Truyen3h.Co

Inuman

Kabanata 9

Maasim2

Desisyon

BALDO'S POV

Madilim pa rin ang paligid ng construction site nang magising ako. Naroon pa rin kami sa plywood nakahiga, ang mga kasama ko ay natutulog.

Apat lang kami dito ngayon. Hindi kami umuwi sa barong-barong kagabi, maaga kasi kami pinauwi ni Kuya Ramon kaya nagpasya kaming matulog dito. Kaya heto kami, siksikan sa isang sulok ng site, nakahiga sa kung saan may espasyo.

Pagmulat ng mata ko, una kong narinig ang mahinang hilik ni Jerome. Nakahiga siya sa kaliwa ko, ang kamay niya ay nakasampay sa sariling tiyan. Si Sam naman ang nasa kanan ko, mahigpit ang pagkakayakap sa nakalukot na damot na nagsilbi niyang unan. Si Tyrone ang nasa kabila, nakaunan sa sarili niyang braso habang naka-pahalang. Walang kumot at unan, ramdam ko pa rin ang kalamigan ng madaling-araw.

Napabuntong-hininga ako at umupo. Pinagmasdan ko muna ang paligid. Wala pa talagang tao maliban sa amin.

Sa mga oras lang na iyon ko naramdaman ang katigasan ng plywood. Hindi ko mawari kong paano kami nakatulog nang mahimbing habang nakapatong rito!

Hinilot ko ang likod ko, dama ang kirot sa pagtulog sa malamig at matigas na sahig. Napansin kong tahimik pa rin ang tatlo. Walang gumagalaw, maliban sa mahihinang paghinga nila.

Napatitig ako kay Sam. Tahimik siyang nakapikit, pero halatang alumpihit sa pagtulog niya.

Naalala ko ang labing iyon kagabe kung paano susuhin ang aking batuta saka lunukin ang...

Tangina, Baldo, wag ka na ngang mag-isip ng kung ano-ano! Ang aga-aga eh! Pilit kong binaling ang tingin sa ibang direksyon. Pero hindi ko rin mapigilang maalala ang nangyari kagabi.

Ginawa talaga namin 'yon?

Para akong nabagsakan ng malaking hollow block sa dibdib. Hindi ko alam kung paano haharapin ito mamaya. Ano bang sasabihin namin sa isa't isa? Magpapanggap ba kaming walang nangyari? Ako naman, hindi ko rin alam. Bahala na 'yan mamaya!

"Baldo..." narinig kong tawag ni Tyrone mula sa likod.

Lumingon ako, nakita siyang nakatingin sa akin. Namumugto pa ang mga mata niya. "Bakit?"

"Anong oras na? Dapat ata maligo na tayo bago magdatingan yung iba," sagot niya habang iniunat ang mga braso.

"Tangina, oo nga!" Napagtanto ko iyon ngayon lang. Tumayo na ako, hinanap ang tuwalya ko sa tabi na ginagamit namin tuwing nagtatrabaho kami pamunas ng pawis. "Gisingin mo na rin si Jerome saka si Sam. Baka abutin tayo ng init."

Pagdating namin sa malapit na poso sa unahan ng isang bahay, narinig agad namin ang mga batang naliligo sa malapit. Mga estudyante siguro, maaga pang gumigising para maghanda pumasok. Nakatayo kami sa gilid, hinihintay ang aming turno.

"Ang lamig ng tubig, takte," anas ni Tyrone habang hinihilamos ang mukha niya.

"Hindi ka pa nasanay," aniko.

"Unahan mo na ako, maglalaba pa ako ng brief mamaya," natatawang biro niya.

Sa gilid ko ay tahimik na nakatayo at hindi nagkikibuan. Pero pansin ko ang mga tinginan nila. Mukhang may namumuong ilangan pa rin sila mula kagabi... sa isa't isa at sa amin. Pero hindi ko na binanggit. Ang daming tao rito.

Nang kami na ang maliligo, naghubad lang kami ng t-shirts at naka-shorts nang naligo. Hindi pa man kami nagtatagal ay nambubuyo na ang mga batang paslit.

"Kuya! Ang tagal niyo naman diyan, kami naman!" sigaw ng isa sa kanila.

"Tangina, teka lang, kaya nga pila 'to eh!" sagot ni Tyrone habang tumatawa.

Nanloko pa ang isa. "Hala tignan mo ang mga putotoy nila, pre! Mga bakat oh! Kalaki!"

Tumawa ang katabi niya. "Oo nga! Hayop na 'yan! Sana lumaki na rin ako para ganyan na ang sa akin!"

Binato ko sila ng tubig na inilagay ko sa tsinelas. Nagtakbuhan sila. "Mga ulupong!"

Nagtawanan sila.

Namula si Sam nang tignan ko siya. Habang si Tyrone ay nagyabang pa siya ng kanyang biceps. Si Jerome naman ay tiloy-tuloy ang pagligo.

Nagbuhos na rin si Sam ng tubig. Pokus na pokus siya roon... pakiramdam ko ay iniisip niya rin ang nangyare kagabe. Pero hindi ko rin siya kinompronta.

Panaka-naka akong tumitingin sa katawan nila. Mga maskulado at iba't iba ang lunas ng kulay... mga kalamnan na sumisigaw... Napako ang paningin ko sa kanilang mga itsura. Lahat sila ay may maibubuga, iba't iba ang kanilang mga sinisigaw na kagwapuhan.

Pagbalik namin sa site, tahimik kaming nagbihis. Ginamit namin ang mga tuwalya habang ibinilad ang mga shorts at brief sa isang sulok sa likuran ng site.

Binasag ni Tyrone ang katahimikan. "Eh, ano, 'di pa ba natin pag-uusapan 'to?"

Napatigil kaming lahat sa aming ginagawa.

Nagkibit-balikat si Jerome. "Mamaya na 'yan. May trabaho pa tayong aasikasuhin."

Napansin kong tumango si Sam, pero hindi siya tumingin sa amin. Napabuntong hininga ako.  Tama si Jerome. Mamaya na.

Kinakabahan ako para mamaya. Pero ano bang ikinakatakot ko?

Pagkatapos naming maligo sa poso at magbihis sa construction site, naglakad na kami papunta sa tindahan sa kanto para bumili ng pagkain. Walang mainit na tubig doon sa site kaya kahit kape, hindi namin mai-timpla. At sa gutom namin, kahit instant noodles o pandesal na may palaman ay ayos na.

"Bal, ikaw na ang bumili ng kape. Wala akong bariya," ani Tyrone habang naglalakad kami.

"Ako na naman? Lagi nalang ako ang taga-abono!" pekeng reklamo ko habang kinukuha ang pera.

"Sorry na, Bal."

"Heh."

"Baka may libreng kape rin na ibigay si Mang Ipe mamaya," untag ni Jerome, tumatawa habang pasimpleng siniko si Tyrone.

Kasalukuyang nag-aayos si Sam nang sinturon. Napansin kong iniiwasan niyang tumingin sa amin nang diretso.

Mukhang siya ang sobrang apektado sa nangyare.

Pagdating namin sa tindahan, andun na agad ang grupo ng mga batang nagtatakbuhan. Isa sa kanila, mga anim na taong gulang ang tantya ko, halos mabunggo si Tyrone habang naglalaro ng teks.

"Uy, dahan-dahan naman, mga gago!" kunyareng galit na sigaw ni Tyrone.

"Kuya, pa-kape rin po kami!" sigaw nung isang bata habang tumatawa. May hawak pang tirador na gawa sa kahoy.

"Ano? Gusto mo ng kape? Eh kung kape-hin ko mukha mo!" usal ni Jerome, itinuro pa ito. "Tumakbo ka na papunta sa iskol niyo, late ka na siguro sa klase niyo!"

"Late na talaga kami, kuya! Kaya nga kami nagmamadali!" sagot nung isa, sabay tawa pa ng malakas.

Napailing na lang ako habang umaorder kay Aling Maring, yung may-ari ng tindahan. "Aling Maring, dalawa nga pong sachet ng kape, tapos pandesal na rin, lima. Yung mainit pa ha."

"Dalawa lang? Ang dami niyo yata ah," inabot nito ang tinapay habang humahapyaw sa aming apat.

"Ayos na po 'to. Pandagdag na lang 'to sa mga tinira namin kagabi," sagot ko.

Habang hinihintay ko 'yung order, narinig kong nagtatawanan na naman si Tyrone at Jerome. May hawak na kahoy na espada yung isang bata, tapos kunwari ay nang-aaway si Tyrone. Sinulsulan siya si Jerome. Ang nangyare, nag-alburuto ang batang paslit at patakbong umalis, magsusumbong daw sa tatay nito.

"Mga isip-bata," sigaw ko sa dalawa. Binehlatan lang nila ako.

Dala-dala ko na ang mga binili ko nong bumalik na kami sa site. Nilapag ko ang mga 'yon sa isang sulok saka hinila sa lumang silya na gawa sa kahoy.

Mayroong dalang pinakuluang tubig na nasa loob ng maliit na thermos si Jerome. Hiniram namin iyon sa tindera kanina at ibabalik din mamaya. Binayaran namin ang mainit na tubig. Wala nang libre sa panahon ngayon eh.

Habang nagtitimpla ng kape, hindi ko maiwasang mapansin yung tingin ni Sam sa akin.

"Tangina, ang init," usal ni Tyrone habang abala sa pagkuha ng pandesal. Habang si Jerome ay nagbibilang ng hollow blocks.

Batid ko sa aking paligid ang mga titig ni Sam. Gusto kong tanungin kung bakit, pero dahil madalas namang ganoon si Sam ay hindi ko na pinansin.

Napapikit ako saglit. Alam kong kailangan naming pag-usapan 'to. Pero hindi ngayon. Hindi pa...

Habang abala kami sa pag-inom ng kape at pagsubo ng pandesal, unti-unti nang dumadating yung ibang trabahador sa construction site. Sina Kuya Pilo at Mang Isko ang nauna, mga beteranong mason na walang kapaguran kahit mainit ang araw. Si Arnold, yung pinaka-bugoy sa grupo, ang kasunod nila, bitbit ang plastik ng tinapay at soft drinks.

"Mga gago, wala kayong pasalubong?" sigaw ni Arnold sa amin sabay upo sa isang hollow block.

"Ano namang ipapasalubong namin sa 'yo, Nold? Suntok?" anas ni Tyrone.

"Grabe naman! 'Di na mabiro," umiling-iling ito saka sumubo ng pandesal na binili namin! "Ikaw, Sam, balita sa'yo? Napanis na ba ang laway?"

Tumaas lang ang kilay ni Sam, tipid ang reaksyon.

"Hoy! Ikaw suntukin ko diyan nang ikaw ang mapanisan nang laway, eh!" banta ko kay Arnold.

Tumaas ito ng parehong kamay. "Uy! Kalma, p're! Ang init ng mga ulo niyo, ang aga-aga."

Inangasan ko lang siya.

"Dalian niyo na d'yan! Trabaho na tayo. Baka mapagalitan pa tayo ng foreman," ani Jerome.

Hinila ko yung helmet ko at inayos yung sinturon ko. Nagsimula na kaming mag-trabaho.

"Bal, bilisan mo naman maghalo! Parang may kulang!" sigaw ni Jerome habang inaabot ang balde ng semento.

"Sandali lang!" sagot ko, pinapawisan na pero tuloy pa rin. "Utos ka nang utos! Kutusan kita eh!"

"Hoy, mga bata! Ayusin niyo 'yan, baka mamaya tumagilid ang pader natin!" si Mang Isko habang nagma-mando.

Tanghali na nang kami ay nagpahinga sa isang sulok, habang nakaupo sa mga bakal at hollow blocks. Naghati-hati kami sa simpleng tanghalian na binili sa karenderya.

"Namumula ka, Sam," pansin ni Tyrone habang sumasandok ng kanin.

"Ang init kase," sagot ni Sam, halatang namumula talaga sa init. Napailing ako habang ngumunguya ng pagkain.

"Wooshoo! Baka nagkaka-crush ka na sa akin, ah?" buyo niya. Inambahan siya nito. "Joke lang! Joke lang! Ang alaskador mo naman!"

"Galing pa talaga sa iyo 'yan," bulong ni Sam habang umiinom ng tubig.

"Tyrone maasim," singit ni Jerome. Agad namang napa-maang si Tyrone doon. "Oh, bakit? Totoo naman?"

"Ano'ng maasim? Walang maasim sa katawan ko ah!" depensa niya.

"Weh?" pang-aalaska ko. "Paamoy nga ng kili-kili!"

"Oh eto!" saka siya dumungaw habang nakataas ang isang kili-kili at iningungudngod sa akin. Nagpupumalag ako dahil naaasiwa ako.

Pero may kung ano sa loob ko ang gustong amuyin iyon... tangina? May natutuklasan na naman ba ako sa sarili ko?

"Mga isip-bata talaga," bulong ni Sam na dinig naman namin.

"Grabe ka! Pinagtatanggol kita ah!" ngumuso ako.

Nilabi niya lang ang sinabe ko.

Hapon na nang mag-ipon-ipon ulit kami habang nagliligpit ng mga gamit.

"Hoy, mga gago, uwi na tayo. Ayokong matulog dito ulit," ani Jerome habang pinupunasan ang pawis gamit ang basahan.

"Matik na 'yan!" komento ko. Sumang-ayon ang dalawa pa naming tropa. "Ayuko nang matulog ulit dito..."

Bukod sa malamig... baka maulit muli ang nangyare kagabe. Gusto ko sanang idagdag iyon, pero hindi ko na kailangang sabihin dahil batid kong namuo na rin sa isipan nila iyon.

Dumiretso kami sa loob ng barong-barong pagkadating namin.

"Sam, ikaw na bahala sa tubig. Jerome, ikaw mag-ayos ng higaan," utos ko habang inaayos ko ang lumang kalan.

Habang si Tyrone ay sumandal na agad sa gilid ng pinto. Tataasan ko na sana siya nang kilay nang dumepensa agad siya, "Magsasaing ako."

Habang abala sa mga gawain, nagsalita si Jerome. "Pwede na nating pag-usapan ang nangyare kagabe."

Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Ramdam ko agad na bumigat ang hangin sa paligid. Si Sam, na nagbubuhos ng tubig sa drum, ay bahagyang tumigil rin. Si Tyrone naman ay napailing habang kumakagat ng labi.

Tumikhim ako saka nagsalita, "Kung pag-uusapan natin ito. Dapat desidido na ang mga sagot natin. Hindi 'yung aatras tapos aabante ulit tulad nang nakaraan."

Tumango silang lahat.  "Kung gano'n, pwede kitang tanungin? Nagustuhan mo ba? Gusto mo bang ulitin? Gusto mo bang—" tanong ni Jerome, diretso ang tingin sa akin. "Hindi naman 'to normal, Bal."

"Hindi ko alam," putol ko. "Hindi ko alam ang sasabihin. Pero sigurado akong pag tinuloy-tuloy natin ang ganoon... hindi na natin maibabalik sa dati ang lahat."

Sinuri ko sila isa-isa. Ako ang hinihintay nila at batid kong dahil ako ang nagpasimuno niyon. Kaya naman kailangan ko talagang pangunahan sila sa pagkakataong ito.

"Kayo ba? Gusto niyong ituloy natin? Gusto niyong magtikiman na talaga tayo? Handa na ba kayo sa magbabago sa ating apat?" Nang walang sumagot ay tinitigan ko sila isa-isa. "Jerome? Tyrone? Sam?"

Hindi sila kumibo.

Umiling-iling akong tumalikod. "Sa sunod nalang natin ulit pag-usapan."

Hindi pa yata sila handa sa mga ibinato kong tanong. Bumuntong hininga ako, napagtantong ako lang ang handang ituloy ang namumuong bagong karanasan sa aming apat.

TYRONE'S POV

Pagmulat ko ng mata, ramdam ko agad ang kabigatan ng katawan ko. Napatingin ako sa dingding na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood, sinisilip ng liwanag ng araw na parang gusto kaming bastusin ng unti-unting sumisinag na araw.

Sa gilid ng barong-barong, naririnig ko ang mahihinang kaluskos ni Sam. Mukhang nag-aayos siya ng gamit o nagluluto ng kung ano.

Huminga ako nang malalim at umayos ng pwesto. Banig lang ang higaan namin, pero mas komportable 'yon kaysa sa sahig at plywood ng construction site kagabi. Putangina. Ganito na naman. Naramdaman kong medyo malagkit ang katawan ko.

"Ty..." tawag ni Sam mula sa gilid. Napansin kong nakasilip siya sa labas habang may hawak na lata ng sardinas. Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero ramdam ko na may iniiba siya.

Tumango ako sa kanya.

Sa gilid ng paningin ko, gumalaw si Jerome mula sa pagkakahiga.

"Maganda umaga," bati ko, pilit pinapakalma ang sarili. Kahit papaano, naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang nangyari noong nakaraang gabi.

"Mmhm," sagot ni Jerome habang hinihimas ang mukha niya. Bumuntong hininga siya saka inilagay sa ibabaw ng mata ang braso. "Kailangan nating pag-usapan ngayon ang tungkol sa... alam mo na. Hindi natin 'yon pwede patagalin."

Nag-iwas ako ng tingin. Maging ako ay hindi pa handa na pag-usapan iyon. Pare-pareho kaming lasing... ngunit hindi na 'yun dahilan dahil dalawang beses na naming ginawa ang gano'n.

Hindi ko pwedeng sisihin si Baldo dahil lang siya ang pasimuno. Dahil kahit sino man ang magpasimuno, kung hindi ako sumakay ay hindi rin ako masasangkot sa kamunduhan na iyon.

"Pwedeng mamaya nalang?" pilit ang ngiting suhestyon ko.

Tinanggal niya ang kamay saka sinuri ang itsura ko. "Pag-usapan na natin agad, para makausad na agad tayo..."

Taimtim akong tumango.

Hindi ko agad nasagot. Napatingin ako kay Baldo. Natutulog pa rin siya hanggang ngayon. Tinapik ko siya saka niyugyog. Nang magising ay seryoso akong tinanong siya.

"Gusto mong pag-usapan ang nangyare nakaraan, 'di ba?"

Sumalubong ang kilay niya. "Bakit?"

Imbes na sumagot, sinenyasan ko siya. Naupo ako sa harapan ng mesa namin. Tinawag ko rin sina Jerome at Sam lara maupo roon. Nang apat na kami ang naroon, binasag ko ang katahimikan.

"Pag-uusapan natin ngayon ang nangyare nakaraang araw... at nakaraang linggo rin. Tama si Jerome, hindi dapat natin patatagalin bago pag-usapan ang ganito. Mas maaga, mas maganda."

Umungos si Baldo. Pero pinandilatan ko siya nang mata.

"Hmm... ako na ang maunang magsabe ng opinyon ko. Para sa akin, maling mali ang ginawa natin..." usal niya. Nag-iwas ako ng tingin habang si Sam ay napayuko. Si Baldo ang tumingin nang diretso kay Jerome. "Kahit saang anggulo, mali iyon."

"Alam nating lahat 'yan. Kahit hindi mo na banggitin," matabang na saad niya.

"Bal..." pigil ko sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit siya nagkakaganito.

"Patapusin mo muna ako, Bal, pwede?" inis na sambit ni Jerome. Napailing nalang ako dahil mukhang magkakaroon pa ng tensyon sa kanilang dalawa. Nang hindi umimik si Baldo ay nagpatuloy si Jerome, "Una, mali na ginawa natin 'yon dahil magtotropa tayo. Pangalawa, mali iyon dahil pare-pareho tayong lalake... mga barako pa tayo, oh?!"

Natawa ako. Pero hindi ako sumingit kay Jerome.

"Pangatlo, kataksilan ang ginawa nating lahat. Ako, may asawa't anak... si Tyrone ay mayroong kasintahan, alam kong sa maayos sa kalagayan si Sam dahil single siya. Pero ikaw, Bal... may nililigawan ka, hindi ba?"

"Binasted ko na nga, hindi ba?" pabalang na sagot nya.

"Bal, ang tabas ng dila natin ngayon ah?" hindi ko mapigilang hindi mainis sa kanya.

"Ngayon?" pambabara niya sa akin.

Napapikit ako. "Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Sumiring siya. "Ano ngayon?"

Humugot ako ng malalim na hininga saka napahilot ng sintido. "Konti nalang, papatulan na kita."

"Eh 'di, gawin mo..."

Tang ina! Sa inis ko ay napatayo ako nang wala sa oras. Ngunit pinigilan agad ako ni Jerome. "Ano bang nangyayare sa 'yo?!"

Ngumisi lang siya na kinainis ko.

"Pakiusap, kung magsusuntukan lang din kayo, gawin niyo sa labas," seryoso at may bahid ng inis na galit ni Sam.

Natigilan ako. Dahil doon ay bumalik ako sa pagkakaupo. Ganun din ang ginawa ni Jerome.

"Hayss..." si Jerome na hinihilot ang leeg. "Hindi naman sa minamasama ko, Bal, pero pwede ko bang tanungin bakit ganyan ka nalang umasta ngayon? Dahil ba sa kagabe? Apektado ka ba sa mga sagot namin?"

Umikot ang mata niya. "Wala naman kayong sinagot."

Tumawa si Sam nang bahagya. Pero natigil iyon nang pinandilatan ko siya nang mata.

Pumikit si Baldo saka nagmulat, tumingin sa amin isa-isa, bago nagsalita, "Hindi ko lang matanggap na matapos ang ginawa natin... hindi pa rin kayo handa sa mga sagot niyo. Dalawang beses na nating ginawa, hindi ba?!"

Natuliro ako. "A-Ano'ng ibig mong sabihin, Bal?" Dahil doon ay naiinis siya sa amin? "Hindi mo kami masisisi dahil pare-pareho tayong baguhan sa ganito, Baldo. Maging ikaw naman, hindi ba? Bakit, handa ka na bang sagutin ang mga tanong mo kagabi?"

"Oo," singbilis ng kabayo ang kanyang sagot na ikinabigla naming lahat.

Namilog ang mga mata ni Jerome. "Ano'ng sagot mo?"

"Gusto kong ituloy ang namuong bagong ugnayan sa pagitan nating lahat."

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang untag ko.

"Hindi," sarkastikong tugon niya. Anak ng! Sasapakin ko na 'to eh! Bumaling siya sa akin, "Kung tatanungin mo ako kung handa akong sipsipin ang utong mo ngayon, Ty? Oo ang sagot ko."

Napalunok ako.

"Kaya naiinis ako, dahil ako lang ang handa sa isasagot sa mga tanong ko nakaraan... habang kayo..."

Naiintindihan ko na. Gusto niyang pag-usapan agad ang nangyare dahil gusto niyang matapos agad ang tensyon sa pagitan namin, at magawan agad nang paraan kung paano aayusin iyon.

"Pero hindi nating pwedeng ituloy iyon, Bal," si Jerome ang sumalungat sa kanya. "Kung itutuloy natin, may masisirang... relasyon."

Tumango siya. "Alam ko. Pero para sa akin, iyong nangyare ay atin-atin lang. Walang ibang makakaalam! Ano man ang gawin natin sa isa't isa, tayo-tayo lang."

Napaisip ako. Tinimbang ko ang mga posibilidad ng sinabe niya. Sa huli, napabuntong hininga nalang ako.

"Ang naiisip kong paraan ay hayaan nalang natin kung saan hahantong ang ganito..." suhestyon ko. Napatingin sila sa akin. "Kung may mangyare man ulit, hayaan nalang natin ang isa't isa sumabay sa agos, gano'n! Tapos ay kinaumagahan, balik nalang tayo sa normal."

Alam kong tututol si Baldo kaya naman inabangan ko ang isasagot niya. Ngunit naghintay ako sa wala.

"Ayaw ko nang maulit ang nangyare nakaraan...." Para kaming binuhusan ng malamig na tubig sa sagot ni Sam.

Napatingin si Baldo sa sahig, hindi gumalaw.

"Sam..." usal ni Jerome.

"Pero hindi ibig-sabihin nun ay hindi ako nasarapan. Gusto kong gawin ulit, pero gusto kong kapag inulit natin 'yon, dapat lahat ay handa na harapin ang susunod na bukas..." dagdag niya na ikinamaang ko.

Napatingin din si Baldo sa kanya. Ang haba ng sagot ni Sam! Madalang 'yan.

Hindi ko napigilang sumingit. "Bale gagawin natin ulit?"

"Kung 'yun ang iniisip mo, Tyrone," ani Sam, kalmado pero may diin. "Siguro dapat pag-isipan mo rin kung bakit natin ginawa 'yon."

Napansin kong tumigil si Baldo sa pagsandal. Sumandal siya ng maayos, tumingin sa amin nang diretso. "Ginawa  nating lahat 'yon kase ginusto natin, tama?"

Tumango si Sam. Hindi ko rin maikakailang tama ang sinabe ni Baldo.

Tumayo si Sam saka lumapit sa may lutuan, kumuha ng plastik na baso, at nagsimulang magtimpla ng kung anong inumin. Alam kong gatas 'yon kasi nakita kong may dala siyang sachet kahapon. Napakapit ako sa tuhod ko, hindi alam kung paano tatapusin ang usapan.

Si Jerome ang sumira sa katahimikan. "Hindi naman natin kelangan desisyunan agad, mga tropapis," sabi niya habang nag-aayos ng buhok. "Pero tama kayo'ng dalawa ni Sam, Bal. Kung gagawin ulit, dapat sigurado na tayo'ng lahat."

Napatingin ako kay Jerome. "Kung? So iniisip mo rin na baka mangyari pa ulit?"

"Bungol?" pabalang niyang saad. "Alam kong nasarapan ka rin."

Hindi ako makasagot. Hindi rin makatingin nang diretso. Tama naman siya eh. Pero hindi porke't nasarapan, uulitin na hindi ba?

Nasa ganoon kaming posisyon nang naglakad si Sam pabalik sa higaan niya at...  humiga at nagtakip ng kumot.  "Matutulog ako ulit."

Anak ng!

Tumingin ako sa relo sa dingding. Alas-sais ng umaga. Natawa ako. "Ibang klase ka, Sam."

"Wala pa nga tayong bigas," sagot niya nang nakatalukbong pa rin.

Kingina, kaya pala siya nagtalukbong! Ayaw niyang mautusang bumili! Bwesit.

"Tangina," sabi ni Jerome, tumayo at nag-abot ng pera kay Baldo. "Bili ka na sa tindahan, pre. Ako na bahala sa gagastusin mamaya."

Kinuha ni Baldo ang para saka tumayo nang tamad, sabay hawak ng tsinelas. "Sino sasama?"

Umiling kaming pareho kaya pumapadyak siyang umalis. Doon ako nakahinga nang maluwag. Kahit papaano, nalutas namin ang problemang ginawa namin... sa ngayon.

Matapos naming kumain nang agahan ay nagpahinga kami. Pareho kaming naghihithit ng sigarilyo ni Baldo habang si Jerome ay nagkakape.

"Sabado ngayon pero hindi ibig sabihin na wala tayong gagawin," ani Baldo na bumuga ng usok ng sigarilyo. "Mamaya maglinis tayo dito. Parang tambakan na 'tong barong-barong natin."

"Nakakatamad naman!" maktol ko. "Pwede bang magpahinga muna?"

Maglalaba pa nga eh! Pass muna ako sa pagligpit.

Bago pa makasagot si Baldo, narinig namin ang tunog ng cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng shorts at sinilip ang screen. Napataas ang kilay niya bago ibinaba ang telepono sa lamesa.

"Si foreman." Nagbuga siya ng usok ng sigarilyo.

"Ano sabi?" tanong ni Jerome.

"Walang pasok bukas," sagot ni Baldo. "Holiday daw. Kaya kung may plano tayong gawin, pwede nating ituloy."

Kahit linggo ay may pasok kami. Sabado lang ang aming pahinga kaya nilulubos namin iyon. Pwede naman kaming pumasok bukas at double-pay, pero dahil pare-pareho kaming napaapagod din sa araw-araw na pagbubuhat, napag-desisyunan naming huwag na magpaka-bayani.

Napabangon ako mula sa pagkakasandal sa gilid ng pinto. "Holiday? Tangina, sakto! Pwede tayong magliwaliw."

"Ano'ng meron?" tanong ni Sam na kararating lang mula sa labas, basang-basa ang buhok at naka-short lang. Mukhang naligo sa poso.

"Walang pasok bukas," sagot ni Jerome habang inaayos ang apoy ng kalan. "Nag-iisip ng gagawin."

Napaupo si Sam sa tabi ko, nagsisimula nang magsuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya. "Inuman."

"Ang babaw mo talaga, Sam," sabi ni Baldo, nangingisi. "Laging alak ang solusyon mo."

Blangkong mukha ang isinagot ni Sam dito.

"Bakit hindi tayo umakyat ng bundok? Matagal ko na rin gusto 'yon, pero lagi tayong busy sa trabaho," suhestyon ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Si Jerome ang unang nagsalita. "Tingin mo maganda mamundok bukas?"

"Oo, bakit?" tanong ko, tumitig sa kanila. "Holiday naman bukas. Malay niyo, makatulong pa sa atin para makalimutan ang stress sa trabaho."

"Hindi na kailangang kalimutan ang stress sa trabaho," sabi ni Baldo. "Kalimutan na lang 'yung ibang bagay na mas mahirap kalimutan."

Napa-imik kami sa sinabe niya.

Si Sam ang sumira sa katahimikan. “Sige, bundok na lang. Wala naman tayo'ng ibang gagawin bukas. Kesa mag-alak dito, mas okay na ‘yun.”

“Good,” untag ni Baldo, sabay yuko para patayin ang sigarilyo sa sahig. “May idea ka ba kung saan?”

“Malamang sa pinakamalapit,” sabat ni Jerome. Tumayo ito para mag-inat, saka kinamot ang betlog. “Huwag na tayong lumayo.”

“May alam ako,” anas ko. “Sa likod ng bayan, may maliit na bundok doon. May mga kweba raw, tapos maganda ang tanawin.”

“Sigurado ka doon?” tanong ni Baldo.

Tumango ako. “Oo. Malapit lang naman. At saka maganda daw  doon. Pampalipas-oras.”

“Kung ganun, maghanda tayo mamaya,” galak na sambit ni Jerome. “Kanin at ulam, tubig, at flashlight. Huwag nating kalimutan. Maaga tayong aalis bukas.”

“Akala ko magpapahinga kayo?” biro ni Sam habang tumatawa.

“Komo-kontrabida ka na naman,” nakangiting angil ko.

Nang gabi ring iyon ay handa na ang aming mga gamit para sa gagawing pamumundok bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co