Truyen3h.Co

Discord (GL) [COMPLETED]

Chapter 4

InsaneSoldier

"Joke lang," bawi niya agad sa mga pinagsasabi. Napabuga ako ng hangin. "Ngayon lang kitang nakilala, Bianca."

"Huwag mo akong ginagago." mariin kong sagot. Ang dami niyang sinasabi, puro siya bawi, puro joke. Hindi ko na sure kung paniniwalaan yung mga susunod pang sasabihin ng hayop na 'to. Nakakabanas!

"Dumi talaga ng bibig." Humagikhik siya, talagang hindi natitinag sa presensya ko.

Napairap na lang ako. Hindi ba talaga siya aware na gustung-gusto ko na siyang saksakin ng syringe? Alam ko kung saan iyon nakatago, baka akala niya! Kung pwede lang sana lumayas na siya rito sa clinic, eh.

"Pero ito na, seryoso na. Kung ayaw mong maging girlfriend ko, edi, friend na lang? Girl na friend?"

"Ayoko." I answered flatly.

Ngayon pa nga lang nababanas na ako na nandito siya, paano pa kung maging friends kami? Pumasok ako para matapos na itong college life ko at makuha na ang diploma ko, hindi makipag-chummy-chummy. Tangina niya, pinagugulo ang buhay ko!

"Bakit?" Ngumuso siya. "Type mo ako, 'no? The truth is, you want to be my girlfriend, ' no?"

"Lord!" Napatampal ako sa noo. "Tangina po nitong si Eris Belona ─"

"Abelardo nga kasi ─"

"Wala akong pakialam." sabi ko. "Layas!"

"Bakit?"

"Layas!"

"Number twenty-four...Cruz!"

Naputol ako sa pag-iisip nang tawagin ang surname ko. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa professor namin sa Rizal na si Sir Noah. Napapikit ako ng saglit at bumuntong-hininga. Tangina, graded recitation nga pala at ito ako, ni hindi pinanood ang movie na ni-require niyang panoorin namin. Nalimutan ko, eh. Oh, fuck, ano namang isasagot ko rito.

Tumayo na lang ako. Nakatingin siya sa akin, titig niya pa lang alam ko nang alam niyang wala akong ginawa para sa subject na ito. Classmate ko si Noah dati, irregular student siya before at nataong kumuha siya ng isang subject sa amin noong second year ako. Medyo magkakilala kami. As expected, dito nga siya nagturo after graduation. Nagtataka lang ako bakit Rizal ang subject niya kung psychology graduate siya. Nakakabobo. He's way older than me. May katangkaran siya, moreno, at curly ang buhok. Medyo malaki na rin ang tiyan niya.

Ang liit ng mundo. Yung dating kasa-kasama mo lang sa classroom, ayon, kasama mo pa rin ─ pero bilang guro na. Level up. Puta. Pansin ko ang pagtitig ng mga kaklase ko sa akin. Yung iba pasimpleng natingin sa notes nila, yung iba nakatitig sa phone, mukhang nagre-rewatch ng movie.

Binigyan kami ng one week para manood pero since hindi ko sinulat sa notes ko iyon to remind me or maglagay man lang sa phone ng note din, wala. Abala akong buhayin ang sarili.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ko si Eris na pasimple kong dinaanan ng tingin, titig na titig siya sa akin habang may nakapaskil na ngiti sa labi. Ang sarap talagang burahin ng pagkatao ng hayop na 'to. Hindi pa niya ako nilalapitan simula noong clinic incident to my relief.

Hindi ko siya maintindihan, sadyang ginagago niya lang ako. Mukhang binabagayan niya ang sariling pangalang Eris as the Goddess of Discord. Wish ko lang maghanap na siya ng ibang guguluhin. Wala akong time.

"Cruz," tawag muli sa akin ni Noah, "Ano ang layunin ng Batas Rizal 1425?"

Napakamot ako sa leeg ko. Putangina hindi ko binasa iyon masyado! Tinuro niya iyon last time, sasabihin ko na lang ang tanda ko. Tangina. Hindi ko alam kung magiging thankful ako na hindi related sa movie niya ang tanong o ano.

"Go, friend!" mahinang pag-cheer sa akin nitong katabi ko. Ngiting-ngiti pa siya habang hawak ang phone at sa desk naman nito ang notebook niyang hindi ko ma-gets kung sulat manok ang style or kidlat. Tinitigan ko lang siya, mukha namang hindi ito na-offend nang hindi ako nagbigay ng kahit anong reaction.

I tried to gather my thoughts kahit wala na akong mahuhugot pa. I hate recitation! "Ayon sa Batas Rizal, layunin nito na ang bawat schools, private man o public, mula elementarya hanggang kolehiyo ay dapat na magkaroon ng subject na patungkol kay Rizal especially his novels na Noli Me Tangere at El Filibusterismo."

"Bakit kailangan magkaroon ng subject na Rizal?" follow up question niya. Putangina mo, Sir! "Anong mapapala ng mga estudyante kung ituturo si Rizal?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-isip ulit ng isasagot. Fuck. May utak naman ako pero sadyang hindi ko gaanong maalala ang mga itinuro. Parang bagyo lang ang dumaan na mga klase sa akin last week. After no'n, wala, hindi ko na matandaan.

"Para po manumbalik ulit ang sense of nationalism ng mga new generation at para bigyang parangal si Rizal at ng iba pang mga bayani para sa ginawa nila."

Tinitigan ako ni Noah at tumango. "Maaari ka nang umupo." Sinunod ko naman siya at bumuntong-hininga. Fuck. "Magtawag ka na ng number."

"Sixteen, Sir," mabilis kong sagot.

"Okay, sixteen..." Tumingin siya sa yellow pad na hawak, nakasulat ang name namin doon as attendance namin for today. "Eris Abelardo, stand up."

Kung sinuswerte nga naman. At siya pa pala ang number sixteen. Nakita ko namang ngiting-ngiti siyang tumayo. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong excited siyang mag-recite pero base sa ngiti niya sa akin, halatang natuwa siyang magkasunod kami. Huminga ako ng malalim. Masama ang kutob ko, tangina.

"Go, friend!" Nilingon ko naman itong katabi ko. Mas nilakasan niya ang boses niya para marinig no'ng isa. Natawa naman ang mga kaklase namin at simpleng ngumiti lang si Noah.

"Tandaan ninyo, class, tatayo muna ang hindi makakasagot every time na matatawag ang number ninyo." paalala ng guro namin. "Galingan ninyo, isang activity and two assignments din ang katumbas ng sagot ninyo."

Mas lalo namang naengganyo ang mga kaklase ko na aralin ang dapat aralin habang hindi pa sila natatawag. Kahit itong si Go-Friend na katabi ko pursigido sa ginagawa. Panay ang basa at panonood, all at the same time. Hindi ba siya nahihilo sa ginagawa? Napaiwas ako ng tingin nang nilingon niya ako.

"Galing mo ro'n, friend, ah." sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Mukha naman siyang malinis kahit puro pimple siya sa face.

"Okay!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Noah. Hayop na 'to, hanggang ngayon talaga. Nagpalakad-lakad siya sa harapan. "Ano ang kuwento ng gamo-gamo na ikinuwento ni Doña Teodora sa kanyang anak na si Rizal at bakit niya ito ikinuwento?"

"Sir, tungkol po iyon sa mag-inang gamo-gamo kung saan na-attract ang munting gamo-gamo sa liwanag ng lamp, gandang-ganda ito sa liwanag ng apoy but the mother moth said na hindi dapat lumapit ang batang gamo-gamo dahil mapapahamak siya. In the end the young moth which was attracted to the fire still have gone closer. It died in the end." pagkukuwento ni Eris.

Summarized pa sa summarized ang version niya. Mukhang ayos lang naman kay Sir.

"Doña Teodora told the story of the moth to Rizal dahil nakita na niyang bata pa lang ang anak ay sadyang matalino na ito at curious sa maraming bagay. Doon pa lang ay para bang nape-predict na niyang magiging katulad si Rizal ng munting gamo-gamo."

"Maaari ka nang maupo." utos ni Noah.

Napansin kong napatingin na naman sa akin si Eris. Tinaasan ko siya ng kilay. Bahagyang napaawang ang labi ko nang bigla na lang siyang kumindat bago maupo.

Sinipat ko ang mga kaklase ko at nakahinga ng maluwag nang mukhang wala namang nakapansin sa ginawa ng hayop na babaeng iyon ─ maliban sa dalawang katabi nitong mukhang tinutuksu-tukso na siya pero wala lang sa kanya.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin sa harapan. Putangina, bakit pakiramdam ko wala akong takas sa Eris na iyon?

Ah, basta, hindi ko siya papansinin hangga't pwede. Paulit-ulit kong itatatak sa utak kong nandito ako para mag-aral at hindi ma-involve sa kung sino mang mga tao rito sa room man o sa buong campus.

"Ang galing ni friend," narinig ko namang sabi nitong katabi ko.

Lahat yata friend ang tawag niya. Hindi ko na lang din pinansin. Hindi na rin ako nakinig pa sa mga sunod na nag-recite. Nakakawalang gana but I have to endure. Tangina, sana matapos na itong klase.

--

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Eris na ikinasimangot ko.

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na lang basta. May kasama naman siya, bakit parang ito pa ang kulang sa pansin?

Nauna na akong maglakad. Malapit na mag-seven ng gabi, ang gusto ko na lang talaga ay makauwi, makakain, at makapagpahinga. Marahas akong napabuntong-hininga nang mapansin kong katabi ko pa rin siya hanggang sa makalabas kami ng gate. Katabi niya ang dalawang kaibigan. Huminto ako. Huminto rin sila nang tumigil si Eris para titigan ako.

"Pwedeng mauna ka na?" tanong ko sa mahinahong boses kahit kating-kati na akong murahin itong gagong 'to. Sinipat ko ng tingin ang dalawang kaibigan niya, parehas silang wavy ang buhok, medyo may pagkakahawig ang dalawa sa isa't isa, liban na lang sa mya salamin ang isa sa kanila. "Pwede mauna na kayo? Hilahin ninyo itong kasama ninyo."

"Ris, halika na raw." sabi no'ng babaeng nakasalamin.

Red ang frame no'n, katulad ng red lipstick niya. May ilaw naman na ang mga poste kaya kitang-kita ko. Kami-kami lang at ang ilang mga kaklase ang naglalakad sa daan. Sa gilid ay may nakita pa akong mga kalalakihang naninigarilyo habang nagmumurahan. Napangiwi ako, kadiri ang sigarilyo.

"Mauna na lang kayong magkapatid." sagot naman ni Eris na hindi natitinag ang pagkakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Putangina nito, kaya ko nga pinapauna para hindi na niya ako guluhin. Hindi niya ba nage-gets na ayaw ko siyang kasama? Ilang linggo na niya akong ginugulo!

Napansin ko namang tumango na lang yung dalawang kasama niya na magkapatid pala talaga kaya magkamukha. Tumingin yung may salamin sa akin at nag-smile, hindi ko masabi kung totoong smile iyon o ano pero mukha siyang mabait at formal. "Sorry, matigas kasi ulo niya, eh."

"Pwedeng kaladkarin ninyo na lang siya?" tanong ko. Nangingiting umiling lang itong nakasalamin, yung kapatid naman niya nanatili lang na nakatitig sa akin. "So, ano, iiwan ninyo ako kasama 'to?"

"Sorry." Humawak siya sa braso ng kapatid at hinila ito paatras. "Rah, halika na. Mahihirapan na naman tayo tumawid."

"Mag-overpass na lang kayo." suhestiyon nitong si Eris. Nabubuwisit ako.

"Madilim, eh. Baka mamaya may kung sinong tao."

"Sumabay na lang kayo sa mga taong tatawid."

"Iyon na nga. Bye!"

Ngumiti lang si Eris sa dalawa bago tuluyang naglakad palayo. Tinapik ko naman ang kamay niya paalis nang walang paalam na hinawakan niya ako sa braso.

Tiningnan ko siya ng masama. "Lumayas ka nga!"

"Ihahatid na kita."

"Sana yung dalawa ang hinatid mo." asar na asar kong tugon. "Layas!"

Ang tanda ko na para ihatid. Maglalakad lang naman ako pauwi at malapit lang naman ang tinutuluyan ko. Thirty minutes na lakad lang iyon. Matagal at malayo ang ganoon para sa iba pero sa akin, sakto lang iyon. Mahilig akong maglakad, at saka, hindi ako komportableng sumakay sa mga jeep or taxi, or cab. Bukod sa sayang ang pamasahe, hindi naman ako sure kung malinis. Malay ko ba kung sinong huling umupo. Yuck.

Naglakad ako nang mabilis pero hinawakan na naman niya ako sa braso. Muli ay hinablot ko ang braso sa kanya at tinulak siya. Hindi na ako nakatiis, eh. Nakakabanas na talaga siya. Kinuha ko ang alcohol sa bag at naglakad sa kamay ko. Nag-apply rin ako ng sanitizer.

"Malinis ako."

"Wala akong pakialam!" singhal ko. Napahinga ako ng malalim at inismiran siya. "Bakit ba ang kulit mo? Bakit ba panay ang dikit mo sa akin? Hindi ba obvious na ayaw ko sa'yo?"

Nagkibit-balikat at ngumiti lang siya bilang tugon. Hindi ako natuwa sa reaction niya. Ang gusto ko, mainis siya hanggang sa siya na mismo ang umalis at lumayo pero ito nga't makapal pa yata sa dictionary ang mukha niya at sadyang dense ang babaeng 'to kung kaya't hindi man lang siya apektado.

"Let's be friends."

"Ayoko."

"Anong kinakatakot mo?" tanong niya na ikinatigil ko.

"Hindi ako takot."

Pinilit kong kumalma. Umiling na lang ako at naglakad. Ayoko na, suko na ako. Kung gusto niyang bumuntot, bahala siya. Wala na akong pakialam. Putangina, yung katahimikan na lang sana ang hinihingi ko, yung peacefulness, bakit ba ang hirap naman yatang ma-attain? Bawal ba? Tangina.

"Bianca, wait."

"Bakit na naman?" Huminto ako at tinitigan siya. Tinuro niya yung food stand sa gilid. Maraming food stand ang nakapila pero may isa siyang partikular na tinuro. Unlike sa iba, nakalagay sa glass container iyong mga street foods nito. Kikiam, chicken balls, at squid ball ang nakita. Sa gilid ay may pineapple juice. May ilang estudyante mula sa katabing high school ang nasa tabi ng stand at mukhang mga bumibili. Bumalik ang tingin ko kay Eris. "Ano?"

"Bibili ako, wait mo ako."

"Ayoko ─" Hinila niya agad ako sa kamay bago pa ako makakontra. Pinipilit kong makabitaw pero hindi ko magawa, humigpit lang lalo ang hawak niya na ikinangiwi ko. "Tangina naman, eh!"

"Don't say bad words." Tumawa siya nang makahinto kami sa mismong tapat ng stand.

Napaatras ako ng kaunti. Ang babaho ng mga high school na ito, halong amoy ng pawis, pabango at nilulutong kikiam. Putangina, ang sakit sa ilong. Kinuha ko ang panyo at itinakip iyon sa ilong ko.

"Aalis na ako." Pinilit kong kunin ang kamay ko pero ayaw niyang pakawalan. "Isa!"

"Kuya, isang kikiam po saka squid ball, magkasama na po." sabi niya doon sa lalaking nagluluto.

Ang kapal ng bigote niya pero pantay ang shape. Itim na itim ang buhok ni kuya, hindi natural tingnan. Nakaputi siya at mukhang malinis iyon kaya hindi mukhang gusgusin tingnan unlike sa katabing tindero ng siomai na tig-dos na mukhang kakagising lang. Tumango lang si Kuya at kumuha ng isa pang stick ng kikiam at squid ball.

Napabuntong-hininga na lang ko at sinubukan pa ring matanggal ang kamay niya. Tinitigan ako ng mariin ni Eris at pinanlisikan ko siya ng mata. "Bibitawan kita, Bianca. But if you try to run, lagot ka sa akin."

"At dapat akong matakot dahil?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumiti siya, yung ngiti na mukhang may gagawing hindi maganda. Hindi ko man gusto pero naalarma ako sa klase ng tingin niya, which is nakakainis sa part ko. Bakit ako matatakot? Hah!

"Hahawakan kita sa hindi dapat hawakan."

"Ano?"

"Try me, Cruz." Ngumisi siya.

Ayoko man pero hindi na nga ako nakakibo nang binitawan niya ang kamay ko. Pwede ko siyang takbuhan, pero sa lagay ko na palagi ko siyang nakikita at kaklase ko pa ang lintik, ayokong magpakasigurado. Sana lang talaga mawala na siya. Putangina.

Napahinga ako ng malalim at hinintay na lang siya. Nakuha niya agad ang binili, maanghang ang pinili niyang sauce. Nasa cup yung kikiam at squid ball niya. She was eating while looking at me. Sumenyas siya sa akin na parang nang-aalok pero mariin akong umiring at nandidiring tiningnan ang pagkain niya.

Hindi malinis. Fuck.

Ang ganda niyang babae ─ na pinaghihinalaan kong lesbiana ─ at mukha naman siyang malinis pero sadyang kabaligtaran no'n ang mga kinakain niya. Mabilis naman siyang natapos kumain. Hahawakan niya sana ako pero inunahan ko na siya ng masamang tingin habang napapaatras sa kanya.

"Huwag mo akong tatakasan, Bianca." warning niya sa akin.

Labag sa loob na tumango ako. Malay ko ba kung saan niya ako hahawakan, wala akong tiwala sa kanya. Mairaos ko lang 'tong gabi na 'to, magiging okay naman na siguro ako. Putangina, bakit kasi hindi na pwedeng magpalit ng section? Nakakainis!

"Maglalakad lang akong pauwi." sabi ko sa kanya.

"Ihahatid kita hanggang ─"

"Ayoko ─"

"Sa susunod na kanto na lang." pagputol niya sa akin. Ngumiti siya ng ubod tamis at hinawi ang buhok niya. "Pwede na ba iyon?"

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siyang bumuntot sa akin. Ngayon lang, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kasama sa pag-uwi. Sa totoo lang ay hindi ako komportable. Kung titingnan, sa tingin ko gusto lang talaga niya akong maihatid. Gabi na rin naman kasi. Pero hindi naman kami close at isa pa, babae rin siya. Malamang, dapat mas iniingatan niya ang sarili niya. Hindi naman ako mahina. Dati siguro, pero iba na ngayon. No one can take advantage of me. Sasapakin ko ang magtatangka, kahit siya.

Papalapit na kami sa isang kanto. Nilingon ko siya at nahuling nakatingin ito sa akin. Napairap ako. "Anong tinititig mo riyan?"

"You're beautiful." sabi niya na ikinatigil ko. Imbes na ma-flattered, naasar lang ako. Nakakaasiwang pakinggan! "Bagay siguro kung hahaba pa ng kaunti ang buhok mo."

"Wala kang pakialam sa buhok ko, gago."

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Ilang beses ko na siyang napakitaan ng attitude ko, kailan ba niya ako titigilan? Tangina. Gusto ko nang umuwi.

Eksaktong huminto kami sa isang kanto. Tinitigan ko lang siya nang buksan niya ang zipper ng bag at mula ro'n ay naglabas siya ng isang mansanas, nakabalot iyon pa iyon at mukhang bago lang. Iniumang niya iyon sa harapan ko.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano 'yan?"

"Apple."

"Tanginang ─"

"Dirty talaga ng mouth mo." putol niya sa akin. Sino ba naman kasing hindi maaasar kung namimilosopo siya? Hayop 'to. "Linisin ko 'yan, eh." sabi niya.

May binulong pa siyang hindi ko naman narinig kaya hindi ko na lang din inintindi.

"Anong gagawin ko riyan?" naiinis kong tanong.

Walang salitang inilagay niya iyon sa kamay ko. Pinilit niya talagang ilagay dahil ayokong abutin. Nakakainis naman ito. "Malinis 'yan, mas linisin mo na lang pag-uwi kung gusto mo. Kunin mo, favorite ko ang apple."

"Halata nga." sagot ko. "Kanto na ito. Layas na."

Natawa siya. "Alam mo, na-realized kong ako yung batang gamo-gamo at ikaw ang apoy."

"Ha?" Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Alam kong masusunog ako pero panay pa rin ang lapit ko." She took another apple from her bag, wala iyong balot na plastic at basta na lamang niyang kinain na ikinangiwi ko. Ang dugyot talaga.

Isinayaw ng malamig na hangin ang hanggang baywang niyang buhok, nagmukha iyong kurtina sa paningin ko na sobrang banayad ang paggalaw. Bagay sa kanya ang itim maging ang kaputian niya.

"You know, we always tend to find forbidden things attractive, Maria Clara."

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co