Chapter 34
Minsan nawawala sa isip ko na president ng student council si Eris. Mukhang totoo nga siya sa sinabing kaya niya mag-manage ng time.
Pero ngayon ay hindi ko siya kasama dahil legit namang nasa student council siya para mag-ayos at gumawa ng kung ano mang dapat pagkaabalahan niya. Nakita ko pa saglit si Stella pero wala nang time bumati kaya hinayaan ko na.
"Dito na kami sa overpass," Paalam ni Kean, sa tabi naman niya ang kapatid na si Kara.
Pinasama sila sa akin ni Eris kanina para naman daw hindi ako sad girl kapag wala siya. Tangina talaga ng utak no'n minsan. Akala niya yata hindi ko kaya mabuhay ng wala siya, masyadong bilib sa sarili.
"Sige, ingat kayo." ang maikling sabi ko lang.
Ngumiti si Kean at tinanguhan naman ako ni Kara na hindi halos umiimik. Pinanood ko lang silang umakyat sa overpass. Nang hindi ko na sila makita ay saka ako naglakad palayo. Ang tagal na rin nang huli kong makasama yung magkapatid na 'yon, iba rin kasi ang pagka-busy nila lalo na't may thesis and all. Madalas kung makita ko sila ay sa classroom na, pero hindi ko naman din kasi sila close.
Sina Ana naman, nasaktong nauna na rin at mag-aayos pa raw ng papers dahil redef sila. Kailangan nila makapag-defense ulit bago ang end ng semester para by next sem next year ay focus na lang sa testing and final half part ng research.
Malapit na rin kasi ang holiday. Mabuti nga at ilang hours na lang ang natitira sa OJT namin, kayang-kaya na tapusin. Inaayos ko na rin yung narrative ko, na kung hindi ko pa sinabi kay Eris ay parang hindi niya pa kaagad sisimulan.
Nakaka-stress din maging fourth year college. Sabay-sabay ang OJT and thesis. Tatlong OJT pa 'yon, ah! Jusko parang papatayin lang kami. Nagkaklase pa, although minor subjects na lang halos ang natitira.
Fulfilling naman din siya, pero habang papalapit kami sa graduation, papalapit na rin yung reality na pagkatapos no'n, kailangan na namin i-maneuver ang sarili namin sa real world. No more four walled classroom. New cells na ulit. Pota kakatawa.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng bahay sa sobrang pag-iisip ko. Nagtataka namang napatingin ako sa sasakyan na naka-park sa gilid ng bahay ko. Hindi naman 'to sasakyan nina Zeke. Ano't may illegal parking na nagaganap dito? At buhay pa ang makina no'ng sasakyan na parang kakapwesto lang no'n.
Nasagot ang tanong ko at bumukas iyon na para bang hinihintay lang ako dumating. Napatitig ako sa lumabas at mabilis siyang namukhaan. Nakita ko na siya noon sa isang litrato.
Tatay ni Eris 'to.
Ngumiti siya at hindi ko maipagkakaila na kuhang-kuha ni Eris ang ngiti na 'yon. I can see the resemblance. May pagkakahawig si Eris sa kanya kahit very minimal lang.
"You seem to recognize me," Ang baritonong boses nito ang nagpatuwid ng pagkakatayo ko. Para bang ang authoritative niya kahit saang angle ko tingnan, dagdag pa na naka-three piece suit ito. Tinuwid niya ang maayos nang coat at inilahad ang kamay sa akin. "Jovis Abelardo."
Ayoko man abutin 'yon ay ginawa ko na lang. His hold was strong and firm, but without force. Matangkad ang tatay ni Eris, mas matangkad pa sa aming dalawa.
Para lang kaming tanga na nakatayo pagkatapos namin magkamayan. Napakamot ako sa may kilay ko. "Um, pasok po tayo sa loob?"
"Sure," Ngumiti siya. "Thanks."
Nauna ako maglakad at nakasunod lang naman siya. Ibang-iba ang aura niya kumpara kay Eris, na kung hindi mo pa malalaman na yayamanin ay iisipin mong sakto lang siyang tao na nag-aaral ng maayos sa isang university. Although ganoon din naman sina Amber at Zeke, hindi talaga sila showy sa mga ganoong bagay. Para bang gusto talaga nila na simple lang.
But this man screams authority and vast wealth. Mukha talaga siyang expensive at intimidating. Parang totoo nga yatang afford ni Eris bumili ng helicopter kung gugustuhin.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit niya ako sasadyain mismo sa pamamahay ko? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira? I'm sure Eris won't tell. And speaking, we did talk about meeting him some day. But hindi sa ganitong paraan.
Nilibot niya ang tingin sa kabuoan ng bahay ko nang buksan ko ang ilaw. Hindi kalakihan ang pamamahay ko but it's of utmost condition. Malinis ang lugar at maaliwalas, maayos at mukha pa ring bago ang mga gamit. The afternoon sun glare reflected on the glass window, passed through the room, accentuating an aesthetic feel on my living room.
Iginiya ko siya para maupo sa sofa at pumuntang kusina para kuhanan siya ng tubig. Iniinom naman niya iyon nang walang salita.
Naupo ako sa bakanteng single couch kaharap niya, sa gitna namin ang mini table. Umayos siya ng pagkakaupo, huminga ng malalim, at mataman akong tinitigan sa mata.
"You're Bianca Cruz, my daughter's girlfriend."
Tumango ako. "Yes...po."
Pota pagkahirap talaga gumamit ng po at opo. Kaso tatay na ni Eris 'to, eh. Tiisin ko na lang.
"I apologize for coming here without prior notice."
Kinikilabutan ako sa sobrang formal niya. Parang hindi ako pwede magsabi ng kung ano or else tatalsik na lang akong bigla. "Okay lang po. Pero anong sadya mo rito?"
"Aaminin kong bahagya akong nabigla nang sabihin sa akin ng anak ko na may nagugustuhan na siya, at babae pa." Hindi ko mabasa yung tono niya lalo na sa huling part. It didn't seem like he was judging Eris' relationship with me. But he seemed a bit indifferent about it as well. O siguro magaling lang din siyang magtago ng emotion. "Personally, I wouldn't agree with her preference, but it's not something I can do about. She's her own person."
Tumango ako kahit hindi ko alam kung saan patutungo itong usapan na 'to. Hindi ko alam kung anong pinunta niya, pero malakas anv kutob kong hindi lang iyon para makita ako.
"You're a pretty woman, and I must say your school records are impressive — albeit you stopped for a couple of years before getting back on track."
"But?" I supplied.
"Eris is my only child," Sumandal siya at dumikwatro ng pagkakaupo. "I have a business to run — and soon, she'll follow my footsteps."
"So, ayaw mo sa akin para sa kanya, tama?" Sinubukan kong ilinaw. Ayaw niya pa akong diretsuhin.
"No, no," Umiling siya at ngumiti. "You're good as you are, it's just that I have high standard for my child. You have an amazing school record and I've also heard that you're working at the same time to provide for yourself. But the working part is quite shady, wouldn't you think so?"
Ah. Aware siya sa organization. He's been investigating.
"In addition, I find your family background..." He trailed off. "Inadequate."
"Mr. Abelardo —"
"Your father remains unknown, the whereabouts of your mother all the same but is notorious for selling not just her own children, but also of others — a typical human trafficking business. You were sold off to a relative, who, in return, was also of a very unpleasant background and is currently wasting time behind bars for commiting multiple crimes such as attempted murder, sexual assault, and so on."
Wala sa sariling kinapa ko yung part na nasaksak sa akin noon. I can't help but replayed the scenes in my head, all that happened in the past that I desperately wanted to forget. It's coming back unforgivingly no matter how I tried to stop it.
"You had a tough life growing up, Miss Cruz, and you are a strong individual, I won't deny you that." Hindi ko alam kung comforting marinig iyon o ano, knowing na hindi naman maganda ang kahahatungan ng pag-uusap na ito. "I'm a father to a very talented woman and the future lies await to her beautifully. And I'd like it if she's walk hand in hand with someone on par with her — regardless of gender. Unfortunately, I believe that's not you."
Tumango ako. Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. Sa mundong kinalalagyan ni Eris, may point siya na deserve ng anak niya ang the best. I wouldn't even like to date myself if I am to choose.
In the end, being special is never guaranteed. You work hard to be special and then maintain it. Unfortunately, being special also comes with privileges past the point of trying hard because some were born special as it is and they don't need to do anything. It's flaunted all over. That kind of special makes it worse to those who aren't.
They can never be enough. I am never enough, all because of my background and the way I grew up.
Eris is special, she will always be. I am not.
Putanginang buhay nga naman.
"You're not someone Eris can call her safe zone. You can't offer stability when you're struggling yourself. You can't tell her it's fine when there's too many ghost behind your back, waiting for an opportunity to drag you with them." Tumayo siya. "You're a heiress of those burdens, Bianca, and I can't let Eris get a heft of share on it."
Para akong ipinako sa sariling pwesto matapos ng mga narinig. Alam ko naman sa sarili ko lahat-lahat ng mga binanggit niya, but to actually hear it from someone else is definitely painful. What's more kung kay Eris ko na 'yon marinig sa susunod? Nakakatangina.
Tumingin ako sa kisame para pigilan yung luhang nagbabadya nang tumulo sa mata ko. Hindi ako iiyak sa harap ng taong 'to. Siguro nga maraming kulang sa'kin, pero hindi ko hahayaang pati pride ko mabawasan.
"Don't get me wrong, Miss Cruz. I only want to uphold the image I've built for decades, and I won't let my own daughter taint it, even with just a speck of dust."
Tangina nito, ginawa pa akong dust. Dami-daming sinabi, nakakasakit na masyado.
"Alam kong hindi ka basta hihiwalayan ng anak ko, ngunit alam kong matalino ka at sapat na siguro iyon para gawin mo kung anong nararapat."
"Pero paano kung maging enough ako?" Pinanghihinaan man ng loob ay pilit kong inilabas iyon sa bibig ko. "What if I am ble to pass that standard of yours regardless of my background?"
"Maybe youll get a chance. But right now, dear, you're nothing. "Tumalikod siya at naglakad papunta sa pinto. I'll see myself out, thank you for your hospitality."
Nang magsara ang pinto ay nanghihinamg napasandal ako sa kinauupuan. Saka naman sunud-sunod na tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha. Tangina ng tatay ni Eris, may point naman siya pero kailangam ba talaga niya ipamukha? Bwiset.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa lahat ng mga pinagdaanan ko. Alam ko naman na kung hindi dahil doon ay hindi ako makakarating sa kung ano ako ngayon. Alam kong marami pa akong dapat gawin sa buhay, at alam ko matagal pa bago ko tuluyang mabuo ang sarili.
I could've experienced what type people would go through. Maybe I'll stand a chance.
Pinunasan ko ang luha nang maramdaman kong nagv-vibrate ang phone ko. Akala ko naman ay si Eris ang tumatawag pero nagtatakang napatitig ako sa number na hindi rehistrado sa contact list ko. Wala man sa mood ay sinagot ko iyon.
I can't help but remember the meaning of Eris' name — discord. Life was making fun of me.
Tangina.
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co