Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 22

InsaneSoldier

"Punyeta."

Inuntog ko ang ulo ko sa table. Pakiramdam ko wala akong magawang matino kahit ang dami ko nang natapos — except sa second setting ng OJT na hindi ko sinisimulan.

Alam kong sinabihan na ako ni Eris mauna sa second setting pero sa nakaka-pesteng dahilan ay hindi ko magawang kumilos para doon.

Third day na rin ngayon ng one week event ng school na hindi ko pinuntahan kahit inaya ako nina Ana days prior. Ayoko dahil mainit at boring — puro mga sport events lang naman iyon at yung parang pageant na ewan. May mga booths pero hindi ko naman hilig iyon.

Ilang araw na rin akong tunganga lang dito sa bahay, baka nga maging upuan na lang ako dito dahil wala akong kagalaw-galaw unless maglilinis ako and some stuffs.

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan yung huling message ni Eris sa akin. Napahinga ako ng malalim nang makaramdam ako ng mabigat sa loob ko.

Okay, fine. Nakukunsensya ako na naiinis. Gusto ko na lang mag-sorry, kaysa yung ganito na parang ako lang yata ang awkward especially nitong mga nakaraang araw — maraming mga araw — sa tuwing parang invisible lang ako sa kanya.

I'll admit that I'm not used to it, nasanay ako na lagi siyang makulit at nakabuntot. Tapos ngayon biglang poof — wala na? Parang gago lang.

Magf-feeling close siya sa akin, hinayaan niya akong ma-attached sa kanya, tapos dahil lang sa simpleng birthday party na hindi ko pinuntahan — period na kaagad.

Sa huli ay kinain ko lang lahat ng mga sinabi ko. I may actually like her far more than I intended.

Hindi nga lang yung klase ng like na sinabi niya sa akin — I think. Ang alam ko talaga ay straight ako, at ayoko naman din makipagrelasyon kung sakali. Hindi talaga ako familiar sa part na iyon.

Kung gusto ko talaga siya more than friends, eh, ano naman? Sus.

At isa pa, wala naman talaga siyang mapapala sa akin. Baka nga sa huli mawala lang din yung fascination niya since hindi naman niya talaga ako kilala. Hindi ako special kahit anong sabihin niyang privilege niya iyon.

Mas okay nang friends. At least hindi sobrang complicated. Ngayon pa nga lang sumasakit na ulo ko kakaisip sa kanya, ile-level up ko pa ba? Parang kagaguhan na lang.

"Putanginang yawa —"

Sa sobrang lutang ko aksidente kong na-tap yung call icon sa cellphone. Mabilis ko iyong pinatay.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Akala ko cardiac arrest aabutin ko hayop.

Napahiga ako sa kama. Tinago ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan pagkatapos ko i-turn off. Baka mamaya isipin no'n ni Eris susuyusin ko siya kasi tinablan na ako ng konsensya.

Okay, tinablan ako, pero bahala pa rin siya!

Napabangon ako at pumunta sa harap ng salamin. Inalis ko ang pantaas na damit at sinipat ang kabuoan ko.

I can't help but sigh — seeing all the scars around my very skin. Kinapa ko iyon pero mabilis ding tumigil.

Parang tangina, Bianca

--

I checked the time — 7:46pm.

Sa huli ay nagdesisyon akong puntahan ang bahay ni Eris. Hindi ko na matiis, sige na, mags-sorry na ako. Hindi pa naman ganoon kataas ang sungay ko para panindigan ang pride ko.

Bumaba ako ng sasakyan at pinakalma ang sarili. Ayoko man aminin pero ninenerbiyos ako, mags-sorry lang naman ako. Nakakapota.

Ilang beses din akong huminga ng malalim. Naka-park lang yung sasakyan ko at sinisilip yung guard house. As usual ay may nagbabantay ro'n. Sumandal ako sa pinto ng sasakyan at sinubukang tawagan si Eris pero busy tone ang bumungad sa akin. Tangina 'yan.

Sinubukan ko ulit tumawag. Nakailang busy tone ang nakuha ko hanggang sa puro unattended na. Hindi ko tuloy malaman kung nakauwi na ba siya o busy o sadyang ayaw niya lang sagutin ang tawag ko.

Wala naman na siguro siya sa school dahil anong oras na rin. Ang alam ko naman ay hanggang 6pm lang lahat ng events na meron. Nagbakasakali na ako at dito dumiretso dahil ayoko sa school dahil matao.

Naisipan kong i-text si Eris pero may pakiramdam akong hindi niya babasahin. Isa pa, nakailang calls na ako. Masyado na siyang nagpapakipot para i-ignore ako ng ganoon, ititira ko na yung nalalabi kong pride dahil mags-sorry pa ako ng harapan. So, hindi ako magt-text. Tangina niya.

Sa huli ay lumapit na ako sa tao sa guard house. Yung nagbabantay ay yung same na lalaking nakausap ko noong unang punta ko rito. Paglingon niya sa akin ay pansin ko namang parang nakilala niya ako.

"Good evening po, Ma'am."

"Hello," Tumango ako ng bahagya nang tanguhan niya ako. "Kay Eris Aberlado sana. Nakauwi na ba? Hindi kasi siya sumasagot sa tawag."

"Yes po, Ma'am." Tumango na naman siya. "Wait lang ho."

Tahimik naman akong nagmasid. Umatras pa ako ng kaunti bago napatingin sa langit. Kalahati lang yung buwan at medyo natatakpan pa siya ng ulap. Dahil maliwanag dito dahil maraming poste ang bukas na ang ilaw ay siyempre hindi halos maaninag ang bituin sa taas.

Naalala ko noon, hobby ko mag-stargazing. Pero tumigil din ako kalaunan dahil mas marami akong priorities, hindi na ako halos naaaliw sa mga bagay-bagay. Everything seemed plain and boring.

Kaya naisip ko, baka sakali mahanap ko ulit yung sigla ko kapag nakatapos ako ng college, since goal din naman ito. Hindi ko na nga lang alam kung anong mangyayari sa akin after that. Although gusto ko siyempre maging successful.

"Ma'am," Napatigil ako sa pagmumuni-muni. Hindi ko na namalayang tapos na itong si kuyang guard. "Pasok na lang daw po kayo. Angat ko na lang po yung harang para sa sasakyan."

"Sige, salamat."

Ngumiti siya at inangat nga yung checkpoint barrier. Bumalik naman ako sa sasakyan at mabilis pero maingat na nagmaneho papasok.

Kabisado ko pa naman ang dadaanan dahil hindi naman pasikot-sikot ang kina Eris, isa pa, isa yata sa bahay nila rito ang pinakamalaki. Mahirap hindi makita 'yon.

Hindi nagtagal ay huminto rin ako sa tapat ng gate ng bahay nina Eris. This time ay nag-text na ako para ipaalam ang pagdating ko.

Natigilan ako nang siya mismo ang nagbukas ng gate pero pigil ang sariling ipinasok ko muna ang sasakyan at nag-park.

Pagbaba ko ay sinalubong niya ako pero sobrang seryoso niya. Hindi ako sanay na ganoon siya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. Parang gusto ko na lang bumalik ulit sa loob at mag-drive pauwi, magpanggap na walang nangyari at all.

Pero nandito ako so bahala na. Tangina talaga, kung hindi lang ako attached sa kanya ay hindi ko talaga siya pag-aaksayahan ng panahon.

"Bakit napapunta ka?"

Grabeng lamig ng treatment na 'yan. Napatitig ako sa mata niya pero para akong napaso kahit tingin lang naman iyon.

She's wearing a simple white shirt at maikling jersey short. Ang casual niya tingnan, hindi siya mukhang honor student ngayon. Tulad ng nakasanayan ay bagsak lang ang mahaba niyang buhok.

Iniwas ko ang mata at binuksan yung pinto ng sasakyan para ilabas ang dala ko — isang maliit cake na nabili ko lang sa tabi — nasakto lang talagang nadaanan ko yung store, hindi dahil sa gusto ko siya bilhan. At yung regalo ko sa kanya na dapat ay hindi ko na lang ibibigay.

Pero eto, ginawa ko pang peace offering. Umay.

"Ayan."

"What's this?"

Napamata ako sa kanya. "Hindi tayo in good terms pero hindi ka pa naman bulag."

Tangina nito, kita nang cake ang dala ko dahil transparent yung box niya at yung gift ko ay naka-wrapper pa nga completed with ribbon. Letse.

Basta ko iyon inabot sa kanya na kinuha rin naman niya dahil na-caught off guard sa ikinilos ko. Parang gulung-gulo pa itong nakatingin sa akin.

"Alis na ako," paalam ko. "At saka s —" Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko bigla. Tumikhim ako, pilit hindi pinapansin yung naramdaman kong pag-iinit ng mukha. "Sorry."

Akmang papasok na ako sa sasakyan ko nang bigla siyang humarang. "Wait!"

"Ano —"

"Tara."

"Huh?"

"Sa kwarto ko."

Kumunot ang noo ko. "At bakit?"

"Come," Parang wala itong naririnig at basta na lang akong hinila matapos nito ibalya pasara yung pinto ng sasakyan, hindi alintanang may bitbitin siya. "Bianca."

"Oo na," Tinapik ko palayo yung kamay niyang nakahawak sa akin pero binalik niya lang iyon. "Eris —"

"May atraso ka pa, remember?" Hindi ako nakakibo. Pero nainis ako nang ngumisi siya. "Good girl."

Tangina.

Pagpasok sa loob ng bahay nila ay tahimik lang niya akong hinila hanggang makarating sa upper floor, eventually ay narating namin ang kwarto niya.

Hindi tulad ng nasa imagination ko ay malinis ang kwarto niya. Malaki iyon, parang worth yata ng kwarto ko twice the size. May malaking kama na mukhang brand new, wall closet, may display din siya ng trophies and medals — halatang marami itong achievements ever since.

Meron ding set ng sofa and single couches and a mini table. May bookshelves din siya and musical instruments sa tabi. Parang ang talented niya pero sa paningin ko, isa siyang babaeng dugyot na mahilig kumain ng mansanas kahit hindi pa nahuhugasan.

Sa puwesto ng study table niya ay may board pa siyang nakadikit sa wall, at puno iyon ng mga pictures at kung anu-anong notes, at teka lang — picture ko ba 'yon —

"Bianca."

"H-huh?"

No'n ko napansin na nailapag na niya yung mga dala sa mini table. Napakurap pa ako nang lumapit siya sa pinto at ni-lock iyon.

"Tara."

Parang gusto kong tumakbo palayo. Bukod sa ang seryoso niya kanina pa ay hindi ko maisip ang dahilan bakit may pag-lock ng pinto. Dapat na ba akong kabahan? Putangina.

Naglakad siya palapit at ako naman si atras. What the fucking shit? Anong drama ito?

Patuloy lang siya sa paglapit hanggang maramdaman ko ang pagtamanng likurang binti ko sa edge ng kama. Wow talaga.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bago ko pa siya mapalayo ay basta na lang niya akong sinugod ng yakap — na bahagya ko pang ikinatili sa gulat dahil napahiga ako at siya naman ay nasa ibabaw ko. Shit!

Humigpit ang pagkakayapos niya sa akin, ramdam ko ang init ng hininga ni Eris sa leeg ko. Pwede ko siyang itulak ng malakas pero parang ayaw makisama ng katawan ko sa akin ngayon. Gusto kong gumalaw pero ewan ko, ayaw talaga.

"You really came here to apologize, right?"

Parang hindi pa kaagad nag-register yung tanong niya sa utak ko. I think ito ang unang beses na naging ganito kami kalapit. Ramdam na ramdam ko yung bigat ng katawan niya sa akin, kahit yung kamat niyang humahaplos sa buhok pati sa baywang ko.

Ang tagal na rin ever since na may naging ganito kalapit sa akin. Dahil umiiwas ako. Pero parang ngayon, okay lang. Si Eris naman ito.

"Nagtampo ka ba talaga?" tanong ko. Walang imik na tumango siya at parang bata na mas isiniksik pa ang sarili sa akin. Bahagya ko siyang natulak nang dumikit yung lips niya sa leeg ko kaya tumigil siya. "Bakit?"

"Ikaw kaya pinaka-hinihintay ko."

"Pero hindi naman ako nag-promise sa'yo ng kahit ano."

"Kahit na."

"Okay," Huminga ako ng malalim. "Sorry."

Bumangon siya ng bahagya, itinukod niya yung siko niya. Akala ko naman ay pwede na ako umalis pero hindi. Hinawakan oa niya yung isang kamay ko at nilagay iyon sa gilid ng ulo ko.

"Eris, parang sobra na 'to." Hindi ko maiwasan sabihin. Hinayaan ko na nga siyang yumakap, aba.

"Ngayon lang." Ngumiti siya, yung tulad ng usual na ngiti niya. "You're so nice."

Inirapan ko siya. "Okay na ba tayo?"

"Yup!"

"Edi layo na."

"Nah, not now." Tumawa siya. Humawak siya sa pisngi ko at magaang humaplos. I felt something stirring inside my chest, especially when she suddenly kissed my head. "Not ever, Maria Clara."

Amputa.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co