kailangan mong matuto ng self defense.."

"Self defense?" Sabi ko habang yakap parin sya.

Tumango siya at hinagkan ang aking buhok."Tuturuan kita ng mga basic self defense.Simula bukas.I think you need it."

Nakaramdam ako ng excitement.
"Talaga?"

"Yeah , I have no choice.Kailangan kitang turuan para kapag wala ako. Makakaya mong pagtanggol ng sarili mo."

Umahon ako mula sa yakap niya."Salamat Marco."

He licked his lips and nodded. Lumakbay ang mata niya sa mukha ko.Napapikit siya agad ng mariin at tumingala."Shit! Ang ganda mo talaga."

Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi pero agad ding natapos dahil siniil niya agad ako ng halik.Wala na akong pake kung gaano man kagulo ang buhay ni Marco. Sasamahan ko siya sa ano mang laban niya sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co