Chapter37.
Kabanata 37
Siya parin ba?
Pawis na pawis na ako. Bawat suntok ko ay nararamdaman ko iyong sakit sa aking kamao.Nakasuot ako ng puting sando at boxer short habang nasa training center nila Marco . Kailan lang ako nakapunta dito. Pang pitong araw ko nang training ito ngayon.Marami siyang tinuro saking mga self defense halos lahat na yata. Tinuruan niya akong mag karate na basic lang para alam ko ang gagawin kong may mambastos sa akin. Tinuruan niya akong humawak ng baril , kung paano iyon ikasa at itutok sa tamang anggulo.
Ngayon ay tinuturuan niya ako ng boxing. May mga kasama kami dito na sa tingin ko ay mga taohan niya. Pero agad din naman niyang pinapaalis. Sabi ni Marco mga basic palang daw itong tinuturo niya. Baka daw hindi ko kayanin ang iba.Sapak sapak ko ang punching bag habang umiikot siya sa akin at tinuturuan ako. Masasabi kong napaka professional niyang mag turo. Imbes na gumamit ng gloves ay kamay ang gusto niyang gamitin ko. Sabi niya mas mabuti pag ramdam mo ang sakit dahil pag nasanay ka parang mamamanhid nalang daw iyon.
Tagaktak na ang pawis ko habang pokus na tumitingin sa punching bag. "Just imagine someone you really hate. Ibuhos mo lahat ng galit mo diyan". Sabi ni Marco habang naka halukipkip at umiikot sa akin. Naka topless siya at boxer short lang.
Inimagine ko ang mga hayop na pumatay sa ina at kapatid ni Marco at buong lakas na sinapak ang punching bag. "Isigaw mo ang iyong galit!" Baritono niyang sabi sa akin.
"Ahh!" Sigaw ko at sinuntok ang punching bag.
"Isigaw mo ang pangalan ng mga taong kinasusuklaman mo at ibuhos mo diyan!" Aniya sakin at tumingin.
"Galit ako sa mga pumatay sa kambal at mama mo! Ahh!" Pinagsusuntok ko ang punching bag.Hindi ko na alintana na may luhang pumatak sa aking mata. Napaka professional ni Marco bawat galaw at salita niya ay parang bihasa na.
"Sino pah?!" Sigaw niya at umikot sa aking likod.
Pumikit ako ng mariin. "Malandi kang Samantha ka! Ahh!" Sinuntok ko ng sinuntok ang punching bag hanggang sa hindi ko na maramdaman sa aking kamao at naging manhid iyon.Tumahimik si Marco sa aking likod at narinig ko ang kanyang pag singhap ng marahan. Hapong hapo ako at pagod na tumigil ng maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula likod.
"Samantha, huh? Anong pakealam ko don?" Yakap niya ako sa likod at naramdaman kong lumayo siya at kinuha ang towel.Lumapit siya ulit at pinunasan ang aking noo hanggang leeg.Umismid ako sa kanya. Hindi naman siya siguro manhid. Ginagamit niya nga si Samantha sabi ni lola Martha pero alam kong in love na yun sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit may pagka hawig kami ni Samantha pero hindi naman lahat. Ewan.
"Eh naiinis ako sa kanya eh." Humalakhak siya at umiling iling hinila ako papuntang couch na may mesa sa harap.Kakaiba itong training center niya. Madaming hightech. Bago ka pumasok ay dapat itapat mo ang mata mo sa isang machine at kung lumabas yung check pwede kang pumasok. Hanggang limang palapag ito. Walang hagdan at may elevator pa talaga. Dito daw nag sasanay ang mga taohan niya. Sabi niya mas safe daw dito dahil hindi ka basta basta makakapasok dahil de kuryente ang mga pader na nakapalibot dito.
Kakaiba din siya. Hindi lang ako pisikal na na training pakiramdam ko pate emosyon ko ay na practice na din. Pinitik niya ang daliri niya at agad na may lumapit na lalaki.
"Paki dalhan kami ng pagkain." Malamig na aniya at binalingan ako. "What do you want baby?" Lumambing agad ang tono nya sakin.
"Uhh.. Sandwich nalang at juice."
"Sandwich at juice at pakidagdagan ng pizza.." aniya sa lalaki at agad iyong tumalima. Ang awkward ng aming posisyon dahil sa kanyang kandungan nya talaga ako pinaupo.Ramdam ko ang init ng katawan niya pate ang tigas ng dibdib. Inamoy amoy niya ang leeg ko. Agad akong umiwas at tinulak siya.
"Ay ano ba! Pawis ako."
"So?"
"Ang baho ko kaya!" Maktol ko.
Ngumisi siya ng pilyo. "Hindi naman ah." Inamoy amoy pa niya. Napatawa ako sa kiliti at napatigil lang ng may tumikhim.
"Lord , eto na po." Sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan at matangkad.Nilapag sa mesa ang pagkain.
"Salamat kwatro. Balik na sa pag ensayo." Seryosong sabi ni Marco at agad itong yumuko at umalis.
"Lord talaga ang tawag sayo?" Takang tanong ko.
"Uhhmm.." tumango lamang siya na parang ayaw iyong pag usapan.Grabe..lord talaga.
"This is your last day.Natuto ka naman. Ayoko nang mastress ka pa at mapagod." Aniya sakin ng kumakain kami.
"Okay lang naman. Medyo nasanay na."
"Kahit na! May plano pa akong buntisin ka at ayokong mastress at pagod ka.Dahil simula bukas ako naman ang papagod sayo."Halos mabulunan ako sa sandwich na kinakain ko. Inabutan niya ako ng juice. Nang mainom ko yon ay agad ko siyang binalingan at hinampas sa dibdib.
"Tse! Ang hilig mo talaga." ngumiwi pa ako at inirapan siya.
"Masisisi mo ba ako? Lalo na ngayon na ang sexy mo." bulong nya sa tenga ko. Feeling ko ang pula pula na ng pisngi ko kaya tinakpan ko ang pisngi ko ng kamay ko.
"Marco! Ang landi mo talaga." Inis na sabi ko at pinugpog ng kurot ang kanyang abs na matigas. Pero nahuli niya iyon at humalakhak siya.Nang mag alas kwatro ay dumaan muna kami sa mall dahil may bibilhin akong ingredients ng lulutuin ko sa hapunan.Nakapagbihis na din ako dahil may sariling banyo ang training center at may dala akong pamalit.
Papasok sa palang sa mall ay pinagtitinginan na si Marco. Sino ba namang hindi diba? Naka white shirt siya at khaki pants habang may itim na cap.
"Doon tayo! bibili akong whole chicken para sa hapunan." Turo ko sa banda ng mga meat .
"Okay." sabi niya at hinalikan ako sa sentido. Nagiging hobby niya na yata yung paghalik halik sa akin.Ang kamay ay nasa aking baywang. Bawat madaanan namin na mga sales lady ay napapasunod ang tingin samin o kay Marco lang.Masyado silang bulgar tumingin wala man lang pakipot!Namimili ako ng whole chicken ng may bumangga sa cart namin na tulak ni Marco.
"Oopps! I'm sorry." Sabi ng babae.Kaya napalingon ako ng maramdaman kong natuod si Marco at natulala sa babae.
"N-Nancy?" Pabulong na sabi ni Marco.
Agad akong tumingin sa babae at nakita kong kakaibang emosyon doon. Lumaki Ang mata niya at parang nataranta.Bigla kong naalala ang sinabi ni lola Martha sakin na ang unang minahal ni Marco ay si Nancy at iniwan lamang sya nito at sumama sa ibang lalaki.
"M-Marco-".Hindi na natuloy ang sasabihin ni Nancy ng may humila sa braso niya. Isang lalaki na kasing katawan ni Marco at gwapo din.
Nakangisi ito na nakatingin kay Marco at dumako ang tingin sa akin ng lalaki.Humigpit ang hawak ni Marco sa baywang ko at matiim na tinignan ang lalaking sa harap.
"Long time no see .... Mondragon." mapanuya na sabi ng lalaki. Wala lamang siyang emosyon na tinignan ni Marco.
"Fuck off. , Virgo."
Humalakhak ang lalaki at tinignan ako."Girlfriend?"
"None of your fucking business. We need to go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.Yumuko si Nancy agad ng dumaan kami Marco.May kung ano sa puso ko ang sumakit. Pero may tiwala ako kay Marco. Sa lahat ng nagawa nya para sa akin dapat hindi ko siya pag dudahan ng ganito. Alam kong mahal niya ako.
Tahimik ako nang palabas na kami ng biglang huminto si Marco at niyakap ako. Habang may kung ano siyang tinitignan sa paligid.
"Fuck!". Mura niya at agad akong hinila ako at napayuko. Agad nabasag ang wall glass ng isang tindahan ng mga cellphone. Natanto ko na sa akin dapat iyon kung hindi lamang ako hinila ni Marco baka wasak na ang ulo ko.
"Oh my god!" Sigaw ko ng nagpalitan na ng putukan.
Pinatayo ako ni Marco. "Run! Isabella! Run!" Sabi niya sa mahina na boses at tumakbo na kami papuntang mga damitan. Nagsisigawan na ang mga tao at nag ingay na ang emergency alarm sa buong mall.
"M-Marco! Anong nangyayari?" Tanong ko habang hawak niya ang kamay ko at ang isa ay nasa tenga niya hawak ang cellphone. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"I need back up Dos! Nasan kayo? Good! bigyan mo ako ng isang baril . Palibutan niyo ang buong mall. At siguraduhin niyong walang madadamay na iba". pinatay niya ang tawag.Halos sumabog ako sa takot at kaba. Halos mapaluhod na ako sa sobrang pagngatog ng tuhod.Hindi ko masundan ang bawat galaw ni Marco na halatang bihasa. Seryoso ang mukha. Kumuha siya ng mga damit at tinulak ako papasok sa fitting room.
"Marco! Anong nangyayari?!"
"Ang Sigma nandito sila." Umigting ang bagang niya.
"Ano?!" Hindi na siya sumagot at hinubad niya ang aking suot na t-shirt pate ang short.
"T-Teka! Ano to?"
"Magbihis ka! ikaw ang target nila. Alam nila ang damit mo kaya kailangan mong magbihis. Fuck it!" mura sya ng mura kaya nagbihis na ako at ganon din sya. Isang dress na pula ang suot ko. Ang sa kanya ay kulay blue na t-shirt at pantalon. Nakita ko din na nagpalit siya ng cap na kulay blue.
He cupped my face and wiped my tears."Here." Inabot niya sakin ang baril. "Tanda mo pa ang training natin diba? Kung tutukan ka ng baril wag kang mag dalawang isip na barilin. Understand?"
Umiling agad ako habang umiiyak.
"N-Natatakot ako.H-Hindi ko kaya."
"Fuck!" Niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry , hindi ka dapat makadanas ng ganito. It's all my fault!" aniya sa akin at ni lebel ulit ang aming tingin hinaplos niya ang aking pisngi.
"We have no time. Please trust me. I love you.You're my life so please,ingatan mo ang sarili mo para sakin , please."
Kinagat ko ang labi ko at dahan dahang kinuha ang baril sa kamay niya. "O-Okay."
"Good girl."Hinila niya ako palabas ng fitting room. Meron paring nag tatakbuhan at puro usok na ang mall dahil sa barilan na patuloy parin hanggang ngayon.
"Wag kang pahalata." Aniya sa akin pero sa unahan nakatingin kaya inayos ko ang lakad ko . Ginaya ko ang galaw niya na pasimple at tila walang pake sa nangyayari.May nakita akong lalaking kasalubong namin at presko lang na lumakad at pa sipol sipol pa. Binangga niya sa balikat si Marco at nakita kong may palihim siyang inabot kay Marco. Nakita kong baril iyon. Sa bilis ng galaw nila ay halos hindi ko masabayan iyon. Grabe sila gumalaw! Mga ninja ba sila?!
Kinasa iyon ni Marco at hinila na niya ako palabas. Habang may tumawag sa kanya.Hindi sya sumagot sa tawag at napatingala siya sa second floor.
"Marco--".
"Damn it! Dapa!" Agad niya akong tinulak at agad may nagpaulan sa amin ng putok. Pinadapa ako ni Marco sa kaha ng isang stall dito sa mall.
"Stay here!"
"Huh? Pero-"
"Nandiyan si Dos. May kailangan akong tapusin. Wag mong kalimutan ang bilin ko. Pag may lumapit na ka hina hinala barilin mo agad."Siniil niya ako ng halik sa labi bago iniwan doon habang kasama si Mang Cesar na may hawak na baril. Ngayon ko natanto ang lahat na si Mang Cesar ay si Dos at iyong mga tao sa training center ay taohan niya.
Nanginginig ang kalamnan ko ng makarinig ng putukan galing sa itaas . Halos magdasal na ako sa lahat ng santo para sa safety ni Marco.Ilang minuto na sigawan at putukan ang narinig ko. Pangalawang beses na akong nakadanas ng ganito iyong una ang pag kidnap sa akin ni Logan. Ngayon, heto naman. Sa susunod ano naman? Ganito ba maging fiance ni Marco?
"May basura sa taas linisin mo. Makipag usap ka sa may ari ng mall na babayaran ko lahat ng danyos." Seryosong sabi ni Marco ay Mang Cesar.Kaya sumilip ako at nakita kong pinupunasan niya ang kamay niyang may dugo. Nakaramdam ako ng takot dahil baka may pinatay nanaman ito.
Pauwi sa bahay ay madaming naka escort na mga body guards sa amin at agad dumami ang ambulansya at media sa paligid ng mall. Naaawa ako na baka may nadamay ganon na din sa may ari ng mall.
Pag ka dating sa bahay agad akong kinarga ni Marco. Tulala ako buong magdamag. Tila nawala ang dila ko. Hindi ko alam ang sasbihin ko.
Dinala niya ako sa loob ng banyo.Nilapag niya ako sa sink at binuksan ang shower sa bath tub. May binuhos siyang straw berry liquid doon at agad ko iyong naamoy.
Hinubad niya ang kanyang t shirt at nilagay sa rack. Napalunok ako ng makita ang kakisigan niya. Agad niya akong binalikan at dahan dahan niyang hinubad sa akin ang dress na pula. Hanggang sa bra at panty ang matira sa akin.
Binuhat niya ako at nilagay sa bath tub na puno na ng maligamgam na tubig. Guminhawa ako ng malalim ng mababad sa malalam na tubig.Umupo si Marco sa gilid ko at ni lebel ang aming tingin. Hinaplos niya ang pisngi ko na tila isang babasaging bagay ako.
"Ayokong madawit ka sa malupit kong mundo , Isabella. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo."
"Marco , B-Bakit hindi mo nalang bitiwan yang trabaho mo at magbagong buhay? "
He tsked at umiling."I can't."Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at napatingin sa kamay niya na may bahid pa ng dugo.
"M-May dugo ka.P-Pumatay ka kanina?" Halos pabulong ko na sinabi sa kanya at ngumilid ang aking luha . Natatakot ako para sa kanya. Iyong kaninang nangyari ay nagpatibay lang na delikado yung trabaho niya.
"Yes." Paos na sagot niya at tinignan ako sa mata. "Pinatay ko siya dahil muntik ka na niyang tamaan. Ikaw ang puntirya nila ngayon dahil alam nilang importante ka sakin."
"P-Pero sino si Nancy yung kanina?" Kunwaring tanong ko. Pero alam ko naman ang totoo. Bigla siyang tumayo.Kaya napatingala ako sa kanya.
"She's nothing.Stay here. Wag kang lumabas may pupuntahan ako." Aniya at agad lumabas ng banyo. Iniyak ko ang kirot ng aking puso.Bakit sya ganon? May feelings pa ba siya kay Nancy na yun?Nang lumabas ng banyo hindi ko nasiya nakita. Mabilis akong nagbihis at bumaba.Nakita kong wala ang kotse ni Marco sa garahe kaya nilapitan ko si Mang Cesar na naninigarilyo at ini-enspeksyon ang kanyang baril.
"Mang Cesar." Tawag ko. Agad itong umayos ng tayo at tinago ang baril.
"Oh Ma'am! saan kayo?"
"May pakiusap po ako." Dahil alam kong hindi ako makakalabas dito.
"Ano iyon?"
"Pwede bang samahan mo ako? S-Sundan natin si Marco please.H-Hindi ko sasabihin sa kanya, hindi ako magpapakita basta sundan lang natin sya." Nagmakaawa ako.
Huminga ito ng malalim. "Sige Ma'am. Sasamahan ko kayo.Alam ko kung saan papunta si Lord. ".Tumango ako at agad pumasok sa kotse.Hindi pamilyar sa akin ang daan. Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang abandonadong building.
Nakita ko ang kotse ni Marco at isang kotseng pambabae. " N-Nandito siya?"
"Oho Ma'am.Bumalik kayo agad kung nakita mo na sya. Ayokong maparusahan." Tumango ako at agad lumabas ng kotse.
Sa luma ng building ay nagmukha na itong hunted pero hindi ako natatakot dahil may kakaibang kaba na namumuo sa akong dibdib.
Sa unang palapag palang ay agad akong kinabahan ng marinig ang iyak ng isang babae na nag echo sa buong palapag. Hindi iyon malinaw dahil medyo malayo pa. Sinundan ko ang iyak na iyon at nakakita ng pintong halos sira na at doon ako dahan dahang lumapit at tinignan sa loob na ikinasakit ng puso ko.
"M-Marco , Mahal na mahal pa din kita. S-Sumama ako kay Virgo kasi binantaan niya ako na kapag hindi ako sumama.Papatayin ka niya." iyak ni Nancy habang yakap si Marco.Kahit hindi nakayakap si Marco at ang dalawang kamay ay nasa bulsa hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil bakit siya nakipagkita?
" We're done."malamig na tugon ni Marco.
"No!alam kong mahal mo pa din ako! Nararamdaman ko. Diba,mahal moko? Please bumalik kana sakin.Lumayo layo na tayo. Malayo kay Virgo. Mahal kita Marco." hinawakan niya ang pisngi ni Marco at dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya.Hindi ko na kinaya kaya agad akong napasandig sa haligi at napatakip ng bibig.
Walang humpay na bumagsak ang aking luha at naninikip ang dibdib.Siya parin ba Marco? Paano ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co