Chapter 23
Chapter 23
Luha
Inaantok ako habang nakikinig sa aming teacher. Alas onse na nang tanghali at mamaya ay lunch break na namin.
Patago kong kinapa ang aking cellphone. Tinago ko iyon sa likod ng silya sa harap ko para hindi makita. Nagtipa ako ng text para may Clinton.
To Clinton: Hi! Puwedeng humingi ng pabor?
Maya maya pa ay agad itong nagreply.
From Clinton: Hello baby,what is it?
Napangisi ako at nagtipa ulit at tiningnan ang guro sa harap na hindi ako nakita.
To Clinton: Lunch break na mamaya.Gusto ko ng pizza yung maraming cheese pero walang pineapple at mushrom
Umilaw ulit ang cellphone ko sa isang text at binasa ko iyon.
From Clinton: A peace of cake baby pero nasa meeting pa ako.
Uminit ang ulo ko dahil nag dismissed na ang guro at nagsitayuan na ang iba dahil mag lalunch na. Gutom na talaga ako. Sawa na ako sa sandwich at frapp na palaging lunch.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas habang nasa cellphone ang tingin. Kung nandito lang sana si Jenn para utosan ko pero wala e.
To Clinton: Lunch break na namin Clinton! Ngugutom na ako. Tamad akong magmaneho!
Parang lumalaki ang butas ng aking ilong sa inis. Pero mas nadagdagan pa ng may biglang nabangga sa akin at nabuhusan ako ng fruit shake na hawak nito.
Napaawang ang labi ko at nanlamig ng nabuhos iyon sa dibdib ko mismo kaya bumakat ang aking itim na bra.
" I'm sorry! Sorry talaga!" hindi magka undagaga ang babae na nakabangga sa akin. Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang aking dibdib na may basa na ikinairita ko lang. I feel so sticky! What the hell!
Pilit kong nilabanan ang galit at inis ko sa pamamagitan ng marahan na pag singhap.Mukha namang hindi niya sinasadya.
Ngumit ako at nilayo ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.Hindi sya pamilyar sa akin.
Maganda siya at maikli ang buhok. Mas mataas ako sa kanya. Magkasing puti lang kaming dalawa.
"Wa'g mo nang punasan. May extrang blouse ako sa locker."
Nakapaskil sa mukha niya ang pagkataranta at nahihiya.
"S-Sorry talaga ha.Paliko kasi ako kay hindi kita nakita." she explained.
Napapatingin na sa amin ang nga dumadaan kaya ngumiti ako at nagpaalam sa kanya ng hawakan niya ako sa braso pero agad ding binawi dahil mukhang naiilang.
"Bakit?" nilingon ko siya.
She cleard her throat at inayos ang takas ng buhok. "I-Ikaw si Kylie di'ba?"
Kilala niya ako? Tumango ako sa kanya.
"Oo ako nga. Paano mo'ko nakilala?"
Minasdan niya ang mukha ko at ngumiti.
"Famous ka dito sa school e. Ako pala si Shan-Shan!" pakilala niya at naglahad ng kamay.
Tinignan ko iyon at nakipagkamay.
"Ang ganda ganda mo nga pala sa malapitan!" she giggled.
"Ikaw nga rin maganda rin." sumakay na din ako sa ka plastikan niya.
Ngumiti pa siya lalo. "Pwede ba tayong magsabag mag lunch?"
Napataas ang kilay ko sa kanya. Hmm. . . feeling close agad. Pero patulan ko nga. Tingnan natin kung papasa sa taste ko bilang kaibigan.
Meron kasi minsan akala natin plastic sila dahil kakakilala lang natin pero ang totoo naiilang lang sila at hindi alam makipagsabayan.
Tumango ako sa kanya at tinuro ang damit ko. " Papalitan ko lang ito ha?"
"Sige hintayin kita sa lobby!"
Agad akong umalis at tumungo sa locker at kumuha ng isang blouse na uniform na palagi kong dala para kung emergency tulad ngayon.
Pumasok ako sa females restroom at nagbihis. Tiningnan ko ang aking cellphone na may reply na pala ni Clinton kaya binasa ko iyon.
From Clinton: I'm on my way.
Agad akong nagreply sa kanya.
To Clinton: Sa soccer field kita hihintayin.
Nang sa soccer field na ay magkatabi kami ni Shan-Shan sa bench at agad niyang nilagay ang kanyang pagkain.
"Oh? Bakit wala kang pagkain?" takang tanong niya.
Umiling ako. "Hinihintay ko si Clinton e. Nagpabili ako ng pizza."
Ilang sandali siyang hindi nakasalita at wala sa sariling kumain.Niyaya niya pa ako at binigyan pero tinanggihan ko.
Sa malayo nakita ko ang bulto ni Clinton kaagad. Kaya napatayo ako sa saya na makakain na ako.
"He's here."
Pero nataranta si Shan-Shan at pinulot agad ang bag. "Sige mauna na ako ha? See you!"
Nagpaalam siya agad sa akin at tumakbo paalis. Huh? Weird.Napaupo nalang ako ulit at tiningnan si Clinton na malapit na. Nakaputing polo siya na nakatupi hanggang siko niya. Naka black slack pa siya at black na sapatos. Halatang halata na galing pa syang opisina.
Hindi ko maiwasan tingnan yung umbok sa gitna ng hita niya. Bakit ba kasi naka bakat iyon?
Nilapag niya sa kahoy na mesa sa harap namin ang pizza. Sa takam ko ako na nag bukas nun at may nilagay siyang mineral sa gilid.
"Sorry natagalan." pagod na aniya sa akin at tinukod ang panga sa aking balikat habang kinakain ko ang pizza.
Tumango nalang ako sa kanya at nginitian ko siya. Kumuha ako ng isa at nilahad sa bibig niya. Sinubuan ko siya ng pizza at agad naman siyang kumagat doon. Dalawang kagat niya lang at naubos na iyon. Mukha talaga siyang pagod at antok.
"Are you okay?" tanong ko ng mapansin na panay ang tingin niya sa wristwatch niya.
"Sumaglit lang ako Nicole. May meeting nga ako di'ba."
Nasapo ko ang noo ko. Ngayon kolang na realize kung san busog na ako na ang laking storbo ko.
"I-I'm sorry. Sige pwede ka nang umalis." ngumiti ako sa kanya at hinimas ang panga niya.
"You sure?" namamaos niyang tanong at kinintalan ako ng halik sa sentido.
"What if, umuwi kana? Doon ka muna sa condo ko at hintayin mo''ko don?"
Napahalakhak ako.
"May klase pa ako! Tsaka busy ka may meeting ka kaya umalis kana." tinaboy ko siya dahil parang ayaw niyang umalis.
Napasinghap ako ng gumapang ang kamay niya sa hita ko pataas.
"Hmm. . .I miss you." bulong niya sa tainga ko habang ako ay luminga linga sa paligid.
"Clinton nakakahiya tayo.Baka may makakita!"
Ngumisi siya at tinanggal ang kamay at pinatakan ako ng halik sa labi . "I love you."
Ngumit ako.
"I love you too Mr. eight inches." I teased him.
Kinahapunan ay nagdismissed na kami at hindi ko na muna inistorbo si Clinton sa kanyang trabaho.
Papunta na akong parking lot ng bigla akong nahilo. Nanlamig ang pakiramdam at unti unting nanlabo ang aking paningin.
"F-Fuck." naimura ko pa pero agad din akong nawalan ng malay pero may narinig pa akong pamilyar na boses.
Pakiramdam ko parang masusuka ako na hindi ko alam. Masakit ang ulo at katawan ko ng dumilat ako.
Agad akong napaupo pero nasapo ang ulo ng sumakit iyon.Nasa sariling kwarto na ako? Sinong nagdala sakin dito?Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jenn.
"Gising kana pala!Okay ka na ba?"
Tumango ako at hinilig ang ulo sa backrest.
"Sinong nagdala sakin dito?"
"Si Jedd at Athena mabuti raw nakita ka nila nang nawalan ka ng malay."
Hindi ako makapaniwala na si Nedd at Athena ang nagdala sakin dito. Dahil nga ex ko si Jedd at nagseselos sa akin si Athena. Pero noon naman iyon.
"Tapatin mo nga ako Kylie buntis kaba?"
"Ano?" Napamulagat ako. Naupo siya sa tabi ko.
"Baka buntis ka? Nahihilo kaba?"
Umiling agad ako pero nilukob ng kakaibang kaba.
"H-Hindi naman siguro.Niregla ako ngayong buwan di'ba? Tsaka ngayon lng ako nahilo."
Huminga sya ng malalim. "Akala ko buntis ka."
"Hindi noh." Umirap pa ako sa kanya.
"Tinawagan mo ba si Clinton tungkol dito?" Tanong ko.
Umiling sya. "Hindi eh, wala akong number niya."
Guminhawa naman agad ang dibdib ko. Ayoko kasing istorbihin siya. Lalo na't madami syang ginagawa sa kompanya nila.
Kinagabihan nagtaka ako kung bakit hindi natetext sa akin si Clinton. Sobrang buryo ko ay nagbihis ako ng dress at nagtext kay Jenn na magkita kami sa Nitelite. Minsan lang naman to e. Hindi naman ako magpapagabi.
Naglalagay ako ng lipstick sa labi ng magring ang cellphone ko. Napalundag ang puso ko ng pangalan ni Clinton ang lumabas doon.
"Where are you?" tanong niya sakin.
Nangunot ang noo ko dahil tila galit sya sakin.
"S-Sa condo bakit?"
Ilang minuto siyang natahimik sa kabilang linya.
"I saw the pictures Nicole."
puno ng diin ang kanyang boses sa pagbigkas nun.
Nangunot ang noo ko. "Anong pictures Clinton?"
Napamura sya sa kabilang linya.
"I don't know what to say Nicole. I am fucking so stress about the company.Tapos may makikita akong pictures mo na kasama si Jedd? What the fuck Nicole!" namamaos niyang sinabi mukhang nagpipigil at nakarinig ako ng pagkabasag sa linya niya.
Napakurap kurap ako at napamaang sakanyang sinabi. Anong si Jedd? Anong pictures?
"C-Clinton, I don't know what you're talking about! Anong pictures?!" garalgal na ang boses ko dahil sa pinaghalong emosyon.
"Tangina! Someone sent me a pictures of you! Karga karga ka ni Jedd Nicole!Papasok mismo sa condo mo! Tangina! Ano ba ako sayo huh? Bakit mo nalang ako palaging sinasaktan ng ganito? First time kong magseryoso pero-- fuck!" may narinig muli ako ng pagkabasag.
Halos yupiin ko na ang cellphone ko dahil hindi ko alam kung anong pictures yon! Kung ang ibig niyang sbihin ay yung kanina nang nahilo ako kasama naman namin si Athena na girlfriend ni Jedd eh!
"C-linton l-look." napasabunot na ako sa buhok ko dahil nafufrusrate na ako. Hindi iyon totoo! Kung sino man ang nagpicture nun at pinasa kay Clinton hindi ko alam ang motibo niya.
"Hinatid lang ako ni Jedd dito sa Condo okay?"
"Hinatid? Fuck it!"
"Clinton kasi. . . let's talk.Pag usapan natin to."
"You two are fucking so sweet in the picture. Yakap yakap mo pa siya." He said.
"Ano ba, let me explain! Lets talk ,pwede?"
"You think kaya kong makita ka ngayon? I am fucking jealous and mad Nicole! You know me."
Napapikit ako ng mariin dahil sumakit na naman ang ulo ko.
"Fine.Nitelite tonight." walang emosyon niyang sinabi at pinatay ang tawag.
Sobrang ramdam ko ang sakit ng dibdib ko na tila pinupunit. Hindi ko na magawang isipin kong sino ang nagpadala nun kay Clinton. Ang gusto ko lang ay makausap na siya ngayon.
Pagkatapos kong mag ayos ay nag drive ako papuntang Nitelite. Alam kong hindi niya kayang makipag usap kapag galit siya. Dahil nananakit siya kapag galit.Hindi niya naman ako nasaktan ng pisikal pero may binubuhusan siya ng sama ng loob. Nagbabasag siya at nanununtok ng gamit. Kaya siguro naisip niyang sa Nitelite nalang dahil baka nandoon ang pinsan niya at may tao. Atleast he will control his anger.
Maraming tao pagpasok ko. Hindi ko magawang bumati sa mga bumabati sa akin . Nakikipagsabayan ang kabog ng dibdib ko sa lakas ng music dito sa loob.
Agad kong tinungo ang palaging pwesto namin ni Clinton .Sa kabilang mesa ay kita ko si Brandon at Jenn.
Sa palaging puwesto nila nakita ko si Clinton mag isa. Nangunot ang noo ko ng may hawak siyang sigarilyo at seryoso ang mukha na nakatuon sa inumin ang kanyang tingin.
His aura really gave me shivered. Nilagok niya ang beer sa harap niya at nakita ko ang pag galaw ng adams apple niya.
Dahil sa kaba hindi ko magawang lumapit kaya doon muna ako sa table nila Jenn.
Napatingin agad sa akin si Jenn ng umupo ako sa tabi niya na kaharap si Clinton . Nasa madilim siya na parte kaya hindi ko alam kung nakikita niya ako.
"Oh kylie! Nandon si Clinton oh!" nginuso niya si Clinton kaya napayuko ako at pinisil ang kamay.
Kinwento ko kay Jenn ang nangyari kaya kahit siya nagtaka kung sino ang nagpsa ng pic kay Clinton. At bakit hindi daw kasama si Athena sa kuha? Dahil wala namang binanggit si Clinton.
Kilala ko si Clinton hindi siya nagsisinungaling. Mas paprangkahin ka pa nga niya kaysa magsnungaling siya. Nasa taong pumasa nun ang lahat na sisi. May motibo talaga siyang magkasira kami ni Clinton!
"Lapitan mo! Tell him!" udyok sa akin ni Jenn kaya napapatingin ako doon.
Nang tumingin ako agad nagtama ang aming paningin. Kanina pa pala siya sa akin nakatingin.
Halos mabilaukan ako ng sariling laway. Tatayo na sana ako ng makitang may grupo ng kababaihan sa kabilang mesa na tinutulak ang isang babaeng pamilyar sa akin.
Nangunot ang noo ko ng doon siya pumunta kay Clinton na tila nahihiya. Tiningnan siya ni Clinton ng malamig tila hindi interesado sa kanya.
Pero mas kinagulat ko ng unti unti siyang lumapit kay Clinton at hinalikan niya ito sa labi. Lumaki ang mata ko sa bigla at unti unting nilukob ng kakaibang kirot ang aking puso.
Napamura rin si Jenn sa aking tabi at nag hiyawan pa ang mga grupo ng babae na nagtulak sa babaeng humalik kay Clinton.
Akala ko yun na pero mas may ikakagulat pa pala ako ng makumpirmang si Shan Shan ang humalik kay Clinton.
"Fuck! Ang transferee yan di'ba?! Si Shantal Dimaano! Walang hiya naman o!"
Tila umecho yung sinabi sakin ni Jenn at naalala ko ang sinabi noon sakin ni Cassy na ang first love ni Clinton ay bumalik na.
Damn it! Shan shan at Shantal ay iisa! Mas malala pa 'eto sya sa harap ko at hinahalikan si Clinton.
Akala ko ito na ang climax ng eksena hindi pa pala.
Hihiwalay na sana si Shantal sa halik pero nakita ko mismo ang pag hawak ni Cinton sa batok niya at mas laliman ang halikan nilang dalawa.
"The fuck?!" mura ni Brandon sa nakita.
Agad akong niyakap ni Jenn at pilit iniwas ang aking tingin pero hind ko ginawa.
Gusto kong tingnan ang halikan nila. Gusto kong damhin kung paano ako nasasaktan na tila gusto ko ng mamatay dahil sa sakit.
Unti unting nalaglag ang aking luha na hindi ko na pinunasan.
Parang gumuho ang aking mundo pero pinilit ko paring tumayo.
"K-Kylie." hinawakan ni jenn ang kamay ko.
Pinunasan ko ang luha kong panay ang daloy.
"U-Uuwi na a-ako," pinilit kong ngumiti habang dumadaloy ang aking luha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co