CHAPTER 02
"I can't believe this.." Keegan shook his head after he heard her story. Hindi niya kilala ang babaeng kaharap niya maliban sa pangalan nito na Jimvee. At hindi din siya sigurado kung totoo ba ang pangalan na binigay nito sa kanya. Pero ang marinig ang kuwento nito ay parang hindi niya maisip na totoo. Dahil uso pa ba 'yon sa panahon ngayon?
"A-Ayoko ng bumalik do'n, d-dahil hindi lang ito ang gagawin nila sa akin panigurado." Sabi ko sa lalaking nag-ngangalang Keegan. Mukha siyang masungit at antipatiko lalo na kapag nagsasalubong ang kilay niya na medyo makapal. Pero tinulungan niya ako hindi ba? Kaya sigurado ako na may mabuti siyang puso, na mabuti siyang tao.
"I can't help you okay, I just did what should I did, tinulungan na kita at dinala dito sa ospital and for me that was enough." Ani Keegan, hindi niya ito puwedeng iuwi sa bahay niya at magpaka-good samaritan. Tama na ang pagtulong na ginawa niya dito kanina kaya dapat na siyang umalis at bahala na ang pulis mag-resolba ng kaso nito. "Police will go here, at kung kailangan mo ng tulong ay sa kanila ka humingi no'n."
Napayuko na lang si Jimvee, nalulungkot siya dahil para sa kanya ay gusto niyang takasan ang kapalaran niya. Ayaw niya ng maranasan na ikulong ng kanyang tiyahin sa bahay nito kung saan animo'y para siyang may nakakahawang sakit at dapat pandirihan. At siguro nga malas talaga siyang tao dahil sa itsura niyang ito at pagkakaroon ng vitiligo ay walang gustong mag-aruga sa kanya at tumulong. Kung ang mismong kamag-anak niya nga ay ayaw sa kanya paano pa ang ibang tao?
"S-Sige, m-maraming salamat na lang Keegan." Sabi ko sa kanya at nginitian siya ng pilit. Dapat ko na lang siguro ipag-pasalamat na tinulungan niya ako. At hindi na humingi pa ng kung ano mang tulong. Pero kapag dumating 'yong pulis na sinasabi niya ay siguradong malalaman ng mga ito ang tungkol sa tiyahin ko at baka ibalik nila ako doon. Kapag nangyari 'yon ay siguradong gagawin na talaga nito ang gusto niya sa akin, at baka nga mabugbog pa ako dahil sa ginawa kong pagtakas.
Napa-igting naman ang panga ni Keegan ng makita niyang parang maiiyak ang babae. Napag-alaman niyang dito lang din pala ito sa Kapangan nakatira, at ang bumaril daw dito ay ang asawa ng tiyahin nito. Kaya pala may mga galos din ang tuhod nito ay dahil sa bintana pala ito dumaan. Pero dahil nakita nga itong tumatakas ay binaril nga daw ito, pero kahit nabaril na ay nagawa pa din nitong tumakbo kaya nakita niya ito sa tabing kalsada kanina.
"Alam ko naman na ibabalik lang ako ng mga pulis sa tiyahin ko, at sino nga ba ang taong tutulong sa akin? Kung ganito ang itsura ko. Pero maraming salamat talaga Keegan, ang laki ng utang na loob ko sa 'yo." Sabi ko ulit sa kanya ng hindi ko siya marinig na nagsalita at nakatingin lang sa akin.
"Fine, fine tutulungan na kita." Biglang sabi ni Keegan lalo pa at sa tingin niya naman at pakiramdam ay nagsasabi ito ng totoo. Hindi niya kasi kaya na makakita ng babaeng umiiyak o maiiyak. Kahit may pagka-salbahe siya ay marunong pa din naman siya tumulong at maawa.
At parang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niyang 'yon. Inabot ko nga ulit ang kamay niya at hinawakan 'yon. "T-Talaga? Maraming salamat! Maraming-maraming salamat Keegan!" Pasasalamat ko sa kanya.
Kilala ni Keegan ang mga pulis na naunang nagpunta dito sa ospital matapos niya ngang ireport ang nangyari sa dalaga. At ito din ang nagpunta kinaumagahan para tanungin mismo si Jimvee sa kung ano bang nangyari talaga dito. Dito ay nakita ni Keegan na takot ang dalaga habang nagkukuwento. At isa lang ang pakiusap niya sa mga pulis at 'yon ay ang wag ipaalam sa kamag-anak nito ang nangyari dito. Nakikita niya kasi kay Jimvee ang asawa ng Kuya Tiago niya na mayroong albinism, pero mukhang hindi gano'n ang kondisyon ng dalaga dahil hindi naman buong katawan nito ang kulay puti. Maging ang buhok nito na hanggang beywang ay hindi rin naman kulay puti kaya sa tingin niya ay hindi albinism ang kondisyon nito. At para malaman kung ano ba ang mayroon sa dalaga ay minabuti na niyang magtanong sa doktor.
"She have a chronic autoimmune disorder called Vitiligo that causes patches of skin to lose pigment of color. And honestly the cause of this condition is unknown until now. But it maybe related to immune system changes, genetic factors, stress or sun exposure. There is no treatment for this, pero hindi naman ito nakakahawa kaya hindi ka dapat mag-alala tungkol doon. Only 1 % of the population have this condition, at 'yong kanya ay generalized dahil hindi lang naman sa isang parte ng katawan niya siya mayroong ganito." Sabi ng lalaking doktor na kausap si Keegan na nandito din sa kuwarto kung nasaan si Jimvee.
"Thank you Doc for your explanation." Sabi ni Keegan, minabuti na niyang magtanong sa doktor kaysa mag-isip pa ng kung anu-ano tungkol kay Jimvee. At least sigurado na siya ngayon na hindi naman pala nakakahawa ang kondisyon nito. At alam na din niya lalo kung ano ba ang paliwanag sa kondisyon na mero'n ito. Ang tanging alam lang kasi nito ay ang pangalan ng sakit nito sa balat.
Nakipag-usap pa ng ilang minuto si Keegan sa doktor habang nakikinig din sa kanila ang dalaga na gising nga. Tiningnan ng doktor ang sugat nito at ng makita nga nito na ayos naman 'yon ay puwede na daw ito umuwi at sa bahay na lang magpagaling. Inumin din daw nito ang mga gamot na irereseta para hindi magkaro'n ng komplikasyon.
"Hindi ko man lahat naintindihan ang sinabi ng doktor kanina ay ang mahalaga alam ko ng hindi nakakahawa ang kondisyon ko." Sabi ko ng makaalis na ang doktor, ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng tsansa na makausap ang isang doktor at talagang naliwanagan ako sa mga sinabi niya sa kanina. Ang buong akala ko kasi ay nakakahawa itong nasa balat ko dahil ito din naman ang laging sinasabi sa akin ng tiyahin ko. Kaya nga hindi din nila ako pinapalabas ng bahay at tumanim sa utak ko na makakahawa ako sa ibang tao.
"Wait, let me ask you a question Jimvee." Sabi ng binata na parang hindi pa alam kung itutuloy niya ang gusto niyang itanong dito.
"H-Ha? Anong sabi mo? Sandali, huwag mo ako masyadong Englishin kasi hindi ako masyadong nakakaintindi."
Doon mas lalong gustong itanong ni Keegan ang nasa isip niya. "Ang sabi mo sa akin kinulong ka ng tiyahin mo sa loob ng pitong taon, pero bago mangyari 'yon ang ibig bang sabihin ay hindi ka nakapag-aral?" Kasi kapag nagsasalita siya ng English ay parang naglo-loading pa sa isip nito ang sinabi niya at iniisip pa yata kung ano ang ibig sabihin niya hanggang sa magtanong na ito sa kanya kung ano ba ang sinabi niya dito.
"H-Hanggang second year high school lang ang natapos ko at hindi na ako nakapag-aral ulit ng kunin ako ng Auntie Helen ko. Hindi niya na din ako pinalabas ng bahay niya simula no'n. Pero marunong naman ako magbasa kahit papaano kasi tuwing umaga ay bumibili siya ng diyaryo at kapag tapos na nilang basahin 'yon ay ako na ang nagbabasa no'n. Kaya nga doon ko nalaman 'yong mga kuwento na bembangan eh."
Bembangan? What the hell? I heard that, narinig ko na ang salitang 'yan sa bartender ko sa bar. And that means sex, so meaning may gano'n sa diyaryo? "I got it, hayaan mo babawasan ko muna ang pagsasalita ng English sa 'yo para magkaintindihan tayong dalawa." Sabi niya na lang dahil nakakaawa pala talaga ito. But at least she can speak and understand him somehow.
"Salamat talaga Keegan, hayaan mo babawi ako sa 'yo oras na gumaling ako." Sabi ko sa kanya dahil ngayon lang ulit nangyari ang ganito sa akin. At pinagkakatiwala ko na ang sarili ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co