Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Eleven

RainbowColoredMind

SASKIA

Binuksan ko ang pinto at nakita si Migs na nakatayo sa harap ko. Yakap niya ang sarili niya, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Kumakapit ang basang tela ng damit niya sa katawan niya at lalong nakikita ang hubog nito.

"Migs..." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at napakurap. "A—anong ginagawa mo dito? Akala ko nakauwi ka na."

"A bunch of men broke into my car and took my car's tires. They took my laptop, my phone, just about everything valuable." He said. "Pwede bang pumasok muna? It's cold out here."

"Tuloy ka." Niluwagan ko ang pinto at pagkapasok niya ay sinara ko ang pinto. "Paano yan? Paano yung kotse mo? Kung hindi lang malakas ulan, pupuntahan ko si kapitan. Baka makatulong sa atin yun. Bakit mo naman kasi iniiwan kung saan-saan yung kotse mo? Saan sinabi mo man lang sa akin. Eh marami talagang tarantado dito."

"I didn't know. Anyway, I just need to make a call. Ipapa-tow ko na lang ang kotse ko at magpapasundo na lang ako kay Coco." Kinuskos niya ang mga kamay niya sa braso niya na para bang naghahanap ng init.

"Baka magkasakit ka pa." Sabi ko at lumingon kay Yuka na abala sa game sa iPhone niya. "Yuka, kuhunan mo nga ng tuwalya ang kuya Migs mo."

Tumayo si Yuka mula sa sofa at pumunta sa kwarto. Pagbalik ay may dala na itong tuwalya.

"O, ate!" Abot niya sa akin at bumalik ulit siya sa kakadutdot sa iPhone niya.

"Ito na yung tuwalya." Inabot ko ito sa kanya. Hinubad niya ang basang pang-itaas niya at wala sa sariling napabuntong-hininga ako sa magandang tanawin sa harap ko. Hayop! Nagmumurang muscles niya ang tumambad sa akin. Yan ba talaga ang nakabuntis sa akin?

"Thanks." Sabi niya habang pinupunasan ang sarili niya at ibinalot ang tuwalya sa katawan. "May phone ba kayo?"

"Nako wala kaming landline pero may cellphone ako." Dinukot ko ang MyPhone ko at ibinigay sa kanya.

"Thanks." Kinuha niya sa akin iyon at pumindot ng mga numero. Inilapit niya sa tainga niya iyon at maya-maya ay inilayo din. "I can't make a call."

"Wala na yatang load. Hanggang text na lang yata yan." Ani ko at lumingon kay Yuka. "Meron ka pa bang load?"

"Wala na. Hindi ba nga dapat magpapaload ako kanina, ate? Kaso biglang umulan." Sabi niya.

"It's fine. I'll just text my brother and hope he replies." Sabi niya at muling nagpipindot. Pagkatapos niya magtext inabot sa akin ang cellphone ko. "Thanks, Saskia. He'll be calling anytime soon... I hope."

"Gusto mong kape?"

"I'm good." Ngumiti siya at nilibot ang tingin sa bahay namin. "Ang dami niyong timba."

"Ganito talaga pagmaulan. Tumatagas kasi yung tubig sa kisame." Sabi ko.

"I see..." Tumango-tango siya.

"Oy, Migs! Ano'ng ginagawa mo dito?" Lumabas si Mammy mula sa kwarto nila ni Cosme.

"Yon! Nanenok ng mga magagaling na tambay yung gulong ng kotse niya saka ninakawan siya." Umiling ako.

"Wala talagang patawad mga tao dito." Umiling na lang si Mammy. "Paano yan? Wala kang kotse, paano ka makakauwi niyan?"

"I contacted my brother. Hinihintay ko pa yung tawag niya." Sagot nito.

"Dito ka na kaya magpalipas ng gabi. Gabi na saka malakas ang ulan. Sigurado ako baha na sa labas, ewan ko na lang kung mapuntahan ka pa ng kapatid mo." Sabi ni Mammy.

Nagkatinginan kami ni Migs.

"If it's not much trouble to you. Mukhang tulog na yata yun." Minasahe niya ang batok niya na parang nahihiya.

"O—Oo naman." Napakurap ako. "Mukhang pagod ka na rin naman. Let's call it tonight."

"Let's call it a night, Ate." Singit ni Cosme na abala sa paggawa ng assignment niya sa ibabaw ng mesa sa kusina.

"Yuka, dun ka na lang sa kwarto namin para may matulugan yung kuya Migs mo." Utos ni Nanay kay Yuka.

"Basta dun ako sa may foam." Kibit-balikat na sabi ni Yuka.

"Tama na yung kadudutdot mo d'yan sa iPhone mo. Matulog ka na." Aya ni Mammy. "Saka ikaw Cosme, di pa ba matatapos yang ginagawa mo."

"Tapos na po, My." Isinara na niya ang libro niya.

"Ano pang ginagawa niyo? Pumasok na kayo sa kwarto at matulog na kayo." Sabi niya sa mga kapatid ko.

"My..." Tawag ko sa kanya. "Saan ako matutulog?"

"Dun sa kwarto mo. Asikasuhin mo yang bisita mo." Sagot nito.

"Eh si Migs..." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"Jusko naman! Ngayon ka pa nag-inarte ng ganyan, eh buntis ka na nga d'yan." Umirap si Mammy. "Ikaw na ang bahala d'yan. Matutulog na kami."

Pumasok na silang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Migs. Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Kunwaring umubo ako para naman lang mabasag ang katahimikan.

"Gusto mo na bang matulog?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, sure." Nagkibit-balikat siya.

Dinala ko siya sa kwarto namin ni Yuka. Maliit lang yun. Isang maliit na kama na pang-isang tao lang pero nagkakasya naman kami ni Yuka dito dahil pareho naman kaming sexy. May konting espasyong pwedeng lakaran. Sa ulunan ng kama may cabinet na lalagyan ng mga damit namin.

"Do you mind if I take of my... um, pants." Naiilang na tanong niya sa akin.

Nagbaba ako ng tingin sa suot niyang pantalon. Basang-basa din iyon. Wala naman akong maipapasuot sa kanya dahil sigurado akong hindi kasya yung mga pang-ibaba namin ni Yuka. Nakahubad siyang matutulog? Kasama ko dito sa kwarto?! 

"Sige..." Bahagyang pumiyok ang boses ko.

Ipinulupot niya ang tuwalya sa baywang niya bago ibinaba ang pantalon niya at ang boxer niya. Bukod sa nakatapis na tuwalya, wala na siyang kahit anong saplot. Nag-angat siya ng tingin sa akin at napakurap ako at agad nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko ngayon.

"Akin na yan. Isasampay ko para masuot mo bukas." Kinuha ko iyon mula sa kanya at isinampay ko sa alambre na nakabitin sa gilid ng bintana namin.

"Gusto mo bang buksan ang bintana? Malamig naman ngayon pero alam kong sanay ka sa aircon." Sabi ko habang abala ko pag-aayos ng pantalon niya. "Baka ma sophisticate ka."

"Ma ano?" Kumunot ang noo niya.

"Yun bang hindi ka makahinga." Sagot ko.

"Oh, suffocate." Bahagya siyang napangiti. "Hayaan mo nang nakasara yan. Baka mabasa pa tayo."

"Pagpasensyahan mo na yung english ko ha. Sabi kasi sa akin ni Mammy, try and try until you die. Hindi porque palagi kang nagkakamali, susuko ka na. Dapat hindi ganon. Dapat kapag nagkamali ka, matuto ka sa pagkakamaling iyon. Oh di ba, hugot!" Tumawa ako ng mahina.

Lalong lumapad ang ngiti niya. "It's fine, really. Your Mom's right. A mistake should never be used as an excuse to stop trying. Gawin mo lang kung ano yung gusto mo."

"Alam mo isa pa sa rason kung bakit gusto kong matuto mag-ingles kasi yung tatay ko Briton yun. Ayaw ko naman na pag nagkita kami wala kaming mapag-usapan. Gusto ko siyang makilala kahit ayaw niya sa akin. Gusto kong tanong kung kahit isang beses ba sumagi ako sa isip niya. Gusto kong ikuwento sa kanya yung mga nangyari sa buhay ko. Gusto kong maramdaman magkaron ng ama. Gusto kong mayakap siya." Nagbaba ako ng tingin ng maramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko. "Pasensya ka na ha. Ang drama ko. Kung kasama ko si Mammy dito, nakatusan na ako nun."

Tumango-tango si Migs. "Wala naman masama dun. I can relate to you, in a way. Ganun din kasi ang naramdaman ko habang lumalaki ako. Nakilala ko na lang kasi ang Dad ko noong magbibinata na ako."

"Buti ka pa. Ako nga, ilang beses ko na sinulatan yun pero wala naman akong natatanggap na sagot sa kanya. Hindi yata naintindihan yung english carabao ko." Biro ko para pagaangin ang mood. 

"Kaya nga iyon ang ayaw kong maramdaman ng bata. I don't want my child to ever experience that horrible feeling." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "I want to be there to support my child. And I'm not just talking about financial support. Ayaw kong maramdaman na may kulang siya sa buhay niya kasi alam ko yung pakiramdam na yun. Kahit wala tayong relasyon, gusto kong mapagtulungan natin na maayos na mapalaki ang bata."

Sinagot ko siya ng ngiti. May kung anong humaplos sa dibdib ko sa sinabi niya. Alam kong magiging mabuting ama si Migs sa anak namin. Buti na lang talaga siya ang nakabuntis sa akin. Kung ibang lalaki ito, siguro tinakasan na ang responsiblidad niya. Gwapo na, hot pa, at may ipagmamalaki. Malaking-malaki.

Agad kong pinalis sa isip ko yun.

"Ikaw na lang sa kama. Maglalatag na lang ako dito sa sahig." Sabi ko.

"No. Ako na lang sa sahig." Agad na sabi niya.

"Hindi, sanay naman ako dito. Bago kami nagkakama, sa sahig talaga ako natutulog." 

"Really, it's fine, Saskia. Ako na dito. You're pregnant. You have to take care of yourself for the baby." 

"Sigurado ka?" Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Nilatagan ko na lang siya sa sahig at binigyan siya ng unan. Pagkatapos ay sumampa na rin ako sa kama at humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko pero makaraan ang ilang minuto hindi pa rin ako dinapuan ng antok. Hindi ko alam kung bakit. 

Narinig ko rin ang kaluskos niya sa tabi ko. Ang ingay na ginagawa niya sa tuwing umiikot siya sa hinihigaan niya. Sumilip ako ng konti sa baba. Mukhang hindi siya komportable. Eh paano ba naman? Anak mayaman yan! Siguro nga ang kamang hinihigaan niyang mas malambot pa sa ulap. Bumaling siya paharap sa direksyon ko at nataranta ako. Sa sobrang taranta ko nagkamali ako ng gulong at bumagsak ako mula sa kama.

Biglang nasa ibabaw na niya ako. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang nakatingin sa akin. Ang lambot at ang tigas ng katawan niya. At infairness kahit nabasa sa ulan, amoy mayaman pa din. 

"Are you okay?" Hinawakan niya ako sa magkabilang baywang.

Napalunok ako. "O-Oo, sorry ah! Malikot talaga ako matulog eh."

"Okay lang." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Hindi ka ba nasaktan?"

"Hindi naman. Wala 'to." Gumalaw ako at naramdaman na may nakadantay sa may bandang looban ng hita ko. Nakadress lang ako at nakalilis na ang dulo ng bestida ko kaya ramdam ko ang init ng bagay na iyon sa balat ko.

Ang friendship kong si General.

"Saskia..." Bigla niya akong  inilayo sa kanya. "Go back to bed. Baka mapuyat ka pa."

Muli akong umakyat sa kama pero hindi talaga ako madalaw ng antok. Paano ka ba naman makakatulog kung ganito kasama mo sa kwarto? Yan tuloy! Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko naaalala ko ang maikling panahon na pinagsamahan namin ni General. Bumabalik sa isip ko yung mga naaalala ko nung gabing iyon. 

Ang mga halik at yakap niya.

Ang tunog ng ungol niya.

Kung paano niya ako sinamba.

"Saskia..." Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses niya. "Are you still awake?"

"Uh, oo." Sagot ko.

"I can't sleep too." Bumuntong-hininga siya. "I'm going to get married, Saskia. And here I am sleeping in one room with you. We're not doing anything but I feel guilty. I know I shouldn't be here."

"Mahal mo talaga siya, ano?" May kung anong kirot sa dibdib ko.

"I love her. She's all I ever wanted." Sabi niya.

"Bakit ginawa mo yun sa akin?" Hindi ko napigilan ang magtanong. Bigla na lang parang may namuong luha sa gilid ng mga mata ko. Ewan ko ba! Feelingera lang siguro ako! Wala naman akong karapatan masaktan, eh sino ba ako? "Siya ba ang iniisip mo habang ginagawa mo sa akin yun?"

"I... no..." Mahinang sabi niya. "If she had  cross my mind that night, that wouldn't have happened. Hindi ko akalain na magagawa ko ang nagawa ko sa kanya. I just lost control that night. I've always been in control, Saskia. I always have to be. I feel like if I lose control once, I would spiral. Lahat ng kilos ko planado. Bawat hakbang dapat kalkyulado. You want to know a secret, Saskia?"

"Ano?" Sabi ko habang nakatitig sa kisame.

"I'm scared. I always try hard because I'm scared. My whole life is defined by my success and without them I am nothing. If I become less than perfect, no one will want to do anything with me." Ramdam ko ang sakit sa paos na boses niya. "Just this once, I don't want to pretend. Just this once, I want to be my authentic fucked up self. Hindi ako lasing ng gabing may mangyari sa atin. It happened because I wanted it to happen."

Napalunok ako. Parang tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko.

"Bakit?"

"Because I wanted you. I didn't know what have gotten into me. All I could think about was how I wanted you. So bad. Nakalimutan ko ang lahat. Si Hazel, ang kasal namin..." 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya pinili ko na lang manahimik. 

"I'm an awful human being, aren't I?" Nagpakawala siya ng mahinang tawa. "I keep up this spotless persona in front of everyone but inside I'm just a piece of shit. I'm the biggest hypocrite I know."

"Nagkamali ka lang. Tao ka pa rin no! Nothing in this world is perfect except change."

"I'm going to sleep. You should to." Sabi niya at hindi na siya nagsalita pa.


"Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako... baka tibok ng puso mo'y maging tibok ng puso ko..." Sinabayan ko ang kanta sa radyo habang nagluluto ako ng almusal. Tulog ng tulog pa rin si Migs ng iwan ko siya sa kwarto. Nag-hi ng konti sa akin si General. Konting-konti lang naman. Tinakpan ko din baka mamaya magalit pa.

"Hoy, Saskia... ang aga-aga nag-iingay ka. Ang lakas na nga ng ulan kagabi, pauulanin mo na naman ulit." Lumabas ang bagong gising na si Mammy mula sa kwarto. 

"My, luto na yung sinangag. Bumili ako ng tocino dyan sa labas, sandali na lang ito. Hayahay ang buhay ng dalawa kong kapatid, ang sarap ng almusal nila ngayon." Pagmamayabang ko. 

"Ba't parang ang sigla mo ngayon?" Tinitigan ako ni Mammy mula ulo hanggang paa. "Ano? Nagpagalaw ka na naman?"

"My naman!" Halos lumuwa ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Ano ka ba? Baka marinig ka nun! Walang nangyari, nag-usap lang kami."

"Buti naman. Binuntis ka na nga, magpapalaspag ka pa." Sabi nito.

"Mabait si Migs. Hindi siya mapanamantala." Pero kagabi hiniling ko na sana hindi siya masyadong mabait.

"Alam kong wala tayo sa teleserye pero kayo ni Migs, magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. Langit siya, lupa tayo. Sa kanila, laruan lang tayo. Taga-bigay ng aliw. Pinaaalala ko lang sa'yo dahil ayaw kong umasa ka at sa bandang huli masaktan ka." Malamig ang tonong sabi ni Mammy.

Aray ha! Sana kinuha niya na lang 'tong kutsilyong hawak ko at sinaksak sa dibdib ko. "Alam ko naman yun, My. Sino bang umaasa dito? Ang habol ko lang naman yung sustento niya dito sa batang dinadala ko."

Biglang tumunog ang MyPhone ko na nasa ibabaw ng mesa. Inabot ko iyon at sinagot.

"Hello?"

"Hi, who's this?" Isang pamilyar na boses ang nasa kabilang linya.

"Saskia this. Ikaw? Sino ka?" Tanong ko.

"Ah, Saskia. I see. It's Miggy's brother, remember me? Ngayon ko lang nabasa ang text message niya. Can I talk to him?"

"Can you hang yourself for awhile?" Sabi ko at pumunta sa kwarto para ibigay kay Migs ang cellphone.


MIGS

"Hey." I was barely awake when Saskia handed me her phone. Kahit inaantok pa ay kinuha ko iyon sa kanya ng sabihin niya sa akin na kapatid ko. I already knew it was Coco. 

"Bro, may personal na galit ba sa akin si Saskia? Bakit gusto niya akong magbigti?" That was the first thing he said to me. 

"You know how she is..." I answered, still dazed. "She says the most random things."

"Why are you even with Saskia? You spent the night with her?" He asked.

"It's a long story. Can you just come and get me here? Oh and by the way, do not bring your car." I could feel every joint in my body hurting as I stood up. My spine felt stiff. Sleeping on the floor was not conducive to a good night's sleep. 

"Why? What happened?"

"I got robbed. Sinimot lahat ng laman ng kotse ko at kinuha pa yung gulong. This place is like the twilight zone and Detroit combined. This is the strangest, most ghetto place I've ever been to." I yawned. "Also, can you get someone to tow my car? I mean, if it's still there."

"Doon ba yan sa pinagbabaan natin sa kanila?" 

"Yes." I answered.

"Got it. I'll be there in a few." He said and we both hang up.

My pants and boxers were neatly folded on top of Saskia's bed. I thought of the conversation we had last night. I thought of my confession. Hindi ko lang sa kanya inamin iyon, kundi pati sa sarili ko. I confirmed to myself what I couldn't accept. I fucked up. I fucked up and I needed to admit it.

 I put it on and walked out of the room. The smell of delicious, mouth-watering food assualted my nostrils. It was like Mama's cooking. 

"Kain na." She pulled a vacant chair and gestured for me to sit there.

I helped myself, walking up to her and sitting there. She didn't even ask what I wanted. Naglagay siya ng garlic rice sa plato ko, tocino, tuyo at itlog. The way she treated me made me feel like a pampered king. 

"Kumakain ka ba ng mga ganito Migs?" Her mother asked.

"Pag nasa bahay lang ako ng parents ko nakakakain ng ganito." I answered.

"Bakit, kuya? Ano bang pagkain niyong mga mayayaman?" Saskia's sister asked.

"I don't know." I shrugged and couldn't help but laugh at her question. "Pareho lang din naman ng kinakain niyo ang kinakain ko."

"Nagtutuyo kayo sa inyo?" She looked at me as though she thinks I was lying.

"It's my Dad's favorite. Tuyo and danggit." 

"Eh ikaw ano bang favorite mo? Para naman mapagluto din kita minsan." Saskia said. "Yunh kaya ko lang ha. Baka mamaya pang five star restaurant yung i-request mo."

"Don't worry, hindi ako mahilig sa ganong mga pagkain. Just a nice home cook meal will do. Kakainin ko kahit anong ihain mo sa akin." I chuckled. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Hinihintay kasi kitang magising." Sabi niya.

"Umupo ka na dito. Baka nagugutom na ang baby." My eyes lowered to her stomach. I knew it was still just a blob of blood inside Saskia but I already thought of it as a living baby inside her. I wasn't going to deny that it felt like it was the end of the world when I found out that Saskia was pregnant. But it wasn't really. It was a beginning of a new life. Magiging Daddy na ako. I would make sure my child would see me as the 'Best Dad'. I would make sure the baby would receive all the love and care I could give and more.

"Did you take your vitamins?" I asked.

"Tapos na po." She answered.

"How 'bout the milk?"

She nodded. "Kaninang umaga paggising ko." 

We had a nice conversation while we ate. Saskia's family was nice and welcoming but they sure don't have any filter. Was it bad that I already felt at home and comfy here with Saskia and her family? I didn't even want to leave yet. Being with them relaxed me. They don't expect anything from me here. I didn't have to pretend. I didn't have to do everything right. It was like an escape from my perfect world. Here, I could just be myself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co