Chapter 2
Ang sakit ng ulo ko sa biglaang pagkagising. Hindi naman umiikot ang mundo ko pero parang pinupukpok ng martilyo ang bumbunan ko.
Tangina. Naman, oh.
Hanggang panaginip ko sinusundan ako ng letseng Presidente na iyon.
Hindi na ako pumasok sa lahat ng subject ko dahil sa kanya, nakakainis kasi. Mamatay na sana siyang hayop siya. Pati tulog ko nasisira. Wala pa akong matinong tulog! Hayop, eh. Naunahan ko pa yung alarm clock!
Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng kilabot nang hawakan niya ako and worse ─ she even called me her girlfriend!
What's her name again? Eris? Whatever. Lesbian ba iyon? Tomboy? Ang gandang babae, babae rin ang hanap.
Wala naman akong problema sa kanila as long as hindi ako involved. Sa katunayan, wala akong problema sa lahat ng tao basta walang mangingialam sa buhay ko.
Gusto ko lang mabuhay ng payapa. Payapa na walang epal na tao. Napaungol ako at napasabunot sa buhok sa sobrang pagkaasar. Ah, I hate humans. Lahat na lang sila ang hilig manggulo ng tao na wala namang ginagawa ─ parang ako.
Bumangon na ako after dismissing the alarm. Mabagal na nalaglag ang kumot ko, exposing my naked upper body. Hindi kami close ng damit sa tuwing matutulog ako kaya palagi kong hinuhubad, nakasanayan ko na lang din kasi. Ako lang naman ang nakatira sa pamamahay ko.
Ang tagal ko na rin palang walang kasama sa buhay.
Bago pa ako magsimulang mag-drama ay bumangon na ako. Kaagad akong nagpalit ng damit. I always make sure that all of my clothes are clean, like, fucking clean. Walang germs bugbog sarado. I just can't bear na madumi ang sinusuot ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay kaagad na rin naman akong naglinis ng bahay. I always wake up early to clean the house and everything. Since may pasok ako ay mas maaga ngayon.
Palagi kong sinisigurado na lahat ng parte ng bahay ko ay walang bakas ng dumi o kahit alikabok. I want everything to be clean and properly organized.
It takes a lot of time to do those things but I don't mind. I like the results in the end naman. It's tiring but satisfying at the same time. I never fail to clean my house ever since I came out.
Maybe some would think that I'm a mild case of someone having OCD. Hindi naman talaga nila alam kung ano nga ba ang ganoong sakit. Some would just use the depression word like it's not a big deal and everyone can acquire it easily.
Hindi iyon germs na kapag dumikit sa iyo at nag-multiply, may sakit ka na. What's the use of professionals kung ganoon kadali i-distinguish ang mental illness? Like what the other psychology practitioners would say ─ don't say you're mentally ill unless you are diagnosed.
Although I won't generalize it. People in need seek professional help because they know something is wrong. In my case, I don't feel that I need to be helped. This is my comfort zone.
Plus, hindi pa naman ako impaired, I'm fully functional and is very productive.
People should stop romanticizing mental illness like it's some kind of a privilege to have one. They don't know it's curse for some. But anyway, at the end of the day, ano nga ba naman ang pakialam ko? Kahit mamatay sila riyan, bahala sila. Tangina.
I don't have to make it clear that I don't have OCD. Cleaning and organizing is just my way of coping up, it's my way of reminding myself that shit is real and I'm sane enough. It's my way to feel safe dahil noon pa man ay partikular na ako sa usapang kalinisan.
And it keep my mind off of things, some things na hindi na dapat inaalala at ino-overthink pa.
Naipilig ko ang ulo. Stop thinking too much, Bianca. Napahinga ako ng malalim. This is life. It's okay, Bianca, everything will be fine. This is what I truly wanted since then. I want this, iyong ako lang mag-isa, walang kailangan mangialam. I'd rather be alone than suffer not being able to be who I wanted to be.
Natawa ako. Putangina, ang drama ko! Sino bang niloloko ko?
--
Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang buhok. Saka ko lang sinara ang payong na gamit nang makapasok ako sa room. Gah! Napakainit! Sayang ang kutis! At ang pawis ko, sobrang ew! Sana ma-immune na lang ako sa pawis, nakakaalibadbad sa pakiramdam.
Parang gusto kong umuwi at maligo. Kapag natuyo ito sa damit ko, mamamaho ako. Eh, kung makiligo muna kaya ako sa clinic? Sa pagkakaalam ko ay may paliguan naman sila. Mas kampante ako kung doon ako dahil malinis.
Halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Parang mga tanga. Ngayon lang ba sila nakakita ng payong? Ibili ko kaya sila ng tig-isang mga letse sila para lang huwag silang tumingin? Ang aga pa pero stressed na ako sa mga taong 'to, akala mo first time makakita ng tulad ko.
I need to relax. Inhale, exhale ─ tangina, ang hirap! Pero kailangan. Tao lang 'yan, Bianca. Mga pangit at dugyot. Pero iyon ang mas nakakatakot ─ marumi sila.
Imbes na magtaray o kung ano pa ay pumunta na lang ako sa pwesto ko. Nandito ako sa unahan, malapit sa pinto. Mas convenient kasi ito para kapag dismiss na ang klase, diretso alis agad.
Nilinis ko ang upuan ko gamit ang tissue pati na rin ang desk para sure. Napansin ko na naman iyong mga titig nila. Parang ngayon lang sila nakakita ng taong malinis.
Tangina. Patience, Bianca. Patience.
Isipin mo na lang na mga ignorante silang nilalang. Naglagay ako ng alcohol at hand sanitizer sa kamay matapos kong itapon sa basurahan ang ginamit ko. Naupo na ako at napabuntong-hininga na lang.
Iintindihin ko na lang talaga itong mga hayop na ito. Hindi ako magre-react gaano hanggang sa maging invisible na lang ako sa paningin nila. Ayoko rin naman ng atensyon. Matapos ko lang itong last year na ito, pwede na.
Wala pa namang professor kaya nag-decide akong humugot ng isang novel book sa bag ko at sinimulan itong basahin. The title of the book is The Origin written by Dan Brown. I just started reading it last week pero hindi pa ako nakakarating sa half ng kwento dahil hindi tuluy-tuloy ang pagbabasa ko. I read it every night before going to sleep, at least half an hour. Pero hindi ko nagagawa palagi.
Mahirap buhayin ang sarili, eh. Kailangan ko rin magtrabaho dahil ako na lang naman mag-isa. I don't go out, I work from home. Yung sweldo ko sapat na sapat lang to pay for everything na necessary sa akin.
I leaned on my chair and crossed my legs. Sana huwag nang dumating yung prof para makaalis na ako't makaligo. Kung minsan talaga napapaisip ako kung bakit pa ba ako nag-aaral kung ayaw ko namang pumasok. Pero gusto ko kasing makatapos, iyon ang motivation ko. Sayang ang diploma, sayang yung tatlong taon na naipundar ko. Sayang yung pagpapaaral dati ─ ang daming masasayang.
Kung pwede nga lang na isang tulugan na lang ito lahat tapos paggising ko, may diploma na ako ─ kaso hindi.
I cringed. My classmates were so damn noisy but I can tolerate it somehow since I'm hooked with my book. Wala naman akong magagawa kung laging pagbuka ng bibig ang inuuna nila, ganoon talaga. Pero one of these days baka magbaon na ako ng packing tape para itapal sa letseng bibig nila.
Saktong natapos ko ang chapter na binabasa nang bigla na lang tumahimik ng ilang segundo, then nag-times two ang ingay. Napangiwi akong lalo at ramdam kong salubong na ang dalawang kilay ko. Mga tangina nitong mga 'to, walang magawa sa buhay!
Marahas na nilingon ko ang mga kaklase ko para lang matigilan nang makita kong may tao pala sa harapan namin. Hindi ito ang professor pero hindi lang din siya basta kung sino lang.
Ang clue ─ may sira sa ulo yung taong nasa harap ngayon.
Eris.
Eris ─ ewan ko kung anong apelyido. Eris...Belona? Abilon? Babilon? Fuck, whatever. Katulad nang huli ko siyang makita, mukha pa rin itong kagalang-galang na nilalang. President daw, edi siya na.
Huwag nga lang talagang magsasalita dahil obvious na may nalaglag nang turnilyo sa kokote nito. Kawawa naman 'tong lesbian na 'to.
Ang ganda na niya, eh. Mukha pang witty, iyon pala crazy. Natawa ako sa ryhme na nagawa ko. Tangina, pwede na akong makata! Puta, ma-try ngang magsulat ng tula later.
Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko nang saktong sa akin nag-landing ang tingin nito na para bang alam na alam niyang dito talaga ang puwesto ko. Sabagay, mabilis akong mapapansin dahil nga malapit lang ako sa pinto. Natikom kong maigi ang bibig. Hindi naman siguro siya stalker o kung ano pa man?
"Everyone," Sumenyas siyang manahimik ang lahat, at wow, ang very good nitong mga kaklase kong kaagad tinikom ang bibig. Ang gago, eh. Mas sinusunod pa yata nila si Eris kaysa mga prof. "Social philosophy tayo ngayon, right?"
"Yes, Ma'am!" sagot nang isa sa kaklase kong lalaki. Payat ito at matangkad, pangahan, clean cut. Mukhang malinis pero mukha ring abnoy. Nakipag-appear ito sa katabing lalaking may salamin at inakbayan naman ang katabing babae na hanggang balikat ang buhok. Girlfriend siguro.
But wait. Tayo? Classmate ko itong baliw na 'to? Kapag sinuswerte ka nga naman! Fuck.
"So, awhile ago, pumunta ako sa department ng social science kanina and I was informed na wala pa rin daw yung prof natin today." Napailing ako nang ma-confirm na magkaklase nga kami. Sana naman dito lang sa subject na ito. "Inutusan lang ako para sabihin iyon sa inyo."
Kaagad namang nag-cheer ang mga kaklase ko dahil sa tuwa. Masaya rin ako, hindi lang obvious. Yung iba sa sobrang excitement, aba, nauna nang lumabas. Magic.
"And Miss Bianca Cruz." Lumingon ulit siya sa akin. Hindi naman siya alintana ng mga classmate kong nag-aadik sa cheering. Parang mga tanga. I stared at her but didn't say anything. "May nagpapatawag pala sa'yong prof."
"Okay." I muttered to myself.
Napabuntong-hininga ako. Labag man sa loob ay binalik ko ang libro sa bag bago sumunod sa kanya. Epal na prof, ngayon tuloy kailangan ko pang makasama 'tong babaeng 'to.
Hinawakan niya ako sa braso na ikinairita ko. I tried yanking it away from her pero ang tigas talaga ng bungo ng babaeng ito at paulit-ulit lang na hinahablot ang kamay ko habang naglalakad kami sa kung saan. Mukha akong batang karag-karag ng magulang.
"Nag-alcohol ka ba?" tanong ko. Kung magpapahawak ako sa kanya then I might as well ask if she's clean or else ihahagis ko sa kanya ang bag ko.
"Yup, with sanitizer na rin."
Napatango na lang ako sa sagot niya. She looked so proud. Ewan ko kung bakit. Napansin kong naka-hairclip yung buhok niya sa right side, malapit sa tainga. It honestly looked cute on her. May matangkad palang kayang magmukhang cute.
"Paamoy." sabi ko. Natawa siya bigla na ikinairap ko. Anong masama sa tanong ko? "Paamoy, baka nagsisinungaling ka."
"Okay, fine." Binitawan niya ako at parehas na itinapat ang dalawang kamay niya sa mukha ko. Lumapit ako ng bahagya at inamoy iyon. "So, ano? Clean?"
I nodded in approval. Hinawakan na naman niya ang braso ko. Pero ilang segundo lang ay bumaba na ito sa mismong kamay ko. Doon na ako napailing. Pakiramdam ko tsansing na ito, eh.
"Pilipitin ko kaya leeg mo?" naiinis na turan ko. I yanked away my hand but she quickly took it again. This time, nag-stay na lang sa braso ko ang hawak niya.
"Huwag, magkaka-germs ka, hindi ako nag-alcohol sa leeg, eh." She said, trying hard to filled it with humor.
"Yuck." I grimaced. Humagikhik naman ito. Tangina ang gago. "Paano mo nalamang ayoko sa germs?"
"I noticed." she simply answered. Hindi na niya iyon sinundan pa ng ibang explanation. Oh, edi, napansin. Period.
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa likod ng isang building. Kunot ang noong binalingan ko si Eris na bumitaw naman na sa akin.
"Nasaan na yung prof?" tanong ko. Kami lang ang tao. Ang weird naman kung dito ako kakausapin kung may department naman. Tangina.
"Hm," She grinned like a kid and shrugged her shoulders. "Oopsie?"
"Ay, tangina nga naman." Naihilot ko ang daliri sa pagitan ng kilay ko. Tinamaan yata ako bigla ng matinding stress. Tapos itong isang ito, imbes na matakot ay tinawanan lang ako! "Anong oopsie ka riyan? At huwag kang tumawa!"
"Palusot ko lang talaga iyon." Binitawan na niya ang braso ko. Nilagay niya kanyang dalawang kamay sa likuran niya. Kunot na kunot na yata ang noo ko. Maya-maya lang ay hinawi niya ang sariling buhok at inipit ito sa kanang tainga.
Mukhang pabebe ang gago.
"What?" tanong ko.
"Palusot." Ngiting-ngiti ang hayop, proud pa yatang nauto ako. "I just want to talk to you."
"Eh, kung tuktukan kaya kita?" Tangina, nanggigigil ako sa babaeng 'to!
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co