Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 21

InsaneSoldier

More than a week had passed and I just confirmed something — Eris is ignoring me.

Akala ko noong una ay wala lang iyon since busy rin siya sa upcoming events ng school so mas may ganap ang student council maging ang mga varsity players. Wala naman din akong pake dahil ano ba namang iaangal ko kung busy? Alangan pigilan ko, parang gago lang.

But right now, dito mismo sa klase, pumasok siya pero ni lingon o kahit anong sign ng pagbati ay hindi niya ginawa. Parang hindi kami magkakilala. Ito namang sina Ana, obvious na curious sila pero hindi ko lang ine-entertain. Siguro hindi rin sila makapagtanong dahil aware akong kanina pa magkasalubong ang kilay ko sa inis.

Kung bakit ako naiinis, hindi ko rin alam. Basta naiirita ako.

Tahimik kami ngayong nagsasagot dahil may long quiz kami. Buti na lang talaga at naalala kong mag-review dito sa Philosophy dahil kung hindi, matutulad ako rito sa mga kaklase kong mukhang nangangamote na. Hindi naman kasi technical yung mga questions ─ kaunti lang. Karamihan puro situational.

Ang maganda lang siguro dito, wala talagang exact na tama o maling sagot, but the questions are so tricky. So nakakasunog pa rin ng utak mag-isip. Kailangan talaga familiar ka sa mga napag-aralan na or else itlog talaga ang magiging score mo.

Wala sa sariling nalingon ko ang pwesto ni Eris, katabi niya yung magkapatid na sina Kara at Kean. Ang seryoso niya tingnan pero mukhang hindi naman ito nahihirapan magsagot tulad ko. Nagulat pa ako at naramdaman yung mabilis ngunit saglit na pagkabog ng dibdib ko nang mag-angat siya ng tingin at saktong nagtama ang mata namin ─ pero mabilis din siyang umiwas.

Okay, so ayaw niya nga talaga akong pansinin.

Napasandal ako sa upuan habang dino-double check ang papel kong tapos ko nang sagutan. Confident naman ako sa mga sagot ko, pagtapos nito ay ipapasa ko na lang ito sa prof dahil pwede nang umalis ng klase as long as okay na ang exam.

Huminga ako ng malalim at tumayo bitbit ang papel at bag ko. Parang tanga naman itong mga kaklase ko na napalingon sa akin na hindi ko na lang pinansin. Diretso lang ang tingin ko na naglakad sa harap at inabot sa babaeng prof ang answer sheet and yung questionnaire sa kanya. Tumango naman siya at nginitian ako, edi ngumiti na lang din ako kahit pilit.

"You may go now, Miss Cruz."

"Thanks po."

Lumabas ako ng room nang hindi lumilingon, para pang nakahinga ako ng maluwag after no'n. Siguro kasi hindi ko na makikita si Eris na nakakabwisit dahil hindi ako pinapansin. Isang linggo na siyang nag-iinarte ng ganoon, ah.

Isa lang naman ang naiisip kong rason bakit nagkakaganoon yung babaeng iyon ─ nagtatampo siya. If not nagtatampo, siguro napagdesisyunan niyang wrong choice na ako ang kaibiganin o magustuhan man lang.

Kung tutuusin ay pabor sa akin iyon, at least hindi ko na kailangan ma-involve sa kanya, bawas tao. Pero tangina talaga, masyado na ba talaga akong na-attached doon sa Eris Belona na 'yon to the point na kapag nakikita ko siya ay naiinis lang ako dahil ang lakas ng loob niyang mang-ignore?

Bawal bang hindi pumunta ng party niya? Hindi naman ako nangako ng kahit ano sa kanya, hindi rin ako nagbigay ng motibo para asahan niya yung presence ko ro'n so bakit parang may kasalanan ako? Okay, at fault ako sa part na hindi ako nag-reply o sumagot man lang ng tawag niya pero ─ putangina.

"Bianca! There you are!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumakbo si Stella palapit sa akin, pawis na pawis ito kaya napangiwi ako at napaatras ng ilang hakbang.

"What?" Parang naguluhan pa siya sa ikinilos ko. "What?"

"Kadiri mo, tanga."

Tinawanan niya ako. Parang umitim yata siya lalo, pero okay lang naman tingnan sa kanya. Siya yung klase ng babae na maganda kahit yata maging purple ang skin color niya.

"Why do I like your rudeness?" Kumuha siya ng puting tuwalya sa sukbit na duffle bag at pinunasan ang sarili. "Okay na?"

"Maligo ka, amoy pawis ka."

Iniwan ko siya at naglakad palayo pero baliwalang sumunod lang ito sa akin. Hindi ko na lang din pinuna. Lately ay parang nasasanay na yata akong kahit ayokong may kasama ay wala akong choice dahil pushy ang mga tao sa paligid ko. Lahat yata sila ay pinaglihi kay Eris ─ nevermind.

"Samahan mo ako maligo."

Napatitig ako sa kanya. "Ano ka, sanggol? Lumayas ka nga."

Para akong nakaharap sa kapre, puro na lang matatangkad sa akin mga nakakasalamuha ko, eh, average height na nga ako sa lagay na 'to. Tangina 'yan.

Hindi naman siya mukhang na-offend, parang tuwang-tuwa pa nga ito. Magkaugali sila ng kaibigan niyang kakaiba mag-inarte at talagang mukhang wala nang balak na kausapin pa ako.

"May itatanong lang ako sa'yo."

"Ano?"

"Kayo ba talaga ni Eris?" At tinanong niya nga ang tanong na ayokong sagutin. "Pansin ko kasi parang hindi kayo nagpapansinan lately? Tapos hindi ka rin pumunta no'ng Sabado. Break na ba kayo? Cool off? Tampo?"

Huminga ako ng malalim. "Si Eris tanungin mo."

"Ayaw niya sumagot, eh."

"Edi iyon na 'yon."

"So hindi nga kayo?"

Nagkibit ako ng balikat. Wala namang kami in the first place, lalong hindi naman din ako baliko. "Hindi ako napatol sa babae."

"Grabe ka naman," Napakamot siya sa sentido niya bago ayusin ang mamasa-masang buhok dahil sa pawis. Hindi naman talaga siya mukhang malagkit tingnan, pero pawis is pawis. Madumi pa rin at nakakadugyot. "Weird din naman kasi kung kayo talaga, unless naka-move on na siya doon sa nagugustuhan niya."

Doon yata ako natigilan. "Sino?"

"Ewan ko, basta meron." Namalayan ko na lang na nakalabas na kami ng school kakalakad. At nakabuntot pa rin siya. "Since freshmen days, hindi niya sinasabi kung sino, basta meron."

"Lalaki?"

"Ewan ko."

"So paano mo nasabing meron?"

"Siyempre sinabi niya, pero hindi naman siya nagkukuwento."

"So paano mo nasabi na gusto niya pa rin yung sinasabi mo hanggang ngayon?"

Tumingin siya sa akin. "Nabanggit niya last time. Pero kung totoong gusto ka niya edi baka naka-move on na siya."

Magtatanong pa sana ako pero parang nagmumukha naman na yata akong nosy. Ano naman pakialam ko kung may gusto siyang iba? Wala namang masama ro'n. Mukha namang hindi talaga siya seryoso no'ng sinabi niya na may gusto siya sa akin, baka naaliw lang. Special-special pa, scam talaga. "Lakas mo mang-good time."

"Seryoso ako," kontra niya. "Alam mo kasi, si Eris, mukha lang maloko minsan iyon pero kung magkagusto pang-matagalan. Naalala ko nga no'ng highschool kami, meron din siyang naging crush no'n for two years, pero hindi naman siya nakaamin o ano. Tapos, hindi niya rin naman binabanggit sa akin kung sino, basta sinasabi niya lang na meron. Eris seemed like an open book pero she's really secretive and she often sets people in a certain distance."

"Sige, uwi na ako." Tatapikin ko sana siya pero naalala kong pawisan ito. Ew.

"Hindi ka curious?"

"Hindi." Mabilis na sagot ko kahit putangina curious na curious ako! Pero ano naman mapapala ko ro'n? Para kasing pinapamukha sa akin nitong si Stella na eme lang talaga ako at jino-joke time lang ako ni Eris all this time.

Pero sa loob ko, may thoughts na siguro kailangan ko lang tanungin ng direkta yung tao kaysa marinig sa iba kasi hindi naman nila alam yung real story behind except sa owner ng story mismo. Pinipigilan lang ako ng pagka-rational ko na, okay, ano namang mapapala ko kung magtatanong ako?

Gusto ko ba si Eris? Hindi. So okay lang kung natuwa lang siya sa akin. Hindi rin naman ako makakapagtanong dahil ayaw niya akong pansinin ngayon. Alangan suyuin ko, ano siya, gold?

Hay. Ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa siya, mas malaki pa yata space niya sa utak ko kaysa sa ibang bagay.

"Uuwi ka na talaga? Wala ka nang ibang class?"

"Meron, pero tinatamad na ako." At kaklase ko rin kasi si Eris sa mga subjects na meron ako, maiinis lang ako lalo. Baka kapag hindi ako nakapagpigil ng init ng ulo ay itulak ko na lang bigla yung babaeng 'yon mula sa fifth floor.

"Pero Bianca ─"

"Ano?" Medyo tumaas na ang boses ko. Ang ingay-ingay kasi!

Mukha namang hindi siya apektado. "Pwede kitang ligawan?"

Napamata ako sa kanya. "Bakit puro kayo mga bakla?"

Tumawa siya kahit hindi naman ako nagpapatawa. Parehas talaga silang gago na magkaibigan. "Malay ko rin. Hindi ka ba aware na lapitin ka? Lakas ng appeal mo kaya."

"Wala akong pake." Nakakapahamak talaga 'yang appeal na 'yan.

"Ano nga, pwede ba?"

"Hindi."

"Ang lamig mo naman mambasted." Nagkibit siya ng balikat. "Anyway, kung ayaw mo then I'll respect it. But can we at least be friends?"

Umiling ako. Not another Eris Belona to deal with.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co