Chapter Seven
SASKIA
Sinindihan ko ng lighter ang yosi na nasa pagitan ng mga labi ko. Hinithit ko iyon bago ipinihit ang ulo ko at ibinuga sa hangin ang usok. Nakaupo kami ni Ninang sa iisang mesa kasama ang lalaking naka-virgin sa akin, si Migs. Tanda ko pa rin hanggang ngayon ang pangalan niyan.
May isa pa siyang kasamang lalaki na kamukha niya, katulad nito may mala-gintong buhok din ito.
"Ano'ng pinunta mo dito?" Tanong ko makaraan ang ilang minutong katahimikan. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila. "Ah, alam ko na gusto niyo. Aalukin niyo kong makipag-threesome sa inyo? Sorry ha pero di na ko pwede. Alam kong ganito ang trabaho ko pero hindi ako katulad ng iniisip mo. You can't judge a book by each other."
Umiinom ang lalaking kasama niya ng alak na inorder nila at nabuga niya iyon. Kahit inuubo ay hindi niya napigilan ang tumawa. "Bro, this girl is something. She is killing me!"
"No, I didn't come for that." Seryoso ang mukhang sabi ni Migs at tinapunan niya ng matalim na titig ang kasama niya.
"Pogi, ano bang kailangan mo sa inaanak ko, ha?" Tanong ni Ninang.
"Ninang, siya yun." Mahinang bulong ko.
Namilog ang mga mata ni Ninang. "Yung lalaking nakakangkang sa'yo? Sabi mo isa lang?"
"Ninang, siya lang." Turo ko.
"Pogi, madami akong narinig tungkol sa'yo!" Tinitigan ni Ninang ang lalaki na para bang sinusuri siya. "Dakota ka daw!"
"Sorry?" Kumunot ang noo ng lalaki.
"Ninang!" Saway ko sa kanya.
"Malaki daw si general. Anaconda." Bumungisngis ang bakla at bumaba ng tingin sa katawan niya.
Humalagapak sa tawa ang lalaking kasama ni Migs.
Napaayos ng upo ang lalaki na para bang naiilang. Niluwagan nito ang butones ng suot niyang polo. "Can we talk in private? Just the two of us?"
Pumayag akong makipag-usap sa kanya ng kami lang. Iniwan namin si Ninang at ang kasama niyang lalaki at lumipat kami sa kabilang mesa.
"What is your name again?" Tanong niya sa akin.
"Saskia." Sabi ko.
"Saskia, you do know I'm getting married, right? Hindi ba sa bachelor's party ko tayo nagkakilala?"
"Ano ngayon?"
"I don't know." Bumuntong-hininga siya. "Yung nangyari sa atin, that was just a mistake. I feel guilty. I don't know why I'm here. We shouldn't have done that."
"Ano'ng gusto mong gawin ko?"
"Nandito ako para makiusap sa'yo. Don't tell anyone about what happened between us. I'm begging you, Saskia. I'm going to marry the woman I love, I waited my whole life for this. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. I can't lose her... not just yet..." Desperado ang boses niya.
Sandali ko siyang tinitigan. Hindi ko maiwasan na mainggit sa babaeng binanggit niya. Ramdam ko ang pagmamahal niya para sa magiging asawa niya. Nagkamali nga siya noong nakipagtalik siya sa akin pero mahal niya ang girlfriend niya. Hindi ko alam pero parang may kung anong kurot akong naramdaman sa dibdib ko. May lalaki kayang magmamahal sa akin ng katulad ng pagmamahal ni Migs sa magiging asawa niya o magiging katulad din ako ni Nanay?
"Mahal mo talaga siya, 'no?" Tanong ko.
"Yes. More than I can ever tell." Nagbaba siya ng tingin na tila ba mapapaso siya kapag nagtama ang mga mata namin. "But I ruined that love..."
"Wala ka naman dapat ipag-alala. Kahit naman ganito ako, ayaw kong makasira ng relasyon." Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you, Saskia. You don't know how much this means to me." Lumiwanag ang mga mata niya at ipinatong niya sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa mesa ang kamay niya. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng maramdaman ko ang init ng palad niya.
"Ano ka ba? Wala yun, no? Kalimutan na natin iyon. Hindi nangyari ang gabing iyon." Sabi ko.
Bumalik kami kay Ninang at sa kasama niyang lalaki ng matapos kaming mag-usap. Tahimik lang ang dalawang nakaupo sa mesa ng madatnan namin.
"Ugh! Finally! Cookie called. Hinihintay niya na ako. We need to go! Pronto!" Sabi ng lalaki.
"Ay teka, may kotse ba kayo?" Sabat ni Ninang.
"Yes, we do have a car." Sagot ni Migs.
"Yun naman pala! Hatid niyo naman kami para hindi na kami mapagod. Magjeejeep pa kasi kami tapos magbubus kami tapos sasakay pa kami ng tricycle."
"Nang, wag na." Sabi ko.
"Ano'ng wag na? Tipid pamasahe din yun." Sabi ni Ninang bago niya ibinalik ang atensyon niya sa dalawang lalaki. "Pwede ba mga pogi? Baka marape pa kami. Gabi na saka maraming masasamang loob d'yan sa labas. Malapit lang naman kami."
"Sure." Kibit-balikat na sabi ni Migs.
"Oh come on! Cookie's waiting for me!" Angil ng isa pang lalaki.
"Don't worry. This will be quick at saka sabi naman nila malapit lang sila."
Sumunod kami sa dalawang lalaki hanggang sa mahinto kami sa isang kotseng puti. Hindi pa ako nakakakita ng ganito kaggandang kotse kahit kailan sa buhay ko. Parang nakakahiyang dumikit man lang dito. Lalo akong namangha ng buksan ni Migs ang pinto at umangat ang pinto. Saan ka makakita ng ganito?!
"Ang sosyal naman nito." Sabi ni Ninang nang makapasok kami sa loob at tinalbog talbog niya pa ang pwet niya sa malambot na upuan nito.
"True good to be true naman ito! Hindi ko akalain na makakasakay ako sa ganitong klaseng kotse." Sabi ko. "Grabe! Siguro sobrang yaman niyo, no?" Hindi ko napigilan ang mag-usisa.
Nagkibit balikat lang si Miggy. "Saan ko kayo ihahatid?"
"Sa Tondo lang kami." Sagot ko at pinaandar niya na ang kotse.
"Magkaano-ano kayong dalawa?" Tanong ni Ninang sa dalawang lalaki.
"We're brothers." Sagot ng lalaking kasama ni Migs.
"Alam niyo kamukha niyo yung crush ko dati noong kabataan ko." Sabi ni Ninang. "Pero sayang, hindi talaga siguro kami meant to be."
"Ilan kayong magkakapatid?"
"Apat kami. We have two more sisters, Coco's twin and our youngest." Sabi ni Migs.
"Kami tatlo kaming magkakapatid. Iba-iba Tatay namin, ako Briton ang tatay ko. Yung sumunod sa akin, Si Yuka, babae din. Hapon naman yung tatay nun. Tapos yung bunso namin si Cosme pinoy naman ang tatay. Matalino yung bunso namin. Kaya nga nagtatrabaho ako para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ayaw ko naman kasing matulad sa akin yung mga kapatid ko na hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Hanggang highschool lang kasi natapos ko." Kwento ko.
"You're a great sister. Mas iniisip mo ang mga kapatid mo kaysa ang sarili mo." Nagtama ang mga mata namin ni Migs ng tumingin siya sa salamin ng kotse.
Parang may nagliliparan na mga paru-paro sa loob ng tiyan ko sa sinabi niya at sa mga titig niya. "S—syempre, ako ang pinakamatanda. Ako ang ate. Wala naman maaasahan si Mammy na katuwang sa pagpapalaki ng mga kapatid ko kung hindi ako lang. Wala naman kaming tatay. Lahat kasi kami inabandona na ng mga tatay namin. Malas talaga si Mammy sa mga lalaki."
"I'm the eldest myself. Pero nakakahanga yung ginagawa mo para sa mga kapatid mo."
Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Ipinihit ko na lang ang ulo ko at nagkunwaring nakatanaw ako sa labas ng binatana ng kotse para hindi niya at ni Ninang mahalata ang pamumula ng mga ito.
Makaarte ka, Saskia! Akala mo virgin ka! Sabi ko sa sarili ko.
"How long have you been working in the club?"
"Mag-iisang linggo pa lang ako dun."
"Wala kang planong mag-iba ng um... profession?"
"Ito lang kasi yung alam kong trabaho. Saka hindi naman ako nakapag-college at kung makahanap man ako ng trabahong angkop sa akin, hindi naman sapat ang sweldo para mabuhay ko ang pamilya ko."
Kung anu-ano pang napagkuwentuhan namin ni Migs. Nakatulog na kasi si Ninag sa sobrang pagod at yung kapatid niya naman may kausap sa telepono kaya kami lang talaga ang nag-uusap. Masarap kakuwentuhan si Migs. Nakikinig siya. Hindi katulad ng ibang mga lalaking nagkukunwaring nakikinig lang. Si Migs may kwenta kausap at matalino pero hindi mayabang. Nirerespeto niya ang mga opinyon ko kahit alam kong hindi siya sang-ayon dito. Kaya nga nalungkot ako ng slight ng huminto na ang kotse sa kanto namin. Makipot ang kalye papunta sa bahay namin, hindi kasya ang kotse, kaya nagpababa na lang ako sa kanto.
Bumaba si Migs mula sa kotse niya at pinagbuksan kami ng pinto.
"Ang gentleman mo naman, pogi. Salamat ha." Sabi ni Ninang.
Ngiti ang isinagot niya.
"Salamat, Migs." Nagtama ang mga mata namin.
"Thank you din, Saskia." Halos malaglag ang panty ko ng ngumiti siya sa akin. "Well, we better go now."
"Ah, sige. Ingat kayo pauwi." Hindi ko mahiwalay ang titig sa kanya. Ang sarap sarap niya sa mata.
"Bye, guys!" Kinawayan kami ng kapatid niya mula sa bintana ng kotse niya.
Nagpaalam na din kami sa kanila. Pumasok na si Migs sa loob ng kotse niya at kumaway pa siya sa akin bago niya pinaandar ito. Umalis lang kami ni Ninang ng di ko na matanaw ang kotse.
"Hoy, Saskia." Siniko ako ni Ninang habang naglalakad pabalik sa bahay namin. "Yung mga tingin mo dun sa lalaki alam ko yan."
"Ha? Ano ba ang tingin ko?" Kunot noong tanong ko.
"Huwag ka na magmaangmaangan! Kung makaarte ka sa harap ni, ano bang pangalan nun?"
"Migs."
"Kung makaarte ka sa harap nung Migs akala mo dalagang Pilipina ka. Hoy, alam mo kung anong habol sa'yo ng mga lalaki. Huwag kang gagaya sa Nanay mo na ilang beses na iniwan ng mga lalaki niya. Kala niya love na, yun pala libog lang."
"Hindi, Ninang..." Mahinang sabi ko at napabuntong-hininga na lang ako. Tama naman siya. Hindi naman kami bagay nung Migs na yun saka ikakasal na yun.
"Namimiss mo si general no?" Asar niya sa akin.
Napahagikgik ako at inirapan ko siya. "Ninang talaga!"
"Naku, Saskia, nakakapikon talaga yang arte mo ngayon. Akala mo di makabasag pinggan na birhen. Namumula-mula pa yang pisngi mo." Natatawang sabi ni Ninang. "Huwag ka na umasa, ha? Masasaktan ka lang."
"Hindi naman ako umaasa."
"Oo nga pala, okay ka lang ba? Pag may bastos na kustomer, iwanan mo agad. Tawagin mo yung mga bouncer." Payo niya.
"Okay lang ako, Ninang. Blessing in the sky nga yung nangyari." Sabi ko. "At least nakakuha ako ng five kyaw sa kanya. Makakapag-ipon na ako ng pambili sa computer na gusto ni Yuka."
"Yan! Puro mga kapritsuhan ng malditang Yuka na yan ang iniisip mo."
"Maganda na din kasing may computer sa bahay at least hindi na lalabas yung dalawa para gumawa ng mga assignment nila. Kailangan nila yun. Lalo na si Cosme, masipag naman sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Wala naman kaming problema sa kuryente kasi naka jumper kami."
MIGS
"I love you, Cookie. I'll see you later. Yeah, I'm heading home." Coco was talking on his phone, smiling and laughing. "I love you more... Mwah! Isa pa ngang kiss!"
He put his phone down after saying goodbye to Cookie and turned his head to me. "So, what happened? Anong napag-usapan niyo kanina?"
"Well, she agreed to keep it a secret between us. Madali naman siya kausap. She seems like a nice woman."
"But she's not someone you would want to cross. How she handled that man earlier, man, she's insane." Coco shook his head, chuckling. "Anyway, makakatulog ka na ng mahimbing ngayon. Wala ka ng problema. I'll take this to my grave brotha!"
"Sasabihin ko din naman ang nangyari kay Hazel. I just need a little time."
"Why do you need to tell her? She doesn't need to know!"
"She deserves to know! Mahal ko si Hazel. I owe that truth to her. I can't keep doing this to Hazel. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya habang buhay." I shook my head.
"What if... what if she breaks up with you?"
My heart constricted painful at the thought. The mere thought of her leaving me breaks my heart. We had been together for two years. I had spent two years of my life in this relationship. Everything was going the way it was supposed to be but in just one night everything could be ruined. All those times we spent together, the laughters, the kisses, and the love we shared would all go to waste because of what I did.
I could only hope that she finds it in her heart to forgive me. That all the wonderful things we shared could outweight the one big mistake I made.
"I don't know... I honestly don't know. Sa ngayon, gusto ko munang ihanda ang sarili ko sa magiging desisyon niya. I can't lose Hazel, Coco." I let out an exhausted sigh. "Do you think she'd forgive me?"
"Hazel loves you but I don't know if she could forgive what you did. Siya lang ang makakasagot niyan." Sabi niya.
"I thought I had everything planned out. We're going to get married, we're going to have kids, we're going have a happy family but dammit! I ruined all our plans!" I frustratedly punched the steering wheel.
"Good morning." Hazel greeted me when I got out of my room. She was in a mauve designer pencil dress that comes to a fee inch above her knees, the cloth hugging her sweet body perfectly. Her hair was tied up in a sleek back bun which revealed more of her beautiful face. She wore very light makeup, I didn't think she even needs any as she had a naturally elegant face.
"Hey. What are you doing here?" I walked up to her and hugged her, pressing a kiss on her lips. She pulled away and giggled while staring at me.
"Sorry, nalagyan pa kita ng lipstick." She wiped the lipstick off my lips with her thumb. "I just want to join you for breakfast."
My breakfast usually only consist of coffee and two pieces of toasted wheat bread. On the weekends, it was oatmeal and yogurt. I only get to eat good breakfast when I'm at my parents' house.
"I'm not prepared. Di mo naman sinabing pupunta ka. Hold on, I'll have manang cook us-"
"It's okay, nagluto na ako ng breakfast natin." She smiled.
A smile broke across my face. I couldn't picture her cooking. The elegant and sophosticated heiress, Hazel Belarmino, cooking breakfast for me?
"You did?" I cocked a brow.
She crinkled her nose and nodded her head. "Bakit parang ayaw mong maniwala? Nagpatulong ako kay manang."
"Really?"
"I need to practice. Ilang months na lang I'm going to be a wife na. Your wife..."
My smile disappeared. "What if something unexpected happens before our wedding? Paano kung magkamali ako? Paano kung may magawa akong hindi tama? Would you still love me?"
"Of course I would. I love you so much. Kahit anong mangyari, hindi magbabago iyon... Is everything okay?" She looked at me worried.
"Nothing." I shook my head and pulled her closer to me. "I guess I'm just a little anxious. Ayaw ko lang mawala ka sa akin. I want you to be mine forever."
"There's nothing more I want than to be yours too..." She leaned her head against my chest. I tightly shut my eyes and kissed her hair.
My Hazel. I had in my arms the most perfect woman for me. She was beautiful, charming, and intelligent. But what captured my heart most was her pureness. The light of her pureness was just too bright. She had always been kind and gentle mannered, naive in all the good ways. She never lost that even when she carries herself with grace and elegance everyday. It's so rare to find someone like her and I was lucky I found her. It breaks my heart knowing that there was a huge possibility that I'd lose her.
SASKIA
Hindi pa tuluyang dumidilat ang mga mga mata ko ng maramdaman ko ng maramdaman ko ang pagtaob ng sikmura ko. Dali-dali akong bumangon sa kama, halos maapakan ko na si Yuka, at tumakbo palabas ng kwarto namin. Naduduwal na yumuko ako sa lababo ng kusina namin.
"Ate?" Pupungas-pungas na lumabas si Yuka mula sa kwarto. "Okay ka lang?"
Randam ko ang hapdi sa pagguhit ng likido mula sa tiyan ko paangat sa lalamunan ko. Puro tubig lang ang lumalabas sa bibig ko. Nagmumog ako at hapong-hapo na naupo sa mesa sa kusina namin.
Inabutan ako ni Yuka ng tubig at umupo sa tabi ko. Ilang araw nang mabigat ang pakiramdam ko. Siguro napagod lang ako ng husto. Puyat kasi ako gabi-gabi sa club. Siguro, pero huwag naman sana, magkakatrangkaso ako.
"Ikaw naman kasi, Ate, magpahinga ka rin." Payo ni Yuka.
"Anong nangyayari sa inyong magkapatid? Ang aga nagiingay kayo." Lumabas si Mammy mula sa kwarto niya. Humihikab na itinali nito ang magulo niyang buhok.
"Si Ate kasi... masama yata ang pakiramdam niya." Sabi ni Yuka.
"Wala 'to. Itutulog ko na lang to."
"Anong wala? Halos masuka mo na yata bituka mo kanina." Si Yuka.
"Saskia..." Kumunot ang noo ni Mammy.
"Wala lang 'to. Iinom ko na lang ng gamot ng hindi matuloy sa sakit."
"Saskia, nagkaron ka na ba ngayon buwan?" Tanong ni Nanay.
Natigilan ako. Sandaling tumahimik ang lahat na para bang may dumaang anghel. Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko ng maisip ko ang posibilidad. Nanlalaki ang mga matang nag-angat ako ng tingin kay Nanay. Bakas din sa mga mukha niya ang pagkabigla.
"Ate, di ba nauuna ka sa akin magkaron? Katatapos ko lang noong isang araw. Ako lang yata nakaubos ng isang balot ng napkin." Sabi ni Yuka.
Napalunok ako. Gusto kong magsalita pero parang naipit ang boses ko sa lalamunan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co