Chapter Thirty Eight
SASKIA
"SASKIA!" Narinig kong tawag ni Tintin at pareho kaming napalingon sa kwarto naming mag-ina. Agad na tumalikod si Migs at nagtungo doon at sumunod naman ako.
"Sino ba 'tong batang 'to? Saan mo 'to napulot? Isang araw pa lang ako nawawala, pinalitan mo na ako." Kunot ang noong tanong niya habang nakatingin kay Savina na mahimbing na natutulog sa kama. Nakatalikod ito
"Tintin." Lumuhod ako sa harap niya para magtapat ang mukha namin. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok niya habang pigil ang mga luhang "Siya si Savina, siya ang kapatid mo."
"Kapatid?"
"Oo, parang kami ni Yuka at ni Cosme. Pareho kami ng nanay si Lola Mammy mo kaya magkapatid kami." Paliwagan ko sa kanya.
"Eh di anak mo din yan?" Tumingin siya kay Savina. "Akala ko ako lang ang anak mo?"
"Daddy?" Biglang bumangon si Savina at kinusot-kusot ang mga mata. "I want my daddy..."
"I'm right here, darling." Agad naman lumapit si Migs at umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya si Savina at inupo sa kandungan niya. Hinalikan niya ang bata sa noo. "Good morning."
"Daddy..." Yumakap si Savina sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng ama.
Nagkatingin kami ni Migs at ako rin ang unang nagbaba ng tingin.
"Savi, I want you to meet someone." Malumanay na sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ng bata.
"Bakit ganon? Bakit kamukha ko siya?" Tanong sa akin ni Tintin.
"Tintin, halika dito." Inilahad ni Migs ang isang kamay niya sa anak ko.
Tinignan ako ni Tintin na para bang tinatanong kung dapat ba siyang lumapit kay Migs at tumango ako. Dahan-dahan lumapit si Tintin sa ama niya at inupo siya ni Migs sa ibabaw ng kabilang hita niya. Kita sa mga namumulang mata ni Migs kung gaano niya pinipigil ang mga luha. Niyakap niya ng mahigpit ang mga anak namin at kinailangan kong kagatin ang pang-ibabang labi ko para mapigil ang hikbing gustong kumawala mula sa lalamunan ko.
Para akong nasa isang panaginip. Alam ng Diyos kung ilang beses kong pinangarap mangyari ito. Ang makitang magkasama si Tintin at Savina. Ngayon ay nasa bisig sila ni Migs.
"Tintin, ito si Savina. Magkambal kayo kaya magkamukha kayo. Savi, look here. This is your twin sister." Paos ang boses na pakilala ni Migs sa mga bata.
Unti-unting nag-angat ng tingin si Savina kahit na pupungas-pungas pa ito. Tinitigan nila ang isa't-isa at parehong nanlaki ang mga mata nila. Naglapit ang mga mukha nila at halos sabay umangat ang kamay nila para hawakan ang mukha ng isa't-isa. Kinapakapa nila iyon na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.
"Ay ang ganda mo, 'te. Para akong nakaharap sa salamin." Sabi ni Tintin.
Kahit pareho kaming naiiyak ay hindi namin napigilan ang matawa. Paano naman kasi naririnig niya ang mga salitang iyon kay Ninang kaya kung anu-anong lumalabas sa bibig ng batang 'yan.
"Tintin said you're pretty." Sabi ni Migs sa bata. "What do you have to say?"
"Thank you. You're very pretty, too. You have nice hair and clothes." Ngumiti si Savina sa kanya.
Napaawang ang bibig ni Tintin na parang pilit na iniintindi ang sinasabi ni Savina.
"Honey, you have to make effort to talk to your sister in tagalog. Hindi kasi niya masyadong maiintindihan kapag hindi tagalog." Malumanay na sabi ni Migs bago humarap kay Tintin at hinalikan ang bata sa buhok. "Medyo hirap din kasi itong kapatid mo magtagalog pero marunong naman siya at nakakaintindi."
"Bakit kasi nag-eenglish kayo? Nasa Pilipinas naman tayo." Kumunot ang noo ni Tintin.
Natawa ng bahagya si Migs. "Kasi sa international school nag-aaral si Savina. Marami siyang kaklase na hindi Pilipino at iba ang lahi kaya english ang ginagamit nilang salita doon. Ako naman, sa trabaho ko kailangan kong humarap sa iba't-ibang tao na galing ba pa sa iba't-ibang bansa. Hindi sila marunong mag tagalog kaya english din ang ginagamit namin para makapag-usap kami ng maayos."
"Ah..." Tumango-tango si Tintin. "Akala ko kaya nag-eenglish kayo para sosyal. Sabi kasi ni Yuka ganon daw ang mayayaman."
"Tintin..." Tawag ko sa kanya at lumapit ako sa kanila. "Hindi ba palagi mong tinatanong sa akin kung sino ang tatay mo? Kasama mo na siya ngayon."
"Ako ang daddy mo..." Sabi ni Migs bago niyakap ng mahigpit si Tintin at ibinaon ang mukha sa buhok niya. Hindi na napigilan ni Migs ang emosyon niya at napahagulgol na lang ito.
"Daddy?" Narinig kong mahinang sambit ni Tintin at hindi ko na din napigilan ang mga luha ko.
"Oo, ako ang daddy mo." Sagot niya sa pagitan ng iyak.
"Daddy!" Yumakap si Tintin dito, ipinulupot ang maliliit na bisig sa leeg ng ama niya. Sandaling nagyakapan ang dalawa bago nag-angat ng tingin sa akin si Migs. Hawak niya ang dalawang bata sa magkabilang bisig at tumayo siyang karga ang mga ito.
"Savina..." Lumingon siya rito bago muling tumingin sa akin. "I want you to meet your mommy."
Inilapit sa akin ni Migs si Savina at kinuha ko siya. Niyakap ko ang anak ko at naramdaman kong pumulupot ang mga bisig niya sa akin.
"You're my mommy?" Narinig kong tanong niya.
Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya. "Oo, ako ang mommy mo."
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago hinalikan sa pisngi. "I love you, mommy."
"Mahal na mahal din kita." Basag ang boses na sabi ko.
Lahat ng pangungulila ko sa kanya ay agad na naibsan nang marinig kong tawagin niya akong mommy. Kung mamamatay man ako bukas, mamatay akong masaya. Pero syempre, huwag muna sana. Kakikilala ko lang sa anak ko, eh. Mga after 50 years na lang.
"Why are you crying, Mommy?" Tanong niya nang titigan ako at umangat ang kamay niya para punasan ang luha ko.
"Masayang-masaya lang ako dahil sa wakas nayakap ulit kita. Alam mo bang ang liit-liit mo pa noong huli kong magawa sa'yo ito?" Sabi ko sa pagitan ng hikbi ko.
MIGS
I finally had my time alone with Saskia when Tintin took Savi out of the room to show her her dolls. The two were still trying to get to know each other. Savi was really making effort to try to talk to her sister in tagalog and Tintin was trying to talk to her in english.
"Paano mo nagawang itago sa akin si Tintin, Saskia? Kung hindi ba nagkapalit si Tintin at Savi wala kang balak na ipakilala siya sa akin?" I couldn't hide the anger and hurt in my voice. "Hindi tuta ang mga anak ko na pwede mong iwan at paglayuin dahil gusto mo lang."
"Hanggang ngayon ba ganyan kababaw pa rin ang tingin mo sa akin? Nanay nila ako. Siyam na buwan kong pinagbuntis ang kambal at ako ang nagluwal sa kanila. Sa tingin mo hindi masakit sa akin ang iwan si Savina noon?"
"Then why did you leave Savina and take Tintin with you? Bakit kailangan mong paghiwalayin ang magkapatid?"
"Alam mo bang muntik nang mamatay si Savina noong sanggol pa lang siya?" She lowered her gaze and wiped the tears that was coating her eyes. "Mas maliit siya kay Tintin noong ipinanganak ko siya, mahina at hindi daw na develop ng husto ang baga niya. Wala kaming kapera-pera noon. Nagsisimula pa lang kasi ulit kami."
I felt a strangling pain in my chest as I listened to her. Savina's pediatrician have always told me that she had weak lungs. She used to always have to rely on inhalers to keep up with kids her age but doing ballet had significantly improved her lung capacity.
"Bakit hindi ka lumapit sa akin?" I asked in a gentle tone.
She looked at me, bewildered. "Gago ka ba? Bakit ko gagawin yun? Pagkatapos mong sabihin na ginagamit ko si baby Migs para perahan kita, sa tingin mo lalapit pa ako sa'yo para humingi ng tulong?"
"Nadala lang ako ng galit noon." I lowered my gaze. "If you told me that you were pregnant again, I would've been the happiest man. I would've never recover from Baby Migs' death if not for Savina."
I lost direction of everything when Saskia left. I stopped being the Miggy they all knew and loved. It really did took an emotional toll on me. Everything that kept me sane, Saskia and the baby, were suddenly gone. Hindi na ako pumapasok sa opisina noon. I stopped running the family's company. I did nothing but stay at home and drink myself to oblivion, wallowing in self-loathing. And then one fateful day, I heard a cry from outside my condo unit and when I opened the door, there was a tiny baby in an old, worn out basket stuffed with pillows around her. She was the most beautiful thing I'd ever seen in my whole life.
Savina ang pangalan niya, Migs. Alagaan mo siyang mabuti.
I still remember the short letter I found in her basket. I knew she was mine the first time I held her. She was tiny but she was beautiful. I fell in love with her the first time I carried her in my arms. Alam kong si Saskia ang ina niya. I had never been with any woman since Saskia. Inayos ko ulit ang buha ko dahil sa anak ko. I got back on track and raised him to the the wonderful little girl she was now.
"Kung hindi lang ako natakot noon dahil sakitin si Savina, hinding-hindi ko siya iiwan sa'yo. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang ginawa kong iyon. Mas gugustuhin kong malayo siya sa akin at lumaking malusog kaysa naman kasama namin siya pero wala kaming pampagamot sa kanya." I could hear the tremble in her voice.
"Saskia..." My hand automatically touched her face as if it had a mind of its own. After all these years, she still holds a special space in my heart. If I were honest with myself, I crave having to touch her. Not in an intimate way. I just wanted to feel the warmth of her skin against mine. She was still beautiful, even more so than I remembered her.
She flinched, turning her head away from my hold. "Titignan ko lang ang mga bata..."
I grabbed her by her her wrist before she even had the chance to take a step away from me. I pulled her to me and one hand went to the back of her head. Bumaba ang mukha ko sa mukha niya and then for first time in so many years, my lips crashed against hers again. It was like coming home. They were warm, soft, and velvety. I swiped my tongue between her lips and they automatically opened up for me in response. I thrust my tongue into her mouth, urging her to do the same. I wanted to taste and posses every bit of her. Her tongue were suddenly stroking mine. I felt passion and pure need like no other.
She uttered my name as she slowly pulled away from me, her hand over my chest and pushing me away. Halos hindi siya makatingin sa akin. Her cheeks were flushed and she quickly turned her back to me, walking hastily out of the room.
I looked up in frustration, taking a deep breath and a heavy exhale. Sinundan ko siya palabas at nakita ko ang kambal na naglalaro.
"Why don't you have a doll?" Savi asked.
"This..." Tintin pointed at the paper doll she was holding. "Yes, this doll!"
"No, I mean the real one. Bakit gawa sa paper ang doll mo?" Savi's brows furrowed.
"No money." Tintin shrugged her shoulders. "Sabi ni Saskia bibili na lang niya ako ng laruan kapag nagkatrabaho na siya, hindi ba, Saskia?"
Saskia's eyes softened as she looked at the two and nodded. I felt another clench in my chest. This shouldn't have been the life she was living. I wanted to spoil her, make up for all the years I wasn't beside her. And give her the best of everything I could give.
"Ako na ang bibili sa'yo ng doll. Kahit ano'ng gusto mo." I said after clearing my throat as lump started forming there.
"Tita Hazel gave me a huge doll, probably about as tall as me and it knows how to walk." Savi excitedly said. "When you visit our house, I'll show it to you and we can play with it together."
Tintin raised her brows and her mouth slightly parted, trying really hard to understand what her sister was saying. I walked up to her and got down on one knee.
"Tintin, maraming laruan doon sa bahay. Pwede kayong maglaro ni Savi. If you want, I can buy you more toys. Gusto mo bang sumama sa amin? Kahit ano ibibigay sa'yo ni Daddy..." I gently asked her. After finding out about her existence, I never wanted to spend another day without her in my life.
"Migs!" Saskia exclaimed harshly.
"Gusto ka namin makasama ng sister mo, Tintin." I raked my fingers through her golden hair.
"Paano si Saskia?" Tintin looked at her monther and pouted. "Ayaw kong iwan si Saskia saka si Mammy Lola, si Jodie, si Yuka, saka si Cosme."
"Eh di isasama natin sila." I smiled.
"Hindi kami sasama sa'yo..." Saskia possessively wrapped an arm around Tintin. "Dito lang kami."
I looked up at her before I stood up again. "Saskia, pwede ba tayong mag-usap."
"Nag-usap na tayo kanina." She lowered her gaze, her face slightly flushing.
"I want custody of Tintin." I firmly said.
She opened her mouth but no word came out so she closed it.
"Mommy, don't you want to come with us? I want to spend time with you and Tintin." Savina said.
"S-syempre, gusto ko. Kung pwede nga lang, anak, ayaw ko nang mahiwalay sa'yo." She said, her voice breaking at the end.
"Pag-usapan natin ito, Saskia. For the sake of the kids. Please..." I said in a begging tone. I, then, grabbed her by the wrist and she didn't protest when I pulled her away from the twins.
"Is Tintin using my surname?" I asked, trying to keep the harshness in my voice from surfacing.
Sunod-sunod na umiling si Saskia.
"I want her to use my surname. I want my name registered on her birth certificate as her father. I want custody of my daughter. Kapag dinala natin ito sa korte, I'm sure the court will favor me."
"Hindi mo pwedeng kuhanin ang anak ko sa akin. Hindi porque mayaman ka, pwede mo nang kunin sa akin si Tintin. Pinaubaya ko na nga sa'yo si Savina pa di ba naman si Tintin?" I could tell by her voice that she was trying hard not to cry.
I swallowed, putting moisture to my dry throat. "Then live with me, Saskia. Sumama ka sa akin, kayo ng pamilya mo katulad ng dati. You'd never have to part from Savina or Tintin."
"At ano ang magiging papel ko sa buhay mo? Magiging kabit ulit ako sa inyo ni Hazel? Natuto na ako sa nangyari noon. Hindi na ako ang dating Saskia na baliw na baliw sa'yo noon." She said in a soft voice as she looked away from me, avoiding any eye contact.
"Bakit?" I took as step foward, closer to her. "May iba ka na bang kinababaliwan?"
"E-eh paano kung meron na nga? Ano naman?" There was a bite in her voice.
"Sino? Si Neil?" I cocked a brow, taking another step towards her. There
"W-wala kang pakialam. Hindi ko kayo pinakikialaman ni Hazel." She softly said.
"Walang kami ni Hazel. We'd ended our relationship years ago. There's never been anyone since you left." I admitted.
Silence took over us before I spoke again. "I want to spend time with my daughter, Saskia. Gusto kong makasama pa si Tintin at pati sina Mama at ang mga kapatid ko, halos ayaw nang bitiwan si Tintin kanina. She's a bright kid. They adore her so much."
Lumingon si Saskia sa gawi ng kambal. The two were busy playing with Tintin's paper dolls.
"How 'bout this. Kahit ngayon weekend lang, you and Tintin come home with us. Kahit itong weekend lang. Please, Saskia. Makakasama mo din si Savina. She'd always wanted a mother. Mama and my sisters had always been there for her pero alam kong sabik na sabik pa rin siya sa pagmamahal ng isang ina."
___
Sorry, hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Naging abala kami sa pag-aayos ng selfpub books. But I just want to thank you guys, sobrang nagulat ako dahil madami pa lang nagbabasa nito. Nakakagana lalo magsulat haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co