CHAPTER 03
"This is my house Jimvee.."Sabi ni Keegan pagkapasok nila sa kanyang bahay. Agad siyang sinalubong ng tatlo niyang helper dito. He already called them, sinabi niyang maghanda ang mga ito ng pagkain nila pauwi na nga siya at may kasama pa. Alas sais na din ng gabi sila nakaalis sa ospital ni Jimvee at talagang wala pa din siyang kain simula kaninang tanghali. He's famish, and he want to eat a good meal for dinner. Baka umiglip lang din muna siya pagkatapos kumain at saka siya mag-iikot mamaya sa mga bar niya. Sa gabi talaga siya gising at sa araw siya tulog. At mas okay 'yong ganito sa kanya dahil hindi mainit sa gabi.
"Ang laki ng bahay mo, ikaw lang ang nakatira dito?" Namamangha kong tanong, ang laki-laki ng bahay niya at animo'y isang palasyo!
"Yes, ako lang saka mga tauhan ko dito." Sagot ng binata na iginiya na ang dalaga papunta sa dining area ng bahay niya. Pinabilhan niya ito ng damit na maisusuot dahil wala naman itong dala na kahit ano. Buti naman at nagkasya ang pinabili niya dahil 'yong damit na suot nito no'ng makita niya nga at dinala sa ospital ay tinapon na pala ng mga nurse.
Sinundan ko lang siya habang pinapalibot ko ang tingin ko sa mga gamit na nandito sa bahay niya. Lahat ay babasagin at mukhang mamahalin, pero ng makarating na kami sa dining area ay nakaramdam agad ako ng gutom sa dami ng nakahandang pagkain sa lamesa. Parang fiesta sa dami! Ang ibig bang sabihin nito ay kami lang ang kakain ng lahat ng 'to?
"Let's eat, you're welcome here in my house Jimvee. Hanggang gumaling 'yang sugat mo ay dito ka lang muna sa bahay ko." Ani Keegan, gaya ng sabi niya ay talagang patutuluyin niya muna ito sa bahay niya. At ang usapan nila ay hanggang gumaling nga ito. May konsensiya pa naman siya kahit papaano. Alang naman iwan niya ito mag-isa sa ospital kung wala naman itong ibang mapupuntahan.
Ngumiti ako, mas lalo akong nakahinga ng maluwag dahil sa kalayaan na nakukuha ko ngayon. Alam kong iniisip niyang para akong ignorante kanina habang pauwi kami dito sa bahay niya. Lalo pa at talagang first time kong makita ang labas dahil nga hindi ako pinapalabas ng bahay ng tiyahin ko. Ang daming mga establishment sa paligid pati mga tao ay gano'n din. Maging 'yong sasakyan niya ay ang ganda din at tingin ko milyon-milyon ang halaga no'n! "Maraming salamat talaga Keegan, kahit paulit-ulit kong sinasabi pero wag ka sanang magsasawa na marinig 'yon sa akin."
"Basta maging mabait ka lang at susundin mo lang ang lahat ng sasabihin ko ay wala tayong magiging problema." Ganting sabi ng binata bago sila kumain.
Dinala ni Keegan si Jimvee sa magiging kuwarto nito sa pangalawang palapag ng kanyang bahay. At the age of 31 he have already his dream home, napatayo niya ito noong bente otso anyos pa lang siya at tatlong taon na nga siya naninirahan dito. Kahit sabihin na siya ang sakit sa ulo ng pamilya niya lalong-lalo na ng mga kapatid niya ay hindi naman ibig sabihin no'n ay wala na siyang pangarap sa sarili. Yes he don't work s, pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na siyang ginagawa sa buhay. Hindi man siya nagtatrabaho ng walong oras gaya ng normal na tao ay may pinagkakakitaan naman siya. He inherit huge amount of money from his parents, at hindi lang pala pera kung hindi ari-arian din. The money his parents leave was equal to them, pero ang lahat ng negosyo ng pamilya Dela Cerna ay talagang ipinagkatiwala ng mga ito sa panganay nilang kapatid na si Luciano. At ito na nga ang nagbigay sa kanilang magkakapatid kung ano bang negosyo ang dapat nilang hawakan. At dahil siya ang pinaka-pasaway at matigas ang ulo ay sa kanya ipinaubaya ang mga negosyo nilang bar sa buong Palermo.
Pero bago niya makuha 'yon ay lihim na niyang ininvest ang perang iniwan ng kanilang mga magulang sa kanya sa iba't-ibang negosyo. That's why every month he get money from his investment and all of his brothers didn't know about it. Ang alam lang ng mga ito ay ginastos niya 'yon sa mga kapritso niya. Hindi din naman kasi niya sinabi sa mga ito saka nakikita naman ng mga ito na talagang tinututukan niya ng husto ang bar nila.
"D-Dito ako matutulog?" Tanong ko ng pumasok kami sa isang kuwarto dito sa itaas ng bahay niya. Parang ang sosyal-sosyal talaga ng bahay ni Keegan dahil sumakay pa talaga kami ng elevator! May hagdan na tapos may elevator pa!
"Yes, katabi lang ng kuwarto ko 'to. At kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang magsabi sa akin o kaya sa mga helper ko kanina." Tukoy ng binata sa tatlo niyang kasambahay dito. Ipinakilala niya si Jimvee sa mga ito at binilinan na asikasuhin ang dalaga. Hindi pa din kasi ito puwede mag-galaw-galaw ng husto dahil baka bumuka o maimpeksyon ang sugat nito. Alam niyang nagtataka ang mga tauhan niya kung bakit ganito ang itsura ni Jimvee at mamaya ay sasabihin niya sa mga ito kung ano ba ang kondisyon ng dalaga.
"Ang ganda ng kama Keegan!" Natutuwa kong hinawakan ang sapin ng kama, malayong-malayo 'to sa hinihigaan kong papag sa bahay ni tiya Helen ko. Dahil ang lambot-lambot nito at parang ang sarap higaan.
Napangiti naman si Keegan sa reaksyon ng dalaga. Parang napaka-inosente nito sa mga bagay-bagay at talagang maski no'ng nasa ospital pa sila ay napapansin niya na 'yon. "Pinalagay ko diyan sa cabinet 'yong mga damit mo." Turo niya sa kulay puti na cabinet. "At mero'n din banyo itong kuwarto mo kaya hindi ka na lalabas pa." Binuksan niya pa ang pintuan ng banyo para makita nito 'yon. At ito na naman ang itsura nito na parang tuwang-tuwa sa nakikita.
"Hindi pa ako nakakasubok na maligo sa may shower Keegan, diba shower 'yan?" Turo ko sa pagkakaalam ko na shower. Doon kasi sa bahay ng tiyahin ko ay tabo lang ang gamit ko kapag maliligo.
"Yes, that's the shower Jimvee, at puwede kang maligo diyan hangga't gusto mo." Sabi ng binata dito. Ngayon lang siya nakasalamuha ng ganitong klaseng tao, at hindi niya malaman kung naaawa ba siya dito o ano. But her appearance and innocence makes her unique. Like now she's smiling widely because of the simple shower he have here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co