Truyen3h.Co

Damsel in Distress

CHAPTER 04

Maribelatenta


"M-micheal.." Kinakabahan kong tawag sa kanya. Matapos ang insidente kani kanina lang ay hinila nya ako pabalik sa kanyang villa. Nakakatakot ang seryosong anyo nito. Nagulat ako kanina ng bumunot ito ng baril at itutok kay Marko lalo na ng iputok pa nito ang baril sa lupa. Bakit sya may baril? Pulis ba sya o ano? Ang dami ko tuloy gustong itanong sa kanya pero nag dadalawang isip ako.

"Why they are looking at you?Bakit gustong gusto ka makuha ng lalaki kanina? Mag sabi ka sa akin ng totoo Lily kase pati ako ay damay na sa problema mo!" Malakas na boses ang rinig sa buong villa ng ipasok ni Micheal si Lily doon. He's not scared on those men earlier, kayang kaya nya patumbahin lahat yun. He's a gun expert, black belter on taekwando and a had a martial training too wsy back on U.S.

"S-sinabi ko naman na sayo ang totoo. M-may utang ang daddy ko kay Marko, y-yung lalaki kanina yung g-gusto kumuha sa akin. At d-dahil hindi maka bayad si dad dahil patay na sya ako na ang sinisingil nila.."

"Yun lang? Are you sure yun lang ang dahilan nila?"

"O-oo.." Nanginginig ang boses ni Lily sa takot.

"Pero hindi yun ang nakikita ko, the guy is so eager to have
you!"

"G-gusto nya na maging sex s-slave nya ko sa loob ng isang linggo kapalit d-daw nun ay hindi na ako mag b-bayad ng utang sa kanya." Naka pikit pa ang mata na sabi ni Lily. Parang hindi nya kaya salubungin ang mga titig ni Micheal.

"Damn..." Mura ni Micheal.

Dahan dahan naman dumilat si Lily. "P-paaalisin mo na ba ako? Naiintindihan ko naman kung gusto mo na akong paalisin. W-wag ka sanang magalit. S-sorry talaga kung nadamay ka pa sa problema ko."

"What do you think? Sa tingin mo paaalisin kita?"

"H-hindi ko alam sayo.."

"Pag katapos ng nangyari kanina ngayon pa ba kita paaalisin? Eh napasali na din ako sa problema mo. And im sure those guy earlier will come back here again. Babalik at babalik ang mga yun para kunin ka."

"S-sorry.." Hingi na naman ng pasensya ni Lily.

"Okay i tell you something so listen carefully..." Huminga pa ng malalim si Micheal bago mag salita ulit. "You can stay here on my resort but you will work here as my employee."

"Talaga?!" Hindi maka paniwalang sabi ni Lily. "Oo sige walang problema!" Sa sobrang saya ay nilapitan pa nya ang binata at niyakap. Pero ng tumikhim ito ay tsaka lang sya medyo lumayo. "S-salamat talaga kahit wala akong sahod ayos lang basta dito muna ako!." Sabi nya ulit.

Ilang araw ang lumipas at nag umpisa ng matuto si Lily ng trabaho sa resort, gaya ng sinabi ni Micheal ay nag tatrabaho na sya dito. Hindi naman mahirap ang gawain sa resort dahil pag lilinis lang naman ng mga villa ang naka assign sa kanya. Kailangan nya lang siguraduhin na bago gamitin ng mga guess ang villa ay dapat malinis ito at walang maireklamo sa kanila.

Sobrang laki talaga ng utang na loob nya kay Micheal dahil tinulungan sya nito. Kung hindi dahil sa binata ay baka sumasayaw na naman sya sa club ni Marko. Lagi nya itong nakikita sa resort pero madalang lang nya maka usap. Sabi ng ibang empleyado na mauna sa kanya ay ganon daw talaga si Micheal, tahimik at seryoso. Kaya nga laking gulat ng mga ito ng tulungan sya ni Micheal mula sa mga lalaking nag punta sa resort at gustong kunin sya, lalo na ng kupkupin pa sya nito st bigyan ng trabaho.

Mayroong walong empleyado ang buong resort hindi pa kasama ang security guard doon kaya siyam sila. Ang sabi ni Francine isang taon na daw nag ooperate ang resort ni Micheal. Si Francine ang pinaka resort manager nasa early forties na ito pero okay naman kasama at mabait sa kanya. Madalas na guess nila ay mga couple na galing maynila o di kaya naman ay mga foreigner. Madami din ang mga nagha honeymoon dito dahil na din sa ambiance ng lugar. Sa kuwarto na
sya ng mga empleyado nananatili. Sa isang kuwarto ay dalawang empleyado ang nag ookupa at si Melody nga ang kasama nya dito. Limang buwan pa lang daw ito simula ng mag trabaho sa resort. Madaldal at makulit si Melody, ma kwento din ito. Dalawang taon ang tanda ni Melody sa kanya kaya hindi na din nya ito tinatawag na ate, katulad nya ay dalaga pa din. Kay melody nya nalaman na galing pala si Micheal sa amerika at nag pasya na lang daw ang binata na dito mag negosyo sa pilipinas at ito ngang resort ang naisipan na buksan.

"Hayyyyy.. grabe naman yung nag stay sa villa 07 nag iwan pa ng gamit na condom!" Nag rereklamong sabi ni Melody matapos ilapag sa sahig ang mga pang linis sa kuwarto na ginamit.

"Honeymoon nga diba natural may ganon.." Sagot ni Lily na katatapos lang din mag linis ng naka assign sa kanyang villa.

"Honeymoon nga kaya dapat sa loob ang pag putok nun! Hindi yung may condom condom pa. Bakit pa sila nagpa kasal kung ayaw naman pala mag buntis noong babae.."

Nangiti na lang si Lily habang nakikinig kay Melody. Napaka taklesa talaga ng babaeng ito. Hindi nya alam kung anong isasagot dito, kase hindi din naman nya maintindihan kung ano ang pagkaka iba ng merong condom at wala. Paano ba naman ni hindi pa nga sya nakakaranas magkaroon ng nobyo lalo pa ng sex kaya anong masasabi nya.

"Ikaw ba? Anong gusto mo? Walang condom o meron?"

"Yung wala syempre.." Sagot ni Lily habang natatawa aba wala man syang karanasan sa sex pero isipin mo pa lang mas masarap naman siguro ang walang balot kaysa meron. "Sige na halika ka na Melody baka hinahanap na tayo ni Maam Francine. " Aya nya sa kasamahan, wala kase si Micheal ngayon kaya sila lang mga empleyado ang nasa resort. Sabi ni maam Francine sa kanya kanina ay wala daw si Micheal simula kagabi dahil nag punta daw ito sa San Juaquin.

San Juaquin..

"So kamusta na? Last time na nag kita tayo almost one month ago." Si Eros matapos maupo sa kaharap na upuan ni Micheal.

"Yeah. Binisita ko lang si mommy at Christine then bukas babalik na ako ulit sa Palawan."

"Ang bilis mo naman atang umuwi? Usually you stay here for a week or 2 weeks. "
Sabi na naman ni Eros.

"Well.." Tinungga muna ni Micheal ang hawak na beer.

"Well what?"

"Alam mo na bagong bukas pa lang yung resort ko kay kailangang tutukan ng maigi."

"Hmmnn.. Talaga ha? Come on pare hindi mo ako aayain mag inom ng tayong dalawa lang kung wala kang problema."

"Hmmnn.. i see, that's why. Yun lang ba?" Tanong pa ni Eros. "Your not gonna invite me alone for some drinks if you don't have a problem. So?"

"You really know me.." Naka ngiting sabi ni Micheal kay Eros. Kapag kase kailangan nya ng seryosong kausap ay si Eros talaga ang inaaya nya.

"So anong problema pare?"

"Okay.. There's a girl." Umpisa ni Micheal pero agad namang sumingit si Eros.

"A girl? Girlfriend mo?"

"Hindi. It's not what you think pare. Hindi ko girlfriend okay." Pag tatama agad ni Micheal.

"Nabuntis mo?" Eros look directly on Micheal.

"Gago hindi din."

"Eh ano nga?"

"There's a girl i helped few days ago.." Pero sumingit na naman si Eros.

"Wow good samaritan ka na pala pare.."

"Patapusin mo nga muna kase ako sa kwento ko." Parang naiinis na sabi ni Micheal.

"Sige sige continue.." Dinampot ni Eros ang beer at tsaka ininom.

"I helped her from those men who are after her, may pinagkaka utangan daw ang dad nya dun sa mga lalaki na humahabol sa kanya pero namatay ang dad nya kaya sya ang sinisingil. S-she look so naive and innocent but a damsel in distress."

"Ooohhh.." Tatango tango na sabi ni Eros. "Helping someone isn't bad.."

"I know and i told her that she can stay on my resort and be employee.."

"Eh di maganda, tinulungan mo eh. So anong problema doon?"

"Just thinking of those men who are looking on her. They do illegal stuff pare. At ang tulungan ang babaing yun ay baka may mangyari sa resort ko.."

"I got your point. Pero andyan na yan. So whether you like it or not im sure babalik at babalik ang mga lalaking yun para kunin ang babaing tinulungan mo."

"Yeah i know that too.."

"So nasa sayo na lang kung ipapag patuloy mo pa ang pag tulong doon sa babae or hindi na."

Natahimik si Micheal, ano nga ba dapat ang gawin nya? Pero hindi naman nya kayang paalisin si Lily dahil wala itong ibang matutuluyan o tutulong pa dito. He's the only one who help her and he know helping her make Lily trust him too. So paano na ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co