Kabanata 2
Game na?
JEROME'S POV
Laging ganito ang mga gabing kasama si Baldo, palaging may halong trip at kalokohan. Sa kanya talaga nagmumula ang buhay sa inuman namin.
Palagi siyang may hirit na banat.
Minsan nakakatawa, minsan nakakabaliw, pero hindi naman kami nagrereklamo. Kung tutuusin, siya talaga ang nagbibigay ng kulay sa tahimik naming tropa.
Sa gitna ng malamlam na liwanag ng lampara sa barong-barong, tanaw ko ang pawis sa noo ni Baldo. Hindi dahil sa init. Medyo malamig na ang gabi at medyo mahangin pa nga ngayon. Tinablan na kami ng alak.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang tumutungga ng alak mula sa baso niya. Halos kalahati na ng bote ang naubos, pero parang hindi pa rin siya tinatamaan. Tibay.
“Kung babae lang ako, paiisahin ko talaga kayo,” bulaslas niya sa seryosong paraan.
Napatigil ako sa pagtungga ng baso ko.
Natahimik kaming lahat. Parang may kung ano'ng dumaan sa hangin.
Napatingin ako kina Tyrone at Sam na tila gulat rin sa biglaan niyang sinasabi. Nakakagulat naman kase!
“Tangina, pards, ang tindi mo talaga!” pilit akong tumawa. “Parang seryoso ka pa e, no?”
“Seryoso naman talaga ako,” blangkong saad ni Baldo habang nilalaro ang baso niya sa mesa. Tumawa siya nang bahagya bago ituro ako gamit ang daliri niya. Medyo nanginginig na ang kamay niya, pero hindi ko alam kung dahil sa alak o sa kaba. Nagpatuloy siya ng kanyang kalokohan, “Ito si Jerome, paiisahin ko. Ito si Sam, pakakantot ko rin sa puke ko.”
Pucha. Halos mabulunan ako. Sinubukan kong itago ang gulat sa mukha ko, pero nahirapan ako.
Dinig ko ang paghalakhak ni Tyrone. Pero kahit itago niya ay ramdam namin na gulat rin siya. Ngunit agad rin siyang nag-ayos ng sarili.
“Pwede naman,” saad ni Tyrone, malakas ang loob habang humalakhak ng bahagya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o trip-trip lang din, sumasakay kay Baldo. Hindi naman kami mga bakla eh.
Natahimik kaming lahat. Sumisigaw sa isip ko ang katotohanang laro-laro lang 'to, pero may kung ano sa akin na nag-uudyok na isipin na totoo ang mga sinasabe nila.
Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Sam na bumalik sa pagka-tahimik. Nagkatinginan kami, saka sya nagpakawala ng makahugang ngiti sa akin.
Ibinalik ko ang atensyon kay Baldo.
“Sigurado ka ba sa mga sinasabe mo, Bal?” hamon ko, pilit na pinapanatili ang tono ng biruan. Pero kahit ganoon ay unti-unti nang bumibigat ang hangin.
“Oo naman,” rektang sagot niya nang walang pag-aalinlangan. Tumungga ulit siya ng alak at tiningnan ako nang diretso sa mata, sinusuri ang reaksyon ko. “Ikaw, Je, ang unang pipiliin ko. Mukha kang masarap eh.”
“Putangina mo!” angil ko habang pilit na tumatawa. Napakamot ako sa batok, iniwas ang mukha dahil nag-iinit na iyon. “Gago ka talaga, pre. Malakas ka lang dahil sa gin.”
“Eh, ano naman?” untag niya habang iniikot ang basong hawak. Mas lalo pa yatang tumapang ang mga salita niya, mukha na siyang desidido sa mga mangyayare. Tinuro niya si Sam kalaunan na tahimik lang, halatang nakikinig sa usapan. “Si Sam, malibog din ‘to kahit di nagsasalita. Papakantot ako sa kanya, ayos lang.”
Natawa si Tyrone, mas ginagatungan pa ang init ng usapan. Tumayo siya, tumungga ng alak, at umupo ulit. Hindi mapakali.
“Tangina, parang trip mo talaga ‘to, Baldo,” barat niya, nakangisi. “Pero sa totoo lang, pwede naman, diba? Game ako, eh. Kayo ba?”
Sinuri nya ang reaksyon namin ni Sam. Ramdam ko ang kakaibang bigat ng hangin, kahit malamig ang gabi.
Napipilan ako.
Si Sam ang bumasag sa katahimikan na namuo nang ilang segundo.
“Dami niyong alam, duwag naman kayo kapag nagka-totoo na,” aniya, malalim ang boses nitong kalmado.
Sa tono ng boses niya ay pakiramdam ko seryoso siya't gagawin nya talaga kung sakali man.
Saan na 'to patungo? Baka mamaya magkatotoo. Naku po.
Nagkatinginan kaming tatlo maliban kay Sam. Bawat isa sa amin ay inaalam kung hanggang saan ito aabot, kung ano'ng mga salita ang pwedeng lumabas sa mga bibig namin. Dahil anumang oras, pwedeng mauwi ito sa...
“O, ano?” palag ni Baldo, nakangiti na nang pasaway. “Payag ako sa akin. Kayo ba? Baka umatras kayo ah?”
Ang tapang ng hamon niya. Pucha.
Tumawa si Tyrone at napailing habang tumutungga ulit ng alak. “Eh kaso, hindi ka naman babae, Bal,” prangkang sambit niya, sabay lapag ng baso sa lamesa.
Biglang natawa rin ako, saka sinabayan ng pang-aasar. “Oo nga, pards. Ang lakas ng trip mo, pero wala ka namang puke.”
Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Baldo. Tapos ay umungos saka inilagay ang parehong braso sa magkabilaang binte, hawak ang bote sa kanang kamay.
“Putangina n’yo,” itinuro nya kami gamit ang baso niya. Saka siya nagpakawala ng katagang hindi ko makakalimutan. “Bakit kailangan ko pang maging babae? Pwede niyo akong kantutin anumang oras!”
Napatigil kami. Napahugot ako ng malalim na hininga at saka napalunok. Napansin kong si Sam ay printeng nakaupo habang sinusuri ang reaksyon ni Baldo, binabasa ang emosyon nito. Hindi siya tumatawa o umaangal, naghihintay lang rin ng susunod na mangyayari.
“Ano, pre?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang tono ng biruan. “Gagawin mo pa rin kahit wala kang puke?”
“Bakit hindi?” mabilis at awtomatikong sagot ni Baldo, diretso ang tingin sa akin. “Kung kaya niyo, 'di ba? Ano? Kaya niyo ba?”
Tumawa si Tyrone nang malakas, halos mahulog na sa bangkito. “Iba na 'yan, Bal, ah? Baka trip mo talaga kami romansahin.”
“Oo,” sagot niya, walang alinlangan.
Nalaglag ang panga ko. Hindi makapaniwala sa bilis ng sagot nya. Gago, biruan pa 'to, hindi ba?
Tumungga ulit siya ng alak, at paglagay ng baso sa lamesa, ngumiti siya ng maangas. “Eh kayo? May bayag ba kayo?”
Hindi ko alam kung magtatawa o mapapalunok. Lasing na nga itong kupal na 'to. Pakiramdam ko kase ay totoo na lahat ng lumalabas sa bibig nya.
Biglang nagsalita si Sam na ikinalingon ko. “Bakit hindi nga? Kung trip ni Baldo, eh di subukan natin.”
Napatingin kami sa kanya. Si Sam, na hindi madalas sumali sa mga kalokohan namin, ang humahamon ngayon.
“Seryoso ka rin, Sam?” pilit ang tawang anas ni Tyrone.
“Kung hindi niyo kaya, itigil niyo nalang ang ganitong usapan. Mga duwag!” sarkastikong saad nya.
Nagtawanan kami ni Tyrone, subalit ang tawang iyon ay hindi magawang takpan ang namumuong tensyon sa pagitan naming apat.
Nang bumaling sa akin si Baldo saka ngumiti nang makahulugan, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. Ibang klase ang ganoong tingin niya.
“Ano, Jerome? Hanggang salita ka rin ba?”
Kinilabutan ako sa narinig, kaya itinago ko nalang sa pag-kamot ng ulo ang naramdaman. “Pucha, pre, ikaw talaga. Lasing ka na.”
“Hindi ako lasing,” senserong usal niya, seryoso ang mukha. “Gusto ko na nga kayong maka-iskor, ayaw niyo pa. Kayo na itong pinagbibigyan.”
Napakagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin.
“Ang tapang mo magsalita, Bal. Baka ikaw itong umayaw kapag ginawa natin,” singit ni Tyrone.
“Baka kayo ang magulat,” balik-hamon ni Baldo saka nagpakawala ng ngisi. Tumingin siya kay Sam para humingi ng suporta.
Naloko na!
Nakaupo nang maayos si Sam at tahimik na nakatitig kay Baldo. “Kung trip ni Baldo, ayos lang sa 'kin. Tigang na rin ako ng ilang buwan,” bulong niya, mabagal pero malalim ang tono. Bumaling siya kay Baldo, “Kakantutin talaga kita.”
“Gago ka, Sam,” aniko sabay tawa. “Papalag ka na rin? Magtitikiman na tayo magto-tropa? Pucha! Tropa Sibat tayo, pero wala sa bukabularyo natin ang magtikiman!”
“Oo nga, pero tropa rin naman tayo! Walang mawawala kapag nagtikiman, 'di ba?” hamon ni Tyrone. At hindi ko inaasahan na sa kanya pa nanggaling iyon.
Binatukan nya ako. Hindi ko alam kung seryoso siya o ano.
Dinagdagan pa ni Tyrone ang pang-aasar sa akin. “Namo, Je. Huwag kang tumanggi. Kanina ka pa hinahapyawan ni Baldo, paniguradong ikaw ang trip ni tropapips!”
Nagkatinginan kami ni Tyrone, sunod ay si Sam ang sinuyod ng paningin ko, bago kay Baldo... saka kaming lahat nagtawanan.
Akala ko ay tapos na. Pero nagsalitang muli si Baldo.
“Ano? Game na?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co