Last Chapter
My life became so much better with Bianca by my side. Everything was perfect for all the months we've been together, with all the stuff we've done — the thesis, the OJT, and spending time together as lovers and friends.
Pakiramdam ko ay buo ako kapag kasama ko siya. At ramdam ko kung paano niya suklian iyon sa paraang alam niya.
She's not the most expressive person I know, minsan dinadaan niya sa angil ang mga bagay-bagay. She won't openly admit what she'd been thinking about or what she was feeling, but I can tell it through how she moves or how her eyes would glimmer or gloom.
She's beautiful with no buts and ifs, and I've been thankful every day knowing that she decided to give it a try with me. I was simply head over heels for a certain Bianca Heriel Cruz and nobody can change my mind about that.
Time passed by so fast that I didn't notice how much I have been enjoying my life. The world looked so much better in my eyes, my days became colorful I couldn't remember what emptiness felt like. Bianca had done so much even if she was not aware of all about it.
"Alam mo, kung alam ko lang na nakakatangina grumaduate, hindi na ako pupunta."
Natawa ako sa narinig ko kay Bianca saktong pagbukas niya ng pinto. We decided to go together that's why I was here this early. 6am ang call time kaya siguro ang grumpy nitong girlfriend ko dahil ang aga-aga pa.
"Good morning to you, too." Sinipat ko ang suot niya. She was wearing a dress habang sukbit sa braso nito ang togang mas straight pa yata sa buhok ko ang pagkakaplantsa. Ang ganda-ganda niya talaga kahit saang anggulo tingnan. She's just neat like that. Kinuha ko yung toga niya at inayos iyon dahil ilalagay din naman sa sasakyan. "You look beautiful."
Napansin ko ang pamumula ng mukha niya bago umirap. "Para kang tanga."
Sa tagal ko nang immune sa pagmumura ni Bianca, kahit ano yatang sabihin niya ay maganda na sa pandinig ko. "Dirty ng mouth ni Maria Clara. Gusto mo kiss?"
"Umayos ka nga." Pabiro niya akong itinulak at kinandado yung pinto ng bahay niya matapos masigurado na wala na siyang nakalimutan.
Niyakap ko naman siya ng mabilis at hinalikan siya sa noo. Her hair was a bit longer now, reaching her shoulders. She was wearing this black dress na fit talaga sa katawan niya. Hindi naman sobrang ikli no'n dahil bawal naman sa school. Sakto lang din ang taas ng heels niya. She wore a light make up as well. Ang formal niya tingnan na parang ang sexy rin. Parehas kaming naka-black dress, it was actually a matching outfit. Suggestion ko of course.
"I can't believe I'll graduate with you," I told her.
"Edi maniwala ka na."
Hindi naman nakakatawa yung sagot niya pero natawa ako. Ang kulit kasi talaga ng banatan ni Bianca, ang sungit-sungit na hindi mo maintindihan minsan. Tapos kapag naging malambing naman ay nakakabaliw. Hindi na yata talaga ako makakaahon sa babaeng 'to, at ayoko rin naman.
Pagsakay namin sa sasakyan ay kaagad din namang nagmaneho yung driver. Si Papa ay susunod na lang daw since sabi niya ay ayos lang naman.
"How about Zeke and Amber pala?" I asked. Ang alam ko kasi ay sila ang a-attend ng graduation as parent or guardian ni Bianca.
"Sa school na sila didiretso." she replied in a calm voice. Humawak ako sa kamay niya at hindi naman siya umangal, pinisil pa nga niya ang kamay ko. "Baka nga nauna na sila."
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa school. 30 minutes left before the call time pero marami na rin kaagad na estudyante kasama ang mga magulang nila. The gate was open for the crowd but there were security guards everywhere.
Hindi naman naging mahigpit ang school, wala ring limit kung sinong pwedeng isama ng students but parents lang ang pwedeng pumasok sa loob ng auditorium once the program start, since may limit pa rin naman ang capacity ng lugar. Those who weren't the guardians or parents ng students were given an ID pass.
"Uy, friend!"
Sabay kaming napalingon ni Bianca sa mga kaibigan namin. Isa-isa ko silang tiningnan — the sisters Kara and Kean, Stella, Ana, Melanie, Mariecar, and sige na nga...si Alberto na rin.
They all brought her parents. I've already met the sisters' and Stella's before so I recognized them already and gave knowingly nods and smiles. Ana and the others introduced theirs and I shook hands with them. Turned out, mga pinagkukuwento na pala nila ako at kilala na as president daw habang first lady naman itong si Bianca.
I can see how Bianca was stopping herself from cursing dahil magulang ang kaharap namin. Wala siyang nagawa kung hindi ngumiti at tumango kahit nagt-twitch na yung mata niya. Mananapak siguro ito kung kami-kami lang. It's Bianca and her never-ending self control to stay polite.
"Bianca kiddie meal!"
Sakto naman ay dumating na sina Zeke and Amber na nagpatulala sa ilang mga estudyante maging guards. They looked like runaway models than parents. Natulala na naman si Alberto na sa tinagal ng panahon ay wala pa ring naipapakilalang girlfriend.
"Minsan nakaka-bitter maging normal ferson." Natawa ako sa narinig ko kay Ana. Binulong niya lang 'yon pero dinig ng lahat sa kabila ng ingay. Umangkla siya sa braso ng boyfriend na ngayon lang namin din na-meet. "Buti na lang talaga may pumatol sa'kin."
"Ang aga naman ninyo." sabi ni Bianca ro'n sa dalawa. Pinakilala niya 'yon sa mga kaibigan namin as guardian niya raw.
"Sakto lang kaya," Zeke said. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kumindat din siya ng pabiro. "Happy graduating, Eris!"
Amber raised both of her eyebrows to me with a small smile. "Happy graduating."
"Thank you, Zeke, Amber." Tumango ako at nakipagkamay sa kanila. "Full pledged adult na in a few hours."
"Kinakabahan na ako!" sabi ni Mariecar. Parehas sila ni Melanie na may dalang pamaypay at parang trip lang nilang tamaan si Alberto sa ginagawa.
"Ma, nakikita mo kung gaano ako kaapi sa mga friends ko?" Ang sumbong ni Alberto sa Mama niyang tinawanan lang siya sabay kurot sa tagiliran.
"Eris, anak."
"Pa!" Napalingon ako nang tawagin niya ako. Hindi ko na lang pinansin na ang daming security guard naming nakabuntot sa kanya at yumapos sa kanya. "You made it!"
"Of course." Nginitian niya ako at sinenyasan ang mga guard namin na umalis muna. For sure ay magbabantay pa rin sila but in a distance na. Alam kong nabigla sina Ana pero wala na akong oras magpaliwanag. Alam naman nila rin kasi ang background ko. Tumingin si Papa sa katabi ko. "Miss Bianca, fancy seeing you here."
"Likewise...po," Napakunot ang noo ko sa biglaang pag-switch ng expression ni Bianca. They already met a couple of times pero ganoon pa rin siya. Tuwing kaharap niya si Papa ay sobrang nagiging seryoso siya. Nahihiya? Nai-intimidate? She won't tell me.
Napatingin si Papa kina Amber at Zeke. My father seemed to recognize Amber. "If it's not Miss Timberlake and her wife."
"Pa, kilala mo sila?" tanong ko.
"It's actually Mrs. Abraham now," Amber corrected with her mind numbing cold stare. Bigla akong nanibago dahil ang bait-bait niyang tingnan, hindi ko alam na capable siya in maging ganoon. "We're here for Bianca as her guardians."
"So they said," Hindi apektado si Papa sa natanggap na pagbati. Siguro ay ganoon lang si Amber sa hindi niya kilala or kung kakilala sa business world.
Parang biglang naging tense yung aura sa paligid na kahit yung ibang estudyante at magulang ay napapalingon na sa amin. Mabuti na lang at may dumating nang prof at pina-assemble na kami. Sinuot na namin yung mga toga at cap namin. Sa ibang direksyon naman pinatungan ang mga parents and guardians habang ang ilang bisita ay iginiya rin sa iba.
Magkahawak kamay lang kami ni Bianca habang naglalakad. By alphabetical order kami mamaya sa seats kaya hindi rin kami magiging magkatabi kaya dito na lang muna sa pila kahit saglit lang.
"Are you okay?" I can't help but asked.
Tumingin siya sa akin at umirap bago ngumiti. "Naiinitan lang ako."
"Malamig na mamaya sa auditorium." Inilabas ko ang panyo na kanina ko pa nakatago at pinunasan siya sa noo maging bandang leeg. Hawak-hawak niya yung program booklet namin. "Just bear with it for a while."
"Haharot hanggang graduation!" Parinig nina Ana.
Nagsitawanan at kanya-kanyang ayie naman ang mga kaklase namin at ilan sa mga schoolmates namin na nakarinig. Everyone was fine and very supportive with Bianca and I. Ang gaan sa feeling.
Pagpasok namin sa loob ay para bang nakahinga ng maluwag ang lahat dahil malamig at fresh na raw. Samantalang ako ay malungkot dahil hindi kami tabi ng seat ni Bianca, pero sakto namang sa likod ko ang seat niya.
Pagkaupo ay kaagad ko siyang nilingon at nginitian. "I love you."
"Lah, pota," Pagmumura niya pero pulang-pula naman ang mukha kahit ang lamig dito sa loob. Bahagya siyang lumapit malapit sa tainga ko. "I love you. Tangina mo, Eris."
"Sarap mo talaga magmahal," Natatawang sagot ko. Sobrang saya ng puso ko sa babaeng 'to. "The design is very pasmado."
Kakasimula palang ng program but as usual, wala naman halos nakikinig sa mga nagsasalita sa harap. Lahat kami ay may kanya-kanyang kwento at trip. Yung iba ngang may bitbit na camera ay panay kuha lang sa kung kani-kanino. Ilang beses na rin kaming nakuhanan ni Bianca, may couple shot pa kami.
Haindi nagtagal ay tinawag ako para sa speech ko. Weird, dahil hindi ako kinakabahan. But inaamin ko na medyo emotional ako. Pakiramdam ko nag-flashback lahat ng memories ko sa school na ito.
Nginitian ako ni Bianca pagtayo ko sa upuan. Nakangiti lang siya hanggang sa pag-alis ko. I can't help but feel just how happy I was today.
Nagsipalakpakan naman ang mga students. Ako na yata ang pinaka-kilala na naging student leader sa balat ng school namin. Nakita ko pa si Papa maging sina Zeke at Amber na pumapalakpak din para sa akin.
Pagpunta ko sa stage ay para pa akong nalula sa kabuoan ng lugar. Sanay naman akong humarap sa tao pero iba talaga ngayon, sobrang kakaiba. Everybody wearing their cap and togas, the parents and the staffs, and here I was, serving my last ever speech.
"Good morning, students of Sunnyside University." pagbati ko. "Sarap ng aircon, 'no?"
Nagsitawanan naman sila, may sumigaw pa na masarap at lasang graduation daw. Ang dami kasong post online about graduation na sa gym lang daw or may aircon nga, hindi naman ramdam. I guess were blessed to have a venue na very comfortable for us.
"Today is our graduation day and this will probably the last time that you will ever hear me speak in this crowd again. No more of my morning speech and announcement na hindi naman ninyo talaga pinapakinggan dahil funky yung mic." Tumawa sila pero may mga nakita akong parang naiiyak. "Hi, everyone. My name is Eris Aberlado and it's my honor to welcome you all to the graduation ceremony.
"It's been my privileged to serve as the student council president along with my vice president, Stella, and the rest of the members that are also very dear to me. I'm so fortunate that I was able to form relationships with the ever brilliant and beautiful people here. I'm so glad and I never regretted joining the student council body when I was offered this opportunity."
My thoughts drew me back to Bianca's. She was the reason why I joined, the brief memory I had with her was my only motivation when I decided to change myself and be better as a person. She was so beautiful and vibrant back then and she still is. The struggles she experienced curved her to be the person she is right now and she's just so perfect and it's contagious.
Bianca will always be special to me and it will never be less. She's always more and more, regardless of how and who she wanted to be. My only wish was to be always by her side in every aspect of her life.
"I would like to take this time to send my gratitude to my family and friends, and to all the students here — I will never be here today if it's not for you all. To all the staffs and our professors, to everyone that makes up the entire school, thank you for the guidance and those little things that really helped us get by. Thank you for providing us with an educational experience of such high caliber and one that we all never forget. The struggles that we faced as students, I hope it'll be one laced with memories that we'll get to reminisce once we're older. Can we get a round of applause?"
Sabi ko round of applause lang pero dahil supportive pa sa supportive ang mga estudyante ay mga standing ovation pa sila. May mga sumipol pa. Huli ko pa yung ibang estudyante na nasita ng mga prof.
"I want my speech relatively short and simple. Gusto kong sabihin sa lahat ng mga nandito na maniwala kayo palagi sa sarili ninyo at sa inyong mga kakayahan. I want you all to know that everyone of us has the capability to be someone we desire to be, to be a person we decided to be. Think big and be ambitious, everything is possible. And if ever in life we find ourselves in a tight situation, I hope we will always remember that we will always get through it no matter how impossible we think it is. Before I wrap this up, let's all take a moment of silence and," I took out my phone and tapped the camera icon. "Last group picture muna tayo!"
Itinapat ko yung phone sa crowd at inilayo ang braso ko maigi. Natawa pa ako dahil kulang na lang ay magkumpulan lahat sa upuan nila para mapasama sa picture eh pagkalaki ng auditorium.
"Isa pang picture!"
Natawa naman ako sa kung sino mang sumigaw no'n.
"Let's all take pictures together later!" Nakangiting sambit ko. Tumikhim ako. "Sobrang proud ako sa inyong lahat. Pasalamatan natin ang isa't isa dahil lahat tayo ay naging parte ng bawat isa mula sa freshmen days natin at ngayong lilisanin na natin ang university na ito. We've made our memories, now let's make our future, ya all!"
Nagsisigawan sila hanggang sa pagbaba ko. May iba pang nakikipagkamay sa akin habang naglalakad ako sa gilid hanggang sa makabalik ako sa pwesto ko.
"Galing mag-speech, ah." sabi ni Bianca. Parehas kasi naming alam na impromptu speech iyon dahil nakalimutan ko gumawa.
"Ako pa ba?"
"Mayabang naman."
The program went on hanggang sa magsimula na ang pagtatawag ng names namin per course and section. Napagod na nga sa pagpalakpak si Bianca at kanina pa nakaupo na lang. Dumaan saglit sina Zeke sa pwesto namin para mag-abot ng water na ipinagpasalamat din nina Ana dahil meron din sila kahit may kalayuan sila sa amin.
"Abelardo, Eris. Summa Cum Laude!"
"Sana all!"
"Classmate namin 'yan!"
"For first lady onleh!"
"Putangina." Narinig kong mura ni Bianca bago ako tumayo. "Papatayin ko talaga nagpauso niyang first lady."
Pabirong kinurot ko siya sa pisngi bago ako tumayo. Ngiting-ngiti akong naglakad hanggang sa makarating sa may paanan ng stage. Sakto namang kaharap ko na rin si Papa.
Humawak ako sa braso niya at sabay kaming umakyat ng stage. Isa-isa naming kinamayan yung mga guest at iba pang importanteng tao.
"I'm so proud of you, anak," Papa mouthed at me habang sinusuotan ako ng medalya.
This day was so perfect and I couldn't ask for more. Papa looked genuinely happy for me and I can see how proud he was. If only my mother can see this right and if only she's here as well, I know she'll be so proud of me. This achievement is also for her.
Tumango ako sa kanilang lahat maging sa harap ng mga estudyante bago bumaba. Kulang na lang ay pagkaguluhan akong maigi ng mga kaklase ko habang tinitingnan nila yung mga medals ko. To think na aabot ako sa ganitong punto na magtatapos akong may mga parangal at position sa student council, ito yung mga bagay na sa hinagap ko ay hindi ko inaasahan.
Ilan pa sa mga kaklase namin ang tinawag hanggang sa maging turn na ng girlfriend ko.
"Cruz, Bianca Heriel. Cum Laude!"
"Baka first lady namin 'yan!"
"First lady 'yarn?!"
"Cum goals, oh!"
"Tangina ninyong lahat." Nakangiting sabi ni Bianca. Tinawanan lang siya ng mga kasama namin.
Mula sa puwesto ko ay pinanood ko siyang maglakad hanggang salubungin siya nina Zeke at Amber. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng lungkot na hindi totoong magulang ang kasama niya sa harap, pero naisip ko, hindi niya deserve ang mga taong iyon na supposedly ay adult figure niya. I'm happy that Zeke and Amber found her and she's not alone anymore. Tsaka nandito naman ako palagi, hindi ko siya iiwanan.
I feel so proud habang sinasabitan din siya ng medal. Kung pwede nga lang umakyat ako kasabay niya ay ginawa ko na, pero hindi naman ako yung guardian.
Everyone was clapping their hands for her, especially when she bowed as well. Pagbalik niya sa pwesto niya ay para bang maiiyak na siya. Kahit naman pala siya ay apektado rin sa ambiance ng graduation.
Nilingon ko siya at hinawakan sa kamay, hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa akin.
"Eris."
"Yes, baby?"
"Bwisit ka." Natawa siya. "Proud ako sa'yo."
"Mas lalo na ako sa'yo." Kinindatan ko siya pero pinitik niya lang ako sa noo. "Pwede na kita pakasalan."
"Gagi! Kasal agad." Inirapan niya ako pero naiyak lang siya pagtapos. Pinunasan ko yung luha niya kasi baka isipin naman ng mga kaklase ko inaaway ko siya. "Mas emotional ka pa sa akin."
"Bawal?"
"Wala naman akong sinasabi."
"Eris."
"Hmm?"
"Wala, tinawag lang kita."
"Well, Bianca Maria Clara."
"Tangina mo, Belona."
"I love you," I mouthed.
"Mas mahal kita." Tumango siya habang nakangiti. "Teka, cr lang ako."
"Samahan na kita —"
"Huwag na, malaki na ako."
"Okay." Ngumuso ako pero umirap lang siya.
Pinanood ko lang siyang maglakad paalis at nanood na lang sa harap, tinitingnan lahat ng estudyante na tinawag at naglakad sa harap.
Pero hindi na bumalik si Bianca hanggang sa dulo ng program.
***
Nobody seemed to notice her, and when I looked at the crowd, I couldn't find Zeke and even Amber. The program ended and yet I found no traces of my girlfriend.
Ilang beses akong nag-check sa mga banyo rito, nagpasama na rin ako kina Ana para maghanap pero wala siya.
"Hindi ba nagre-reply sa'yo?" ang tanong ni Ana. Sinilip niya ang sariling cellphone. "Wala sa akin, eh."
"Wala rin sa akin." sabi ko. Grabe na yung kaba ko habang palingon-lingon sa paligid, nagbabakasakaling nagkasalisihan lang kami.
Pero wala talaga. Nagtanong na ako sa iba pero lahat sila walang naisagot. Nilingon ko si Papa. "Hindi mo po ba napansin sina Zeke?"
"I was focused on you." he answered short. "I'm sorry, anak. Maybe Bianca will be back soon. I can have the security roam the place if you want."
"Sige po, Pa. Thank you po."
"Ay, wait!" Nagulat pa ako sa bulalas ni Ana. "Shet, muntik ko na malimot!"
"Yung ano?" Nagpa-panic na yata ako dahil sa gulat. Hindi rin nakatulong na kanina pa ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang pag-aalala.
Binuksan ni Ana yung bag niya at may kinuha sa loob. Binigay niya iyon sa akin. It was a plain black box. "Ano 'to?"
"Inabot 'yan sa akin ni Bianca kahapon. Hindi ko tiningnan ang laman, promise! Sabi niya bigay ko raw sa'yo after graduation. Baka regalo niya for you. Baka gusto niya surprise kaya bigla siyang nag-disappear?"
Natahimik naman ako, kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Sana nga ay ganoon. Alam ko namang medyo mahiyain si Bianca, pero bakit naman hindi niya tatapusin yung program?
"T-thank you. Excuse me."
Naupo ako sa gilid habang pinagmamasdan lang nila ako. Nanginginig pa yung kamay ko habang hawak yung box. Maliit lang na box itong hawak ko. Huminga ako ng malalim.
Nang buksan ko iyon ay medyo nasilaw pa ako dahil nag-reflect iyon sa liwanag. It was a golden apple, yung parang pwedeng pang-display. Binasa ko yung nakaukit sa regalo ni Bianca: "To the fairest."
Pag-angat ko ng golden apple ay no'n ko napansin na may nakasingit na papel sa box. Maliit na papel iyon na nakatupi. Pagbuklat ko no'n ay halos huminto ang mundo ko sa nabasa, para bang biglang naglaho lahat ng kulay sa akin.
"Maria Clara wasn't supposed to have a happy ending but she can save the young moth's wings from getting burned.
I'm taking the flame out.
- Bianca"
_____end
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co