Chapter Ten
SASKIA
Nag-aayos na ako para sa sayaw ko mamayang gabi. Hangga't hindi pa lumalaki ang tiyan ko tuloy pa rin ako sa pagkayod ko. Makaipon man lang pandagdag sa panganganak ko at sa mga pangangailangan ng bata. Hindi naman ako pwedeng umasa lang sa pangako ni Migs. Paano kung hindi na magpakita ang gagong iyon?
"Ate!" Dumungaw si Yuka sa pinto ng kwarto namin at sumigaw. Naglalagay ako ng eyeliner nun kaya sa gulat ko lumagpas ang eyeliner.
"Yuka naman! Nakita mong nagmemeykup ako!" Singhal ko.
"Ate, may bisita ka! Dali!" Sabi niya.
"Sino ba yan?" Kunot noong tanong ko. "Ano'ng oras na o? Kailangan ko pang mag-ayos, papasok na ako sa club!"
"Ate! Maraming dalang mga bag ng grocery!" Sabi niya.
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Sino naman magdadala sa amin ng mga yun? Lumabas ako at nakita sina Nanay at Cosme na nakatayo sa pinto ng bahay. Naririnig ko na may kinakausap sila.
"Ikaw ba yung nakabuntis sa anak ko?" Narinig kong tanong ni Nanay.
"Um... yes, ma'am." Sabi ng pamilyar na boses ng lalaki.
"Para sa amin ba yan?" Tanong ni Cosme.
"May dala rin akong donuts para sa inyo." Sagot niya.
Agad akong lumapit sa may pintuan at hinawi ang mag-ina. Nakatayo si Migs sa paanan ng hagdan paakyat sa pinto. May dala itong isang katutak na paper na galing sa grocery. Nagtama ang mga mata namin at pumamewang ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"I just brought you some food and vitamins." Nagkibit-balikat siya.
"O, ngayon? Gusto mong magpasalamat ako?" Tumaas ang isang kilay ko.
"Kuya, sabi ni Cosme may donut ka daw." Si Yuka.
"Meron. Gusto niyo?"
"Ako gusto ko!" Sagot ni Cosme.
"Krispy Kreme ba yan o JCo?" Tanong ni Yuka.
"Tara, pogi! Pasok ka, kainin natin yan!" Aya ni Mammy.
"My!" Lumingon ako sa kanya at pinandilatan ko siya.
"Ate, mukhang masarap eh." Sabi ni Cosme.
"Hindi naman tayo mga patay gutom! Donut lang magpapauto kayo? Bibilan ko na lang kayo mamaya sa 7eleven!" Galit na sabi ko.
"Halika na nga kayo, pumasok na lang tayo. Hayaan niyo na ang ate niyo diyan." Saway ni Nanay sa dalawa.
"Kuya, wait! Amin na lang yan. Sayang!" Bumaba si Yuka sa hagdan at kinuha ang dalawang kahon ng donut mula sa lalaki pagkatapos ay pumasok ang tatlo.
"Um... I just want to apologize for how I acted..." Nagbaba siya ng tingin na para bang nahihiya. Kung may hiya nga ang tarantadong ito.
"Inuuto mo pa pamilya ko." Galit na sabi ko.
"I just thought it would be impolite to visit and not bring anything for your family. Pwede bang mag-usap tayo, Saskia?"
"Nag-uusap na tayo." Humalukipkip ako.
"Can I come in? Gusto kong pag-usapan natin ng maayos ang tungkol sa bata..."
Napapikit ako ng mariin bago muling tumingin sa kanya. Para sa anak ko, makikipag-usap ako sa gagong ito. Makaraan ang ilang sandali ay tumalikod ako papasok sa bahay. "Pasok."
Narinig ko ang tunog ng kahoy na hagdan habang umaakyat siya. "Saskia..."
"Upo." Ngumuso ako sa bagong bili na sofa namin mula sa perang binigay niya sa akin. Sumunod naman siya at umupo. Tahimik na nagtitigan kami.
"Saskia, I'm willing to help throughout your whole pregnancy. Kapag nakapanganak ka na, ako na din ang bahala sa bata."
"Kukunin mo ang anak ko?" Binigyan ko siya ng matalim na titig.
"I want a custody of the child. Karapatan ko iyon bilang ama ng bata."
Sunod-sunod akong umiling. "Ano'ng tingin mo dito? Tuta? Sa tingin mo bibigay ko ang anak ko sa'yo ng ganon lang? Pagkatapos mong itanggi ito."
"I never denied my child. Gusto ko lang siguraduhin na akin nga ang bata." Giit niya.
"Kasi nga ayaw mong panagutan, yun yun!"
"I want to, Saskia. Believe me. My mind was just a mess during that time. I never expected this to happen. Sabi ko naman sa'yo hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa bata. Sasabihin ko din sa pamilya ko ang tungkol sa kanya. I'm not planning to keep my child in the dark. I just need some time."
"Kahit mayaman kayo, hindi ko pa rin hahayaan na kunin mo ang anak ko. May karapatan din ako sa kanya bilang ina niya."
"Hindi ko siya kukunin sa'yo, gusto ko lang maging parte din ako ng buhay ng anak ko. We can have joint custody."
"Ano yun?" Kunot noong tanong ko.
"It's a legal arrangement between us in which we have to agree to share equal roles in taking care of our child."
"Tagalog, para mas magkaintindihan tayo."
"Maghahati tayo sa pagpapalaki sa anak natin. Sa ibang araw, pwedeng nasa akin yung bata at sa ibang araw na sa'yo naman. Lahat ng kakailanganin niya mula sa pagkain, diaper, damit, o kung ano pa ako na din ang bahala."
"Alam na ba 'to ng magiging misis mo?"
Umiling siya at nag-iwas ng tingin. "No, she still doesn't know about this yet."
"Paano pag hindi siya pumayag? Paano kung hindi niya matanggap itong bata?"
"I would choose my child over her. That's my own flesh and blood, Saskia. Kung hindi niya kayang tanggapin ang anak ko, wala na akong magagawa." May bahid ng lungkot ang boses niya.
Tumango-tango ako. Hindi naman pala siya kasing sama ng iniisip ko. Siguro nabigla lang nga siya noong malaman niyang buntis ako. Handa naman pala siyang akuin ang responsibilidad niya bilang ama. Iyon lang naman ang gusto ko mula sa kanya. Hindi naman na ako umaasa ng higit pa doon. Gusto ko lang magkaroon ng maayos na buhay ang anak ko.
"Are you going somewhere?" Tanong niya. Siguro napansin niyang nakabihis ako at nakameykup.
"Papasok sana ako sa trabaho. Sa club." Sagot ko.
Sunod-sunod siyang umiling. "I won't let you. Ako na ang bahala sa inyo ng pamilya mo. I'll give you monthly allowance. You can use it to buy whatever you want for you and your family," Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "And for our baby. Just keep my child away from that place. I don't want you exposing my child to that kind of environment."
"Basta sustentuhan mo 'to, walang problema sa akin." Sabi ko.
"Don't worry. Hindi ko kayo pababayaan ng anak ko." Ang sarap naman marinig mula sa kanya nun. Hay! Kung wala ka lang sanang jowa, Miguel Cordova. "By the way, I bought you a few bottles of vitamins your doctor prescribed, some maternal milk, and other things I thought you might need. Bumili din ako ng isang linggo grocery niyo. Kung may kulang pa o kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."
"Aba! Dapat lang, responsibilidad mo yun. Hindi na ako magtatrabaho kaya ikaw na sasagot ng lahat ng gastusin ko." Singhal ko.
"I know." He said. "Saskia, I'm so sorry. I didn't like how I reacted when I found out you're pregnant. I never thought of getting away from my responsibility as the child's father. I just needed time to think. Sana maintindihan at mapatawad mo ako. I want to be friends with you. I want us to have a good relationship as parents for the sake of our child."
"Time heals all wombs. Para sa baby, makikipag-ayos ako sa'yo."
"Thanks, Saskia." Parang nahulog ang puso ko ng ngumiti siya sa akin. Lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti. Bihira ko lang siyang nakikitang ganito. Palaging seryoso ang mukha pati ang tono ng boses nito kapag nag-uusap kami masyadong pormal.
Saskia, magtigil ka! Lumalandi ka na naman! Kaya ka nabubuntis eh! Saway ko sa sarili ko
Pagkatapos namin mag-usap ay nag-aya si Mammy na mag-hapunan na kami. Nagpabili siya kay Yuka ng mga inihaw sa may kanto. Walang kapagurang isaw, barbecue, at paa ng manok. Syempre dahil may bisita kami binonggahan niya na, naglabas siya ng isang lata ng spam at nagluto ng pritong galunggong.
"Pogi, kumain ka na dito. Nagluto pa ko para sa'yo." Pilit ni Nanay kay Migs.
"Oo nga, Kuya. Tapos kainin natin yung donut na dala mo." Sabi ni Cosme.
Tinitigan niya ako na para bang hinihintay akong magdesisyon para sa kanya.
"Come on let's join us." Inaya ko pa din siya kahit alam ko naman na tatanggi siya. Hindi naman sanay sa mga ganitong pagkain yun. Pang sosyal lang
"Okay, sure." Agad na sagot niya.
"Yuka, Cosme, maghain na kayo." Utos ni Nanay.
Agad naman sumunod ang dalawa. Naglabas si Yuka ng mga plato at baso at si Cosme naman ang naglagay ng kutsara't tinidor. Nang matapos ang dalawa ay umupo na kami sa mesa.
"Ikaw ba yung nakabuntis sa Ate ko?" Tanong ng mahaderang Yuka pagkaupo pa lang ni Migs.
"Uh..." Mukhang nabigla ito sa tanong ng gagaita at tumingin sa akin. "Yeah..."
"Balita ko mayaman ka daw. Ano'ng trabaho mo?" Patuloy ito sa pag-usisa.
"Yuka, kumain ka na lang!" Binigyan ko siya ng matalim na titig.
"I'm the senior vice president of our company." Sinagot pa rin niya ang tanong ni Yuka.
"Ang taray! Inglesero! Turuan mo din mag-ingles yung magiging apo ko ha. Para naman hindi matulad kay Saskia, kulelat sa english." Sabi ni Nanay. "Alam mo matalino naman talaga yang anak ko kahit noong nag-aaral pa yan. Palaging perfect yung mga exam niyan, mababa nga lang sa english."
Pinagsandok ko na si Migs ng kanin at binigyan ng ulam. "Kumakain ka ba ng mga pagkain namin?"
"Of course. I'll eat whatever's on the table." Sagot niya.
"Sigurado ka? Baka naman mamaya sumakit pa yang tiyan mo. Syempre sanay bituka mo sa mga sosyal na pagkain, yung mga steak, seizure salad—"
"Ate, ceasar salad." Sabi ni Cosme.
Natawa ng bahagya si Migs. "Kumakain ako ng mga ito. Seizure salad doesn't sound too appetizing anyway."
"Mabuti kumain na tayo." Sinubukan kong takpan ang pagkapahiya ko. Makapal naman talaga mukha ko pero pagdating sa gagong ito, ewan ko ba!
Madaling nakasundo ni Migs ang mga nakababata kong kapatid. Lalo na si Cosme. Kahit nga si Nanay mukhang nakuha niya rin ang loob. Si Yuka naman tanong ng tanong tungkol sa buhay niya, gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa ng mayayaman sa buhay nila. Kung katulad din ba daw sa mga nakikita niya sa tv. Tumulong pa nga siya maglipit sa mesa pagkatapos namin kumain.
"Thanks for the dinner, Saskia. I've had fun talking with your family." Nakangiting sabi niya ng maiwan kaming dalawa.
"Nakulitan ka ba sa pamilya ko? Talagang ganyan yung mga yan." Sabi ko.
"No. They're actually entertaining. I'm the eldest kaya sanay akong kinukulit din ng mga kapatid ko."
"Salamat din nga pala sa mga dala mong grocery at vitamins."
"Just take care of the little one." Malamlam ang mga matang tinitigan niya ang tiyan ko. Bumaba ang isang kamay niya at hinaplos iyon at parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buong katawan ko.
Saskia, magtigil ka! Ikakasal na yan!
"Hey, don't forget to take your vitamins and drink your milk. Mas magiging healthy ang baby kung susundin mo ang sabi ng doktor." Sabi niya. Tatay na tatay talaga ang peg ng gago.
Tango lang ang naisagot ko.
"Sa totoo lang, Saskia, hindi ko pa alam kung anong dapat kong gawin. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. But if there's one thing I'm sure of, it's that I want to be a father to my child. Gusto ko maging parte ako ng buhay niya at maging mabuting ama sa kanya."
Ngumiti ako. "Salamat, Migs. Pwede mong takasan ang responsibilidad mo sa bata pero hindi mo ginawa iyon."
"Hindi kahit kailan pumasok sa isip ko yan. I will take responsibility of my child even if it means putting my relationship with my fiancee at stake."
"Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ito sa amin."
"It's getting late. Here's my calling card. Kung may kailangan ka tawagan mo agad ako. Lalo na kung may kinalaman sa bata." Inabot niya sa akin ang isang maliit na papel na dinukot niya mula sa bulsa. Nag-abot din siya ng pera sa pang-araw-araw na gastusin namin. Isang buwan kita ko yata sa club itong binigay niya. Pagkatapos ay nagpaalam na din siya kina Mammy.
"Hahatid na kita." Presenta ko ng nasa pinto na kami ng bahay.
"It's alright. Magpahinga ka na. You need to rest." Sabi niya.
"Sige, ingat ka."
"You too."
Napasandal ako sa frame ng pinto at pinanood siyang tumalikod at bumaba sa hagdan ng bahay.
"Migs." Tawag ko sa kanya ng makababa na siya.
Mabilis naman siyang lumingon sa akin. "Yeah?"
"May bayag ka naman pala eh." Nakangiting sabi ko.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa.
MIGS
Saskia's family were amusing, to say the least. They treated me warmly as though I was already a part of their family, even though we had only met. Gusto kong kilalanin sila dahil pamilya din sila ng magiging anak ko.
I admit, it took me awhile to process the knowledge that I was having a child with another woman other than Hazel. It was her who I wanted to be the mother of my children.
What Saskia and I had was just one night stand and it would never be more than that but I wanted to make sure we'd still have a good relationship. She was pregnant and would soon give birth to my child. She was going to be the mother of my child. Siya ang magiging katuwang ko sa pagpapalaki ng bata. Gusto kong maging magkaibigan kami alang-alang sa bata.
Our child is going to need all the support it could get from the both of us. We had to work together in raising him or her. I didn't want my child to grow up with estranged parents, thinking he or she was a mistake. That was the last thing I'd ever want my child to think.
Most of my childhood was spent with my father out of the picture. I never found out about my Dad until I was nine. Mama raised me alone. She gave me the best of what she had. But still, I grew up feeling incomplete. Naiingit ako kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko kasama ang ama nila. At iyon ang ayaw kong maranasan ng magiging anak ko. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng kumpletong pamilya kahit na hindi kami magkasama ng ina niya.
"Putangina nandyan na siya! Dalian niyo!" A man shouted as I walked to where my car was parked.
"What the hell? What are you doing to my car?" I shouted at them. Two men successfully pulled the last tire on my car. All I could do was cuss at them as I watch them run with my car's tire. Basag din ang mga salamin sa kotse ko at tignan ko ang laptop at cellphone ko and as I expected, they were gone.
Damn it! I brushed my finger through my hair, wanting to pull them out in frustration. I was in a ghetto neighborhood with a tireless, windowless Mercedes-Benz car in front of me. My laptop and phone was stolen from me and when I thought things couldn't get any worse, it started to rain!
Great! Just great!
___
Happy Valentine's Day everyone! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co