Truyen3h.Co

Fixing A broken Heart

FABH 14

frezbae

 

We shop in the nearest Anggoolo shop.
Antonio wearing his Ray-Ban. With his simple long sleeve shirt and a pants he looks like a model of the year!

I sigh softly and pouted. Hell. I can't help but to admire him more. Bawat madaanan namin ay puro botiques at cafe.

Malapit lamang ito sa Resort na tinutuluyan namin. Tinitigan ko ang mga hawak niyang paperbags. Nasa walo iyon habang ako ay milkshake lamang ang hawak.

Isang valet ang lumapit at kinuha ang mga pinamili ko. Oo, ko, lang kasi akin lamang lahat iyon. Pinilit ko siyang pumili ng sa kanya ngunit wala siyang plano. Mas magana pa yata siyang pumili ng mga undergarments ko kaysa para sa sarili niya.

"Hindi ka man lang bumili." mahinang sabi ko. Nasa loob na kami ng sasakyan at pinaandar na nang driver ito.

Nasa tabi ako ng bintana kaya umusog siya palapit sa akin. Hinimas niya ang aking braso at hinalikan ako sa aking buhok.

Hindi na siya nagsalita pa at tinitigan lamang ako na tila ba na isa ako sa mga bagay na matagal na niyang inaasam.

Bumalik kami sa resort na aming tinutuluyan. Habang nag aayos ako ng aming pinamili sa kama ay may kinakausap siya sa cellphone.

In our gatherings I saw that he was angry because of work. He is so persistent in their company that his father gave him to managed.

Napatigil ako sa pag aayos at pinakinggan ang kanyang mga galit.

"That's not it Cox. You should have tell me about it first!"

Nanlaki ang aking mga mata at bumalik sa kama. Siguro hindi pa talaga ako sanay na makita siyang ganon. Mas nasanay ako na nalalambing ko siya lagi. Ganon lang nga siguro siya sa kanyang trabaho.

May dalawang araw pa kami bago bumalik sa Pilipinas. Marami akong nakuhang mga litrato naming' dalawa. Sa mga litrato na iyon ay madalas siyang nakahalik sa buhok ko at nakabaon ang kanyang ulo sa aking leeg.

Marahil siguro ay naging madali ang lahat pero kung mahal mo ay hindi bale na ang panahon o oras kundi ang nararamdaman.

Pumasok si Anton at nakita ko siyang hinihilot ang kanyang batok. He looks so stress kaya nilapag ko ang mga pinamili ko at nilapitan siya.

He look at me warily. Malamlam ang titig niya sakin ng hawakan ko ang batok niya at hinilot iyon. Halos tumingkayad ako sa paghilot dahil sa taas niya.

"Problem?" namamaos ang aking boses.

Hinila niya ang baywang ko at hinalikan na naman ang aking buhok.

He nodded curtly. "May problema sa kompanya. Ayoko mang...mapaaga ang ating pag uwi pero-"

Pinigilan ko agad ang kanyang mga sasabihin pa. Nilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang labi.

"Ayos lang sakin. I...I am your wife now and I am here always for you Anton. Iintindihin ko lahat ng mga kailangan mong gawin."

A small smile paste on his lips. Ngumiti rin ako ng marahan sa kanya.

Hinimas niya ng marahan ang aking pisngi. "Thank you so much Lisa. I love you."

"I love you too." 

Walang gabi na hindi ako inaangkin ni Anton mula ng maikasal kami. Walang araw na hindi nagtatagpo ang aming labi. Parang isang napakagandang panaginip ang lahat.

Maaga kaming tumungo sa airport kinabukasan. Lahat ay ayos na at kailangan agad ni Anton na makatrabaho ora-mismo pagdating sa Pilipinas.

Gusto kong umapila ngunit hindi ko iyon maisatinig lalo na mukhang importante itong problema nila. Alam kaya ito nila mommy and daddy?

I was exhausted when we landed. Mabilis ang oras na dumaan. Umuwi ako sa Manila sa sarili naming bahay. Mayroon rin kaming condo sa BGC na pagmamay ari rin ni Anton.

He made sure I was fine that day when we landed. Maayos naman ang tulog ko noong araw na iyon.

Dahil nga ako lang sa bahay palagi ay pinagkakaabalahan ko ang pagsasanay sa pagluluto. Sometimes nagvivideocall kami ng mga kaibigan ko. I miss singing with them pero ang panahon ay hindi mo talaga mahuhuli kung ano ang nakatadhana para sayo.

My friends are busy with their own lives.

Malapit na rin ang pasukan kaya ngayon mas nilalaan ko muna ang mga oras ko sa amin ni Anton. Ang masasabi ko lang ay pate ang lifestyle ko ang nagbago na rin dahil alam kong committed na akong tao.

Hindi rin ako masyadong sanay na tinatawagan ng parents ni Anton. Naging harsh ako noon sa anak nila at pinagsisihan ko ang mga yun.

Tinitigan ko ang umaalis na sasakyan ni Anton. Alas otso na ng umaga at nagbabalak akong magbake.

Sa youtube ako natuto kung paano nun gumawa. I enjoyed doing it sa bahay. Marami na akong napabaon nito kay Anton at gustong gusto niya nito.

Nagkalat sa kusina ang mga kakailanganin ko.

“Ma'am, tulungan ko na ho kayo."

"Huwag na yaya Betty. 'Yung mga pinaayos ko nalang na mga bulaklak sayo sa sala yung unahin mo muna baka kasi darating sila mommy mamaya."

"Sige ma'am! Mukhang masarap yang ginagawa mo ma'am!"

I laugh. "Oo, kakain tayo lahat nito mamaya!"

I used to talk with them lalo na wala naman akong makausap dito sa bahay. Biglaan ang pag change ng environment ko ng makasal kami at madali naman akong naka cope up.

I was enjoying hanggang sa matapos ko na ang aking ginagawa. I am sweating at hindi pa ako nakakaligo! I am only wearing a extra large dress at hindi man lang nakasuklay! Ang sa isip ko kasi ay kung paano ko mapiperfect ang ginagawa ko. As a wife, kailangan kong matutunan ang ganitong bagay. Mamaya, ang pagluluto na naman ng ulam.

May kumatok sa pintuan kaya akala ko sila ni mommy na iyon. I comb my hair at kinalas ang apron sa aking katawan. Kalat kalat pa ang kusina ng buksan ko ang sala dahil baka nasa likod si yaya Betty at iba pang katulong.

I opened the door with a wide smile.

“Mom!-”

I was cut off. Hindi si mommy o daddy ang bisita.

“Hi!" masiglang bati sakin ni Aubrey.

I remember the days na pinagselosan ko siya noon dahil nagdidate silang dalawa ni Anton. Hindi ko na naisip ang mga bagay na iyon.

"Hello! Pasok ka."

Tipid siyang ngumiti at taas noong pumasok sa bahay. She eyed our furnitures then smirked.

"Nice furnitures!"

I proudly nodded. Lahat ng iyon ay napawi ng titigan niya ako na tila ba ay mababang uri ako.

How I wish na nandito lang ngayon ang wardrobe ko pero di nga ako nakaligo! Damn it!

"Biglaan naman ang kasal niyo ni Antonio no?"

I gulped. "Uh, no. Actually we are bound to marry each other since then pero-"

"Yes. Ayaw mo kay Anton noon e. I witnessed it all. Kaya ka'y hirap talaga isipin na nagpakasal kayo dahil mahal mo siya?"

Malamig ko siyang tinitigan. I crossed my arms.

Maybe, nakasuot ako ng ganitong damit pero hinding hindi niya ako masisindak.

"Ano ngayon ang pinupunto mo Miss Aubrey? Why are you here? To ask me about it?"

Tila napikon siya sa patutsada ko.

"To answer your petty questions.. I am inlove with Antonio. Pinakasalan ko siya dahil doon. Ngayon, kung akala mo masisindak mo ako at matatarayan sa sariling pamamahay ko? I am Clarissa Dela Vega now... baka nakakalimutan mo?"

Her knuckles fisted. Parang gusto niya akong sapakin. Taas ang noo kong binabaan ng tingin ang kamay niyang nakakuyom.

"Yaya Betty! Pakisamahan ang bwesita natin sa pintuan. Lalo na palabas ng bahay. Wag mong kalimutan ilock ang gate pagkalabas mo yaya Betty ha?"

"O-Opo madam!"

Nginisihan ko si Aubrey na nagpupuyos sa galit. Lahat ng mga bagay na mamahalin na suot niya ay nagmukhang useless!

"Bye Audrey."

Tinalikuran ko siya ng tinulak tulak siya ni yaya papuntang pintuan. Hindi ko maiwasang maiyak sa sobrang galit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co