Chapter Five
SASKIA
"Aling Loida!" Kinatok ko ang gilid ng tindahan na gawa sa kahoy. "Aling Looooiiidddaaaa!"
"O, ano? Uutang ka na naman?" Nakapamewang na lumaba ang matandang babae na may hawak na pamaypay na gawa sa abaka. "Nako! Saskia, ang haba na ng listahan niyo sa akin, ilang buwan na 'tong utang niyo. Magtataon na nga eh. Ito naman si Wendell na tanga pautang ng pautang porke—"
"Aling Loida, kaya nga ako nandito para magbayad ng utang." Sabi ko.
Natahimik ang babae at tinitigan ako. "Ikaw magbabayad? May himala nga."
"Ito naman si Aling Loida. Magbabayad na nga ako, sinosoplak niyo pa ako. Magkano na ba utang ko sa inyo?"
Nilabas niya ang calculator niya at listahan ng mga utang. Pagkatapos ay pinakita niya sa akin. "O, yan! Eight hundre seventy-five."
"Yun lang pala? No problem!" Naglabas ako ng isang libong papel.
Kunot ang noong kinuha ni Aling Loida ang papel. "Aba, totoo ngang marami na kayong pera."
"Syempre naman, aling Loida. Mayaman na kami. If there's a will, it goes round and round."
"Ewan ko sa'yo. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. O siya, siya." Pinaypayan ng matanda ang sarili niya.
"Aling Loida..."
"Ano pang kailangan mo?"
"Change is coming."
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Saskia?" Sumimangot ito.
"Yung sukli ko, Aling Loida!"
"Oo nga pala." Napakamot na lang siya ng ulo bago nilabas ang kaha niya at pagkatapos ay inabot niya sa akin ang sukli.
"Salamat, Aling Loida. Next time ulit." Sabi ko. Bago ako makaalis ay biglang lumabas si Wendell. May tagusan kasi papunta sa tindahan mula sa bahay nila.
"Saskia, sandali." Pigil niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako pabalik sa bahay.
"Hoy, Wendell! Bumalik ka nga ditong bata ka." Tawag ni Aling Loida sa anak niya pero hindi siya pinansin nito.
"O, bakit na naman? Baka pagalitan ka pa ng Nanay mo saka baka di na ko pautangin nun sa susunod. Alam mo naman ayaw nun na nakikitang lumalapit ka sa akin." Nagpatuloy ako sa paglakad at humabol siya sa akin.
"Totoo ba yung balita?"
"Ano na naman?" Umikot ang mga mata ko.
"Na... na katulad ka na din ng Nanay mo. Kaya marami na kayong pera kasi nag..." Napahinto siya.
"Kasi nagpopokpok ako?" Kaswal na sabi ko.
Hindi siya kumibo.
"Ano naman kung totoo iyon? Ano ba talagang nakukuha niyo sa pangingialam sa buhay namin mag-iina? Nabubusog ba kayo ng mga chismis?" Bumuntong-hininga ako.
"Nag-aalala lang naman ako para sa'yo. Saskia, hindi mo kailangan gawin iyon. Nandito ako para tulungan kayo. Pumayag ka lang na maging akin. Ako na ang bahalang bumuhay sa'yo at sa pamilya. Hindi mo kailangan magbenta ng katawan para buhayin sila."
Napahinto ako at humarap sa kanya. Pumamewang ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Sa tingin mo mabubuhay mo ang pamilya ko sa pagguguwardiya mo? Nagpapatawa ka ba? You want is not just just. I'm sick of tired of poorness."
"Ano?"
"Sabi ko yung gusto mo hindi basta basta. Pagod na ako sa kahirapan. Isa pa yan, you can not know how to english. Paano kita magugustuhan niyan? Gusto ko sosyal at mayaman na mapapangasawa. Yung kayang ibigay ang mga gusto at pangangailangan ng pamilya ko."
"Mag-aaral ako para sa'yo. Maghahanap ako ng mas magandang trabaho."
"Wag na. Hindi tayo para sa isa't-isa, Wendell. Mabait ka naman saka infairness gwapo ka ha. Marami ka pang makikilalang ibang babae. Yung bagay sa'yo. Birds of the same feathers flocks forever. Sorry talaga." Tinapik ko siya sa braso at iniwan na. "O siya! I need to be back my home. Bye!"
Ilang taon din akong niligawan niyang si Wendell. Okay naman siya. Mabait, palagi kaming pinauutang niyan kahit nag-aaway na sila ng nanay niya. Masipag. Gwapo. Yun nga lang wala sa kanya ang kaisa-isang katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Wala siyang pera. Hindi siya mayaman. Katulad namin isang kahig, isang tuka lang siya. Sawa na ako sa ganitong buhay. Gusto kong yumaman at kahit ano gagawin ko para mangyari iyon.
"Bongga may flat screen tv na kayo!" Sabi ni Ninang pagpasok niya ng bahay. Umikot ang mga mata niya sa mga gamit sa bahay. "At bago ang sofa niyo, ha. Kaya lalo kayong pinagchichismisan ng mga kapit-bahay."
"Yang tv sinangla sa amin ni kumpareng Delfin at yan naman sofa bagong bili yan ni Saskia. Ang ganda 'no?" Natutuwang sabi ni Nanay.
"Mabuti naman pinalitan niyo na yung kahoy na upuan niyo, eh inaanay na nga yata yun." Humalakhak si Ninang Jodie.
"Ninang, ba't di ka sumama magshopping sa amin?" Ngumuso ako.
"Eh may event nga dun sa Tagaytay. Kinuha akong hairstylist, sayang naman yung racket. Aba! Limang libo din yun." Sabi niya.
"Pero di bale, meron naman akong binili sa'yo." Kinuha ko ang paperbag na may laman na damit at inabot iyon sa kanya.
"Ang sweet talaga ng inaanak ko. Hindi talaga ako nakakalimutan nito." Niyakap ako ni Ninang.
"Syempre naman! Ikaw pa, eh ikaw ang paborito kong ninang." Sabi ko. "Naalala ko tuloy yung kapanahunan mo pa, yung dalaga ka pa, Sasha. Di ba ang dami mo din pera nun?"
"Ay oo! Sinabi mo pa. Ginagarahe kasi ako ni Mayor noon. Sariwang-sariwa pa ako noon." Tumawa si Nanay. "Ang dami kong pera noon. Mga bagong alahas. Bagong damit. Bagong cellphone. Lahat ng uso meron ako."
"Eh anong nangyari, My?" Tanong ko sa kanya.
"Kayo! Kayo ang nangyari." Sagot niya.
"Huwag kang mag-alala, My, yayaman ulit tayo." Tumayo ako sa may bintana at tumingala. "Ipinangangako ko, My. Bukas luluhod ang mga tala."
"Ay! Ang galing ng inaanak ko! Pwede ka na mag-artista!" Sabi ng supportive ninag ko.
Binigay ko sa pamilya ko lahat ng luho nila. Binili ko si Cosme ng mga libro, Si Yuka mga bagong damit, sapatos, case ng cellphone niya at kung anu-ano pa. Bumili din ako ng mga gamit sa bahay. Bagong sofa, tv, electric fan, bago at mas malambot na kama. Yung iba sinasanla lang sa amin pero alam namin namin na hindi na yun matutubos. Gusto kong ipalasap sa kanila ang masaganang buhay na hindi nila naranasan.
Bili dito, bili doon. Gastos dito, gastos doon. Hindi ko namalayan na nauubos na pala ang pera namin. Hanggang sa sampung libo na lang ang natira sa ipon ko. Pero ngayon natikman ko na ang masaganang buhay ayaw na bumalik sa wala. Ayaw ko ng bumalik sa realidad.
Nasa labas ako ng bahay namin, nakaipit ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri ko. Itinaas ko iyon sa labi ko at hinithit iyon. Hinayaan kong pumasok ang usok sa baga ko bago ko binuga iyon.
"Inaanak!" Lumabas si Ninang Jodie mula sa bahay. "Ano'ng ginagawa ng maganda kong inaanak d'yan?"
"Nag-iisip." Bumuntong-hininga ako bago ko tinapon sa harap ko ang yosi at inapakan.
"Ano naman iisipin mo?"
"Ninang, gusto kong pumasok sa club." Sabi ko.
"Ano? Papasok ka sa club? Bakit?" Umupo si Ninang Jodie sa tabi ko.
"Mauubos na yung pera namin. Kailangan ko na naman kumayod." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.
"Papatayin ako ni Sasha."
"Ninang, ano pa bang mawawala sa akin?" Umikot ang mga mata ko. "Hindi naman na ako virgin."
"Ayaw ng Nanay mo na maging katulad ka niya."
"Hindi ako magiging katulad niya kasi maaahon ko ang pamilya ko sa hirap. Magsasayaw lang naman ako sa club."
"Nako tigilan mo ako, Saskia! Yan din ang sabi mo noon pero anong nangyari? Nagpakangkang ka."
"Aksidente lang naman yun, Ninang."
"Ano'ng aksidente? Pwede ba yun? Ano yun nadulas ka sa titi niya?"
"Ninang naman! Seryoso ako. Please, tulungan mo ako? Malay mo swertehin ako, may magkagusto sa akin at igarahe ako."
"Magagalit sakin nito si Sasha. Baka kalbuhin ako."
"Please Ninang... Hindi naman ako magpopokpok. Magsasayaw lang ako tapos kung makakilala ako ng mayaman na sponsor, dun lang ako sasama."
"Ayaw kong madamay diyan, Saskia. Nakita mo naman ang ginawa sa akin ng Nanay mo noon. Makinig ka na lang kay Sasha!"
MIGS
My excitement for our wedding seemed to have died down. I felt so undeserving of Hazel's love. I had tainted our relationship. I couldn't even look at her straight in the eye without having the thought of sleeping with that woman cross my mind. I wanted to tell her about what happened but I didn't know where to start.
I couldn't keep running away from all these. I couldn't keep hiding this from Hazel. Someday she'd find out that I was not the perfect boyfriend she thought I was. That I had cheated on her with a prostitute.
We had been together for two years now. Two years and I threw it all out the window because of a silly lap dance I received on my bachelor's party. What if I tell Hazel and she calls off the wedding?
I thought of the woman I'd slept with. What if the woman use it against me? Damn it! My family was well-known. We owned the biggest shopping mall chain here in the Philippines!
I picked up my phone and dialed Coco's number. He answered after the second ring.
"What's up, bro?" He asked.
"You remember the bachelor party you threw for me?"
"Yeah? What about it?"
"Kilala mo ba yung stripper?"
"No... why?" There was a hint of suspicion in his voice.
"We need to talk. Magkita tayo sa ngayon. Two pm sharp."
"Okay." He yawned.
"Nicholas, two pm sharp! Not a minute late. Not a minute early." I said in a more firm, authorative manner.
"Ikaw na nga ang may kailangan, ikaw pa demanding. Yes, sir, I'll be there two pm sharp!" He sarcastically answered before putting the phone down.
"Hey, bro!" He held his fist out for a fist bump. I just stared at it quietly before gesturing for him to sit on the chair across from mine. He dropped his hand to his side and shrugged. "Okay, if that's what you want."
Umupo siya sa bakanteng silya sa harap ko. He sat straight up.
"What is this important matter you called me here to discuss, Mr. Cordova?" He said, feigning formality.
"Cut the crap." I sighed and I collapsed against the chair. "I have something to tell you. Can you keep a secret?"
"That depends. Can I get a raise?" He grinned.
"Seryoso ako, Coco!" I impatiently said. "I've done something horrible."
"Ano ba kasi yun? Just get straight to the point."
I looked around. We were in the restaurant and people were minding their own business. But me being my paranoid self, afraid someone might hear, had to lean over to my brother and whisper to him those vile words. "I slept with a stripper?"
"What the fuck?" He exclaimed. "You what?!"
"Shh!" I smacked his mouth.
"The stripper I hired for your bachelor party?" He asked in a low tone.
"Yeah..."
"Bro, sa dinami-dami ng babaeng nagkakagusto sa'yo gusto mo pa yung prostitute." He shook his head. "Have you had yourself checked? Baka mamaya may STD ka na."
"She's clean. Sigurado ako dun."
"Yun naman pala... so?"
"What do you mean so? I'm getting married, Nicholas!"
"Well, that's your last hurrah." He said apathetically. "You're going to get married which means you'll be sleeping with one woman for the rest of your life. Hindi lang naman ikaw ang lalaking gumawa niyan."
"You have absolutely no moral compass. I can't believe your my brother." I shook my head.
"Says my cheating, prostitute-fucking brother. Kind of rich coming from you, ain't it?" He snided.
I took in a deep breath and exhaled. "Bumalik tayo sa usapan. Do you know who the woman is?"
"No, I don't fuck strippers. Sorry."
"Natatakot lang ako na baka magsalita siya. I don't want Hazel to know. I don't want anybody to know. She has the ability to ruin my life, Coco! Do you even understand how serious this is?"
"Pwede kong tawagin yung party planner na hinire ko." He said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co