Truyen3h.Co

Keegan Dela Cerna

CHAPTER 01

Maribelatenta

Huwag na huwag kang magmamaneho kapag lasing ka dahil baka madisgrasya ka.. Pero hindi 'yon magagawa ng tatlumpu't isang taong gulang na si Keegan Dela Cerna. Madalas siyang magmaneho ng lasing, lalo na kung galing siya sa bar ng kanilang pamilya. His family owns dozens of bars here in Palermo. At siya ang inatasan ng panganay nilang kapatid para mag-manage no'n. Pero may araw talagang napapainom siya, at isa ang araw na 'yon ngayon. It's past two in the morning, and he's going home now to his house in Kapangan, one of the municipalities here in Palermo. Isang oras ang layo nito mula sa bar nila. Dela Cerna owns this high-end bar called Urban Oasis; it's a relaxing escape within the city. At sa buong probinsiya nila, ito talaga ang masasabi mong bar na pinaka-maganda at hindi pipitsugin.

Pero habang nasa daan si Keegan at minamaneho niya ang sasakyan niyang Maserati Granturismo, may nakita siyang babaeng tumatakbo sa gilid ng kalsada. At animo'y may humahabol dito. Kaya naman nagdahan-dahan din siya ng andar dahil nagtataka siya kung ano ang nangyayari, lalo pa't pasado alas dos na ng madaling araw.

  Lakad takbo naman ang ginagawa ng dalawampu't isang taong gulang na si Jimvee, kahit wala naman sa kanyang humahabol ay talagang tumakbo siya. Tumakas siya sa bahay nila lalo na ng malaman niyang ipapang-bayad siya sa utang ng kanyang tiyahin. Kinulong na nga siya nito sa bahay tapos 'yon pa ang gagawin nito sa kanya? Natural hindi siya papayag, tama na ang pagkulong nito sa kanya ng pitong taon. Pero sa kakatakbo niya ay hindi niya napansin ang isang bato na dahilan para madapa siya. 

Hininto naman ni Keegan ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada ng makita niyang napahandusay ang babae. Pero bago siya lumabas ng kanyang sasakyan ay kinuha niya muna ang baril niyang lisensyado na nakalagay sa compartment ng kanyang sasakyan. 

   "Hey, hey do you need help? Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Keegan ng lapitan niya ang babae. Nakadapa ito sa lupa at hindi na bumangon pa.

Lumingon-lingon muna siya sa paligid dahil baka mamaya ay may ibang tao dito at carnapping pala ang totoong pakay. Pero wala naman siyang nakita, kahit bahay nga na malapit ay wala din. Kaya hinawakan ni Keegan ang babae sa braso.

"T-Tulong.. Tulungan mo ako." Mahina ang boses na sabi ni Jimvee na nakahawak sa kanyang tiyan.

Keegan was shocked after a few seconds when he saw the face of the woman lying on the ground. Hindi niya alam kung balat ba ang nasa mukha nito dahil malaki 'yon. It's like patches on her skin, pero nang bumaba ang tingin niya kung nasaan ba ang kamay nito ay doon niya nakita na may dugo ang bandang tiyan ng babae. And if he was not mistaken, this was a gunshot. Kaya nagmadali siyang isinuksok ang baril na hawak niya sa kanyang tagiliran at binuhat ito.

Sa ospital sa bayan ng Kapangan niya dinala ang babaeng tinulungan niya. He may be tipsy because he really drank at his bar, but he truly helped a woman he saw on the road. He doesn't know what's wrong with her, kung ano ba ang nangyari dito at kung ano ba ang sakit nito. Her medium skin tone has this white patch. At hindi lang pala sa mukha nito, kundi pati na sa kamay at braso ay mayroon din. Pero higit sa lahat, ang pinagtataka niya ay kung ano ba ang nangyari dito dahil nga may tama ng baril. But one thing is for sure, the woman needs help.

Halos isang oras ang lumipas bago natapos ang operasyon kay Jimvee. Tinanggal ang bala sa may tiyan niya. Samantalang si Keegan naman ay hindi agad umalis sa ospital. There's something inside him that wants to know if she's okay before he leave. May dumating ding mga pulis para imbestigahan ang babae, pero dahil wala itong pagkaka-kilanlan ay hindi malaman ng mga pulis kung ano ang pangalan nito o kung taga-saan ito. Keegan just told the police where he saw the woman, at sinabi naman ng mga pulis na hihintayin na lang ang tawag ng ospital kung may malay na ba ang babae para ito mismo ang matanong.

    Siya, siya ang tumulong sa akin! Siya 'yong nakita ko bago ako nawalan ng malay! Sabi ni Jimvee sa sarili ng makita niya ang isang lalaki na nakaupo sa tabi niya. Alam niya agad na nasa ospital siya dahil nakita niya ang kamay niyang may dextrose.

   "Finally your already awake. Are you feeling well now? Nasa ospital ka at ako ang nagdala sa 'yo dito. Inoperahan ka ng mga doktor at tinanggal na nila ang bala na tumama sa may tiyan mo." Keegan said as he felt relieved because this woman was already awake. It's 6 o'clock in the morning now, and yes, he didn't leave her here in the hospital. Pero ngayong gising na ang babaeng tinulungan niya kanina, ay puwede na siyang umuwi.

Pilit naman akong bumangon pero napa-igik na lang ako ng maramdaman ko ang sakit sa may bandang tiyan ko. At ng hawakan ko nga 'yon ay may nakapa ako na parang may nakatakip doon. At iba na din pala ang suot ko, at hindi akin 'to.

"Don't move, baka bumuka 'yang sugat mo." Sabi ni Keegan na inalalayan pa talaga ang babae na makabalik sa pagkakahiga. Halos kalahating oras na din siya nandito sa kuwartong pinag-dalhan dito. And now he knew she was really different because even her legs had a white patch. And he didn't know why it was like that.

Pero kahit makirot ang bandang tiyan ko ay pinilit ko pa din bumangon. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ko 'yon. Hindi ako puwedeng magtagal dito dahil baka masundan ako ng tiyahin ko. At ayoko ng bumalik sa bahay na 'yon, sa bahay kung saan ako kinulong. "T-tulungan mo ako parang awa mo na. Tulungan mo ako." Parang maiiyak na sabi ko sa kaharap kong lalaki. Hindi ko siya kilala pero ramdam ko na siya ang makakatulong sa akin.

Nagsalubong naman ang may katamtamang kapal na kilay ni Keegan dahil mukhang hindi pa siya makakauwi ngayon.

This story is pay to read and now on going on Patreon and vip group. Only the first 2 chapters will be posted here on wattpad! To join you can dm me on my fb page. (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co