Truyen3h.Co

Keegan Dela Cerna

CHAPTER 04

Maribelatenta



Urban Oasis..

Agad kinuwelyuhan ni Keegan ang lalaking costumer ng mailabas ito ng mga bouncer niya sa bar. Hindi lang pala 'yon dahil isang suntok din sa sikmura ang binigay niya dito. Sa tantiya niya ay mga nasa bente singko ang edad nito. He got pissed, kanina niya pa ito nakikita na inom ng inom sa loob ng bar pero 'yon pala ay wala naman itong pang-bayad. 

  "Talagang hindi ka papaawat sa pang-gagago mo ano? Anong akala mo? Drink and run itong bar ko?" Galit ang boses na sabi ni Keegan sa lalaki matapos niya itong suntukin. Kilala niya ito, natatandaan niya 'to. Ito ang lalaking dalawang beses ng nagpunta sa bar niya sa bayan ng Salamanca at nag-order ng nag-order pero sa huli ay hindi naman binayaran. And of course he hate this kind of stunt, ayaw na ayaw niya sa lahat ay 'yong nang-lalamang ng kapwa. Kung gago 'to ay mas gago naman siya dito. 

"Sorry na boss, sorry na boss. Wala talaga akong pera, naubos sa sugal k-kaya wala akong maipapambayad sa 'yo." Sabi ng lalaki kay Keegan. Napapalibutan din sila ng apat na bouncer at alam niyang may kalalagyan siya ngayon sa mga ito. Pero hindi niya naman siguro kasalanan 'to diba? Talagang masarap lang uminom lalo na kung may problema, lalo na kung natalo siya ng malaking halaga sa sugal.

Muling inundayan ng suntok ni Keegan ang lalaki matapos niyang hithitin ang sigarilyong hawak at saka itinapon 'yon. "Wala akong pakialam sa problema mo, uminom ka sa bar ko at kailangan mong bayaran ang mga ininom mo." Sabi niya pa dito bago ito binitiwan.

"S-Sino ka ba ha? Puwede kitang kasuhan dahil sa ginagawa mong 'to sa akin! This is harassment!" Giit ng lalaki na inayos pa talaga ang suot na damit. 

Napangisi naman si Keegan at saka tiningnan ng matalim ang lalaking nasa harapan niya. "Sino ako? Ako ang may ari ng bar na 'to, I am Keegan Dela Cerna." Pagpapakilala niya sa lalaki, at ng marinig nito ang apilido niya ay parang nawala ang tapang nito. Tiningnan niya 'yong mga bouncer na kasama niya dito sa labas. "Kapkapan niyo 'yan, kapag walang pera kunin niyo 'yong susi ng sasakyan niyan bilang bayad niya." Utos niya sa mga ito bago ulit pumasok sa loob ng bar. 

Agad naman sinunod ng mga bouncer ang utos ni Keegan. Kinapkapan nila agad ang costumer na hindi nagbayad sa mga pinag-oorder nito sa loob ng bar kanina. Wala itong pera ng makita nila ang wallet nito. Pero mero'n itong susi ng sasakyan kaya 'yon ang kinuha nila. Kilala na nila ang boss nila, kahit sinabi nito na sasakyan ang magiging pambayad ng lalaki sa kanila ay siguradong babalik ang costumer nilang ito para kunin ito ulit pero babayaran muna nito ang bills nito dito sa bar. 

Kinausap ni Keegan ang manager ng bar niya dito sa branch na ito sa Kapangan. Ayaw niya sa lahat ay 'yong magkaroon ng pasaway na costumer at hindi marunong magbayad. Hindi niya talaga pinapalampas ang gano'n dahil tiyak na uulit-ulitin lang nito ang gano'n sa bar niya. And this happened to him countless time, 'yong iba naglalasing-lasingan pa nga para lang makaiwas sa pagbabayad. 'Yong iba din ay tumatakas, pero lahat 'yon ay nakikita ng mga tauhan niya kaya nasisingil din niya. 

"I have to go now, uuwi na ako, pagod talaga ako at wala pang maayos na tulog." Ani Keegan sa kanang kamay niya sa negosyo na si Ramon. Ito ang kasa-kasama niya lagi sa pag-iikot sa mga bar niya tuwing gabi. Kapag wala din siya ay ito ang naaasahan niya kaya talagang tiwala na siya dito. 

"Wala hong problema Sir, ako ng bahala dito." Alistong sabi ni Ramon sa kanyang boss. Alas tres pa lang ng madaling araw at nagkita nga sila nito kaninang alas dose ng hatinggabi. Akala niya nga ay hindi ito pupunta ngayon pero heto at sumulpot nga ito.

Sumakay na si Keegan sa kanyang sasakyan, he's heading home now. Naka-idlip siya kanina pagdating nila ni Jimvee sa bahay niya. Pero nagising naman siya ng mag-aalas dose ng hatinggabi kaya pumunta na lang din siya dito sa bar niya sa Kapangan. Hindi na din kasi siya panigurado makakatulog dahil nga sanay siya na gising sa gabi. Pero dinapuan naman siya ng antok kaya nagpasya na din siyang umuwi na lang. Kung hindi lang talaga siya siguro pagod ay baka sa ibang branch siya ng Urban Oasis nagpunta. 

Pero pagdating niya sa bahay ay naabutan niya si Jimvee na nasa labas ng kuwarto na pinagamit niya dito. Nakatayo ito at parang naghihintay sa kung ano kaya nilapitan din niya ito agad para tanungin kung bakit ito gising. 

"K-Keegan.." Tawag ko sa pangalan niya at mabilis siyang niyakap. 

Nagulat naman ang binata sa ginawa nito, itinaas din niya ang dalawa niyang kamay ng maramdaman niya na dumikit ang dibdib nito sa katawan niya. And if he was not mistaken he can feel her breast. "W-Wait, anong nangyari? Bakit mo ako niyayakap at bakit nasa labas ka ng kuwarto?"Tanong niya dito ng magawa niyang maitulak 'to ng bahagya. 

"Ang lamig-lamig do'n sa loob. Hindi ako makatulog ng maayos, parang naka-todo 'yong aircon do'n." Sagot ko sa kanya, kanina pa ako nandito sa labas. Siguro mga kalahating oras na, ayoko namang mang-gising ng mga tao dito dahil nakakahiya. 

Napailing at napatawa na lang si Keegan sa sinabi nito. Nang tingnan nya ito ay wala itong suot na tsinelas at nakayapak nga lang din 'to. Kung titingnan mo ng matagal si Jimvee ay masasabi mong maganda ito kahit may kulay puti-puti sa mukha nito na parang balat. "E bakit hindi mo hininaan? O kaya pinatay na lang 'yong aircon sa kuwarto?" 

"H-Hindi ko alam eh, saka baka masira ko pa 'yon kapag pinakialamanan ko." Sabi ko, naisip ko na din 'yon kanina kaya lang baka masira ko. "Kaya lumabas na lang ako, teka saan ka pala galing?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. 

"Sa trabaho, halika na hinaan na lang natin 'yong aircon sa kuwarto mo para makatulog ka na." Sabi ni Keegan dito. 

Gano'n na nga ang ginawa ng binata, pumasok sila ni Jimvee sa loob ng silid nito at saka hininaan ang aircon do'n.

Keegan Dela Cerna is now complete on Patreon and vip group. This is pay to read story. Dm me on my fb page how to join! (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co