Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Eight

RainbowColoredMind

SASKIA

"My... hindi naman siguro..." Kumakabog ang dibdib ko na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro. Ayaw pa tanggapin ng isip ko ang posibilidad na buntis ako. Isang gabi lang yun! Isang beses lang may nangyari sa amin! Posible ba talagang mabuntis ako?

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo!" Hinampas ni Nanay ang ibabaw ng mesa. "Tatanga-tanga ka! Di ka ba gumagamit ng kapote?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at umiling. Hilam na sa luha ang mga mata ko. Kahit naman nakainom ako noon tanda ko pa rin na hindi talaga siya gumamit nun. May naiwan pa ngang natuyong bakas sa pagitan ng hita ko nung naligo ako kinabukasan.

"Alam mo ba kung sino ang Tatay niyan?"

"Isa pa lang naman ang naka-ano sa akin. Hindi ako nagpalabas sa iba." Mahinang sabi ko.

"Yung nakauna sa'yo?"

Tumango ako.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Pumunta siya sa club nitong nakaraan lang." Sagot ko. "My, hindi ko alam gagawin ko kung buntis nga ako."

"May magagawa pa ba tayo? Nandyan na yan!" Kahit pilit na itinatago ni Nanay, alam ko sa tono niya na nag-aalala siya. "Yung tatay niyan, yun ang habulin mo. Hindi ba sabi mo mayaman yun? Panagutan niya yan!"

"My, ikakasal na yun..."

"Aba! Sustentuhan niya yang anak niya! Ano yun? Thank you na lang?! Pagkatapos niyang magdeposito sa'yo! Huwag kang papayag!" Galit na sabi niya.

"Hindi pa naman sigurado eh." Sabi ko.

"Bibili tayo ng pregnancy test! Pag yun nagpositibo, hahanapin natin yang tatay ng pinagbubuntis mo kahit saang lupalop ng mundo pa siya. Kailangan panagutan niya ang batang yan!"

"O, ano'ng nangyari sa inyong mag-ina? Nag-aaway na naman ba kayo?" Nabaling ang atensyon namin kay Ninang Jodie na ngayo'y nakatayo sa may pinto ng bahay namin. "Good morning! Luto na ba ang breakfast? Makikikain ako."

"Ikaw baklita ka. Kasalanan mo ito eh!" Dinuro ni Mammy si Ninang Jodie.

"Bakit ba? Ano bang nangyayari?" Kunot ang noong tanong niya.

"Kung hindi dahil sa'yo hindi mabubuntis ang anak ko!"

Tumingin si Ninang Jodie sa akin at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. "ANO?! Buntis ka, Saskia?"

"H—hindi pa naman sigurado..."

"Gaga ka!" Tili niya. "Okay lang sana na nagpasarap ka eh pero bakit hinayaan mo pang magpaputok sa loob? Saskia, ano ba yang utak mo? Yung kalahati lang ba gumagana diyan?"

Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Hindi naman ako iyakin. Mula bata pa ako ayaw na ayaw ko ng umiiyak sa harap ng ibang tao kahit sa harap ni Nanay. Natuto akong itago ang kahinaan ko kasi sa mundong ginagalawan ko hindi pwedeng maging mahina. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko at humagulgol.

"Saskia..." Naramdaman ko ang haplos ni Nanay sa likod ko. "Tahan na..."

"My, hindi ko alam ang gagawin ko..." Humihikbing sabi ko.

Yumuko si Mammy at niyakap ako. "Pagtutulungan natin yan. Nanay mo ko. Syempre hindi naman kita pwedeng pabayaan."

"Saskia naman eh..." May panlulumo sa boses ni Ninang Jodie. "Kahit naiinis ako sa'yo ngayon wala na akong magagawa. Bata ka pa ako na nag-aalaga sa'yo. Ako na nga ang tumayong pangalawang ina mo. Nandyan na yang bata, nandito lang kami para sa'yo."

Binili ako nina Mammy ng PT para malaman namin kung talaga bang buntis ako at tinuruan niya akong gumamit nun. Nasa loob ako ng banyo, hawak ang puting stick at hinihintay ang resulta. Makaraan ang ilang sandali lumabas ang dalawang pulang linya.

"Mammy, Nang..." Mangiyak-ngiyak na lumabas ako sa banyo at inabot sa kanila ang PT. "Buntis ako..."

Nagunaw ang mundo ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ano na lang ang magiging buhay namin nito? Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Hindi naman na mabenta si Nanay sa mga kostumer. Pag lumaki na ang tiyan ko, hindi na ako makakapagsayaw sa club. Paano na si Cosme at Yuka? Mawawalan na ako ng pagkakakitaan, madadagdagan pa kami ng bibig na palalamunin.

"Hahanapin natin yung pudra niyan kahit saang lupalop ng mundo pa siya!" Mariin na sabi ni Ninang Jodie.

Hindi nag-aksaya si Ninang sa paghahanap kay Migs. Nagtanong-tanong siya tungkol kay Migs hanggang sa nakakuha kami ng impormasyon dun sa kaibigan niyang planner ng bachelor's party.

Miguel Cordova, iyon ang totoo niyang pangalan.

"Cordova siya!" Parang tuwang-tuwa si Ninang.

"O, ano naman?" Nakasimangot na tanong ko.

"Cordova siya, Saskia! CORDOVA! Mga angkan sila ng kilala at magagaling na pulitiko at negosyante. Si Eugenio Cordova, naging vice president yan noon. Yung anak naman nun na si Harold Cordova, naging governor at mayor ng Quezon City. Si James Cordova yung isa pang anak, hawak yung business district dito sa Pilipinas."

"Baka naman hindi niya kaano-ano iyon. Hindi lang naman sila ang Cordova sa mundo."

"Teka lang kasi! Makinig ka muna, meron pa akong nahagip na balita. Ang tatay ni Miguel Cordova ay si Phoenix Cordova na anak naman ni James Cordova. Kung hindi mo kilala si Phoenix Cordova, siya lang daw naman ang may-ari ng pinakamalaking mall chain dito sa Pilipinas. Inaanak, naiintindihan mo ba yun? Yayaman na tayo!" Nagniningning ang mga mata ni Ninang at halos makita ko na ang peso sign sa mga ito.

"Paano naman mangyayari yun, Ninang?"

"Yang batang yan!" Ngumuso siya sa tiyan ko. "Dugong bughaw yang dinadala mo kaya ingatan mo yan! Siya ang magpapayaman sa'yo. Hihiga ka na sa pera!"

One of these days is not like the other. Nakatayo kami ngayon ni Ninang Jodie sa harap ng C. Cordova Tower. Tumingala ako para tignan kung saan ang hangganan nun. Abot na yata ng mataas na gusaling ito ang langit. Hindi ako makapaniwala na ang ama ng anak ko ang may-ari nito. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto.

"Paano, nang, kung hindi tayo papasukin?" Tanong ko.

"Hindi pwedeng hindi. Mag-eeskandalo ako, makikita mo." Tiim bagang na sabi niya bago nagmartsa sa loob.

"Saan po ang punta niyo?" Bungad agad sa amin ng security guard. Lahat ng pumapasok sa building na yun ay mga nakapustura. Lahat mukhang mayayaman. Pakirdaman ko kung itatabi kami ni Ninang sa kanila, magmumukha kaming pulubi. Nakamaong na pantalon lang ako at pink na tshirt habang ang mga tao dito ayos na ayos.

"Wherever Miguel Cordova, there we are." Syempre di magpapakabog ang lola niyo.

"Saskia." Siniko ako ni Ninang Jodie. "Dito ba yung opisina ni Miguel Cordova?"

"Dito nga po."

"Kilala niya kami. May importante lang sana kaming ilalapit. Pwede ba namin siyang makita?" Sabi ni Ninang.

"Ganun ba? Hindi po kasi kami yung nagdedesisyon, mabuti pa samahan ko na lang kayo sa front desk." Presenta niya at dinala niya kami sa front desk.

"Good morning, ma'am, sir! How may I help you?" Sabi ng babaeng nasa likod ng desk.

"Gusto namin makausap si Miguel Cordova." Bago ko pa nabuka ang bibig ko ay inunahan na ako ni Ninang.

"May appointment po kayo?" Tanong ng babae.

"Wala, pero kilala niya naman kami. Sabihin mo lang na ako si Saskia."

"Sorry, ma'am, but Mr. Miguel Cordova is a very busy person. You need to make an appointment prior to your visit."

"Sige na, ganda. Hayaan mo na kami sandali lang 'to. Importante lang talaga." Pilit ni Ninang.

"Hindi po talaga pwede. Matatanggal po ako sa trabaho kung papayagan ko kayo. Pwede naman po kayo magrequest ng appointment."

"Paano ba, ganda?" Tanong ni Ninang.

"Magsubmit lang po kayo ng request for appointment via email, state your reason why you want to see Mr. Cordova and wait for the approval."

"Ang dami naman chechebureche niyan!" Umirap si Ninang.

"Ganun po talaga. Sorry, ma'am, sir..."

"Ganda, mukha ba kong sir?" Sumimangot si Ninang.

Luminga-linga ako sa paligid at nag-iisip ng paraan kung paano ko makikita si Migs. Pwedeng maghintay na lang kami ni Ninang hanggang sa bumaba siya dito pero paano naman makakasiguro na dito ang daan niya? Sinundan ko ng tingin ang mga empleyadong mga naka-amerikana at nakita kong nakapila ang mga ito pasakay sa elevator. May namuong ideya sa isip ko.

"Sandali lang, magccr lang ako. Kanina pa ko naiihi." Dahilan ko. "Saan ba cr dito, manong guard?"

"Doon, miss." Turo niya sa kabilang direksyon kung nasaan ang direksyon.

Naglakad ako papunta sa direksyon na tinuro niya pero ng lumingat siya ng tingin ay tumakbo ako papunta sa elevator.

"Oy, miss!" Narinig kong sigaw ng gwardiya. Binilisan ko ang takbo at halos tabigin ko na ang mga taong nakakasalubong ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita na may tatlong guard na humahabol sa akin.

Hindi pa nagbubukas ang mga elevator kung saan nakapila ang mga tao. Isang elevator ang tamang-tamang bumukas. Nasa pinakadulo ito at sentro, malayo sa anim pang elevator kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Isang babae ang pumasok dun.

"Sandali! Sandali! Wag mo munang isara!" Tumatakbong sigaw ko.

Nakaabot ako sa loob ng elevator bago ito magsara at hingal na hingal na sumandal sa dingding nito.

"Are you okay?" Tanong sa akin ng babae.

Nag-angat ang tingin ko sa kanya. Maganda ang babae. Hanggang balikat ang maitim at alon-alon na buhok niya at itim na itim din ang kulay ng mga mata niya. Parang may sariling buhay ang mga mata niya. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Siya yung gandang makikita mong inilalaban sa Miss Universe.

"Can you... uh... press the button. My hand can't arrive." Naghahabol-hininga pa rin na pakiusap ko.

"Where are you heading?"

"The office of Miguel Cordova."

"Interview?" Tanong niya at pinindot ang number 30.

Nag-aalinlangan na tumango ako. Ano pa bang pwede kong maidahilan? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa babae na nandito ako para ipaalam kay Miguel na dinadala ko ang anak niya.

"Journalist ka, ano?" Ngumiti siya sa akin

Tango lang ulit ang nasagot ko. Paano naman kasi nakakaintimate ang presensya niya.

"Ma'am Cassandra?" Nagulat ako ng may magsalitang boses sa loob ng elevator samantalang kaming dalawa lang ang nasa loob nito.

May pinindot siya at nagsalita siya. "Yes?"

"May pumasok pong babae sa elevator kasama niyo." Sabi ng boses.


"Yes, I'm aware of that. She's standing next to me." Sagot niya.

"Sorry po, ma'am Cassandra. We already sent the security team."

"It's okay. She's completely harmless. Let the poor girl go. She just wants a scoop." Sabi sagot niya.

"Salamat po, ma'am." Sabi ko sa kanya.

"No problem."

"Siguro mataas po posisyon niyo dito, ano? Parang napaka-importante niyo." Hindi ko na naman napigilan ang pagkamahadera ko.

Sinagot niya lang ako ng simpleng ngiti. Mukhang mabait naman ang babae. Sobrang amo ng mukha niya.

"What paper do you write for?" Tanong niya sa akin.

Bigla akong nataranta. Saan papel ba nagsusulat ang mga journalist? "Sa... sa bond paper po..."

"Oh, I see..." Tumango-tango siya pero kunot ang mga noo niya napara bang nag-iisip. Nagkibit-balikat na lang siya. "Well, good luck."

"Kayo po? Ano po bang trabaho niyo dito?" Pag-iiba ko sa usapan.

"I could say I'm a freelance employee." Marahan siyang tumawa. "Tumutulong lang ako sa husband ko kapag kailangan niya. But I focus more on the family rather than the business. Sila na ni Miggy ang bahala dun. Actually, pumunta nga lang ako dito para sunduin ang asawa. We're going to have a dinner date later."

Tumunog ang elevator pagdating sa 28th floor at bumukas ang pinto. "Well, this is me. Nice meeting you...?"

"Saskia po."

"Saskia." Tumango siya sa akin at ngumiti. "Miggy's office is on the 30th floor. You wouldn't miss it. Sa kanya lang naman kasi yung floor. Paglabas mo sa elevator nandun na agad yung pinto sa office niya. Tell my son his Dad and I are going out to have dinner. Sumunod na lang siya kung gusto niyang sumabay sa amin."

Tumapak siya sa palabas ng elevator at sumara na ang pinto nito. Naiwan akong mag-isa sa elevator. Yun ang nanay ni Migs?! Hindi ko ineexcept dahil mukha pa siyang bata para maging nanay ni Migs. Mukhang nasa Trenta lang yata siya!

"Anak, yun pala ang lola mo." Wala sa sariling sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

Napabuntong-hininga ako. Makikilala kaya ng baby namin ang pamilya ni Migs o itatago niya ang bata sa mga ito? Matatanggap kaya siya ng pamilya ng ama niya?

Muling tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Lumabas ako at agad kong nakita ang sinasabi ni ma'am Cassandra na pinto. Sa labas ng pintong iyon ay may mesa at isang babaeng nakaharap sa computer.

"Good afternoon, ma'am?" Kunot ang noong tinitigan ako ng babae.

"Si Miguel Cordova? Dito daw ang office niya..."

"Yes, dito nga po. Ano pong kailangan nila?"

"Kailangan ko siyang makausap. Sandali lang naman ako saka importante lang."

Bigla naman bumukas ang pinto mula sa opisina ni Migs. Agad akong nahagip ng mga mata niya. Gulat na tinitigan niya ako. "Saskia?!"

Nagmamadaling lumapit siya sa akin at pumulupot ang mga daliri niya sa braso ko. "Dolores, kapag dumating si Hazel sabihin mo wala ako dito. Sabihin mo nasa conference ako." Natatarantang kinaladkad niya ako papasok sa kwarto.

Sinara niya ang pinto sa likod at tiim bagang na tinitigan ako. "What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"N-Nagtanong-tanong ako." Mahinang sabi ko at bumaba ang mga mata ko sa sahig.

Humalukipkip ang mga braso niya. "Bakit? What do you want from me? Akala ko ba nagkasundo na tayo?"

"Migs, buntis ako." 

Nakakabinging katahimikan ang sumagot sa akin.

"Buntis ako." Nilakasan ko ang boses ko at nag-angat ng tingin sa kanya. "Panagutan mo itong anak mo!"

Napakurap siya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Is it mine?"

"Yes, is it yours!" Sagot ko. 

"Teka, paano ka nakakasigurong akin nga yan?"

"Hoy, first and for all, alam mong ikaw ang nakavirgin sa akin! Keep that bear in mind!"

"What about the client after me? Pwedeng siya ang ama niyan."

"Walang iba! Ikaw lang!"

"How will I know if you're telling the truth? You work at a club." Sinuklay niya ang mga daliri niya sa mala-gintong buhok niya.

"Hindi ako nagsisinungaling. Ikaw lang ang nakaano ko. Kung gusto mo ipa-DNA mo pa itong bata. Wala akong kinakatakot kasi sigurado ako na sa'yo 'to."

"No, this can't be. You can't be serious. Paano na si Hazel? She's never going to forgive me. How am I going to explain this to her?" Napahilot siya sa sentido niya.

"It's not my problem anymore. It's your problem anymore. Isa lang ang gusto kong hilingin sa'yo, sustentuhan mo itong anak mo. Hindi ko kayo guguluhin ng pamilya mo. Pramis. Tulungan mo lang ako dito sa bata. Migs, alam mong mahirap lang kami. Hindi naman ako nagsasayaw sa bar kasi gusto ko. Hindi naman ako nagpapatable sa mga lalaking iyon kasi nag-eenjoy akong kausap sila. Ginagawa ko yun para mabigay ang pangangailangan ng pamilya ko. Ako na lang ang inaasahan nila."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co