Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 16

InsaneSoldier

"So, bakit nga ako nandito?" Hindi ko maiwasang itanong sa Eris na ito matapos ang ilang minutong pagka-occupied niya sa ginagawa.

Hindi ko naman alam kung anong pinagkakaabalahan niya, basta related sa student council eme. Ang nakakapagtaka ay kami lang ang tao rito sa student council.

Hindi naman ako nagrereklamo talaga kasi siyempre may aircon. Pero kasi tapos na klase namin pati pasok namin sa Guidance pero ito at naisipan niya pa akong hilahin dito dahil may aasikasuhin daw siya.

Speaking of, malapit na matapos ang OJT hours namin sa Guidance and magp-proceed na kami sa next setting. We have 3 OJTs with 120 hours each. Siguro kung wala naman siyang plano regarding sa next setting ay magsosolo na ako —

Teka nga. Bakit ko ba iniisip na magkasama pa rin kami sa susunod? Tangina.

Nilingon niya ako at nginitian. Sinamaan ko siya ng tingin nang may ma-feel ako sa sarili ko na kakaiba. What the fuck, Bianca Heriel?

"May inaayos lang ako pero malapit na rin 'to." sagot niya. Itinago niya yung bungkos ng papel sa isang brown envelope na may string. May tinipa rin siya sa kaharap na laptop. "Hindi lang halata pero ang responsible ko kayang president."

"K," ang maikling tugon ko dahil ayoko naman isipin niyang interesado ako.

She chuckled. Para bang tuwang-tuwa ito lagi sa reaction ko. Todo-pigil ako sa puso ko na bigla na lang nagpaparamdam than usual. Parang gago talaga.

"You know about the upcoming University Cup, right?"

Napatango ako. Annual iyon ginaganap tuwing first semester, kung tama ang tanda ko ay next month na iyon. It's a one week event na involved ang lahat ng satellite campuses ng Sunnyside. So malamang sa malamang ay magiging puno itong school dahil main campus kami.

It comprises of sport events at kung anu-ano pang pakulo ng school. No wonder marami na akong napapansin na nagt-train. May iba ring nagr-rent na ng gym or practice room outside the school. Malaki naman ang campus pero hindi lahat ng sport type ay mac-cater sa isang lugar.

One week na puro mababahong nilalang ang makakasalamuha ko. Hay.

Buti na lang hindi required ang mga fourth year na tulad namin — although malabong hindi required itong si Eris dahil siya nga ang President.

"Ilang days na lang ng pagr-render natin ng oras sa Guidance ay tapos na tayo, after that I'll be surely busy na for the upcoming Cup."

Napatango ako habang iniisip yung mga possibleng mangyari. Wala pa namang schedule ang defense namin, pero surely ay after the Cup pa iyon. Iyon lang yung one week event na masasabi kong malaya maging kaming patapos na.

"Malayo pa naman ang defense natin," nasabi ko na lang, "since to be announced pa ang schedule. Sa OJT naman ay matatapos tayo ng maaga."

"Gusto kong sumabay sa'yo sa second setting pero ayoko naman mahuli ka." Ngumuso si Eris na parang bata. Napairap naman ako. Kaartehan talaga nito sa buhay. "I'm planning to start sa second after the one week event, eh. But you can do it right after your first. Makakahabol naman ako, it won't compromise our thesis din."

"Basta maayos." maikling sagot ko.

Ngumiti siya at muling inabala ang sarili sa ginagawa. Nakaupo lang ako rito sa mahabang sofa habang nakatingin sa kanya.

Pero naumay din ako sa mukha niya.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid. It looks like a normal room, yung may sala set pa at tv na naka-install sa pader pero mukhang hindi rin nagagamit masyado.

May center table na parang mas bagay gamitin sa coffeeshop. Sa ibabaw ng lamesa ay may nakapatong na dyaryo ng school at isang manipis na libro na published from school din, malamang ay sa The Pen iyon — isang publication org na pinangungunahan ng mga estudyante. Wala akong alam sa kanila, basta more on writing eme sila at cartooning. Parang journalism? Hindi ko alam.

Sa right corner naman ay may nakatayong malaking open shelf na pinaglalagyan nong level arch file folders. By year iyon naka-arrange based na rin sa nakadikit doon sa spine ng folder. Meron ding mga trophies sa isang part na nagv-vary from gold, bronze, and silver. Ewan ko kung ano 'yon.

Cozy ang Student Council room and I think kahit ako ay hindi tatamarin gumawa ng kung anu-ano rito. I shifted a bit para hindi ako mangawit. Parang gusto ko nang matulog dahil almost 6pm na, ewan ko nga sa sarili ko bakit ko hinahayaan itong si Eris utusan akong mag-stay. Kaya ko naman umuwi mag-isa.

Tumunganga ako sa kisame bago pumikit, ina-absorb lahat ng mga nangyari buong araw ─ pero walang ano'y bumalik ang kaisipan ko sa lunch namin ni Eris sa mamahaling restaurant na iyon.

Ah, putangina.

More than one week na ang lumipas pero pumapasok pa rin 'yon sa isip ko. Wala namang nangyari kakaiba pagkatapos. Eris is still being Eris — nakakaasar, nakakagago, pero minsan maayos kausap.

Parang joke lang naman yung sinabi niyang may gusto siya sa akin eme. Baka nga ginu-good time lang niya ako katulad dati no'ng unang beses ko siyang nakilala.

Parang mas naging normal pa nga siya ng ilang percent, eh. O siguro busy lang kami recently dahil na rin sa ibang subjects.

Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pintuan. Babae ang nagbukas no'n, actually maganda siya, morena beauty. Naka-wolf cut ang hanggang dibdib nitong buhok.

She's tall, mas matangkad siya kay Eris sa tingin ko — so ako ang pinakamaliit sa amin. Naka-uniform din siya tulad namin pero maluwag ang pagkaka-tie ng nasa leeg niya. She has nice face — thick eyebrows, mapungay na mata, matangos ang ilong, at mukhang natural pa ang pagkapula ng lips.

"Uy, Pres!" she beamed. Tumingin siya sa akin saglit at ngumiti pero mabilis na napokus ang atensyon kay Eris na nilapitan niya kaagad. "Akala ko umuwi ka na, eh."

"May inaayos lang ako pero malapit na 'to."

"Yung sa budget ba?"

"Oo, pati na rin mga ilalakad nating letters. Nag-check na rin ako ng mga binigay ng ibang satellite."

"Goods na?"

"May tatlo pang campus ang hindi nagpaparamdam."

"Oh..."

"By the way," Isinara ni Eris ang laptop at hinugot ang pagkaka-charge no'n. Sinundan ko siyang maglakad palapit sa akin. Hindi naman din kasi nalalayo ang puwesto ko sa kanya. "This is Bianca, friend ko. Bianca, si Stella Abad — Vice President ng Student Council.

"Hello!" Tumingin sa akin si Stella Abad. Kaya pala parang familiar siya. "Stella na lang. Nice meeting you."

"Bianca na lang din." sabi ko na lang. Mukha siyang masungit kapag hindi nakangiti pero mabait naman siya siguro based sa sigla ng pagbati niya.

"You're a little tall," Kinumpara niya yung height naming dalawa. "Around 5'4?"

Tumango ako. Pero walang duda na mas matangkad pa rin sila.

"Do you play sports?" Umiling ako sa tanong niya. Para itong bata na ngumuso pero ngumiti rin naman kaagad. Automatic na tumaas ang kilay ko nang akbayan niya si Eris na nakatayo lang sa pagitan namin. Parang close na close sila. "Sayang. Sabagay, fourth year ka na. Too busy for sports, 'no?"

Napatango ulit ako dahil wala naman akong ibang sasabihin. Una, ayoko ng sports dahil ayokong pinagpapawisan. Pangalawa, ayokong mag-memorize ng rules and movements and gameplay, lastly ay boring iyon para sa akin.

"I've been trying to recruit this girl," Hinapit niya palapit si Eris sa kanya. Parang gusto kong manakit, pero hindi ko rin alam kung bakit. Puta. "Since second year kahit no'ng hindi pa ako captain sa volleyball, pero ayaw talaga. Do you know that she's a sport genius?"

"Baliw, hindi." kontra kaagad ni Eris. May kasama pang pabirong pagtulad. Napahawak alo sa strap ng dala kong bag. Parang gusto ko na lang lumayas. "Marunong lang."

"Hoy, varsity ka sa basketball no'ng highschool, naglaro ka rin for volleyball, softball, pati sa soccer, anong sinasabi mong hindi?"

Hindi na ako nakatiis at tumayo na. Tangina, ang sakit sa mata! Sabay silang napatingin sa akin. Tumingin ako sa relo ko. "Late na. Eris, hindi ka pa ba tapos?"

"I'll help her na lang since nandito na ako," si Stella ang sumagot. "Pasensya na, naabala ka pa ni Pres. Malayo ba bahay mo?"

"Malapit lang," Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ginagawa pero naiinis talaga ako sa kanya — lalo na kay Eris.

Parang tanga.

"Wait, tapos na 'to in a min —"

Hindi ko na hinintay si Eris matapos sa sinasabi. Isinabit ko ang bag sa balikat at walang salitang naglakad palabas.

Bahala sila diyan.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co