Truyen3h.Co

Inuman

Kabanata 7

Maasim2

Sexual Tension

TYRONE'S POV

Napag-usapan namin kanina bago mag-umpisa ang trabaho na walang foreman ngayong araw dahil nagpunta raw sa probinsya para asikasuhin ang lupa ng pamilya nila. Sa totoo lang, tuwang-tuwa kami. Walang boss na susundin, walang sisigaw, at higit sa lahat, walang magbabantay sa bawat kilos namin.

Ang problema nga lang, si kuya Ramon ang napag-utusang magbantay sa amin nang sa ganoon ay hindi kami tatamad-tamad.

“Ano kaya kung yayain natin si kuya Ramon na mag-inuman, ano?” suhestyon ko habang nakaupo sa gilid ng scaffolding. “Para naman makapag-pahinga tayo?”

“Tingin mo naman papayag 'yon?” hirit ni Baldo habang nagbubukas ng isang balde na dapat panghalo ng semento.

“Mismo. Sobrang takot na takot 'yon kay Boss Carlton eh. Kay Mang Ipe pa kaya,”  ani Jerome, inabot sa akin ang bakal.

“Kung sa bagay...” pagsuko ko.

Lintek kase. Hindi naman mahigpit si Boss Carlton sa aming lahat, kahit nga dumalaw siya sa site ay nakaka-inuman pa namin iyon. Ang dating boss lang naman namin ang masyadong istrikto at animo'y pinaglihi sa sama ng loob.

Pero ito kasing si kuya Ramon eh...

“Oh, kayo dyan? Uupo nalang ba kayo?” sita ni kuya Ramon sa mga nakaupo. Dumungaw siya sa amin saka ngumiti. “Kayong apat, magpahinga muna kayo. Kayo lang yata'ng apat ang nagta-trabaho dito sa site eh.”

“Ayos lang, kuya Ramon,” si Baldo ang sumagot.

Umiiling itong nginitian kami saka umalis. Abala rin siya sa kanyang ginagawa sa kabila kaya naman kailangan niyang bumalik doon.

Kahit mahilig kaming mag-buyuan apat at mag-asaran sa gitna ng trabaho, hindi kami tatamad-tamad, kaya naman malapit kami kay Ramon.

Inabot kami nang hapon bago natapos ang oras ng trabaho. Kaya naman dumiretso na kami sa karenderya para kumain doon. Kaming apat ang natira, napag-desisyunan kase naming uminom sa site ngunit umuwi ang iba maliban sa aming magto-tropa.

Matapos kumain ay bumili kami ng dalawang quatro saka pulutan, ganoon din ang ice para naman hindi matabang ang alak. Nanghiram kami sa tindira ng baso, pumayag naman ito dahil kilala na niya kami.

Nag-simula kaming lumaklak at tuloy-tuloy iyon hanggang lumalim ang gabi.

Habang tumatagal ang inuman, mas lalo kaming nagiging maingay.

Ngunit nang napag-kwentuhan namin ang mga problema namin na naiwan namin sa mga bahay namin, namutawi ang lungkot sa isa't isa.

Sa kwento ni Sam kami mas lalong naapektuhan. Hindi ko kase lubos maisip na ganoon pala kalala ang problemang dinadala niya.

Iyong kay Baldo naman ay pakiramdam ko kayang kaya niyang dalhin ang kanyang problema, hindi ko sinasabing magaan dahil mabigat din iyon.... pero alam kong malakas ang dedikasyon niyang lumaban sa buhay.

Mabuti na lang at iniwas ni Jerome ang usapan kaya naman gumaan muli ang paligid.

Iyon nga lang, napunta naman sa kalibugan.

Habang umiinom kami, napansin kong dumikit ang binti ni Baldo sa akin. Ininda ko iyon dahil wala naman iyon sa akin, at paulit-ulit nang nangyayare sa aming magto-tropa ang ganoon.

Nang mag-asaran kami at mauwi sa kantahan at sa pagsayaw ko, hindi ko mapigilang mapangiti sa mga oras na iyon. Ang gaan sa pakiramdam. Nawala pansamantala lahat ng pagod at problema sa katawan at isip ko.

Habang nagbibiruan kami, may napansin akong iba kay Jerome. Tahimik siya ngayon, na hindi normal sa kanya. Minsan-minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap kay Sam... minsan naman ay sa akin.

Karaniwan, siya ‘yung pinakamalakas tumawa at pinaka-unang nambabara. Pero kanina pa siyang parang may iniisip.

“Hoy, Je, ang tahimik mo yata?” usisa ko habang umiikot ang baso ng alak.

“Ah, wala.” Hindi siya tumingin nang diretso.

“Walang-wala, o ayaw lang magkwento?” singit ni Baldo. “Pre, huwag kang madamot. Gusto naming marinig kung may tinatago ka pang sama ng loob dyan sa loob-loob mo.”

Napakamot si Jerome sa ulo. “Sige na nga. Alam niyo, pucha, medyo miss ko na ‘yung anak ko.”

Napatingin kami lahat sa kanya. Alam naming may anak si Jerome, pero bihira niya itong mabanggit. Ayaw rin naming isingit sa usapan dahil paniguradong mas lalo lang siyang mangulila.

“Kumusta na ba sila? ‘Yung misis mo?” usisi ni Sam.

“Eh ayun, maayos naman daw. Pero hindi ko pa sila nakakausap sa tawag nitong mga huling buwan. Parating walang signal doon sa bukid kaya hindi ko sila ma-kontak,” pagkwento niya. Tumungga siya ng alak para itago ang namumuong lungkot sa mukha.

Natahimik kami habang umiikot ang bote. Ilang sandali lang nang mabasag iyon.

“‘Lam mo, Je. Kung gusto mo talagang umuwi sa kanila, eh ‘di mag-resign ka na,” biro ni Baldo.

Tumawa si Jerome. “Ulol, saan ako kukuha ng sahod? Mabuti sana kung ikaw ang magpasahod sa akin!”

“Pwede naman! Basta romansahin mo ako gabi-gabi,” nakangising banat ni Baldo.

“Ayan na naman siya sa pagiging tigang niya,” parinig ko.

“Palagi ka nalang in-heat, Bal,” dagdag ni Sam. Nagtawanan kaming lahat.

Maya-maya, nang tamaan na kami ng alak, biglang napunta ang usapan sa mga kalokohan.

“Tangina, pre, sa tingin niyo sino ang pinakamasarap sa atin?” tanong ni Baldo nang biglaan, na siyang ikinatawa naming lahat.

Tigang na naman siya...

“Ulol, ano bang tanong ‘yan?” sagot ni Jerome, pero halata sa mukha niyang natatawa rin siya.

“Eh, kunwari lang naman. Haka-haka lang... gusto ko lang malaman kung sino sa atin ang pinaka-masarap tikman,” sagot ni Baldo.

“Gusto mo lang isagot namin na ikaw eh,” sabat ni Sam.

“Ang babastos niyo naman!” pabirong reklamo ko. Doon na nagsimula ‘yung unti-unting pag-init ng usapan.

SAM'S POV

Naging mas personal at mapangahas ang usapan dahil kay Baldo. Ang mga biro, unti-unting nagiging malisyoso. Si Baldo ang nangunguna.

“Haka-haka pa ba ‘yung tanong mo, Bal? Mukhang seryoso ka na eh,” biro ni Tyrone habang umiikot ang baso sa aming lahat. Ito ring isa, mahilig sumakay sa mga malisyusong biro ni Baldo.

“Oh tapos?” sagot ni Baldo, sabay kindat kay Tyrone. “Eh kung may magpakita rito ng moves, ewan ko na lang.”

Nagkatawanan na naman kami, pero hindi na ako makapagsalita. Hindi ako makahanap ng tsempo sa totoo lang.

Parang mas tumahimik ang paligid habang pinagmamasdan ko sila. Nawala panandalian nag mga tunog at huni sa aking taenga.

Si Tyrone ay nakasandal sa bakal na beam, malalim ang titig habang masusing sinusuri kami. Habang si Jerome ay nakangiti at tumatawa tuwing may asaran. Hindi ko rin maunawaan ang sarili kung bakit sinusundan ko ang dila niya tuwing pinupunasan niyon ang kanyang labi upang basain.

At si Baldo ay nag-aabang ng pagkakataon para maisingit ang kanyang kalokohan.

“Okay, sige, hakang tanong ulit,” ani Baldo, hindi natatapos ang pang-aalaska. “Kunwari lang, walang trabaho bukas, walang ibang tao rito, at wala nang hiya-hiya. Ano gagawin niyo?”

Tinumbok niya talaga mismo ang mga eksena na gusto niyang mangyare. Para makuha niya ang sagot na gusto niyang marinig... ibang klase.

Walang gustong sumagot sa kanyang tanong. Umiwas ako ng tingin nang mapunta sa akin ang mga titig nila.

“Sam,” tawag ni Tyrone. Napalingon ako dahil doon. Ngumiti siya, “Ikaw kaya, anong gagawin mo?”

“Bakit ako?” piit akong tumawa, nang sa ganoon ay maiwas sa akin ang tanong at mapunta sa kanila. Hindi ko gustong sagutin. Ayaw kong sagutin.

“Eh kasi ikaw ang pinaka-tahimik dito,” usal ni Jerome, na ngayon ay mas lumapit sa akin. “Gusto naming malaman kung anong nasa isip mo. Kung hindi mo masamain...”

Naramdaman ko ang init ng kamay ni Jerome sa balikat ko. Pakiramdam ko ay napaso ang balikat ko dahil doon.

“Hakang tanong lang naman,” dagdag niya. May kung ano sa boses nya na hindi ko mawari.

Hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw, pero bago ko pa namalayan, naramdaman ko na lang ang labi ni Jerome sa leeg ko. Sobrang bilis ng pangyayare.

Bigla akong napasinghap, pero hindi ko siya itinulak. Hindi ako nainis. Hindi ako nakaramdam ng pagka-asiwa... para bang tanggap ko na ang mangyayare hindi pa man ito nakikita ng aking mata.

“Puta, Je, ano'ng ginagawa mo?” naaliw na sambit ni Baldo. Nagulat pa siya sa bilis ng ginawa ni Jerome.

“Eh sabi niyo haka-haka lang naman, eh,” tugon ni Jerome. Ngunit itinuloy niya ang paghalik sa aking leeg. Patungo sa panga ko. Napapikit ako at nasasarapan. “Ito rin ang haka-hakang gagawin ko kung sakaling ako ang tinanong niyo.”

Napa-singhap ako nang kagatin ni Jerome ang aking taenga nang mapunta ang atensyon niya ro'n.

Naramdaman ko ang kamay ni Tyrone sa hita ko, gumagapang pataas, saka sinakmal ang nagising nang taguro. Napalunok ako at napakagat ng aking labi.

“Ano, Sam? Ayos lang ba 'to?” tanong niya, pero hindi na niya hinihintay ang sagot ko. Pinisil na niya nang mariin ang ari ko na siyang nagbigay ng daloy ng kuryente sa katawan ko.

Batid kong nanunuod si Baldo habang naghihintay ng tamang oras para gawin ang kanina niya pang plano.

Tumawa siya, pero sa halip na asarin kami, bigla siyang tumayo at lumapit. “Taragis. Pasali ako, mga kupal...”

Tuluyan na kaming nilamon ng aming kalibugan.

Hinila ni Tyrone ang tee shirt na suot ko saka iyon inalis, umihip ang malamig na hangin sa aking katawan dahil doon. Wala namang tigil na papakin ni Jerome ang aking panga, saka iyon napunta sa aking labi at iyon ang puntiryahin. Nag-halikan kami, hindi na inisip ang katotohanang hindi ginagawa ng mag-to-tropa ang ganoon.

Natawag ng aking atensyon ang pag-kagat ng labi ni Baldo habang pinapanuod kami... nilalaro ang kanyang pagkalalaki sa loob ng shorts. Saka niya iyon ibinaba para ilabas ang naghuhuminding niyang burat. Matigas na iyon at... nangangalit.

“Tangina, Sam,” patid na boses ni Tyrone, itinuon ang sariling bibig sa aking utong at sipsipin iyon. Hindi ko namalayang naibaba na rin nila ang shorts at brief ko kaya naman napaigtad ako nang hawakan iyon ni Tyrone at salsalin. Tumigil siya sa pagsipsip ng utong ko para tumingin sa akin at magtanong, “Masarap ba, Sam?”

Tangina ka, Tyrone. Nagtanong ka pa talaga!

Hindi ko magawang sumagot dahil hinuli na naman ni Jerome ang bibig ko at ipasok ang dila roon.

Walang ibang tunog sa paligid kundi ang kaluskos ng mga saplot na unti-unting nawawala at ang mabibigat na paghinga namin.

“Ahhh... t-tangina niyo...” naiusal ko nalang sa gitna ng ginagawa nilang pag-romansa sa akin.

Ang init ng mga kamay nila sa katawan ko, ang halimuyak ng pawis at alak, ang natural na amoy ng mga barakong natutupok na sa apoy ng pagnanasa, at ang kaba na ngayon lang naramdaman ng buo kong pagkatao. Lahat iyon naghahalo sa isip ko... hindi ko na alam ang mararamdaman. Subalit ayaw kong tumigil sila. Ayaw kong maputol ang sarap na nadarama sa mga oras na ito... hindi na inisip na ang mga tropa ko ang gumagawa sa akin nito... mga tropa kong lalake...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co