Truyen3h.Co

Damsel in Distress

CHAPTER 34

Maribelatenta

Malamig na dito sa rizal😑 masyadong pinaparamdam sa atin ng hangin na single tayo😂🤣

Sienna can't believe who is infront of her right now, its no other than Lily. Hindi siya makapaniwalang buhay pala ito at nakatayo ngayon sa harap niya. "Y-your a-alive. Oh my god Lily your alive!" Niyakap ni Sienna ng mahigpit si Lily, kahit naguguluhan pa din siya sa mga pangyayari. Marami siyang gustong itanong at malaman, kung paano ito nakaligtas, sino ang tumulong dito at sino ang babaing nilibing nila.

"Yes baby, Lily is alive and i helped her." Sabi ni Eros, wala na siyang choice kung hindi ipagtapat sa asawa kung bakit siya lagi ginagabi ng uwi at lagi siyang busy ng mga nagdaang linggo. Sienna might really leave him if he will not tell her what's really going on.

Naupo silang tatlo sa kawayang upuan na naroon sa sala.

"S-sorry Sienna at mukhang nag-away pa yata kayo ni Eros dahil lagi siyang wala sa inyo." Hinging paumanhin ni Lily, alam niyang magtataka at magtataka si Sienna dahil laging wala ang asawa nito.

"Don't mind it, what is important now is your alive. And im sure matutuwa si Micheal kapag nakita at nalaman niyang buhay ka. Pero teka, you have scar on your face? Ano ba talagang nangyari? Ipaliwanag niyo nga sa akin kung paano ka nakaligtas." Sienna saw the scar on left face of Lily, hindi yun ganon kalaki pero alam mong dahil sa sunog kaya ito may ganon at medyo sariwa pa.

"When Micheal told me about the death threath he's recieving i got worried." Pag uumpisa ni Eros. "Masyado siyang kampante na walang gagawin ang mga humahabol kay Lily dahil kasal na sila. Everyone should take seriously what is death threath is, kahit pa sabihing biro o totoo dapat seryosohin ito. Nung kinasal silang dalawa dito sa San Juaquin meroong muntik bumaril kay Lily."

"Oh my god!" Napahawak pa si Sienna sa kanyang bibig habang nagkukuwento ang asawa.

"And remember? Wala ako ng pumunta si Micheal para hiramin sana ang helicopter ko para mas mabilis siyang makauwi ng Palawan? Dahil nauna akong pumunta. I just told you wife that night that i have emergency on Burgos and they need merhat time pero ang totoo pumunta ako ng gabing yun sa Palawan."

Tumango-tango naman si Sienna ng maalala ang sinasabi ni Eros, oo nga. Wala nga ito sa mansyon ng pumunta sila Micheal at Gerald para hiramin sana sa asawa ang helicopter nito. Ito yung oras na nalaman ni Micheal na nasusunog pala ang Resort niya.

"But thanks to my bodyguard hindi natuloy ang pamamaril kay Lily ng mismong araw ng kasal nila. We caught the guy and bring him somewhere. Micheal knew about that of course, kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tungkol doon at hindi na namin pinaalam pa sa iba including you baby, and even Lily doesn't know that."

"Kaya ba bumalik agad sila sa Palawan dahil nasundan sila dito?" Tanong ni Sienna.

"Yes baby, so since then i hired three men for Micheal and Lily without there permission. Pinapasundan ko silang dalawa sa mga tauhan ko ng hindi nila alam. And wife," Hinawakan pa ni Eros ang kamay ng asawa. "You know all of my friends is like my brothers puwera na lang kay Hunyo na hindi talaga tinantanan si Angela at hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa kanya. So when Micheal went back here on San Juaquin to signed some important papers without Lily my three mens rent one of the Villa on Micheal Resort. And you know what wife? Yung isang na-hire ni Micheal na security guard sa Resort niya ay tauhan pala ng humahabol kay Lily. So everything is plan."

"And they took their chance dahil mag-isa lang si Lily that time?" Tanong ulit ni Sienna.

"Yes." Sagot ni Eros.

"Pero paano nakaligtas si Lily? At sino ang taong nilibing natin? My god Eros magagalit si Micheal kapag nalaman niyang tinago mo ang asawa niya!" Sabi ni Sienna.

"Ako ang magpapaliwanag kay Micheal ng nangyari, isa pa hindi niya kailangan magalit kay Eros dahil tinulungan lang naman niya ako, pero hindi pa sa ngayon Sienna." Sabi naman ni Lily, yun ang usapan nila Eros, hangga't hindi nahuhuli si Marko ay dito muna siya sa poder ng Gobernador.

"Micheal was really devasted Lily, and i don't know how he will react if he knew your still alive." Komento ni Sienna. "So kung hindi ikaw ang nilibing namin sino yun kung ganon?"

"One of my three mens, tanga lang yung mga bumbero at hindi sinuri ng husto ang bangkay na nakita nila. Wala nga man lang autopsy ang nangyari, at maski DNA para malaman kung si Lily ba yun o hindi. Isa pa ayaw din ni Micheal." Paliwanag ni Eros.

"Pero paano yung singsing? Diba may singsing na nakita?" Tanong na naman ni Sienna.

"Hindi ko lagi sinusuot yung wedding ring namin Sienna dahil natatakot akong mawala sa daliri ko, at ng gabing yun iniwan ko yun sa ibabaw ng cabinet bago matulog." Paliwanag ni Lily, their wedding ring cost a million! Kaya naman natatakot siyang isuot yun dahil baka mawala.

"Okay, but what happened to your face? N-nasunog?"

"Oo, nawalan ako ng malay ng sobrang usok na sa loob ng kuwarto, hindi ko na din kase mabuksan ang pinto. Doon ako tumakbo at nagtago ng pumasok na si Marko sa loob ng Villa."

"Lumiit na nga yang sa mukha niya baby, kaya lagi akong busy dahil sinasamahan ko si Lily sa Maynila para mapagamot ang mga nakuha niyang sunog sa mukha." Sabi pa ni Eros.

"D-diyan ka lang ba nagkasunog? Or meron pang ibang part ng katawan mo?" Nag-aalalang tanong ni Sienna, now she understand why Eros always go home late and one thing is sure hindi niya na ito lalayasan bukas.
Valid naman pala ang dahilan ng asawa kahit sumama talaga ang loob niya kanina dahil nakalimutan nito ang wedding anniversary nila.

"Mayroon sa likod ko pero sabi ng Doktor na tumingin sa akin baka hindi na daw mawala ang peklat doon." Kuwento ni Lily, nabagsakan siguro siya ng kung ano ng mawalan siya ng malay habang nasusunog ang Villa.

"But your p-pregnant right? Yun ang sabi ng isang empleyado ni Micheal sa kanya. Kaya nga siguro nahihirapan siyang matanggap ang nangyari sayo dahil buntis ka daw." Sabi pa ulit ni Sienna.

Biglang nawala ang tipid na ngiti ni Lily sa kanyang mga labi. "W-wala na ang baby Sienna, nakunan ako." Malungkot na sabi niya, ang natatandaan niya lang nagising siya sa Ospital at si Eros ang nakita niya doon. Sobrang sakit ng buong katawan niya dahil na din sa mga sunog na natamo niya. Pero wala pala ang sakit na yun ng sabihin ng doktor na nakunan siya, she lost her baby. Ang magiging anak sana nila ni Micheal. Sayang lang at hindi niya man lang nasabi sa asawa ng personal ang tungkol doon.

"Everything have a reason Lily, im sad on what happened to you but im thankful that your still alive." Hinawakan ni Sienna ang kamay ni Lily na nasa ibabaw ng lamesa. Her face doesn't lool like before, pero sana magawaan pa din ng paraan na mawala ang peklat sa mukha nito.

"Salamat Sienna, at sayo din Eros. Kung tutuusin nga hindi mo ako dapat tinutulungan pero kung hindi dahil sayo baka patay na talaga ako." Sabi ni Sienna sa mag-asawa. Sobrang laki ng utang na loob niya kay Eros dahil sa pagligtas nito sa kanya.

"Nahhhh i told you Micheal is like my brother, and im just protecting him and those people who are important also on his life. And one of that is you Lily." Nakangiting sabi ni Eros.

"Pero paano yung humahabol kay Lily? Nasaan na siya?" Tanong ni Sienna sa asawa.

"Im working on it wife, at buti na lang kaibigan ko ang Governor sa Palawan kaya isa siya sa tumutulong sa akin para mahanap ang Marko na yun. I also told him the illegal activities on his province, from illegal drugs, gumbling and selling woman to foreigner lahat sinabi ko sa kanya. And i promise to Lily na sandali na lang at mahuhuli na namin ang gumawa nito sa kanya." Kuwento ni Eros, isa yun sa malaking bagay na nagagawa ng may kapangyarihan sa pulitika. Kaya niya makipag-negosasyon sa iba pang pulitiko.

"So it means hanggang hindi mo nahahanap yung gumawa nito kay Lily dito muna siya sa Farm?"

"Oo, ganon talaga muna ang mangyayari. At isa pa hindi pa tapos ang gamutan niya sa Manila. Meroon pa siyang ilang session para matanggal na husto ang naiwang sugat sa mukha niya."

"Im just thinking about Micheal, yung huling beses ko nakausap ang mommy niya gamon pa din daw siya. Hindi daw ito lumalabas ng bahay at gusto mapag-isa lagi." Sabi ni Sienna.

"He can't make it, kilala ko si Micheal baby kaya niya yan. Beside im not hiding Lily without a purpose."

"Okay, if that's your decision then oo na lang. Pero puwede ko pasyalan si Lily dito?"

Napangiti si Lily sa sinabi ni Sienna, ang suwerte talaga ni Eros at ito ang napangasawa nito.

"You can, basta hindi ka na mag-aalsa balutan." Natatawang inakbayan pa ni Eros ang asawa, ito talaga ang kahinaan niya. Si Sienna.

"Of course hindi na, and this will be a secret also? Hindi ko
puwede sabihin kila Abigail at Angela?"

"Hindi muna wife, sayo ko lang sinabi dahil alam ko kanina na tototohanin mong layasan ako."

Kinurot naman ni Sienna sa tagiliran ang asawa bago bumaling kay Lily. "Hayaan mo Lily babalik ako dito bukas at ako na din sasama sayo sa Manila."

"S-sige Sienna, basta maraming maraming salamat talaga sa inyong dalawa." Sabi ni Lily, at sana dumating na ang araw na makita niya na ulit si Micheal. Hindi man ngayon pero darating din sila doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co