Truyen3h.Co

Damsel in Distress

CHAPTER 03

Maribelatenta



Mag aalas sais ng umaga ng magising si Micheal, pag katapos makapag kape ay agad syang nag jogging sa dalampasigan. Ito ang pinaka exercise nya tuwing umaga, maliban sa nakakapag ehersisyo na ay naiikot nya pa ang kanyang resort. May pangilan ngilan silang guess na nasa tabing dagat na at nagpi picture ng magandang bukang liwayway doon. Pero ng mag jogging sya hanggang sa may entrance ng kanyang resort ay laking gulat nya ng mapag sino ang babaing naka tayo sa may gate.. The woman that he help last night!

"H-hey miss." Tawag ni Micheal sa babaing nakatayo. Kipkip ng babae ang bag nito.

"M-mister.." Nang hihinang sabi ni Lily.

Dali daling sinalo ni Micheal ang babae ng matumba ito at mawalan ng malay. Shit..

"What happened to her? Gising na ba sya Francine?" Agad na tanong ni Micheal ng lumabas ang tauhan nyang babae sa kanyang villa na nasa loob din ng resort. Binuhat nya agad ang babae kanina ng mawalan ito ng malay at dinala dito sa kanyang kuwarto. Napag sabihan nya pa nga ang security guard, kung bakit hindi ipinaalam sa kanya na naroon pa pala ito samantalang nakita nito kagabi ng ihatid nya ang babae sa labas ng resort.

"Sir pinalitan ko ho ng damit yung babae, yung damit nyo ho yung pinasuot ko. Yung nasa ibabaw po ng cabinet nyo. " Kakamot kamot pa sa ulo na sabi ni Francine. "Pero tulog pa din po sya."

"May lagnat pa ba?"

"Opo pero pinunasan ko na din pero ang laki ho ng pasa nya sa may balakang. Halos mag kulay violet na po."

Tangina.. "S-sige salamat. Ako ng bahala. Just bring some food here." Sabi ni Micheal sa kanyang tauhan at pumasok na sya sa kanyang villa.
Makalat ito ngayon dahil hindi na sya nakapag linis kagabi bago matulog.. Agad nyang nilapitan ang babae na naka higa sa kanyang kama. Bakit kaya hindi ito umalis kagabi? Akala pa naman nya ay umuwi na talaga ito pag hatid nya sa may entrance ng resort pero hindi pala. So she just stayed there all night? Buti na lang at hindi umulan.

Mukha itong pagod na pagod, may pula pula din ito sa braso tanda na kinagat ng mga lamok. If im not mistaken her name is Lily. She is now wearing my white t-shirt, at buti na lang ay matangkad ako kaya ang damit ko ay umabot sa kanyang hita, para na tuloy itong bestida sa kanya. Pero ano ba talagang nangyari sa babaing ito?

Puting kisame ang nakita ni Lily ng magising sya. She remember hindi nga pala sya umuwi kagabi! Nang hinatid sya ni Micheal sa labas ng resort nito ay hindi agad sya sumakay ng mga dumadaan na tricycle doon. Marko keep calling on her phone pero pinatayan nya lang ito ng cellphone. Alam nyang hahanapin sya nito at pababalikin sa club. Ayaw nya ng gawin yun, ayaw nya ng sumayaw. Ang gusto nya na lang ngayon ay ang maka alis at pumunta sa malayong lugar para makapag simula ulit. Sa ibang lugar na lang siguro sya mag hahanap ng trabaho at mag iipon para unti unti mabayaran si Marko dahil alam nyang hindi ito titigil kakahanap sa kanya.

"Gising ka na pala.."

Agad nilingon ni Lily ang pinang galingan ng boses. At wala ngang iba kung hindi ang lalaking tumulong din sa kanya kagabi.

"Ikaw pala ang tumulong na naman sa akin. S-salamat ulit, M-Micheal.."

"Kumain ka muna para maka inom ka ng gamot. Mamaya na tayo mag usap pagka tapos mo." Nilapag ni Micheal ang isang tray ng pagkain.

"S-sige.. Salamat." Agad nakaramdam ng gutom si Lily ng makita ang pagkain na nasa plato. Hindi pa nga pala sya kumakain simula kagabi!

Matapos kumain ay agad tumayo si Lily, napa igik pa siya sa sakit ng mag lakad papunta sa pwesto ni Micheal. Napaka presko ng suot nitong navy blue na tshirt at shorts, bagong ligo lang ito at naka tsinelas lang din. Nagpupu mutok ang mga muscle nito sa braso!

"So tell me Lily what really happened to you? Bakit hinahabol ka ng mga lalaki kagabi? At bakit hindi ka umuwi? Diretsong tanong ni Micheal sa babaeng naka upo sa harapan nya.

"M-may utang ang daddy ko s-sa kanila at bilang kapalit n-nagta trabaho ako sa bar ni Marko.. Pero ayoko na dun. Hindi ko gusto na pumasok ako sa club." Naka yuko at mahinang sagot ni Lily. Ngayon pa ba sya mag sisinungaling dito? Eh dalawang beses na sya nitong tinulungan.

"Tell me the whole story then.." Sabi pa ni Micheal at sumandal sa upuan. Hindi naman nag dalawang isip si Lily na ikwento kung ano ba talaga ang nangyari.

Napa buntong hininga si Micheal matapos marinig ang kwento ni Lily. So may ganong grupo pala dito sa Palawan? I pity this woman infront of me, she really looks so helpless. Ano bang gagawin ko sa babaing ito?

"P-please dito muna ko. P-pwede mo ako utusan kahit na ano. H-hindi din ako magpapa bayad pero parang awa mo na kailangan ko lang talaga ng matutuluyan sa ngayon. Kahit ilang araw lang. " Pag mamakaawa ni Lily sa kaharap. "Alam kong hindi tayo magka kilala at tinulungan mo lang ako kagabi at kanina pero wala talaga akong ibang mapuntahan. S-siguradong pinag hahanap na ako ni Marko ngayon." Natatakot na sabi ni Lily.

"Hmmnn.. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga pulis. Im sure they will help you."

"K-kilala din nila si Marko, lagi din sila sa club. Ang mga p-police sa bayan.." Pahayag ni Lily, totoo yun ilang beses na ba nyang nakita na nanonood ang mga pulis mula sa kanilang bayan sa loob ng club lalo na kapag mag show ang mga dancer na katulad nya. Hindi lang isang beses kung hindi marami na. Ang malala pa ay mga naka uniporme pa ang mga ito na papasok sa club.

Tiningnan ni Micheal ng maigi ang babaeng kaharap, nag dududa pa din sya sa sinasabi nito. Paano kung nag sisinungaling lang pala ito sa kanya? At may balak na gawin na masama sa loob ng resort nya? Eh di sya pa ang napahamak at ang ibang tao na narito sa resort nya.

"No you can't stay here, hindi ka pwe pwede dito."

Para namang pinag sakluban ng langit at lupa si Lily sa narinig. "B-bakit?" Nakuha nya pang mag tanong.

"We just met last night, at hangga't maaari sinabi ko na sayo na ayokong makisawsaw sa kung anong gulo." Simpleng sagot ni Micheal.

Naintindihan naman ni Lily ang pinupunto ng lalaki. Kung ganoon wala pala talaga syang pag pipilian kung hindi umuwi at bumalik sa dating buhay. Mukhang naka tadhana na talaga sya na mag trabaho sa club.

"I hope you understand my point.." Dagdag pa ni Micheal.

"O-oo naiintindihan ko.." Malungkot na sagot ni Lily.

Pero pareho silang napatingin sa gawi ng pintuan ng marinig ang sunod sunod na pag katok. Agad tumayo si Micheal para silipin kung sino ito.

"Sir.." Sabi ng sikyu na naka uniform. Ang security guard sa kanyang resort.

"Oh? Anong problema? Bakit andito ka?" Takang tanong ni Micheal.

"Eh kase sir may nag hahanap ho sa inyo sa labas. Mga lalaki ho." Sabi ng guwardiya.

"Sino daw sila? Ano daw kailangan?"

"Basta sir hinahanap yung may ari ng puting kotse sa parking lot. Eh sir sa inyo lang naman ho ang kotse na puti na andoon."

"Ganon ba? Sige susunod ako."

Gaya ng sabi nya sumunod si Micheal sa guwardiya. Sa parking lot ng resort sya dinala nito. Nakita nya agad ang tatlong kotse na itim na naka parada doon, wala pa ito kanina ng mag jogging sya.

"Sya ba?" Tanong ng isang lalaki sa katabi din nito.

Oo boss sya nga ho yung tumulong kay Lily kagabi.." Sagot naman ng lalaki.

Namukhaan agad ni Micheal ang lalaking na andoon. Ito ang lalaking nag panggap na boyfriend ni Lily kagabi.
"Anong kailangan nyo?"

"Hinahanap namin si Lily.. Ilabas mo sya." Sabi ng lalaki.

Samantala naka yapak namang sumunod si Lily kay Micheal. Agad syang kinabahan ng sabihin ng guwardiya na may mga lalaking nag hahanap kay Micheal kanina, kinutuban sya ng masama!

"She's there.." Ani ni Marko na itinuro ang bandangc
likuran ni Micheal. Micheal turn his head in instant. Nakita nya doon si Lily na naka yapak at naka tayo sa likuran nya.

"What your doing here? Hindi ka dapat lumabas dito." Asik ni Micheal kay Lily.

Agad namang kumapit si Lily sa damit ni Micheal. "W-wag mo ko ibigay sa kanya. Please parang awa mo na." Naiiyak ns sabi ni Lily.

"Sumama ka na sa amin Lily, hindi ka na ngayon makakatakas tandaan mo yan." Sabi ni Marko.

"A-ayokong sumama sayo!" Balik na sabi ni Lily na nasa likuran pa din ni Micheal.

Hindi na nagpa tumpik tumpik pa si Marko at lumapit sa kinaroroonan ni Lily.

"You still owe me Lily." Matigas na sabi nito. "Kaya sa ayaw at gusto mo sasama ka sa akin."

"Leave.." Sabi ni Micheal ng akmang hahawakan si Lily na nasa likuran nya.
"Your invading my property so leave. Trespassing kayo! At wag mong pilitin ang tao kung ayaw sumama sayo."

Ngumisi si Marko na animo'y nang aasar. "Sino ka ba? Wag ka makisali dito kaya ibigay mo na ang babaing yan sa akin."

Binunot ni Micheal ang kanyang baril sa kanyang tagiliran. Ayaw na ayaw pa naman nya ay ang tatanungin sya kung sino ba sya. Hindi mahaba ang pasensya nya, madali syang mapikon. "Hindi mo gugustuhin na malaman kung sino ako, i can bring you to hell." Tinutok nya sa mukha ng lalaki ang kanyang baril. He can shoot this guy now lalo na kapag hindi pa ito umalis.

"Walang silbi ang baril na hawak mo kung wala namang bala." Dagdag pa ni Marko na pangisi ngisi pa din.

"Really?" Pinutok ni Micheal ang kanyang baril sa may paanan ng lalaki. Lahat ng tao na naroon ay nagulat. "Now are you going to leave or im going to shoot you?" Muli nyang tanong.

Hinagis agad ni Marko ang hawak na sigarilyo sa lupa. Ang tingin nya ay na kay Lily. Makukuha din kita Lily! Makukuha din kita tandaan mo yan." Galit na sabi ni Marko bago tumalikod at umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co