Kabanata 1
Tagay
BALDO'S POV
"Bal, bilisan mo diyan! Natutulog ka ba?" dinig kong sigaw ni Mang Ipe mula sa kabilang dulo ng construction site.
"Tangina naman, Mang Ipe," bulong ko sa sarili habang buhat-buhat ang kahoy na malaki, sa sobrang bigat nito ay parang bibiyak na ang balikat ko.
Halos anim na oras na walang tigil na buhat ang ginagawa ko, kaya pakiramdam ko ay pwede na akong bumagsak sa semento para matulog.
Pero hindi ako pwedeng tumigil. Nagta-trabaho ako ng maayos. Hindi ako pwedeng tatamad-tamad.
"Hoy, Je, pakiabot nga 'yung martilyo!" sigaw ni Tyrone.
Pareho kaming matangkad ni Ty, pero mas batak ang katawan niya. Parang poster nga ng isang action star eh. Nakayuko siya habang nilalagari ang kahoy. Sa gilid niya ay si Sam, tahimik na binubugahan ng welding machine ang bakal. Sila ang mga tropa ko na matagal ko nang kasama sa mundo'ng ito.
"Putangina, ang init!" reklamo ni Jerome habang hinuhubad ang sando niya. Tumambad ang katawan niyang punong-puno ng pawis, kumikinang na iyon sa sikat ng araw.
Napansin kong sandaling tumigil si Sam sa ginagawa niya. Bahagya siyang ngumiti pero agad ding bumalik sa trabaho. Weirdo talaga siya, ano?
"Parang artista ah," biro ko kay Jerome. "Pakita mo pa! Nahiya ka pa."
"Nakakainggit ba? Ako lang 'to," sagot niya sabay flex ng braso, labas na labas ang biceps roon. Tumawa si Tyrone, nakisakay sa asaran.
Umiiling si Sam at nagpatuloy sa ginagawa. Ganoon din kami. Puro asaran kami habang nagta-trabaho, sa ganoong paraan kase namin naitatawid ang pagod at init.
Tanghali na nang marinig namin ang pito ni Mang Ipe. Lahat kami ay napatingin sa gawi niya.
"Break muna! Kanina pa kayo daldal nang daldal!" sigaw niya.
Nagtipon-tipon kami sa sulok, hawak ang kani-kaniyang baon. Adobo sa tupperware, kaning halos mapanis na, pero wala nang pakialam. Tawanan ang tropa habang sinasagad ang isang oras na pahinga bago bumalik sa trabaho.
Ganito na ang takbo ng buhay namin talaga. Paulit-ulit at minsan nakakasawa, pero dahil sa mga tropa ko ay nagagawa kong maka-survive. Grabe talaga ang pagpapasalamat ko at sila ang naging tropa ko.
"Pre," basag ni Jerome sa katahimikan habang ngumunguya, "mamaya, tagay tayo."
"Sige ba," sagot ni Tyrone. "Ilang bote?"
"Lima," singit ko.
"Ayan naman sa inuman tapos mag-aaway," biglang sabat ni Sam.
Nagkatinginan kami sa kanya. Hindi siya pipi ngayong araw at nakakagulat iyon.
Pagkatapos ng mahabang araw, tumuloy na kami sa barong-barong na inuupahan namin. Nilakad lang namin iyon dahil hindi rin naman masyadong malayo kula sa proyektong ginagawa namin.
Pagdating ko, agad kong tinanggal ang helmet at napatingala sa kalawanging bubong. Wala kaming electric fan kaya nagrereklamo kami gabi-gabi sa init. Hindi ko alam kung malas o swerte na malamig-lamig ang hangin dahil gabi na.
"Gutom na ako mga pards," reklamo ni Jerome habang naupo sa bangkito. Hinubad niya ang sando niya at nilapag ang balot ng kanin at adobo sa lamesa. "May ulam pa ba 'yan, Sam?"
"Meron," sagot ni Sam habang inilabas ang nilutong tilapia mula sa plastik. "Pero ayoko mag-share. Gutom din ako."
"Kuripot mo talaga," hirit ni Tyrone sabay kuha ng malamig na instant noodles mula sa baunan niya. Kinuha ko naman ang kanin ko at nilagyan ng sardinas.
Minsan, kapag gutom ka, kahit anong ulam sapat na. Sanay na rin naman kami dahil madalas ay wala kaming pambili ng ulam.
Nagtipon kami sa lamesa. Tahimik kaming kumain habang hinihingal pa sa pagod. Kahit hirap ang araw, ramdam mo ang gaan ng samahan. Sa simpleng ganito, parang nababawasan ang bigat ng trabaho. Iyon bang kahit pagod buong araw, magagawa mo pa ring ngumiti pagkatapos dahil sa mga kasama mo? Ganun ang samahan namin.
Pagkatapos kumain, kanya-kanya kaming banlaw gamit ang balde sa harap ng barong-barong. Si Jerome ang pinakauna, kaya siya rin ang bumalik agad sa loob.
"Pre, maghahanda na ako," untag niya. Binuksan niya ang gin na natira namin kahapon. Tumutok si Tyrone sa kanya.
"Sana naman hindi lasang tubig 'to," biro ni Tyrone.
"Lasang tubig pero malalasing ka pa rin," biro ni Jerome habang tumatawa.
"Bal, paabot nga no'ng plastik ng yelo," pakiusap ni Tyrone habang inaayos ang mga baso. Tumayo ako at kinuha ang yelo mula sa maliit naming aparador. Nilagay namin 'to kanina sa ice chez para hindi agad matunaw.
"Grabe ang lamig," reklamo ko habang binubuksan ang plastik.
"Natural," sarkastikong sagot ni Sam habang abala sa pagbukas ng mani.
'Eto talagang 'to, masyadong kontrabida.
Naupo kami sa mesa, at inilabas ang bote ng gin, yelo, at lemon soda. Si Jerome ang unang nagbuhos ng tagay at inabot ang baso kay Tyrone.
"O, pre. Ikaw unang shot."
Tumingala si Tyrone habang iniinom ang tagay. Kitang-kita ang gumagalaw niyang lalamunan sa bawat lagok. Pagkatapos niyang maubos iyon ay ibinaba niya ang baso at iniabot kay Jerome.
Walang kahirap-hirap na nilaklak ni Jerome ang tagay nya. Parang tubig lang ang gin. Tumungga siya, nagmumog pa bago nilunok. Ngumisi siya habang inaabot ang baso sa akin.
"O, Bal, ikaw na."
"Kung hindi lang talaga kayo tropa... ayoko na ngang uminom. Good boy na ako," biro ko bago ko nilagok ang tagay. Ramdam ko agad ang init ng alak. Hindi ko naman paborito ang gin, pero parang ritual na rin ito sa tropa. Mas malakas kase ako sa Emperador.
Tahimik lang si Sam nang siya na ang tumagay. Diretso niyang tinungga ang alak na parang tubig. Nagmana kay Jerome. Nang matapos, ibinalik niya ang baso kay Tyrone, at saka nagsimula ang kwentuhan.
"Pucha talaga, muntik na akong malaglagan ng scaffholding sa site kanina," kwento ni Jerome. "Kung di pa ako nagmadali, baka naipit ako doon."
"Lakas mo kasi mang-asar kay Mang Ipe," sabi ni Tyrone, humihikab. "Kinarma ka tuloy."
"Aba, kasalanan ko pa?" depensa ni Jerome. "Eh si Baldo nga kung makaasta kanina akala mo hindi tropa, eh. Deadma ang puta. Gusto pa akong pagtawanan!"
"Bakit, hindi ba nakakatawa?" natatawang sagot ko sabay lagok ng gin.
Nagtawanan kaming lahat. Kahit gaano kahirap ang ginagawa namin tuwing araw, ang tuksuhan at tawanan ang nagpapagaan sa pakiramdam. Pantay-pantay kaming magto-tropa. Walang mataas o mababa.
Pagdating ng pangatlong tagay, mas lumalim ang usapan na namuo sa pabilog na mesa.
"Pero alam nyo, minsan iniisip ko kung kailan kaya magbabago ang buhay natin, ano?" seryosong tanong ni Tyrone. Nagbago ang ihip ng hangin dahil doon. Nagpatuloy siya, "Buhat, inuman, trabaho. Paulit-ulit na lang."
"Magreklamo ka pa," sabat ni Jerome. Pinagagaan nyang muli ang usapan. "Eh ikaw nga 'tong pinakamabilis kumilos sa site, pero angal nang angal pag inuman."
Tumawa ako na ikinabusangot ni Tyrone. Napatingin ako sa reaksyon ni Sam, ngunit napansin kong nakatingin siya kay Jerome. Hindi ko talaga mabasa si Sam, kaya minsan nakakaintriga. Ano kaya pumapasok sa kokote niyan?
Pagdating ng ikaapat na tagay, mas lumalim pa ang mga biruan. Kaya gumawa na naman ako ng paraan para gumaan ang usapan namin. Madalas ko naman itong gawin.
May naisip akong kalokohan kaya naman wala na akong pakundangan na ilabas iyon.
"Kung babae ako, paiisahin ko kayong tatlo," pabirong anas ko. "Para naman may babae sa inuman. Alam nyo 'yon? Kada inuman, may kakanain?"
Napatigil sila at napatingin sa akin. Sandaling natahimik ang paligid bago sumabog ang tawanan. Kilala na nila ako eh.
"Pre, walang duda, ikaw ang pinaka-malanding tropa sa atin," hirit ni Jerome.
"Eh ikaw rin naman! Malandi ka rin!" untag ko.
"Kung seryoso ka nga... sino sa'ming tatlo ang pipiliin mo?" nakangising tanong kalaunan ni Jerome.
Natawa ako, pero bahagya ring nailang. Ako pa nga din ang nailang gayung ako ang nagbukas ng usapang ganito. Pero pinanindigan ko na.
Rumebat ako, "Gusto mo talagang alamin?"
"Oo naman! Para malaman ko kung kanino ka hayuk na hayuk sa aming tatlo," sagot niya.
Nagtawanan ulit kami, ngunit pakiramdam ko ay namumuo ang tensyon sa paligid. Ramdam ang init, hindi lang mula sa alak kundi pati na rin sa usapan. Kahit malamig na ang gabi, pinagpapawisan ako.
Mapapalaban ako sa tuksuhan nito. Mapikon, talo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co