Chapter 25
Chapter 25
Remembrance
Walang oras na hindi ko siya naiisip. Ang saklap pa kasi hinahanap hanap ko ang amoy niya.
"Jenn m-may perfume kaba na panglalaki jan? Y-Yung kapareho kay C-Clinton?" nahihiyang tanong ko. Iniimagine ko palang yung amoy niya naglalaway na ako.
"Seriously? Hindi ko nga alam yung amoy niya." nagliligpit si Jenn ng kanyang gamit. Kakatapos lang namin kumain at wala akong balak lumabas.
"C-Calvin Klein yung perfume niya." naiiyak kong sabi at humiga sa kama.
" Sabi ko na mahirap maglihi. Kahapon pinagluto mo ako ng tinolang manok na walang manok tapos ngayon ang perfume naman ni Clinton? E' kung tawagan ko kaya siya?" akmang kukunin niya ang cellphone niya pero pinigilan ko na.
"Baliw kaba? E' ayoko ngang makita yung mukha niya. Nakakasura!" nandidiri kong sabi dahil iyon naman ang totoo. Binlock ko sya sa contacts ko. Lahat ng pictures niya binaon ko sa trash bin ng photos ko.
Napangisi siya. "God! Naglilihi ka at si Clinton ang pinaglilihian mo."
"No way!" ungot ko.
"Yes way!"
Buong araw ay sa kwarto lang ako ni Jenn. Humihiga at bumabangon pag nasusuka. Hate na hate ko talaga tuwing umaga at kapag marami akong kinain pero isusuka ko naman agad.
Kakagising ko lang kinahapunan. Wala si Jenn dahil may date sila ni Brandon.
Naalala ko na naman yung huling pagkikita namin ni Clinton. Palagi kong naiisip kung ano na ba ang ginagawa niya? Pero sa 'twing naiisip ko ang halikan nila ni Shantal naiinis ako.
Kinapa ko ang aking tyan at hinaplos.
"Baby sorry kung nagiging emosyonal si mama ha? Kasi ang papa mo ang babaero eh. Naiinis si mama sa kanya." kinausap ko ang aking tyan. Sabi kasi ng OB mas maganda kung kinakausap ng baby at kinakantahan. 'Tsaka maganda kapag nakakalanghap ng sariwang hangin.
Pakiramdam ko nag iisa ako at walang kakampi. Isang tao lang ang naalala ko na baka masasandalan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama. Matagal tagal na din kaming walang komunikasyon.
Tatlong ring pa bago niya sinagot.
"Oh hello?" parang walang interes niyang sagot. Napalunok ako at kinabahan.
"Hi m-mama kamusta?"
"Mabuti naman. Ikaw dyan?" pabalik niyang tanong.
Napangiti ako dahil kahit paano natanong niya ako ng ganon.
"I'm fine ma. P-Pero may problema kasi ako." namamawis ang aking kamay sa kaba.
"Ano naman?"
"Mah, ano kasi. . . b-buntis ho ako." napapikit ako ng ilang segundo pa siya bago nakasagot.
"Y-You're such a disgrace Kylie Nicole!! How? I-I don't know what to say! Ano nalang ang sasabihin ng mga amiga ko diyan at ng mga tita mo? Are you thinking?!"
Pumatak ang luha ko at natakpan ang bibig na nanginginig. Bakit ang hirap sa kanila na intindihin ako? Anak niya naman ako ah.
Nalulukot ang dibdib ko na parang pinipiga. Sa katulad kong dalagang magiging ina ay kailangan ng kaagapay ng isang ina na may alam. Pero bakit ganito? Alam ko naman na kasalanan ko.
"M-Ma I need you.Kahit ngayon lang." hikbi ko at suminghap.
"Ilang buwan na iyan?" imbes ay tanong niya.
"M-Magdadalawang buwan po."
"Ipa abort mo. Dugo palang yan! Sa oras na lumaki pa yan ay mahirap na ipalaglag! Kung ayaw mong maging dalagang ina! Ipalaglag mo!"
"W-What are you saying ma? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" sumikdo ang galit sa dibdib ko dahil imbes na tulungan niya ako at maging ina sya sakin ito pa ang sasabihin niya?
"Wa'g mong ipahiya ang pamilya natin Kylie! Hindi mo ba naisip gumamit ng proteksyon bago magpagamit sa lalaki mong iresponsable?"
Uminit ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Parang hindi ko siya ina!
"Mas mabuti nang maging dalagang ina mama kaysa magpalaglag para matawag na dalaga! Ayokong patayin ang baby ko! Kung iniisip mo na kahihiyan ako puwes itakwil mo ako! Wala akong pake! Dahil ngayon palang itinatakwil na kita bilang ina!"
"Abat-!"
Agad kong pinatay ang tawag at napasabunot na umiyak. Noong isang araw lang ng tumawag ako kay Natalia. Parang gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil nasabi kong gusto kong magpalaglag. Pero bawat araw na lumilipas na gumigising sa umaga at nararamdaman ko siyang tumitigas sa aking tyan ay nasisiyahan ako. Alam kong mali na naisip ko iyon pero hinding hindi ko iyon gagawin.
Muli kong kinuha ang cellphone ko at wala ako sa sariling tinawagan si papa na sinagot nito agad.
"Hello anak." narinig ko palang ang boses ni papa ay pinipiga na ang puso ko. Parang naka hanap ako ng kakampi.
"P-Papa."
"Anak,are you crying?"
"Pa b-buntis ako." muling nasundan ng hagulhol iyon.
Natahimik siya sa kabilang linya. Alam kong gulat din sya.
"Si Clinton ba ang ama?" may timpi sa boses niya.
"Opo papa."
"Kung 'ganon bakit ka umiiyak?" napatigil ako sa iyak sa narinig.
"H-Hindi po kayo galit?"
"Bakit ako magagalit? Alam mo ba na ang mama mo ay nabuntis sayo seventeen palang siya?"
Gusto kong umirap at singhalan si mama kung nasa tabi ko lang siya. Ang lakas ng loob niyang sabihan ako na ipalaglag dahil ang bata ko pa? Tapos sya pala seventeen nga nabuntis!
"A-Anong gagawin ko papa?"
"Let me talk to your boyfriend." pinal na aniya sakin.
"We're not in good terms pa. I don't wanna see him."
Huminga siya ng malalim. "Susuportahan kita anak. Sinong nag aalaga sayo diyan?"
"Kaibigan ko ho. Sorry papa hindi na ako nakapag tapos."
"Alam ko anak. Wala akong karapatan na pagalitan ka dahil alam ko sa sarili ko na malaki ang pagkukulang ko bilang ama mo. Pero alalahanin mo anak wala man ako sa tabi mo ngayon palagi kitang pinagdarasal at nag aalala ako sayo. Kaya nga ako nagtatrabaho ng mabuti para ibigay lahat ng gusto mo."
Walang humpay sa pagdaloy ang aking luha dahil nakahanap ako ng kaagapay. Para sa buntis na kagaya ko kailangan ko iyon.
"Salamat papa.. "
"I am worried about your condition hija. Alam mo may hacienda ang tita Magda mo sa Tagaytay di'ba? Sariwa ang hangin doon anak at madaming bulaklak at prutas sa hacienda. Matandang dalaga ang tita mo kaya sasaya 'yun kung kasama ka."
Tila nabuhayan ako sa sinabi ni papa. Pakiramdam ko natapon lahat ng pasan ko sa aking isipan ilang araw na nagdaan.
"Are you sure? E' paano si Clinton?" tanong ni Jenn habang naghahapunan kami. Bukas ang alis ko patungong Tagaytay.
Makakapagdrive naman ako kahit buntis.
"Ayoko muna siyang makausap o makita Jenn."
"Don't you think unfair iyon sa kanya? Nilalayo mo ang baby mo sa kanya. Dapat pahirapan mo siya at pahanap mo ang pagkain na gusto mo."
Umiling ako at natawa.
"Mas pipiliin ko pang hindi makita ang pagmumukha niya Jenn."
Umismid siya at napatingin ulit sa cellphone niya at biglang tumili kaya halos masamid ako sa gatas na ininom.
"Ano ba Jenn!" umubo ubo pa ako.
"Oh my god! Your Clinton is oh so hot talaga Kylie!" kinikilig na sabi niya at pinakita sakin ang cellphone.
Nag fifacebook pala siya. Nakita kong nakatag si Clinton sa isang stolen shot ng isang babaeng crush siya. Marami namang nag ka crush kay Clinton at tina tag sya sa mga stolen na pic niya galing sa admirers niyang malalandi.
Wala na ang dating buhok niya. Ngayon naka semi kalbo na siya.Hindi yung sobrang kalbo ha. Medyo lang pero umiksi iyon kumpara nung kailan. Naka shave ang kaliwang bahagi nito na may ahit.
Sa pictures ay nakasando siyang itim at pantalon na butas butas. Nakasilip sa sando niya ang tattoo niya sa dibdib. Bakat na bakat ang kanyang mga muscles. Napakasuplado niya sa pictures na ito at inaamin ko na sobrang badboy niyang tingnan. Nakakalaway.
Nasa bar siya at nakapatong sa sandalan ng sofa ang braso sa pictures ay puro pinsan niya ang kasama niya si Sebe lang ang wala.
"Baso bes oh, tumulo laway mo e." natauhan ako sa sinabi ni Jenn kaya inirapan ko siya.
"Isave mo at ipasa sakin." Utos ko dito na ikinangisi niya.
Atleast , pang remembrance bago ako umalis bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co