Truyen3h.Co

Fixing A broken Heart

FABH 16

frezbae



I wore a black dress and a silver pumps for Ruchelle's birthday. Naglalagay ako ng pearl earrings ng yakapin ako ni Anton sa baywang.

"Hindi ka napagod?" he asked playfully. Gusto kong tumawa pero tama nga siya. I am a bit exhausted pero hindi ko dapat libanin ang birthday ng aking kaibigan.

"M-Medyo." namumula ako na aminin iyon. Si Anton ba naman kasi hanggang dito sa bahay ay hindi na ako tinigilan. Gustong gusto kong matulog nalang muna dahil sa pagod pero ayokong biguin ko si Ruchelle.

Pinatakan niya ng halik ang aking leeg.

"Let's done this day so you could rest." aniya.

Tumango ako at tinitigan pa ng isang beses ang sarili bago kami umalis. Alam na ni Rutchiel na kasama ko si Anton.

Sa isang Luxury Restaurant ang tungo namin ni Anton. Doon ang address na binigay ni Rutch. Sa labas palang maganda na ang porma ng Restaurant.

"Good afternoon ma'am, sir." bati sa amin.

"We are looking for reserved  Table of Ruchelle Magsaysay miss." habang sinasabi ko iyon ay nakita ko ang  magiliw na titig ng babae may Anton.

" Yes ma'am, this way."

Doon ko natanto na isang room pala mismo ang kanyang birthday party. Nang buksan ng escort ang pintuan ay nakita kong nag aayos si Ruchelle ng mesa habang may kasama siyang lalaki.

Oh. Boyfriend?

Nilingon nila kami at ngumisi siya.
"There you are!" she exclaimed happily.

Tinitigan ko siya ng "who's that boy" look kaya inirapan niya ako.

"Alright! He's my friend." maiksing sagot nito at ginaya na kami sa aming uupuan.

"Oookay." sabay ngisi ko. Isang dalawang mahabang sofa ang magkaharap at napapagitnaan kami ng mesang may sapat na pagkain.

I gave my gift for her. Mabuti nalang maraming alahas si Anton na hindi pa nagagamit. Maybe his mom really fund of jewelries kaya kahit sa bahay namin ay marami. Iyon ang binalot ko kanina at nalula ako sa presyo. Yeah! I am rotten when it comes to luxury but iyong pinakamura na napili ko ay mahal na para sa akin!

Inabot ko kay Ruchelle ang bracelet. Her lips form into "O".

"Oh, thank you!"

"Happy birthday!"

We talked and laugh in just random conversation. Parang tulad lang nang nasa Unibersidad pa kami.

"Damn.. this is so expensive." kahit si Ruchelle ay nalula rin sa presyo. Si Anton naman ay kausap ang kasamang lalaki ni Ruch tungkol sa isang trabaho.

"Actually kay Anton talaga iyan. Hindi na kasi ako nakalabas ng pumunta akong office niya kanina and I saw an untouch jewelry in our room kaya iyon nalang ang binigay ko. You like it?"

Namula siya at ng titigan ko siya ay kay Anton nagmula ang tingin niya bago siya tumango tango sakin.

"I really...really like.... this." aniya at kinagat ang labi.

Naglabas ang kasama niya ng inumin at binuksan iyon.

"Puwede ba akong uminom?" tanong ko kay Anton. Ngumuso siya at hinalikan ako.

"Yes. Just a little."

"Naku! Walang little little sakin ah! Maglalasing tayo dito!" naglive pa si Rutchiel sa facebook at pinakita kami doon. Anton just took the bottle and purred it in his glass.

Halos mabusog ako sa mga pagkain. Hanga rin ako dahil magaling makipag usap si Anton sa mga tao pala. Iyon ang napansin ko.

Hindi ako masyadong naglasing ng gabing iyon pero si Ruchelle ay lasing. She's enjoying her birthday so much at masaya ako para sa kanya.

"Hey, may family dinner pa kayo. Stop drinking!"

"Oo nga." she giggled sabay tingin kay Anton. Anton look his wristwatch at hinawakan ang baywang ko.

"You look sleepy. Let's go home?" anyaya niya.

I nodded. Kahit sila Rutchiel ay uuwi narin. Tsaka may trabaho pa bukas si Anton kaya kailangan niya rin magpahinga.

---

KINABUKASAN ay naalimpungatan ako na maagang nagmumura si Anton. Nakatalikod siya at nakatingala. Kahit na pilit niyang pinapahina ang boses niya ay hindi parin mawaglit sa aking tenga ang kanyang galit.

"Lisa is out of this!"

"Anton?" bumangon ako at nakita ko kung gaano siya ka gulat. Mas lalong nangunot ang noo ko.

Inayos ko ang pagkakapulupot ng kumot sa hubad kong katawan.

"Anong nangyayari?" I asked him. Base sa siwang ng bintana ay nakita kong hindi pa masyadong maaga para magising siya. Ako kasi ang nauunang magising para ihanda ang damit at kakainin niya.

Hinilot niya ang sentido niya at pumikit ng mariin.  I know there's something's wrong.

"Nothing. It's just the company." paos ang boses niya ng sabihin niya iyon. Hindi ako napanatag. Bumangon ako at nilapitan siya. Pumasada ang mga mata niya sa aking katawan ngunit balot naman ng kumot.

Tiningala ko siya at hinawakan sa pisngi.

"Don't stress yourself please. Nandito lang naman ako. Kung gusto mo ng kausap.. I am always free to listen Anton. I am your wife." I emphasized the last words.

Hindi ko pa nakitang ganito ka stress si Anton kahit noon. His physical looks really change. Mas naging aktibo ang kanyang katawan, mas naging matured kumpara noon. Maybe because of his hectic life now.

Hanggang sa umalis na si Anton ay hindi parin ako mapanatag. Those words kept on haunting me. Hindi iyon mawaglit sa isipan ko at paulit ulit kong pinagtagpi kung ano pa ang ibang rason bukod sa merging ng kompanya nila daddy dahil sa kasal namin na may koneksyon sa akin.

Damn it! Bakit parang pakiramdam ko napaka kumplikado ng lahat?

Darn!

I set aside that problem for now dahil kailangan ko pang' mag enrol para sa third year college. Hindi ko na aantayin pa sila Indigo dahil baka matatagalan pa sila sa pag uwi.

I'm ready to go when my cellphone rang. I took and I saw mom's name. I smiled.

"Hello mom."

"K-Kamusta hija?"

There's something's wrong?

"I'm okay. I miss you so much mommy. Kakauwi lang namin galing Maldives."

"Yes I know about that. Nagkita kahapon sila daddy mo at Anton. Uhm.. wala naman ba kayong problema ni Anton hija?"

Nangunot ang aking noo.
"Wala naman po mommy. He's been workaholic and caring mom. Wala naman po kaming problema."

Ilang segundo si mommy nanahimik.
"Okay hija. I am always here for you. I am so sorry if naging padalos dalos kami ni daddy mo sa buhay pag ibig mo."

"Mom, I am inlove with Anton." diretsahang pag amin ko. Maybe I am not being showy before sa nararamdaman ko kay Anton dahil parang ka'y bilis ng pangyayari.

"A-Alright hija. Always call me please."

"I will mom."

I sigh when I ended our call. Lisa, this is just a part of a married life. Hindi palaging maginhawa at walang problema. We can get through this.

Sa ngayon, gusto  talagang magtapos ng pag aaral para rin makapag trabaho. Kinuha ko ang bag na paglalagyan ko ng mga papeles ng mapako ang aking tingin sa  polo ni Anton na kagabi niya sinuot. Nasa loob iyon ng basket at ngayong oras ay hindi pa talaga nakakapaglinis ang katulong dito sa kuwarto.

Hinawakan ko ang manggas nito na may lipstick. Nasa leeg iyon banda. Last night....I'm not that drunk not to remember what happened! Hindi ko naman nahalikan siya sa leeg. And... iyong huli naming lakad ay ang birthday ni Ruchelle. 

I just remembered that I wait on the parking lot. That's all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co