Chapter 24
Chapter 24
Fuck You
Halo halo ang aking nararamdaman pero nalalamangan ng galit.
Hindi ako umuwi sa aking condo. Dito ako nanatili sa condo ni Jenn. Ayokong umuwi dahil sa posibilidad na baka puntahan ako ni Clinton doon. Kung sakali man.
Umagang umaga ng pangalawang araw ko dito sa condo ni Jenn nang dalawin ako ng pagsusuka. Parang kinakalikot ang aking tyan kaya tumakbo ako patungong banyo at nagsuka bowl.
"Kylie are you okay?" pag aalalang tanong ni Jenn at hinagod ang aking likod. Naluluha ako sa sobrang pagsusuka at tila nagkasugat ang aking lalamunan sa pagsuka na puro tubig naman ang lumabas.
Hapong hapo ako nang humilig sa sink at naghilamos.
"A-Ang sama ng pakiramdam ko Jenn."
Huminga sya ng malalim at inabutan ako ng tubig.Kinuha ko iyon at ininom.
"You're pale Kylie. Nangayat ka din. I think you're pregnant."
Dumagundong agad ang kaba ko sa sinabi ni Jenn at tila dumaloy sa aking mga ugat ang kaba na iyon at naramdamang kakaibang pulso sa aking tyan.
Oh no.
Suminghap ako at tinignan si Jenn.
"We did'nt used protection Jenn. P-Pero hindi ko alam na mabubuntis agad ako."
Hinila niya ako papuntang kwarto at pinaupo sa kama.
"Maligo ka at magbreakfast. Sasamahan kita sa OB gyne. Patingnan natin ang tyan mo. At kung gusto mong kausapin si Clinton para mag explain. May alam akong paraannisama natin si Jedd at Athena. "
Umiling na agad ako sa kanya.
"A-Ayoko, walang hiya siya para makipag halikan sa harap ko! Kung aakalain niya na iiyak ako at mag makaawa sa kanya, he's fucking wrong! I'll show him kung gaano ako ka kawalan sa kanya. " napakuyom ako sa kamao ko dahil sa galit.
"Ang kapal rin ng Shantal naiyon. Akala ko kung sinong mabait. Naku ha. Duda ako sa kanya. Baka sya ang nagpadala ng pictures kay Clinton! Enidit niya pa talaga huh!"
Kinwento ko kasi kay Jenn ang pangyayari kung paano ko nakilala si Shantal. Well, I don't care anymore.
Wala na tayo sa panahong Maria Clara ngayon. Kung nakuha man ya ang virginity ko? Hindi ako maghahabol. Ang dami pang lalaki dyan.
Pagkatapos mag breakfast ay nag bihis na kami ni Jenn. Nauna akong magbihis kaya hinintay ko siya dito sa sofa. Habang maghihintay ay tiningnan ko ang cellphone ko na dalawang araw nang patay. Huminga ako ng malalim at ini on iyon para makapag facebook ako.
Nang ma on na. Halos sunod sunod na message ang pumasok at two hundred na misscalls, at one hundred messages. Puro kay Clinton iyon.
Halos lumukot ang puso ko sa sakit at nangilid ang aking luha.Hindi ko na iyon tiningnan lahat at diretso kong dinilete iyon.
Habang nag sscroll ako sa facebook ay may nabasa akong tabloid tungkol sa kompanya nila Clinton.
Nabasa ko na winithdraw raw ng stockholders at clients nila ang mga stocks nila sa Highland Company dahil daw sa pag papabaya na ng kanilang CEO na si Clinton. Dahil daw doon ay sinuko ni Clinton ang pagiging CEO sa kanyang ama na si Rogue Montemayor.
What? Hindi na siya ang CEO? Ano kayang kabaliwan ang iniisip niya?
Wala ako sa sarili nang papunta kami ng hospital. Sobra sobra ang pasalamat ko kay Jenn na hindi niya ako pinabayaan. Ayoko din kasing abalahin si Nathalia dahil buntis siya.
"Kylie, kasama pala natin si Jedd. Hinihintay niya tayo sa hospital."
Nangunot ang noo ko at napabaling kay Jenn na nagmamaneho. "Bakit?"
"Sorry. Pero tingin ko kailangan niyo mag usap ni Clinton."
"What the fuck! Anong pag iisip yan Jenn?!" himutok ko at napasabunot sa sariling buhok.
"Ayoko siyang makausap! Sapat na iyong nasaktan na ako ng harap harapan!"
Napakagat labi si Jenn.
"I'm sorry okay? Pero ginagawa ko to para sayo at natawagan ko na din si Clinton. Mag uusap lang kayo. Hindi ka naman makikipag balikan sa kanya eh di'ba?"
Napailing nalang ako sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay sasabunutan ko siya pero ngayon parang hindi ko magawa. Nanlalata ako sa nga nangyayari.
Papasok sa clinic ay konti lang ang pila. Nakita rin namin si Jedd na naka abang na doon. Nagpapasensya siya sa nagawa niya pero alam ko naman na wala siyang kasalanan. Hindi daw nakasama si Athena dahil maselan din daw ang pag bubuntis nito.
Sinamahan ako ni Jenn sa loob. Hiniga ako sa isang maliit na kama. At itinaas ang aking dress.
"T-Teka." naiilang kong pagpigil.
"Miss Hernandez kailan po nating iangat para malagyan ng gel ang tyan mo at malaman natin kung buntis ka."
Hinawakan ni Jenn ang aking kamay. Napapikit nalang ako sa sobrang kaba.
Nang malagyan ng gel ang aking tyan at may nilagay silang bagay doon. Biglang may lumitaw na bagay na pabilog sa 3D na tv sa gilid namin at may narinig kaming heart beat.
Nanlaki ang mata ko at napahigpit ng hawak sa kamay ni Jenn na napatakip ng bibig sa gulat.
"Ayan Miss Hernandez. You're one month and three weeks pregnant! See that small thing? That's your baby." sabi ng OB.
nangilid ang aking luha. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang saya saya ko pero hindi ko maiwasan ang matakot. Kaya ko ba to?
"J-Jenn." dumaloy ang aking luha.Hindi ko mapigilan habang nakikinig sa heart beat mula sa aking tyan.
"Shhh, I'm here.Kaya mo yan." pang aalo niya sa akin.
Halos lutang ako ng palabas kami. Hawak hawak ko ang copy ng 3D picture ng baby ko.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko. Hindi pa ako nakaka graduate! Fuck!
Kasabay na namin palabas si Jedd. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Jenn sa akin.
"Clinton is here." Jenn whisperred. Inangat ko ang tingin. Kumabog ang dibdib ko nang makita siyang nakahilig sa kanyang kotse na bago. Naka white t shirt siya at nakaitim na pantalon. Nakasuksuk sa dalawang bulsa ang kanyang kamay. Nakayuko siya pero nang maramdaman ang presenya namin ay umangat ang tingin niya.
Halos pumutok ang kanyang t shirt dahil sa kanyang biceps at abs na bakat na bakat.
Doon ko lang napansin ang kanyang pasa sa mukha. Sa gilid ng mata at sa labi. May benda din ang kanyang kamao. God. Ano bang ginawa niya?
Umiwas ako ng tingin ng hindi ko makayanan ang kanyang tingin.
"Ayoko siyang kausapin." walang ganang sabi ko at agad tinungo ang aming kotse.
Pero bago ko iyon binuksan ay hinila niya ang braso ko. Hindi ko na nakayan umigkas na ang kamay ko at sinampal siya.Lumapit sa gilid ko si Jedd at Jenn.
"Kylie. " saway ni Jenn.
Pero hindi ko siya tiningnan dahil napukol lang ang tingin ko kay Clinton.
"Bakit ka nandito?"
Seryoso siyang nakatingin sakin at pate kay Jedd.
"Bakit nandito siya?" Imbes ay tanong niya sa akin.
I scoffed mockingly.
"Pake'alam mo? Nasura kaba sa mukha ni Shantal na first love mo at ako naman ang trip mo ngayon? Sorry ha. Wala na akong pakealam sayo ngayon kaya wag mo'kong kausapin!"
His veins flexed. Halatang nagpipigil ng galit. "Let's talk. Alone. "
Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. Nakita ko pa kung paano niya hagudin ng tingin ang aking cleavage.
Gusto ko siyang sampalin ulit!
"Wala na Clinton. Wala na tayong dapat pag usapan. Dahil ng oras na lumapat ang labi mo sa labi ni Shantal doon palang. . . tapos na tayo."
"Hindi pa tayo tapos Nicole.Let's talk!" Hinila niya ang kamay ko kaya halos madapa ako.
"Shit Clinton! Dahan dahan! She's pregnant!" Nabulalas bigla ni Jenn.
Halos takpan ko ang tainga ko sa inis. Tila na tuod si Clinton sa narinig.
Umigting ang bagang niya at hinila ako.
"Sinong ama? Siya ba huh?" tinuro nito si Jedd.
Napamulagat ako sa kanyang bintang.
"E gago ka pala e!" Bago ako maka react ay sinuntok na ni Jedd si Clinton. Halos hindi man lang umurong si Clinton at napagilid lang ang mukha.
Pagak siyang tumawa at ang sugat sa labi niya ay muling nagdugo. Kinwelyuhan niya agad si Jedd at halos umangat ang katawan nito.
"Wa'g na wa'g mong hahawakan ang pag mamay ari ko! Naintindihan mo?" nanggagalaiti na sinabi ni Clinton at nakita ko kung paano manginig ang kanyang kamay na naka kwelyo kay Jedd.
"Tama na! Tama na!" awat ni Jenn. Habang ako ay parang hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Padarag na binitawan ni Clinton si Jedd. At tinignan ako.
Humakbang siya palapit sakin pero umatras ako at umiling.
"Please h'wag kang lumapit sakin."
garalgal na ang boses ko dahil gusto kong umiyak.
"Ayusin natin to.We need to talk. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sayo at nagsisisi ako Nicole. Nagpadala ako sa galit ko. Nasa punto na ako na kahit saktan mo pa ako ulit ng ilang beses ay hindi na ako magagalit. Bumalik kalang sakin." paos niyang sabi sakin at hinaplos ang aking pisngi.
"Araw araw ako sa condo mo at hinihintay ka para makahingi ng tawad. " agad niyang binaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Wa'g mokong pansinin.Saktan mo'ko. Basta wa'g kang lumayo please.."
Dumaloy ang luha ko pero pinilit maging matatag.
"Kahibangan. Masarap pakinggan pero hindi ako hangal para bigyan kapa ng pagkakataon. Masakit? Umpisa palang yan. Dahil kay dali mong husgahan ako at hindi mo binigyan ng panahon magpaliwanag. Hindi din kita bibigyan ng pagkakataon maging ama sa aking anak." puno ng diin ko na sabi sa kanya.
"You can't do that." his jaw clenched.
Tinaas ko ang kilay ko.
"Hinding hindi mo na ako makikita. Ayan,"
Ibinigay ko ang 3D copy ng baby namin.
"Itago mo. Dahil hanggang dyan mo nalang mahahawakan ang anak ko. . .natin."
"Try then.Kung makakatakas ka sakin Nicole. Kahit saan ka pang lupalop magtago. Hahanapin parin kita. Kaya wa'g mo nang subukan."
Sobrang naiinis na ako sa kanya . Tumingkayad ako upang maabot ang tainga niya at bumulong.
"Fuck you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co