CHAPTER 33
I dedicate this chapter for zathara2308 maraming salamat sa pakape na good for 1 week😅🤣 heto na heto naaaa.. Kalma.
Two months passed Micheal is not the Micheal anymore that everyone used to know. He closed his Resort and stay on their house on the town proper alone. His mom always went to Palawan atleast once a week to visit her son but still Micheal don't want to talk to anyone. Hanggang ngayon hindi pa din niti matanggap ang nangyari kay Lily, at hanggang ngayon sinisisi pa din niya ang sarili sa lahat.
San Juaquin..
Tiningnan ni Sienna ng masama ang kapapasok lang na asawang si Eros sa kanilang silid. Pasado alas dyis na ng gabi at kakauwi lang nito at ang masama pa hindi niya alam kung saan ba ito galing dahil tumawag siya kanina sa Kapitolyo pero alas singko pa lang daw ng hapon ay umalis na daw ito doon. Alam niyang may tinatago sa kanya ang asawa pero hindi niya lang alam kung ano, napapadalas na ang pag alis-alis nito at kung minsan pa nga ay dalawang araw pa bago umuwi. Ngayon lang ito nangyari sa kanila bilang mag-asawa. Huwag lang niya talaga malaman na nangbababae pala ito dahil kapag ganon wala siyang magagawa kung hindi iwan si Eros.
"Hi baby.." Akmang hahalikan ni Eros ang asawa pero mabilis itong umiwas sa kanya. "Hey what's wrong with you, don't you miss me wife?" Lambing ni Eros sa asawa.
"Saan ka galing? Tumawag ako sa Kapitolyo kanina maaga ka daw umalis. Aba Eros, napapadalas na ang pag-uwi mo ng gabi ah." Hindi na mapigilang sita ni Sienna sa asawa.
"Im with Gerald, tawagan mo pa siya kung ayaw mo maniwala."
"Gerald, Gerald. Dinamay mo pa yung kaibigan mo." Inirapan pa ni Sienna si Eros, hindi talaga siya kumbinsido sa sinasabi nito. "Siguraduhin mo lang na siya ang kasama mo at hindi ka nangbababae, iiwan talaga kita kasama na ang mga bata tandaan mo yan."
"Tsk, magagawa ko ba naman na mangbababae? Eh ang ganda-ganda ng asawa ko tapos ang sexy pa." Hinigit ni Eros ang asawa hanggang mapayakap ito sa kanya.
"Huwag mo ako bola-bolahin Jacinto, iiwan talaga kita kapag nalaman kong nangbababae ka."
"Im not, so stop thinking about that. Your my one and only wife, mahal kita, ikaw at ang mga bata."
●●●●●●●
"Im excited!" Sabi ni Sienna kay Angela, andito siya ngayon sa bahay ng kaibigan. Si Angela ang nag bake ng cake para sa wedding anniversary nila ni Eros ngayong araw.
"Masaya ako para sayo at para kay Gov, Sienna." Nakangiting sabi ni Angela habang inilalagay ang cake sa box. Nag prisinta siyang gumawa ng cake para sa wedding anniversary ng mag-asawa. Eros is like a big brother to her, kulang pa ang cake na ginawa niya sa dami ng naitulong nito sa kanya noon.
"Thank you for this Angela." Tukoy ni Sienna sa cake. "Buti na lang wala si Abigail ngayon kung hindi kung anu-ano na namang kabalbalan ang sasabihin nun sa akin." Sabi ni Sienna, pinuntahan niya lang talaga ang kaibigan para kunin ang cake, uuwi din siya agad dahil hindi pa siya tapos sa gagawin niyang surprise dinner for para sa asawang si Eros.
"Alam mo naman si Abby puro kalokohan at kung hindi ko nga lang alam na Doktor siya hindi talaga ako maniniwala." Napapailing na sabi na lang ni Angela.
"Oh sige na Angela, uuwi na ako. Hindi pa ako tapos mag-ayos sa bahay." Paalam ni Sienna.
"Sige Sienna, ingat." Hinatid pa ni Angela si Sienna hanggang sa gate ng bahay nila. Natutuwa talaga siya, siguradong magugulat mamaya ang dati niyang boss na si Gov sa sorpresa ng asawa nito.
Sienna make sure everything is ready, naeexcite siya! Talagang pinag-handaan niya ang araw na ito, taon-taon naman. But today she wanted it to make it more special! She cooked different menu for dinner, at siyempre bagong dress din ang sinuot niya. Pero alas nwebe na ng gabi, walang Eros na dumating at umuwi.
"Sienna.." Tawag ni Nanay Imelda.
"N-nay Imelda kayo po pala."
"Hindi mo ba matawagan si Eros? Naku ako talaga ang pipingot sa batang yun! Aba hindi niya man lang ba naalala na anniversary niyo ngayon?"
Natahimik si Sienna, parang gusto niyang umiyak. Ngayon lang ito nangyari, Eros always makes rheir anniversary special. Noong nakaraang taon nga ay sa Japan pa sila nag-celebrate kasama ang mga bata. Pero ngayon wala, kinalimutan na yata ni Eros ang espesyal nilang araw.
Basta na lang pinarada ni Eros ang sasakyan sa labas mg mansiyon, nagtataka pa nga ang security guard niya doon dahil halos takbuhin niya ang papasok ng kanilang bahay. He's really doom! Sa dami ng inasikaso niya buong araw nawala sa isip niya na anniversary pala nila ng asawa niya.
"Nay Imelda si Sienna ho?" Nakita niya ang mayordoma bago siya umakyat ng hagdan.
"Naku patay kang bata ka, bakit ngayon ka lang? Alam mo bang naghanda ang asawa mo dahil anniversary niyo pala? Anong oras na ha." Litanya ng matanda.
"Na saan na nga ho yung asawa ko?" Ulit na naman ni Eros.
"Nasa kuwarto niyo, mukhang lalayasan ka na yata dahil pinahanap yung mga maleta kanina."
"Shit!" Nagmadaling umakyat si Eros patungo sa kanilang kuwarto. At tama nga si Nanay Imelda, nag-aayos ng damit ang asawa niya at nilalagay sa maleta!
"B-baby.."
Agad nilingon ni Sienna ang asawa, galit siya dito! Anong oras na pero ngayon pa lang ito umuwi! "Aalis kami bukas ng mga bata, doon muna kami sa Farm." Seryoso niyang sabi.
"Agad nilapitan ni Eros si Sienna at kinuha ang mga nilalagay nitong damit sa maleta at ibinalik sa cabinet. "I-im sorry, nawala sa isip ko na anniversary pala natin ngayon."
"Nawala? Wow! Ako ba Eros pinagloloko mo? Kung may babae ka sabihin mo sa akin para magkanya-kanya na tayo!"
"Baby wala nga akong babae." Paliwanag ulit ni Eros.
"Wala? Akala mo ba hindi ko napapansin? Halos araw-araw ka ng ginagabi umuwi ah! Hindi ka na binata, may pamilya kang naghihintay baka nakakalimutan mo!"
"Sienna naman may inaasikaso ako kaya busy ako nitong mga nakaraan."
"Araw-araw? Busy? Hindi ka naman dating ganyan ah!"
"Sorry na nga, hayaan mo babawi ako sayo tsaka sa mga bata. If you want we can go tomorrow on our Resort."
"Ayoko! Hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano yang pinagkakaabalahan mo doon muna kami ng mga bata sa Farm." Muling nilagay ni Sienna ang mga damit na inagaw sa kanya ni Eros at nilagay ulit sa maleta. Dumating na yata ang kinakatakot niya, ang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawa.
"Baby naman wag na natin itong palakihin, sorry na nga." Hingi na naman ng paumanhin ni Eros sa asawa pero parang wala itong naririnig. "Baby.."
"Huwag mo ako pikunin Jacinto dahil galit ako sayo!" Sinara na ni Sienna ang maleta at nilagay sa isang sulok.
"Come on wife, wag na natin ito pahabain.."
"Then tell me why your always late going home!"
Bumuntong hininga muna si Eros bago tiningnan ang asawa, alam niyang hindi niya dapat ito ginagalit ng ganito. Kahit ba sabihing naoperahan na ito noon sa puso hindi ibig sabihin ay okay na ito. "Do you want to know why im always late? And why im busy?" Balik tanong niya sa asawa.
"Oo!"
"Then come with me." At hinawakan ni Eros ang kamay ng asawa at hinila palabas ng kuwarto. Alam niyang napapabayaan at nakakalimutan niya na ang responsibilidad bilang asawa at ama niya. Pero anong magagawa niya? Hindi naman talaga siya nangbababae o kung ano pa man.
Nakatingin lang si Sienna sa unahan ng sasakyan, Eros us driving the car and she is seating beside him. She don't have any idea where they will go. Mag aalas onse na din ng gabi at wala na halos sasakyan sa kalsada. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi na siya nakapagpigil at nagtanong na.
"Sa Farm ko." Maikling sagot ni Eros, he is driving now going to his Banana plantation.
"Ano naman gagawin natin doon? Sinasabi ko sayo Eros wag mo ako paglolokohin ha!" Asik na naman ni Sienna.
"Gusto mo makita ang pinagkakaabalahan ko diba? Then I'll show to you."
Hawak ni Eros ang kamay ni Sienna ng pumasok silang dalawa sa resthouse, andito na sila ngayon ng asawa niya sa Banana Farm. Nagtatakang tiningnan ni Sienna ang tatlong bodyguard na nasa labas ng resthouse. Anong ginagawa ng mga ito dito?
Tuloy-tuloy lang sila hanggang makarating sa isang kuwarto sa loob. Oh my god dito ba binabahay ni Eros ang babae niya?
Pinanuod lang ni Sienna ng katukin ng asawa ang pintuan
at parang gusto niyang mahimatay ng makilala kung sino ang nagbukas ng pinto.
"L-lily?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co