Chapter 3
"Tangina talaga, oh." Nakailang irap na yata ako sa kanya pero panay pa rin ang ngiti ng hayop na ito. Napapadyak na ako. "Tangina!"
"Gigil ka naman." Tumawa siya, halatang aliw na aliw. Sinubukan niyang hawakan ang kamay pero tinapik ko iyon palayo.
"Gago ka, ah." I spat at her. I crossed my arms and gave her a menacing look. "Noli me tangere!"
"Wow, witty!" Pumalakpak pa ang bwisit. "Pasensya naman, ano, Maria Clara. Hindi ko alam na conservative ka."
"Hoy, Eris Belona ─"
"Abelardo," pagc-correct niya. Umismid lang ako.
"Eris whatever." sabi ko na lang. "Hindi tayo close kaya lumayu-layo ka sa akin."
Nagkibit siya ng balikat. Mula sa dalang bag ay may kinuha siyang mansanas. Napangiwi ako nang kagatin at kainin niya iyon. Like, kadiri! Baka madumi ang bag niya! Yung apple, baka puro germs! Kagandang babae pero dugyot talaga. Hindi ko na lang siya inintindi at umalis na.
Ang dumi ko, pakiramdam ko ang baho ko. Kadiri yung pawis. Mamamatay na yata ako! Kinuha ko ang puti kong panyo at ipinunas iyon sa noo at leeg ko habang naglalakad. Siguro naman nasa old building pa rin ang clinic. Sa pagkakatanda ko ay hindi iyon ganoon kalaki pero malinis, yung mga bed sheets doon halatang laging napapalitan, lalo na kung pagkatapos magamit. Amoy malinis din. Doon, mas komportable.
Baka pwedeng mapakiusapan ko yung tao roon na mag-stay muna pagkatapos maligo. Sana si Sir June pa rin ang nandoon. Dati kasi tambay na talaga ako ng clinic, kakuwentuhan ko si Sir kapag nasa mood ako o kaya si Ma'am Joy ─ yung nurse ─ pero madalas tulog lang ako.
Ang dami talagang taon ang nasayang. Nakakapanghinayang pero ano ba namang magagawa ko. Kung hindi talaga ─ tangina. Lord, ayoko talaga sa lahat yung may naaalala ako. Napakamot ako sa siko ko. Ligo na talaga ang kailangan ko. Ayoko maging kasingdugyot ni Eris whatever.
Abot-tanaw ko na ang clinic. Napangiti ako. Hay, salamat, malapit na akong makaligo!
"May sakit ka ba?" Napahinto ako nang marinig ang familiar na nakakairitang boses na iyon. Kunot na kunot ang noong nilingon ko siya. Yung itsura niya, seryoso, mukhang worried. Anong problema nito? "Bianca ─"
"Problema mo?" putol ko sa kanya. Mukha pang hahawakan niya ako kaya mabilis akong umatras. "Bakit ba bumubuntot ka?"
"May sakit ka nga?"
Meron! Masakit buong pagkatao ko! Putangina talaga. Mas masaya ang alone, hayop!
"Wala." maikling sagot ko. Tinalikuran ko siya at naglakad hanggang sa tapat na mismo ng pintuan ng clinic. Mabuti na lang talaga at hindi ito nalipat ng pwesto. Napaismid na lang ako dahil nakasunod pa rin sa akin si Eris. "Maliligo ako. Lumayas ka nga."
"Bakit diyan?" tanong niya. Nilingon ko siya nang magkasalubong ang kilay. Siya naman ay nakasimangot. Maganda pa rin naman siya, alangang i-deny ko. Iyon nga lang, walking dugyot si gago. "Lalaki nandiyan!"
"Tapos?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kilala ko si Sir June."
"Pero lalaki siya!" giit niya.
"Oo nga? Tingin mo hindi ko alam?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ng kamay. "Ikaw, babae ka. Shut up na. Nauurat na talaga ako sa'yo."
"Samahan na lang kita." suhestiyon niya.
"Hindi kita nanay." Binuksan ko na ang pinto. Walang tao pero nang tingnan ko ang table na nasa gilid ng left side ng kwarto ay napansin kong name pa rin naman ni Sir June ang nakalagay sa desk nameplate. Pwede akong maligo nang walang paalam. Pagpasok ko sa loob ay may lumabas na babae. Ang laki yata ng ngiti ko dahil kilala ko iyon. "Nurse Joy."
Bakas sa mata ng babae ang recognition nang makita ako. Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Na-miss ko 'yang nurse Joy mo kahit tunog character ng pokemon!" sabi niya. Tumawa siya saglit na ikinangiti ko. "Balik-aral? Tagal mong nawala, Cruz."
"Oo nga, eh." sagot ko. Inalis ko na rin yung kamay niyang nakahawak sa akin pero ayos lang naman sa kanya. She's used to me. "Makikiligo lang ako. Si Sir June pala?"
"Bakit siya pwede kang hawakan?" Napalingon ako kay Eris. Akala ko pa naman umalis na siya. Nakasimangot ito, akala mo batang malapit nang mag-tantrums. "Ako kailangan ko pang mag-alcohol?"
"Close ba tayo? Friend kita?" nang-uuyam na tanong ko. Lakas maka-demand akala mo kung sinong malinis. Bwisit! "Si Nurse Joy, malinis, sure akong malinis siya. Ikaw at iyang mansanas mo, dugyot."
"Cruz, grabe iyang bibig mo." pag-awat sa akin ng nurse. "Maligo ka na, pwede naman."
"Epal kasi iyan." sagot ko. Ang sama ng tingin ko kay Eris pero diretso lang din ang tingin niya sa akin. Kung pwede lang hugutin ang mata niya ginawa ko na. Ang arte naman kasi! "Hindi ko naman siya kaanu-ano."
"Girlfriend ko po siya." Nanlaki ang mata ko sa kaisa-isang sagot niya. "Actually sabay kaming maliligo."
"Ang kapal!"
"Totoo po iyon."
"Tama na nga iyang lover's quarrel ninyo." Patawa-tawa lang si nurse Joy sa palitan namin ni Eris. Tangina naman kasi. Dahil sa kanya malapit na ako magsising nagbalik-aral ako. Puta! Marahan akong tinapik ng nurse sa balikat. "Maligo ka na. May dala ka bang damit at towel?" Tumango ako. "Okay. Sige na, babantayan ko itong presidente mong girlfriend."
"Tangina, hindi ko nga girlfriend iyang dugyot na 'yan!" nababanas na sagot ko kay nurse Joy. Tumawa lang ito na ikinainis kong lalo. Imbes na sagutin niya ako ay talagang hinatid pa niya ako hanggang banyo para maligo. Sinamaan ko ng tingin si Eris na panay pa rin ang buntot sa akin. "Lumayas ka!"
"Cruz!"
"Palayasin mo 'yan, Nurse Joy!"
--
Nakaligo na ako't lahat pero hindi talaga umalis si Eris. Prente lang siyang nakaupo sa isa sa hospital bed. Mamamatay ako sa stress sa ginagawa niya.
"Si Joy?" tanong ko na lang.
Pansin ko wala pa ring Sir June na nagpaparamdam. Pumunta ako sa katabing bed at sumandal sa headboard. Inaantok na ako pero hindi pa gaanong tuyo ang buhok ko.
"Pumunta lang daw sa HR. Five minutes ago lang." sagot niya. Tumango na lang ako. "Pwede na tayong mag-usap?"
"Maligo ka muna."
"Wala akong extra."
"Edi hindi tayo mag-uusap." pinal na sagot ko. Sa totoo lang wala na ako sa mood makipagbangayan. Bagong ligo ako, dapat relax na lang. Matagal pa ang next class ko, iniisip ko pa kung uuwi na lang ba ako o hindi. Sayang naman. Lahat sa buhay ko puro sayang. "Layas na."
"You really don't like me, do you?" tanong niya. Nayamot ako nang pumunta siya rito sa pwesto ko para maupo. Hindi pa nakuntento't dumikit pa siya palapit sa akin. "I just want us to talk."
"Eris Belona ─"
"Aberlado ─"
"Eris whatever." binigyang diin ko yung huling word para ipahalatang wala akong pakialam sa kanya. "Wala naman kasi tayong dapat pag-usapan. Una sa lahat, ikaw itong lumapit na lang sa akin bigla, hinawak-hawakan ako, e, hindi naman tayo close, at tinawag akong girlfriend, ni hindi nga tayo naging magkaibigan."
"Exactly." maikling sagot niya. Tumango pa siya at ngumiti. Nang pakatitigan ko siya ay bigla na lang niya akong kinindatan.
"Tama nang panggagago." iritable kong saad.
"Sa lahat ng Maria Clara, ikaw ang madumi ang bibig." Inayos niya ang buhok ko. Tinapik ko agad ang kamay niya palayo. Nakakakilabot! "If you would just listen to me."
"Paano akong makikinig kung nakakainis ka?" tanong ko. "Sabi ko huwag mo akong hahawakan pero panay naglilikot iyang kamay mo!"
"I didn't touch you inappropriately." pagtatanggol niya sa sarili.
"Kahit na. Tangina kasi."
"Do you want me to put alcohol in your mouth?" tanong niya. Sobrang painosente ng mukha niya, aakalain mong normal na tanong lang iyon. "Sa lahat yata ng parte ng katawan mo, iyan lang ang marumi."
"Malinis ang bibig ko, gago ka ba?" Puta. Paano kami mag-uusap ng maayos kung lahat ng nalabas sa bibig niya, nakakapagpainit ng ulo ko? "I brush my teeth everyday, ilang beses pa sa isang araw! I rinse it with mouthwash, too! And my mouth smells like marshmallow!"
"Talaga ba?" pang-asar na tanong niya. Sinamahan niya pa iyon ng pagngisi. Umatras ako ng bahagya nang ilapit niya ang sarili sa akin. Putangina. Putangina. Putangina! "Pero puro mura nalabas sa bibig mo, maduming words iyon. Bad ka, Ate Bianca."
"Hindi mo ako ate! Layo!" Napilitan na akong itulak siya sa balikat kahit hindi ko sure kung malinis ba ang damit niya. Mukhang malinis, oo, pero hindi ko naman alam kung saan-saan siya naglulusot.
Mabilis kong inabot ang bag ko na nakapatong ng maayos sa couch na narito. Kumuha ako ng alcohol, sanitizer at lotion. Malamig kasi, nakaka-dry masyado ng skin kung alcohol at sanitizer lang ang ipapahid ko.
"I'm clean, Love." Kinilabutan ako sa tinawag niya sa akin habang nagpapahid ako sa kamay ng mga kinuha ko. "Grabe ka maka-alcohol."
"Huwag mo nga akong tawaging Love!"
"Pero ayaw mo ng Ate."
Naupo na lang ako sa couch katabi ng bag. "Hindi tayo magkapatid. Hindi mo rin ako girlfriend. Mandiri ka nga!"
"Homophobic ka ba?" Naglakad siya palapit. Tiningnan ko siya ng masama na ikinahinto niya. Nagkibit siya ng balikat at umupo na lang ulit sa kama. "Bad maging judgemental. Clean ka nga, dirty naman ang heart."
"Shut up." I hissed. "Hindi ako homophobic basta hindi ako involved."
"Involved ka na sa akin." Napasinghap ako sa sagot niya. Ngiting-ngiti itong si Eris sa reaction ko. "I like you."
"Mandiri ka nga!" nabubuwisit na tugon ko. "Like mo mukha mo, ni hindi tayo magkakilala!"
"Ipapakilala kita kay Papa, ah." sabi niya, ni hindi man lang inintindi ang sinabi ko. Anong ipapakilala? Bakit ipapakilala? Baliw na siya! "Ito kasi yung gusto kong sabihin. Sige na, pakilala na kita. Sa birthday ko iyon. I'll fetch ─"
"Tangina mo, Eris, ano ba." Gigil na gigil na ako. "Ang hirap mong kausap."
"Bad magmura, Bianca" Patawa-tawa pa siya. Humiga siya sa kama matapos tanggalin ang sapatos niya. Mukhang malinis yung black socks niya pero dugyot pa rin siya. Mukha siyang nang-aakit sa itsura niya ─ bahagya kasing tumaas iyong palda nito, kita ko rin yung bandang tagiliran niya dahil top na uniform niya ay umangat. She was even smiling like she's trying to lure me! Hindi effective, gago! "Nagsasabi naman ako ng maayos. I need a girlfriend and I like you naman, bakit hindi na lang ikaw?"
"Ang girlfriend, hindi parang laruan na binibili lang!"
"Hindi naman kita binibili." Bumuntong-hininga siya ng malakas. "Ito na talaga. I really need a girlfriend."
"Kanina mo pang sinasabi." Drain na ako sa takbo ng usapan namin. Hindi ko na talaga alam saan ito patutungo.
"Iyon nga." Ngumiti na naman siya ng ubod tamis. Bumangon ulit siya sa hinihigaan. Inayos niya ang sarili, sinuklay niya pa ang mahabang buhok gamit ang kamay. Ikiniling niya ang ulo pakanan, ni hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin. "Yung Papa ko kasi, ayaw niyang maniwalang hindi ako straight. Akala yata sinasabi ko lang iyon para hindi niya ako ireto sa lalaking anak ng friend niya."
"Oh, tapos?" tanong ko. "Anong pakialam ko?"
"Joke lang 'yan, siyempre." Tumawa siya ng may kalakasan. Naikuyom ko na ang kamay. Gusto ko nang manakit. Akala ko pa naman seryoso na. Tangina. "Seriously, hinahanapan talaga ako ni Papa ng girlfriend or else siya ang hahanap sa akin. Ayoko naman ng ganoon. Akala niya yata tatanda akong dalaga. I want a girlfriend, of course, pero siyempre yung type ko."
"Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan kong gago ka. Tangina. Putangina. Mamatay ka na lang kaya?" sunud-sunod na sabi ko. Binelatan niya lang ako na ikinairap ko.
"I'm too pretty to die early, love. Don't hurry." Pagsakay niya sa sinabi ko. Akala niya pa yata joke iyon. "I told you I wanted someone that I like. You're different so I like you."
"Hindi tayo magkakilala." Nabubuwisit na ako pero sinagot ko pa rin siya. Hindi niya yata alam na hindi na uso ang love at first sight sa panahon ngayon. It's just attraction, minsan maharot lang talaga.
"Kilala kita." sabi niya. Ang seryoso na niya ngayon. "Kilala na kita, dati pa."
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co