Chapter 6
"You're not replying." Todo nguso si Eris habang panay ang pagbuntot sa akin. Kanina pa ako nagdadasal na sana kailanganin siya sa student council para hindi ganitong mukha siyang gago sa pakikipag-usap sa akin. "Panay kayang text ko sa'yo."
Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya. I raised an eyebrow at her before rolling my eyes afterwards. "Ikaw pala yung unknown number."
Napaawang ang labi niya. "Hindi lang ba ako ang nagt-text sa'yo?"
Nagkibit ako ng balikat at ngumisi. Sumimangot naman ang babae. Napabuntong-hininga na lang ako, halatang ayaw niya ng narinig. "Bukod sa text ni Globe at mga text na nagsasabing nanalo ako ng isang milyon, wala naman nang nagte-text pa na iba."
Natawa siya. Nag-shining shimmering ang mata niya sa hindi ko maintindihang dahilan. Parang nag-aadik lagi 'tong hayop na 'to. "Edi alam mo nang ako yung unknown number?"
"Yung scammer?"
"Hindi!" Napakamot siya sa sentido at napailing. "I was texting you a lot. For sure makikilala mo kaagad ako."
"Hindi ka nagpakilala."
"Pero tinawag kitang Maria Clara sa text!" giit niya.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi Maria Clara ang pangalan ko."
"Fine." She pouted her lips. "Labas mo phone mo. Save mo yung number ko sa contacts mo."
"Na-save ko na."
"Anong name ko?"
"Eris Gago."
"Excuse me?" Mukhang nagimbal ang itsura niya. Tangina, ang priceless! "It's Abelardo!"
"Synonym ng Abelardo ang gago at Belona." I told her. "Now, lumayas ka at ayaw kitang makita."
"Mean mo." Tinaasan ko siya ng kilay nang tumawa-tawa ito. Maya-maya lang din ay huminto siya, her lips painted with a smile. She took a step forward, umatras naman ako. Letseng babaeng 'to. "Pasalamat ka talaga—"
"Edi thank you." Inirapan ko siya bago tumalikod. Naglakad na ako paalis pero ramdam ko pa ring nakabuntot siya. Nakakabwisit! "Huwag kang sumunod!"
"Bakit?"
"Naiirita ako sa'yo!"
"Parang lagi naman?"
I stopped walking and faced her. "Exactly. Naiirita ako sa'yo, bakit hindi ka lumalayo?"
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ka naman naniniwala, eh."
Marahas akong napabuntong-hininga. "Lesbian ka?"
"Hindi." She pouted her lips.
"Bisexual?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi rin."
"So, pinagt-trip-an mo ako." I concluded.
"Of course not!" Panay ang pag-iling niya.
Hindi ko na alam kung maniniwala ako sa kanya. Minsan may sinasabi siya pero babawiin din. Minsan naman hindi ko alam kung nagj-joke lang ba siya. Isa lang naman ang sure ako, para siyang aso na panay ang pagbuntot kahit tanginang ayaw ko sa kanya. Saang part ba ng statement na 'yon ang mahirap intindihin? Nakakagago!
"If you would just take time to know me..." Tumamlay ang kislap sa mata niya. Kinapa ko ang feelings ko, wala, hindi naman ako na-g-guilty. "Masaya na ako kung magiging friends tayo, kahit hindi na girlfriend!"
"May friends ka na."
"Bawal magdagdag?"
"Pwede naman," Napangiti siya sa narinig. Tumaas ang kanang kilay ko. "Basta huwag ako."
Humaba ang nguso ng gago na akala mo inapi talaga ng sagad. Naglakad siya palapit sa akin. Aatras na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. I glared at her. Putangina kasi! Ayoko sabing hinahawakan!
"Malinis ako." She quickly told me before ko pa siya masigawan. Hinila niya ako palapit pero nagpumiglas ako. Todo bawi ako sa braso ko—na hindi ko mabawi-bawi kasi tanginang saan niya hinuhugot ang lakas niya? Bwisit. "Halika."
"Saan?" Hindi siya sumagot. Panay lang ang paghila niya sa akin. Mukha na kaming tanga rito habang sinusubukan kong tumakas. Mukhang pati siya nauubusan na ng pasensya at talagang hinapit na niya ako sa baywang. Sobrang lapit ng gago. "Bitaw!"
"Ayoko nga." Lumingon siya sa akin. "Bleh."
Aba't! Letse talaga 'tong si Eris! Napaka-childish, talagang bumelat pa? Wow!
Panay lang ang paglakad namin. Napagod na akong kumontra, pero mas matatahimik sana ang kaluluwa ko kung bibitawan na niya ako. Sinusubukan ko namang alisin ang kamay niya, pero dumidiin lang. Nakakabanas na.
"Ayoko nang maging thesis partner ka. Nakakabwisit ka."
"Too late," ang natatawang sagot niya. "Nasabi ko na kay Ma'am, eh. Tsaka wala kang valid reason para hindi ako maging partner, 'no."
"Sasabihin ko manyakis ka!" singhal ko.
"Kung manyakis ako, sa iba na sana nakahawak itong kamay ko." Pinatutungkulan niya ang kamay na nasa baywang ko. "Sa boobs mo na sana para masarap."
Napasinghap ako. Suddenly, sobrang aware na aware na ako sa kamay niya. "Tangina ka?"
"Hindi ka mabiro."
"Puwes, hindi nakakatawa!"
"Ang init naman kasi lagi ng ulo mo." Bumuntong-hininga siya. Lumingon siya sa akin at kumindat. Kinilabutan naman ako. "Maaga kang tatanda niyan."
"Mas matanda ako sa'yong letse ka."
"Mas matangkad naman ako—"
"At anong gusto mong sabihin?"
"Cute ka." Tinaas-baba niya ang dalawang kilay.
"Gago."
"Pwede ka namang mag-thank you." Hinawi niya ang bagsak na bagsak na buhok. Mukha talagang siyang magmo-model ng conditioner. Maganda sana, kung hindi lang sintu-sinto. "Maganda ka para sa akin."
"May pakialam ako?"
"Sabi ko nga wala, eh." She chuckled. "Pero alam mo mas bagay yung mahabang hair sa'yo."
Hindi ako nakasagot. Hinila niya na ulit ako sa baywang at naglakad. Nagpatangay na lang ako. Hindi ko siya ma-gets. Para bang alam na alam niya kung sino ako sa huling sinabi. Imposible naman, ngayon lang kami nagkakilala. Dito man siya nag-aral, imposibleng nagkita na kami o nagkausap, wala akong natatandaan.
Nagtaka pa ako nang sa clinic kami makarating. Parang no'ng nakaraan lang, ayaw niya rito dahil lalaki raw ang isa sa nurse. Tapos ngayon? Malakas din talaga sira nito sa tuktok. "Bakit dito tayo?"
Ngumiti siya at hindi sumagot. Napairap na lang ako. Gago talaga 'to. Kung kailangan kailangan ng sagot, saka hindi magsasalita. Kung kailan ayaw ko siyang magsalita, saka bumubuka ang bibig. Ang gulo talaga ng Earth.
"Napansin ko lang kasi na nanlalalim iyang mata mo, baka lang puyat ka."
"Okay?"
"Tapos panay pa ang hikab mo kanina." dagdag niya pa. "Naisip ko lang baka gusto mong maidlip muna."
"Stalker ka ba?" Naiiritang tanong ko. Bakit pati itsura ko napapansin? Pati kilos ko? Nakakatangina. Nakaka-bother nang ganito. Hindi ko gusto 'to. Ayoko. Kailangan ko na talaga siyang iwasan.
"You can't help but notice everything." sagot niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paloob na mismo sa clinic. Wala si Nurse Joy or kahit si Sir June. Kinuha ko ang kamay sa kanya, mabuti na lang at hindi na siya nagmatigas pa. "Lalo na kung interesado ka sa tao."
"Eris, alam mo, bwisit na bwisit ako sa'yo." Walang alinlangang saad ko sa kanya. She led me to one of the hospital bed. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya, wala naman siyang pinakitang reaction. Pinaupo niya ako pero hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanya. "Hindi ako interesadong tao."
"Ikaw lang naman nagsasabi niyan."
"Kaya nga, tangina. Kilala ko sarili ko." Huminga ako ng malalim. "I know myself very well and I'm aware that I'm nothing interesting. Ang dami-daming pwedeng pag-trip-an diyan."
Nagsalubong ang kilay niya. Naupo siya sa gilid ng kama. Ang lalim tumitig ng mata niya ngayon. Napansin ko kung gaano ka-brown 'yon. Maganda, bagay sa kanya. "Hindi naman kita pinagti-trip-an."
"Kung hindi, edi, huwag mo na akong pakialamanan. Huwag mo na akong sundan." diretsong sabi ko.
Bakit ba kasi ang hirap intindihin na hindi ko naman kailangan ng kasama? Three years. Three years, nakaya ko na ako lang. Wala nang mababago kung magkakaroon man ako ng kaibigan o hindi. Isa pa, lahat naman ng gano'n, hindi permanente. Laging nagbabago. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa kanya na wala akong kailangan? Ayos lang naman ako. Hindi ko kailangan ng taong pasasakitin ang ulo ko. Mas convenient pa ngang ako lang. Kinaya ko nga, kakayanin ko pa ulit.
"Ayoko nga."
"Nakakainis ka na, Eris Belona."
"Aberlado."
"Wala akong pakialam."
"I just want to be a friend." she told me. Iyon na nga, hindi ko maintindihan. Usually ang tao susuko naman kaagad. Kung ayaw sa'yo, ayaw, wala nang pilitan. Ang desperado naman nitong babaeng ito. "I want to look out for you."
"Kaya ko ang sarili ko. Nakakapagod na, Eris, ah." Parang bigla akong napagod pagkasabi ko no'n. Ngayon ko naramdaman yung antok na pinipigilan ko kanina. Bakit ba kasi ako binangungot kaninang madaling araw, putangina. Akala ko tapos na ako sa part na 'yon.
"Kaya nga hayaan mo na ako. Ano bang masama sa pakikipagkaibigan?" tanong niya. "Wala naman akong gagawing masama sa'yo."
"So?"
"Ang sungit mo naman." Napangiti siya. "Still, I like you."
"Mandiri ka nga." Pumunta ako sa kabilang kama at doon nahiga. "Lumayas ka, matutulog ako."
"Babantayan na lang kita." Pag-v-volunteer niya.
"Ayoko, manyakis ka. Siraulo ka. Gago ka."
Natawa siya ng malakas. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko, eh, halos insultuhin ko na buong pagkatao niya. Masokista yata itong hayop na 'to. Nakakabanas!
"Para kang tanga, Eris. Anong nakakatawa?"
"Ikaw." Humagikhik ang loka-loka. Tangina talaga nito. "Matulog ka na, gigisingin na lang kita kapag trip kong manyakin ka."
"Tangina mo, 'no?" Inirapan ko siya. Ngali-ngali akong ibato sa kanya ang bag ko na kakalapag ko lang sa gilid. "Lumayas ka nga!"
"Ayoko nga." Bumelat na naman siya. "Tulog na, girlfriend."
"Hindi mo ako girlfriend, letse ka."
"Sleep na, friend."
"Gago ka talaga."
"Anything for you, Maria Clara." Kumindat siya. Akala mo naman ikinaganda. Napailing na lang ako at pumikit.
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co