Chapter 7
"Nakapili na ng tatlong titles." Napatango ako sa sinabi ni Eris. Mukhang natutuwa siya sa progress kahit na nagsisimula pa lang.
Kakalabas lang namin ng Department. Sana pala pinag-isipan ko yung mga titles na sinulat ko. Tangina, kung ano yung mema lang, iyon pa ang nakuha. Hindi man lang naisama ang gusto ko. Although, may napiling isa rito sa kasama ko na talagang ikina-excite niya.
"Gagawan lahat ng title proposal," sabi niya.
"Oo nga, nakakatangina."
"Ang bibig mo na naman," pananaway niya. Umirap na lang ako.
Tangina naman kasi talaga. May pasabi-sabi pa sila na kung anong gusto naming title, iyon ang kunin namin kasi mas madaling gumawa kung gusto ang ginagawa. Gago ba sila? Yung instructor din naman ng subject ang namili? Galing nga sa amin ang titles, sa kanila pa rin naman ang decision.
"Parang tanga kasi," sabi ko sa kanya. Itinago niya yung papel namin sa bag niya. For sure gusot na ang kawawang papel, o 'di kaya'y amoy mansanas na. "Kita mo, id-defense natin iyang tatlong title. Kung hindi rin naman isa't kalahating gago, sila sa huli ang mamimili. Hindi tayo."
"That's how it works, Bianca." Nagkibit siya ng balikat at humugot ng—as usual—mansanas. "They just pick which they think is the best."
"Their thoughts are merely subjective. Pwedeng sa kanila, maganda, sa atin ay hindi." Naglagay ako ng sanitizer sa kamay. Napabuntong-hininga na lang ako habang nagpipigil ng init ng ulo. Mga epal sila. "Edi sana hindi na lang nila sinabi na tayo ang may choice sa kung ano title natin. Gaguhan kasi, Belona—"
"Abelardo—"
"Again, wala akong pake." Inirapan ko siya. She just chuckled, which annoyed me more. Pero mas annoyed ako sa mga letseng professors na iyan. "Gaguhan kasi. Paasa mga puta."
"Ang dumi talaga ng bibig." Ngumiti siya at umiling na para bang hopeless case ako ng isang tao na walking cussing machine.
"So?" Walang ganang sinipat ko siya ng tingin. Namaywang ako.
"Wala lang. Ganda ka pa rin."
"Panira kang hayop ka." nanggigigil na saad ko. Ang sarap saktan, eh. Ano bang nakita nito sa akin at parang nagayuma yata? Meron yatang may galit sa kanya. "Kung kailan ka kinakausap ng maayos—letse ka."
"Sorry na," Mukha siyang tuta.
"Bahala ka." I scoffed.
"Kailan mo gustong gumawa?" she asked instead. Saka lang ako kumalma dahil mukhang matino naman ang pag-uusapan namin. "Mabilis lang ang araw. Mauuna pa naman tayo sa title defense."
"Oo nga, eh. Nauna kasi tayo magpasa. Tuloy, inuna na rin tayo."
"So, ano?"
"Gawin na natin kaagad." sabi ko sa kanya. Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa madalas kong tambayan—na naging tambayan na niya rin kahit labag sa loob ko. Ano pa bang magagawa ko, eh, panay ang buntot ng letseng babaeng 'to.
"Kailan?"
"Bukas?" patanong na sagot ko. She pursed her lips, halatang nagc-consider ng mga bagay-bagay. The sooner, the better. Ayokong tumulad sa iba na nangangarag tapos iiyak at magrereklamo kesyo wala na silang time. Habang maaga pa, kahit nakakawalang gana, gumawa na lang. "Basta this week."
"Where do you want to do it then?"
Nanahimik ako. Kung sa bahay nila, malinis kaya? Kung sa bahay ko naman, mukhang nasa disadvantage ako dahil malalaman niya kung saan ako nakatira. Pero hindi naman siya siguro aabot sa point na mag-a-ala stalker talaga siya hanggang labas ng school? Fuck. Ang hirap mag-decide! I should choose the safer one.
"Malinis ba bahay ninyo?" tanong ko sa kanya.
"Ipapalinis ko ng triple, kung gusto mo." Ngumiti siya at kumindat. "Lakas ka sa akin, eh. Girl friend." In-emphasize talaga ng gago yung word na friend.
Inirapan ko siya. "Good. Morning?"
"Ayos lang naman." Tumango siya. "What time ba?"
"Seven."
Kumunot ang noo niya. "Ang aga! Gagawin mong school yung bahay namin."
"Tangina, nagtatanong ka tapos magrereklamo." Malabo yatang magkasundo kami nitong Belona na ito. Letse kasi, daming arte. Sabagay, bakit ko nga ba iniisip na magkakasundo kami? Tangina, hindi kami magkaibigan!
"Fine. Eight ng umaga, okay na?"
"Okay." Tumango ako. Ayos ma rin ang ganoong time. Ayoko ng hapon, mainit kung aalis ako. At saka baka mag-take time kami sa paggawa. Maganda na yung maglaan ng maraming oras kaya dapat umaga, para hindi late makauwi. "Sabado."
"Sure." Namalayan kong wala na siyang kinakain. Umupo na lang din ako sa bench kaysa naman nakatayo lang na ewan pagkatapos iyon linisan. Ginaya naman niya ako. Tinitigan ko siya nang masama nang subuksan niyang umupo malapit sa akin. "Layo."
"Sabi ko nga, eh." Sumunod naman siya. "Saan mo gusto mag-meet?"
"Just give me your address." I told her, "Subdivision ba kayo?"
Tumango siya. "Medyo mahigpit security. Magdala ka ng valid ID. Ibibilin kita sa guard do'n. Sabihin mo na lang, sa Abelardo residence punta mo. Huwag Belona."
"Oo na." Alangang Belona ang gamitin ko, edi napalayas ako. Minsan tanga rin 'to kausap, eh. Napakurap ako nang mabilis. "Inaantok ako."
"You are surely a sleepyhead, Maria Clara." Ang komento ng babaeng dugyutin.
"Maria Clara mo mukha mo." Hindi ko maiwasang mapahikab. Hindi naman kasi ako nakatulog nang mahaba kagabi. Wala, eh, kailangan mag-work. Plus those nightmares...puta. Akala ko talaga, wala na. Why the fuck it's resurfacing again? Pinilit kong alisin iyon sa isipan ko.
"Ang ganda mo." She was staring at me na akala mo naman, first time makakita ng tao. She was looking like I'm the only one that she can see.
"Tangina ka." I breathed. Nakaka-stress siya.
"Pinupuri ka na nga." Ngumuso siya pero hindi na ako namansin pa. "May OJT na rin pala tayo. Naayos mo na letters mo?"
"Oo, naipasa ko na." sagot ko, "Pirma na lang."
"Anong first setting mo?"
"Educational."
"Parehas tayo. Guidance?" Tumango ako bilang sagot. "Saan?"
"Dito na lang din sa school." sagot ko. Pwede naman kasi. Mas madali pa nga kasi kung tutuusin, pwede nang hindi kumpleto yung letter. Application letter lang, pwede na. Pero for documentation din naman iyon kaya ayos nang kumpletuhin. "They offer counseling, may ilang clerical work. Hindi ako maiinip."
"Parehas tayo!"
"Huh?"
"Dito rin ako sa guidance?" Ngumiti siya nang ubod tamis. "Destined talaga tayo, eh."
"Ang malas ko, puta."
"Harsh naman."
Inirapan ko siya. Pake ko sa kanya. May klase pa mamaya. Social Philosophy. Hindi na ako papasok, matutulog na lang ako. Gutom din pala ako. Hay. "Hoy, kumain ka na?"
"Hindi pa." sagot niya. Bigla naman siyang ngumisi kaya kumunot ang noo at kilay ko. Problema ng siraulong 'to. "Naks, concern, Bianca? Lumalambot na ba ang puso mo sa akin? Malapit ka na bang mahulog—"
"Putangina 'yan," Todo irap ako sa kasama. Hindi na ako nakapagpigil at nahampas na siya sa huli. Napangiwi siya pero hindi naman umaray. Matunog at malakas naman pagkakahampas ko. Mabilis akong kumuha ng alcohol at sanitizer. "Bwisit ka."
"Sa lahat ng mananakit, ikaw itong diring-diri." reklamo niya. Baka mamaya siyempre kung saan-saan siya lumusot, kailangan na rin mag-ingat. Yuck. Dugyot siya.
"Nakakabwisit ka." I told her. I sighed. "Dugyot."
"Grabe."
"Sumama ka sa akin, kumain tayo."
"Crush mo na ako, 'no?"
Tuluyan nang napigtas ang pasensya ko. Tinitigan ko muna siya nang ubod sama bago nagmartsa paalis. Nakakabwisit talaga 'tong si Eris! Epal! Panggulo! Dugyot na gagong hayop amputa!
"Bianca!"
Naramdaman ko ang pagsunod niya. Hindi ako umimik. Panay lang ang paglalakad niya sa gilid ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Maaga akong tatanda dahil sa kanya, eh, lagi na lang pinaiinit ang ulo ko.
Nakarating kami sa canteen. May iilang mga tao. Bigla akong nag-alangan kung kakain pa ba ako o hindi na. Medyo may kaingayan, magulo, at fuck, makalat. Ang dugyot ng mga estudyante, parang hindi umuuwi sa bahay na nililinis ng magulang o kung sino.
Napailing na lang ako at tumalikod na. Ayoko na, nawalan na ako ng gana. Sa bahay na lang ako. Magluluto ako at kakain. At matutulog.
"Hey, where are you going?" Sumunod sa akin si Eris nang maglakad ako palabas ng canteen. Sa gate na ang punta. Sure na ako. "Bianca."
"Uuwi na ako."
"I thought you want to eat?" she asked still.
"Maraming tao. Puro kadugyutan ang nakikita ko." simpleng sagot ko. Nakarinig naman ako ng mahinang hagikhik, hanggang sa naging malakas na paghalakhak na iyon. Literal na nawala ang poise ng maganda ngunit dugyot na babaeng 'to. "Anong nakakatawa, ha?"
She tried to stop from laughing. She was smiling at me habang iniipit ang ilang hibla ng buhok sa kaliwang tainga niya. "You're cute."
"Tangi—"
"I'm just telling the truth." putol niya sa napipintong pagmumura ko. Humakbang siya palapit at napaatras naman ako. "I wonder what am I going to do with you."
"Ano kayang gagawin ko sa'yo, hmm, Bianca?"
Natigilan ako. For a split second, iba ang naging dating no'n sa akin. Hindi maganda. I stopped myself for trying to feel my heartbeat just so she wouldn't read me wrong. Baka akalain niya kinikilig ako, kahit kabaligtaran.
I can feel my stomach rumbling in a very bad way. Nasusuka ako na hindi ko maintindihan. Napalunok ako, huminga nang malalim, at tinalikuran siya. "Aalis na ako, huwag kang sumunod."
"But—"
"Not now. Huwag mong putulin ang pasensya ko."
Wala na akong narinig na sagot pa sa kanya. I walked away from her. Saka ko kinapa ang parteng dibdib sa kaliwang bahagi. It was drumming with hate and disgust.
_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co