Chapter 17
Natapos ang first setting namin na hindi ko halos pinapansin si Eris. Mabuti na lang talaga at wala pa masyadong gagawin sa thesis dahil medyo nangunguna kami sa buong Psyc.
Karamihan din ay mga busy na lalo na sa mga lower years. Marami rin palang graduating student ang nasa sports pa rin kahit ang busy na sa thesis and all. Parang sira.
Busy rin si Eris. Maya't maya itong napapatawag ng Dean o kaya sa HR, pati na rin sa President ng Campus ─ minsan may nakikita akong students from other satellite na dumadayo rito. Same uniform lang naman, ang kinaibahan lang ay ang mga ID laces namin.
Madalas din kasama ni Eris yung si Stella pati na ang ibang members ng Student Council na hindi ko alam ang pangalan. Basta may isang lalaki. Meron ding student representative sa bawat year level.
Ang daldal kasi nitong si Go-Friend — na Ana pala ang pangalan - kung anu-anong chinichika sa akin sa oras ng Rizal. Mabuti nga at kahit papaano ay nakakapakinig pa rin ako sa klase.
"So, friend ─" At lately ay nahihila na niya ako sa circle of friends niyang hindi ko naman sure ang names. Sinubukan niya akong hawakan sa braso pero tiningnan ko lang siya ng masama. Parang gago talaga. "Sungit mo talaga, friend."
"Edi huwag mo akong kausapin." Inirapan ko siya.
Napapadalas na rin ang pag-init ng ulo ko ng walang dahilan. Parang malapit na yata ako mag-menopause kahit na kakatapos lang ng period ko. Kainis!
"Nagugutom na ako, mga madam!" Ang malakas na boses ng isa sa kaibigan niyang si Melanie ang narinig ko. Tumingin siya sa akin. "Nakain ka ba sa Mcdo?"
Umiling ako. Ang daming tao sa Mcdo at sa kung saan-saang fast food, hindi rin malinis yung cr. Ang dumi-dumi, naturingang food site. Kapag kumain ako ro'n baka magkasakit lang ako.
"Gold pala talaga 'tong si Bianca!" sabi no'ng isang kasama pa namin na lalaki na hindi ko matandaan ang name.
Basta matangkad siya na payat, parang kapreng nasobrahan sa tabako. Hindi namin siya classmate pero tropa siya nitong sina Ana. Computer science ang course, base sa narinig kong sinabi nito nang una ko siyang makita.
Napahinga ako ng malalim. Parang gusto kong pumaslang.
Walang salitang inayos ko ang mga gamit at iniwan sila ng walang pasabi. They tried calling me pero hindi na ako lumingon o ano pa man.
"Snobber mo naman."
"Ay puta —"
Napalayo ako nang bigla akong dikitan nitong lalaking katropa nina Ana na sumunod pala sa akin. Tiningnan ko siya saglit bago ito i-ignore dahil hindi naman kami close.
"Saan ka ba pupunta?" tanong pa nito. "Samahan na kita."
Hindi ko siya kinikibo. Bahagya kong binilisan ang paglalakad, pero sa tangkad niya at haba ng binti ay inilang hakbang niya lang ako bago makahabol. Tangina talaga.
Maling desisyon talaga maging involved sa ibang tao. Hindi ko naman ginusto, pero bakit ba panay sila lapit sa akin? Noong una si Eris, tapos si Ana, ngayon itong — ano bang pangalan nito!
Huminto ako at hinarap siya. Huminga ako ng malalim at todo pigil na huwag sumigaw dahil nababadtrip ako sa ngito nito. "Can you stop following me?"
"Sinasamahan ka lang naman."
"At hindi ako pumapayag na samahan mo ako so scoot."
"Sungit mo naman," Tumawa si gago. "Pero saan ka ba? Samahan na kita. Tanghali na, saan ka ba usually kumakain?"
Putangina talaga.
Matatanggap ko pa kung si Eris ito, pero hindi naman. Ang pangit-pangit pa. Well, okay, hindi naman literal na pangit — mukha naman siyang tao — yung tipikal na lalaki na mukhang playful pero mukhang sakto lang. Pero pangit pa rin.
"May boyfriend ka na ba?"
Parang nag-lag yata yung utak ko saglit at napamaang sa kaharap.
"Look, hindi kita kilala —"
"Alden."
"Huh?"
"Alden Richards." Kumaway siya sa akin na parang nagpapabebe.
Hindi ko na alam. Parang nasa ibang dimensyon na yata ako. Hindi ko maarok itong kaharap ko kung jino-joke niya ba ako o ano.
"Ang kadiri mo," I told him.
Tinalikuran ko na siya at naglakad. I was walking in no particular place in mind — pero sumusunod pa rin siya. Gusto ko na lang tuloy umuwi, pero baka sundan pa rin niya ako kaya hindi ko magawa.
"Bumalik ka nga ro'n kina Ana!"
"Sasamahan pa nga kita."
"Hindi mo ba gets yung salitang ayoko nga?" tanong ko. "Bobo ka ba? Hindi ka nakakaintindi? Tingin mo nakakatuwa?"
"Pero may boyfriend ka na nga?"
Kailangan ko na bang sabihing meron? Kasi sa style ng tanong niya kahit sino naman siguro iisipin na interesado siya sa akin. Baka sakali kung sabihin kong meron ay ma-discourage na siya. Nakakagago talaga.
"Mero —"
"Meron siyang girlfriend," Natigilan ako nang may umakbay sa balikat ko — si Eris. Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti sa kaharap namin pero ang mata ay parang nanlilisik na hindi ko malaman. She looked at me. "Right?"
She squeezed my shoulder. Parang sinesenyasan akong makisakay, kaya napatango na lang ako.
"Weh?" Tumawa yung kapre. "Straight ka, 'di ba? President?"
"Kailan ko sinabi?" Nakangiti pa rin si Eris. Pero ang scary talaga ng mata niya, hindi naman kasi siya ganoon tumitig sa akin o sa ibang tao. "Hindi naman ako obligadong ikalat kung anong preference ko, besides, no one is even asking."
"Kaso type ko kasi si Bianca —"
"Na taken na." Pagputol ni Eris sa lalaki. "Dahil nasa akin na."
Napakamot si kupal sa gilid ng kilay nito. Tumalikod na ito at naglakad palayo. "Wait ko na lang kayo mag-break."
"Aba't gago —" Hinila ko si Eris nang parang susugod pa yata ito. Nawala na rin kasi yung ngiti niya.
"Hoy para kang baliw." Hinampas ko siya sa balikat niya na ikinangiwi naman nito. Bumalik na sa normal yung expression niya at parang batang nginusuan ako.
"Pinagtatanggol ka lang, eh."
"Maka-react ka naman kasi, oa mo rin." Inayos ko ang buhok na bahagyang nagulo. No'n ko napansin na medyo mahaba na rin pala ito. "Pero sige, thank you."
"Naks, marunong mag-thank you." She grinned. Parang nakaramdam naman ako ng inis. Okay na sana, eh.
"Bahala ka diyan."
Naglakad ako paalis pero as expected ay sumunod din naman ito. As usual ay mine-maintain ni Eris ang distansya niya sa akin dahil aware naman siyang ayoko ng hinahawakan. Todo pigil akong huwag hawakan yung balikat kong inakbayan niya kanina lang.
Hindi ko na lang papansinin yung part na iyon. She just did it to prove something lang naman — kahit hindi totoo.
As if magiging girlfriend ko siya. No thanks.
"Alam mo ba, miss na miss kita. Masyado akong busy these days." Para itong batang nagsusumbong.
Himala nga na wala siyang kasama ngayon at mukhang wala rin siyang kasalukuyang ginagawa.
Hinawi at inayos niya ang mahabang buhok bago iyon ipusod nang may kataasan. Mukha na naman siyang honor student. May pawis siya sa gilid ng leeg niya na mabilis din naman niyang napunasan ng dalang panyo. Pinapanood ko lang siya habang inaayos ang uniporme niyang medyo nalukot na.
Hindi naman tirik ang sikat ng araw pero medyo may kainitan pa rin, nakakapanlagkit sa katawan.
"Kumain ka na ba?" tanong niya. Umiling naman ako. "Tara? Or uuwi ka?"
Napaisip naman ako. Malayo na masyado yung canteen kung doon pa kami pupunta. Isa pa ay paniguradong maraming tao ngayon doon. Ayoko naman sa fast food.
Kaso wala nang laman yung ref dahil ngayon pa lang dapat ako mag-g-grocery.
"Mag-g-grocery pa ako," I told her. "Kumain ka na. Mauna na ako."
"Wait!"
"Ano?"
"Kain tayo sa bahay ko?"
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co