Chapter42
Kabanata 42
You're my home,baby
"You don't have to do this baby."Iniwan namin si Raphael kay lola Martha. Buo ang aking desisyon na gustong makita si Nancy. Galit ako sa pagkuha niya kay Raphael noon na wala akong nagawa.
Hawak ni Marco ang baywang ko habang papasok sa kanilang compound. Ngayon lang ako nakapunta dito. Nakita ko na yumuyuko ang lima niyang taohan at isa na doon si Mang Cesar na kilala ko.
"Gusto kong makita ang babae mo Marco. Hindi ko pa nakalimutan yung mga nagawa niyo noon sa akin lalo na sa anak ko!"Huminga siya ng malalim. Nanatili ang galit kong mukha sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na-"
"Oo naiintindihan ko pero mahirap mag -move on sa nangyari!".
"Fine! Damn it!" Naputol ang sinabi ko sa galit niyang boses.
Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Hapit na hapit niya ang aking katawan papasok sa compound. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang mga nag eensayo na sa tingin ko ay kanilang mga trainees.
May nagba-boxing, may naglalaban na gamit ang kutsilyo at may nakita pa akong isang lalaking duguan.
Humigpit ang hawak ko sa braso ni Marco dahil hindi ko ito inaasahan. Alam kong mga Mafia sila. Legal ang pagpatay para sa kanila at sanay na sanay sa patayan. Hindi ko halos maisip na ganito si Marco. The only heir's of Mafia Organization.
Ang compound nila ay hindi basta basta mapapasok. Kanina sa gate ay may machine na kailangan itapat ang iyong mata at kung ma detect na hindi ka kalaban ay makakapasok ka. Ang mga pader ay hindi ordinaryo dahil kapag sinubukan mong umakyat tiyak na makukuryente ka.
Bawat madaanan namin ay nagsisiyukuan. Tila walang pake dito si Marco at sanay na sanay. Nakita kong nagsitigil ang mga nag eensayo nang makita kami. May lumapit na isang lalaki na tingin ko ay ka-edaran ni Marco at sobrang gwapo din.
"Stop staring Leon." banta ni Marco sa lalaki na ngumisi lang.May tattoo din ito sa braso at leeg. Kita ang mga muscles sa katawan lalo na't basa ng pawis ang sando nito.
"Damn you Marco. Hindi ko yan aagawin." Ngumisi ito sa akin. "Hi! I'm Marco's bestfriend, I'm Leon." He held out his hand pero tinapik iyon ni Marco.
"Enough."
Humalakhak si Leon. "You suck ,dude. Sige aalis na ako."
"Tsk!" Asik ni Marco.
"Ang sama mo sa kaibigan mo Marco!" Saway ko dito ng pumasok kami sa elevator pababa. Sa tingin ko ay underground nila. Sumama iyong taohan niyang si Mang Cesar at si Tres."
"Ayokong tignan at hawakan ka ng iba!'' Mariin na sabi niya.I rolled my eyes on him. Simula nang naging okay kami ulit. Mas dumoble ang pagka possesive niya. Kahapon halos hindi ako makalabas kahit ang pagkuha ng damit ko sa luma kong apartment eh' ayaw niyang kunin ko at bibili nalang daw ng bago.
Biglang napaubo sila Mang Cesar sa likod namin at ngumisi. Napaasik lamang si Marco."Marco naman!May anak na tayo! Sino pa ang magkaka interes sa akin?!"
Umiling siya at hinalikan ang aking buhok. He smelled it."Oo may anak na nga pero mas lalo kang gumanda at--" tumingin siya sa katawan ko na kinataas ng aking kilay ng suminghap siya at pumikit na tila ba malaki ang problema niya. "Mas lalo kang naging sexy! Fuck it!"
Mas nabulunan ulit sila ni Mang Cesar sa likod namin. Kaya napakagat labi ako ng uminit ang aking pisngi.
"Stop staring!" Singhal ni Marco dito.
"Y-Yes Lord". Nagsiyukuan ulit ang dalawa. Napailing na lamang ako. Tumunog ang elevator pa baba at bumukas ito.
"Wag mo na akong samahan. " sabi ko.
"Hindi pwede." Tutol niya.
"Marco naman!-"
"Basta hindi Isabela. Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?" Nagtataka na sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin. Eh sa naiinis ako eh.
"Paano ako hindi maiinis? Kung noon tanging pag iyak lang ang nagawa ko kasi akala ko ayaw mo na sa akin. Pwes' ngayon na nalaman ko ang totoo. Naiinis ako Marco! Basta naiinis ako!"
Napahilot na lang siya ng batok at pumikit.
"Fine! Basta sa labas ako ng pinto."
Umirap ako sa kanya at naunang maglakad na nakasunod kay mang Cesar na nagtuturo ng daan. Marami akong nakitang iba't ibang kulungan na puro naka kandado ang pinto . Maliit na siwang lamang ang makikita.
"Legal ba ito Marco?"Tumango siya ng seryoso na tila ayaw sa akin ipaalam ang tungkol sa mundo niya.
"T-Talaga?"
"Yeah ,Now shut up." Inamoy niya ang buhok ko at pinisil ang aking baywang.
"Nakakagigil ka."
Ngumiwi ako at hinawi ang kamay niya."Tumigil ka nga."Nakakahiya lalo na't baka makita kami nila mang Cesar. Masyado nang mabulgar si Marco ngayon at posessive.Huminto kami sa pintuan na may malaking bakal na nakaharang. Agad iyong binuksan ni Mang Cesar.
"Dito lang ako sa labas hindi ako aalis. Kung sa akin lang ayoko nang ganito pa. Pero pagbibigyan kita." anito sa akin habang nakalapat ang labi sa aking noo.
Tumango ako."Kaya ko na to. Sige."Pumasok ako sa loob habang nag babantay si mang Cesar sa pinto at si Marco ay nasa labas lamang. Unang bumungad sa akin ay ang malaking kamay at isang mesa . Kulay puti lahat at walang bintana. Tanging ilaw ang nagbigay liwanag.
Kung iisipin ay mabuti pa ngayon ang kalagayan niya kahit ganon na ang ginawa niya sa amin. Lahat naman siguro na kulungan dito ay ganito. Hindi man masyadong komportable pero okay na. Nakayuko si Nancy doon at napa angat ng tingin ng marinig ang yapak ko.
Hindi na ako nagulat sa mukha niya. No more shiny blings,no make ups,and no more expensive things. Naka kulay dilaw ito na t-shirt at pantalon. Nakapuyod ang buhok. Medyo maputla siya tignan ngayon.
Walang emosyon ko siyang tinignan. Kung sa ibang pagkakataon. Siguro, madudurog ang puso ko. Pero sa mga naranasan ko? Sa nangyari sa anak ko. Marami akong na realize dito sa mundo. Na mahirap pala maging mabait at mapag bigay. Ang hirap palang magpa api sa mga mapang api. Kailangan lumaban dahil kapag hindi ka marunong makipaglaban siguradong ,ikaw ang matatalo sa huli.
"Buhay kapa pala! Hindi kapa pala napatay ni Virgo?" Maanghang na sabi nito sa akin.Wala akong naramdamang takot o ano man. Kahit awa tila hindi na ako nakaramdam.
"Masaya ka ba?" Walang bahid na kahit anong emosyon na sabi ko.
She smile devilishly. "Bakit hindi? Masaya akong nasira ko ang buhay mo--"
Hindi na ako nakapag pigil at napatili siya nang daganan ko siya at sinakal. Hawak hawak niya ang kamay ko na nakasakal sa kanya. Hindi niya magawang itulak ako dahil dinagan ko ang lahat na bigat ko.
"Yun na nga! Hindi pa! Napaka walang hiya mo! pate anak ko dinamay mo sa pagka baliw mo! walang hiya ka! hayop ka!".Kahit naubo ubo na ito ay nakuha pa nitong tumawa. Pinagsasampal ko siya at pinagsusuntok.
"Hindi ko man lubusang nasira ang buhay mo! masaya ako! dahil nang nawala ka! natikman ko ulit si Marco! hindi niya ba sinabi sayo ang nangyari sa amin ha?! Uto uto ka kasi agad kang naniwala--"
Napatigil siya ng mas diniin ko pa ang pagsakal ko sa leeg niya. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa narinig.
"Malandi ka! Hayop ka!" nanginginig na ako sa pagsakal nang biglang may humablot sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Shit!" mura ni Marco at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Lock the door Dos!."Sabi niya at hinila na ako palabas habang yakap parin ako.Hindi ko na natignan pa ulit si Nancy dahil sa higpit ng yakap nito.
Humagulhol na ako ng sobra. Naiinis ako at nagagalit. Naalala ko yung mukha ng anak ko ng unang makita ko. Naalala ko yung sinabi niya na may nangyari sa kanila ni Marco ng wala ako?!Mas lalo akong humagulhol. Naramdaman ko na lang na nasa isang office na kami at pinaupo niya ako sa sofa.
"Baby.'' Marco cupped my face. "Damn! Are you okay?" Masuyo niyang tinignan ang mukha ko. Marahas kong inalis ang kamay niya at tinignan siya ng masama.
"May nangyari pala sa inyo ng Nancy na yun habang wala ako?! Tangina ka! Nandidiri ako sayo!"Pinagsasampal ko siya pero nasalo niyang lahat iyon. Nasa harap ko siya nakaluhod habang yakap niya ako.
"Walang nangyari sa amin! Hindi ako papatol sa kanya!"
"Talaga? Hindi? Eh noon? noong kayo pa?! di ba mas nauna siya sa akin sa buhay mo! Wag mong sabihin na wala!"
Napayuko siya at marahas na sinuklay ang buhok. " Noon yon! Oo meron! pero noon iyon."Napakagat labi ako at mas dumami ang luha. Ewan talaga tila kasi sinalakay ako ng selos.
"Walang hiya ka! Ikaw ang nakauna sa akin tapos! ikaw! Ang dami dami mong babae na natikman! nakakadiri ka!"Pumikit ito ng mariin at nakita kong pumula ang mukha niya na tila pikon na. Marahan siyang bumuga ng hangin at tinignan ako. Natuliro ako nang tignan ang perpekto niyang mukha. Naalala ko si Raphael dahil parang pinagbiyak talaga silang dalawa.
"Baby, listen. Ayokong may makaligtaan ka sa sasabihin ko. Maliwanag?" Mahinahon niyang sabi."Noong bata kapa, nakapunta kana sa amin. Si Tito Arman ang papa mo? Right hand siya ng papa ko."
Nangunot ang noo ko pero tumango. Hindi ko alam na nakapunta na ako sa kanila. Mahina talaga ang memorya ko noong bata pa ako.
"Dahil nga sa mas pinagkakatiwalaan ng papa ko ang papa mo. Naging habulin siya ng mga kalaban. Lalo na kayo ng mama mo dahil alas kayo ng kalaban laban sa papa mo. Noon, minasacre kayo ng Sigma habang bumabiyahe patungo sa amin. Noong nangyari iyon ilang taon palang namayapa ang aking ina at kakambal sa pag rape at pagpatay ng Sigma sa kanila. Sobrang galit ako noon dahil wala akong nagawa." Nakita kong dumilim ang mukha niya sa galit.
"Noon pa man nabighani na ako sa ganda mo. Pinapasundan na kita noon sa taohan ni papa kahit sa eskwelahan niyo tinitignan kita ng hindi mo alam." Hinaplos niya ang mukha ko. "Sobrang bata mo pa noon. Kaya hindi ko magawang wasakin ang kainosentihan mo."
"Noong nalaman ko na minasacre kayo at namatay ang mama mo. Sobrang gumuho ang mundo ko nang nawala ka. Tinago ko ang papa mo at pinagamot sa tanyag na doktor ng ilang taon Isabella. Habang pinagamot ko ang papa mo, pinahahanap kita."Namuo ang luha ko. Hindi ko ito alam. Hindi ko alam na sa simula palang sobra sobra na ang tulong ni Marco sa amin. Sa akin. I remembered my pictures when I'm young in his secret room . Kaya pala.
"Pinaimbistigahan kita, doon ko nakilala si Samantha. Kapatid mo sa ina. Hindi ko alam ang buong estorya at alam kong ganon ka din. Kaya malaki ang galit saiyo ni Samantha dahil ikaw ang gusto ko. Ginamit ko lang siya para makalapit sa Sigma. Doon ko din nakilala si Nancy at aaminin ko na inibig ko siya noon. "
Nakagat ko ang labi ko at hindi ako nilubayan ng kanyang tingin na nagsusumamo."Mabait at maalaga siya noon pero kahit ganon alam kong naireserba ko na ang sarili ko sayo kaya kahit anong pilit niya na magpakasal kami, ayaw ko. At nalaman ko na nagpapagamit pala siya kay Virgo na step brother ni Samantha. Wala akong naramdamang kahit anong sakit marahil alam kong nagustuhan ko siya dahil iyon sa pangangailangan ko. Hanggang doon lang iyon."
Humikbi ako sa mga nalaman ko."K-Kayo ni Samantha ba?M-May nangyari na?"Tumango ito. Alam ko naman na may pagka fuckboy talaga ito noon pa man. Balita ko din may mga model na nalilink sa kanya at iba pa.
"K-Kayo ni Lucy?"
Hirap itong tumango at napahimas sa batok. "Noon iyon Isabella. Importante ang ngayon. Nalaman mo na ang mga gusto kong sabihin saiyo noon pa."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon?" tanong ko.
"Dahil ayokong mabahidan ng ganitong bagay ang inosente mong isipan Isabella. "
"Ibig mong sabihin iyong pagpunta mo sa bar noon ay sinadya mo?"
"Oo. Sa paghahanap ko saiyo ng ilang taon ay nakita kita doon."
Tumango ako tila lutang sa lahat na nalaman. Pauwi kami sa mansyon hawak hawak ni Marco ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.
"Marco."
"Hmmm?"
"Titigilan mo na ba ang pagiging Mafia?"
Natigilan siya at napaharap sa daan. Naging seryoso ang mukha niya.
"Ayaw akong bitawan ng miyembro namin Isabela." Huminga siya ng malalim. "Gustuhin ko man-"
"Ayokong mapahamak ulit ang anak natin Marco. Please, iwan mo na ang pagiging Mafia mo! Kung noon ay hindi ako naniniwala diyan pero ngayon heto ako at Mafia ang nakatuluyan ko!"
Hindi siya nagsalita at tumahimik nalang.Tinignan ko siya ng masama."Pag may nangyari ulit sa anak natin. Hindi kita mapapatawad lalo na't dahil sa trabaho mong yan marami ang hinahabol ang anak mo para patayin". buong diin ko na sinabi.
Makalipas ang isang linggo hindi parin ako natahimik. Lalo na't tuwing madaling araw ay pa simpleng umaalis si Marco at alam kong nasa misyon na naman siya.Nagkaroon kami noon ng dinner kasama ang step mother niya at papa. Galing pang ibang bansa ang mga ito kasama ang papa ko. Sopistikada man ang bagong mama niya at seryoso pero magaan ang pakikitungo niya sa akin. Parang pinagbiyak din talaga si Marco at papa niya. Alam ko na kung saan namana ni Marco ang intimidasyon na aura niya kundi sa mga papa niya.
At ngayon na namang gabi napuno na ako. Parang nahilo ako at napaupo sa kama. Tulog si Raphael sa kama. Alas onse na pero wala pa din si Marco. Baka magulat na naman ako na uuwi na naman siya na may tama ng baril!
Uminom muna ako ng gatas bago napagpasyahang matulog. Naalimpungatan ako ng makita si Marco na kakarating lang at tila pagod. May hawak siya na alak at naupo sa tabi ko.Umupo ako sa kama. "Bakit ngayon kalang?! Alas tres na Marco!"
Huminga siya ng malalim at hinalikan ako sa ulo pero umiwas ako. "I'm sorry. May kailangan lang akong ayusin-"
"Ayusin na ano?! Kailan ka pa ba titigil ha? kung isa na sa amin ni Raphael ang mapahamak ulit?!"
"Isabella, kaya hindi ko mabitawan ang Mafia dahil para din sainyo iyon! Isa pa napamahal na sa akin ang organisasyon!-"
"Mahal mo?! E'di sige! mahalin mo ang organisasyon! doon kana! at wag kang magpakita sa amin kahit kailan!"
"What the fuck Isabella?! bakit ang init ng ulo mo sa akin?!" Buong diin din na singhal niya sa akin.
"Dahil mas inuuna mo pa iyan kumpara sa amin!"
"Bullshit! mahalaga kayo ng anak ko Isabella! Alam mo matulog kana. Pag uusapan natin ito bukas-"
"Wala nang bukas!'' Tumayo ako at tinungo ang closet at naghila ng maleta at kumuha ng damit. "Mahal mo ang Mafia mo? oh sige! kami nalang ang aalis ni Raphael sa buhay mo!" Umiiyak na sabi ko.
"Fuck!" nabigla ako ng hilahin ni Marco ang maleta at binalibag iyon sa dingding. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganito pero sige! ayaw mokong makita? Ako ang aalis! dito lang kayo! Ako ang aalis! bullshit!"
Sinuntok nito ang dingding bago umalis agad. Nanlalata akong napaupo sa kama at minasdan si Raphael na tulog parin.Buong gabi akong umiyak at kinabukasan ay namumugto ang mata ko sa kaiiyak. Ewan ko pero masakit ang ulo ko at parang nanlalata ako. Napamulat pa ako dahil alas diyes na ako nagising.
"Gising ka na pala." Si lola Martha na hinawi ang kurtina upang pumasok ang sinag ng araw.
"Ikaw pala lola. Si Raphael po?"Tinuro niya ang crib at nakita ko doon si Raphael na nakahiga sa loob at natutulog. Pala tulog talaga si Raphael mula pa noon.
"Bumaba ka na at kumain." Sabi nito at inayos ang aming higaan.
"Uhm si Marco po Lola? Hindi n-niyo ba nakita kanina?" Huminga ito ng malalim at umupo sa aking tabi.
"Umalis siya. Alam kong nag away kayo kasi kita ko sa mukha ng alaga ko na nahihirapan siya hija."Napayuko ako at nakapakagat labi. Ang kapakanan ng anak namin ang inaalala ko kaya ako nagagalit kay Marco pero nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko. Marahil sa galit ko at alala kaya ko iyon nagawa at nakapagsalita ako ng hindi maganda.
"May hindi po kasi kami pagkakaintindihan lola."
Huminga ito ng malalim at may kinuha sa secret room ni Marco at bumalik soya na may bitbit na photo album.
"Ano yan Lola?"
"Tignan mo." Inabot niya iyon sa akin kaya kinuha ko at binuksan. Nangunot ang noo ko ng makita ang mga larawan ng mga bata. Meron akong nakitang mga cancer patients,at survivor. May nakita pa akong mga batang may deperensya at marami pang iba.
"A-Ano po ito lola?"Kinuha niya ito at inisa isang tinignan.
"Sila yung mga batang tinutulungan ng organisasyon ni Marco hija. Alam mo bang dahil sa organisasyon ay maraming bata na anak ng mga miyembro ang naging iskolar at nakapagtapos? Sila yung mga batang na abuso at na rape ng mga halang na mga tao hija. Hindi lamang isang barilan at bakbakan ang Mafia hija. Tinutulungan ni Marco ang mga naulila ,naabuso at walang masisilungan. Kinupkop niya at binigyan ulit ng pagkakataon na bumangon."
Suminghap ako nang nangilid ang aking luha. "Kaya hindi magawang iwan ni Marco ang organisasyon. Mukha lang siyang brusko at masama pero may malambot na puso ang alaga ko na tinatago niya."
Sobra na akong nakonsensya sa mga ginawa ko. Napatakip ako ng mukha at napaiyak.
"Ang sama ko lola. Nagawa ko siyang awayin dahil gusto ko siyang bitawan ang organisasyon. Hindi ko kasi alam na ganon po."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Wag mong sukuan ang alaga ko hija. Mula noon hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Kaya nagagalak ako ng dalhin ka niya dito at nakita ko yung pagtingin at ngiti niya saiyo. Alam kong mahal na mahal ka niya."
Lumipas ang araw na hindi siya umuwi. Wala naman akong makontak na iba at wala akong ediya kung sino ang pwedeng kausapin kung saan siya.
"Baby , mukhang nagalit talaga sakin ang papa mo." Sabi ko kay Raphael na kilik ko.Katatapos ko lang itong paliguan.
"P-Papa." Sambit nito at naka tingin sa akin ng seryoso kaya napa buntong hininga ako.
"Hinahanap muna ang daddy mo? Tatawagan natin siya ha. Sana sagutin niya."Unattended din kasi ang cellphone nito kanina. Kaya ngayon sinubukan ko na kontakin at nag ring ito ngayon.Sinagot niya ito pero hindi siya umimik.
"M-Marco?"Walang paring sagot pero rinig ko ang hininga niya.
"I'm s-sorry." wala pading sagot. "M-Marco-"
''Yan lang ba ang sasabihin mo?"Napaluha ako sa lamig ng boses niya.
"U-Umuwi kana , p-please."
Huminga siya ng malalim. "Pag iisipan ko. Kailangan ko na itong ibaba. Bye."
"T-Teka--"Pero naputol na ang linya.Napayakap nalang ako sa anak ko habang umiiyak. Kung hindi sana ako nagpa dalos dalos. Kung inintindi ko nalang sana na maraming mawawalan kapag pinilit ko siyang bitawan ang Mafia. Sana hindi na ako nagpaka selfish. Ang sama ko.
Gabi na at tila ang isang oras na lumilipas na wala si Marco ay tila taon na para sa akin. Hindi ako lumabas ng mansyon. Takot akong lumabas dahil hindi ko na alam ang panganib na darating at baka mapahamak pa ulit ang anak ko.
"Hija, kumain ka na. Nangangayat ka." Walang imik ako sa hapag . Alam kong nagiging matamlay na ako lalo na't napapadalas ang sakit ng ulo ko.
"Masama lang ang pakiramdam ko Lola."
Huminga siya ng malalim at hinile si Raphael. "Alam kong babalik si Marco lalo na't ikaw ang tahanan niya. Kaya babalik siya sayo."
"Sana nga Lola. Kasi nag aalala na ako. Inaamin ko na kasalanan ko." Ngumiti siya sa akin at binigyan na ako ng pagkain habang tulog si Raphael na kilik niya.
Gabi na at nakatunghay ako sa bintana sa kwarto ng makita kong nagkikislapan ang garden sa ibaba. Tila punong puno iyon ng alitaptap. Nangunot ang noo ko ng makitang may mga bulaklak na nagkalat sa damuhan nito na tila sinadya at may mga kandila sa gilid.
Taka ko itong tinignan kaya napagpasyahan ko na bumaba. Inayos ko ang silk robe na suot at sinuklay ang aking buhok na mahaba.
Pagka dating sa garden ay nagtaka ako ng makita ko si mang Cesar na nakaayos at ginabayan ako patungo sa gitna ng garden kung saan nakita ko na nagkikislapan.
"A-Ano ito Cesar?"Hindi ito sumagot at ngumiti lang kaya nagtaka ako.Unti unti kong tinahak ang gitna habang naapakan ko ang mga bulaklak na nagkalat. Ang mga bulaklak na nakatanim na nagkikislapan hanggang sa makita ko si Marco na nakaupo sa upuan.May microphone na nakatapat sa harapan niya at may hawak siya na gitara.
Naka cap siya na itim. Puting v neck shirt at nakablack pants. Hindi siya naka tingin sa akin at seryoso lamang sa pag strum ng gitara. Surprise niya ba to? Gusto kong tumakbo patungo sa kanya. Pero parang nanghihina ako at natulos sa kinatatayuan ko.
"M-Marco." tinawag ko siya . Kaya napa angat siya ng tingin at hindi man lang nabigla. Seryoso niya akong tinignan sa mata bago ako hinagod ng tingin sa katawan. Umigting ang kanyang panga.
Nangilid ang aking luha nang magsimula siyang kumanta. The efff! Kumanta siya nang "Home by Michael Buble."
"Another summer day
Has come and gone away"
"From outside to home
But I wanna go home"
Napakagat labi ako at nagsimulang magpatakan ang aking luha ng marinig ang lamig ng kanyang boses na ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta.
"Mmmmmmmm,
Maybe surrounded by
A many people I"
"Still feel all alone
I just wanna go home."
Hindi bumitiw ang kanyang mata sa akin. Ramdam ko iyong sabik niya at pangungulila. At alam kong ganon din ang pinapakita ng mga mata ko.
"Oh, I miss you, You know."
Napapikit ako dahil , oo maging ako ay namiss ko siya.
"And I've been keeping all the pictures that I stole to you."
Naalala ko iyong mga pictures ko sa secret room niya noong bata ako. Sobrang kabog ng puso ko na tila alam na alam nito na ang lalakong ito ang may nag mamay ari sa kanya.
"Each on a line or two.
"Im fine baby, how are you?"
Pumikit siya at seryosong kumanta habang nagigitara.
"I would send them but I know
That it's just not enough"
"My words were cold and flat."
Napangiti ako habang napapunas ng luha dahil tama siya. Malamig siya at walang emosyon magsalita. Nakita kong narito si Lola Martha at mga taohan ni Marco.
"And you deserve more than that."
Napaiyak ako ng sobra ng magsimulang tumayo si Marco at lumakad palapit sa akin habang hawak ang microphone.
"Another aeroplane another sunner place.
I'm lucky I know,"
"But I wanna go home
I got to go home."
Hinawakan niya ang aking kamay na nanginginig at pabulong na kinanta ang huling kanta niya.Naramdaman ko iyong saya dahil naramdaman ko na ako ang tahanan at babalikan niya.
"M-Marco".Pigil ko sa kanta niya. Nakita ko ng malinaw ang mapula niyang mata na seryosong binabasa ang aking mata. Niyakap ko siya.Niyakap niya din ako pabalik at nanatili siyang tahimik.
"Wag k-ka nang umalis. H-Hindi na kita aawayin. S-Sorry.." Tuluyan na akong napaiyak at naramdaman kong binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Naglambitin na ako sa leeg niya at halos kargahin niya na ako.
"Babalik at babalik ako saiyo ,Isabella. Pinalamig ko lang ang ulo mo.''Ngumisi siya at hinagkan ang aking buhok.
"You're my home,baby.."Tumango ako. Tumingkayad at pinatakan siya ng halik sa labi.
"I am Marco. Uuwi at uuwi ka sa akin."Bigla akong nanghina at napayakap sa kanya.
"Shit!"Mura ni Marco ang huli kong narinig bago ako nahilo ng sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co