Chapter Thirty Seven
MIGS
I cupped her face and took a closer look at her. She looked like my Savina but not quite. There was something different that I just couldn't put my finger on. I gently pulled away from her and looked at her from head to toe. I tried to remember the clothes she was wearing when I picked her up from ballet class, she was in a light blue floral dress. This girl right in front of me was in a white top and blue skirt. That detail threw me off, making me tumble back from her.
What in the name of God is happening? I thought to myself as I raked my fingers through my hair.
"Savina, honey, what are you talking about?" Mama was the first to break the eerie silence in the whole dining room. "Are you not feeling well? Do you need some rest?"
The little girl just looked at Mama, dumbfounded and her mouth slightly gaping open.
"Sav..." Mama gently touched her shoulder.
"Savina, sino'ng Lola Mammy? Nandito si Mama Cassie mo, nandito ako, si Papa Nick." Dad softly said and stroked her hair.
"Baka naman nabaggok 'yan si Sav, Kuya. O kaya naalog yung utak kaka-ikot sa ballet class." Ronnie said with worry in her tone.
"Savina..." Drey came up to her and touched her cheek. "How are you feeling?"
"Sumasakit ulo ko..." She touched her temples.
"Itakbo na natin sa ospital. Baka may brain hemorrhage siya." Ronnie said, alarmed.
"Okay lang ako pero pwede bang huwag kayong mag-english? Pinipilit kong intindihin yung mga sinasabi niyo pero sumasakit ulo ko." She scratched her head.
We all exchanged weirded out looks at each other before turning our attention back to the little girl in front of us.
"I don't think she's Savina..." I quietly whispered, my eyes fixed on my daughter's doppelganger. "W-what's your name, darling?"
She put one hand over her hip. "My name? I am Bettina Miquel Flores, 6 years old, nag-aaral sa Sto. Antonio Elementary School, mula sa klase ng kinder 2-section gumamela, nakatira sa Mahabagin Street Sitio Sto. Antonio, at naniniwala ako sa kasabihan na kapag may nalaglag na pagkain ay agad itong pulutin dahil may 5 seconds pa. I thank you."
Another batch of silence took over us. My mind was trying to process all the information this little girl had given. Just as realization slowly sunk in to me, Ronnie let out a roaring laughter.
"Oh, God..." Mama softly said, her reaction delayed.
Flores. Flores. Flores. The name rung over and over in my head like an endless echo. It throb as if it was being blown apart from inside in slow motion. She looked exactly like Savina but she wasn't Savina. She was the same age as my daughter. She was a Flores.
"Saskia..." I uttered under my breath.
"Kilala mo si Saskia?" Her brows furrowed as she caught what I said.
"Ano mo si Saskia?" Dad was the one who asked the question for me when I couldn't find my voice.
"Mama ko." She answered and then her eyes widened as if she suddenly remembered something. "Baka hinahanap na ako nun. Pwede bang iuwi niyo na ako? Babalik ko na lang 'tong mga laruan."
Gentle warmth took over my whole body as I looked at her from head to toe. I felt something inside me rush up from my chest to my eyes, making it water with tears. My brain still hadn't figured out what was going on but my heart already had. I pulled her to me and gave her a tight hug and then I cried. I cried and sobbed my heart out as I held her in my arms like I did when I first held Savina.
"You've got to be kidding me. What is this? The twilight zone?" Said Coco, who had arrived with his family thirty minutes after we did. His eyes were on Bettina who was sitting on Mama's lap as she and Dad doted on her. While they were feeding her dinner, I had to grab myself a glass of alcohol to calm my nerves. We had Bettina with us but Savina was still missing. We'd called the mall's security department and asked them to get the CCTV footage of the time we entered the mall to the time I left with Bettina. Dad had already had his private security team and the police look for Savina.
"I still don't know what's going on but one thing I'm sure of, they're twins." I said.
"No shit. They look exactly alike." Coco commented.
"I need to find Savina... and Saskia..." I let out a sigh as my jaw clenched. "How could she do this to me? Hanggang ngayon ba naman, pinaglalaruan niya pa rin ako at ang mga anak ko."
"Oh, I do hope Savina's in good hands. Siguro naman na kina Saskia lang siya." Drey said in a weary tone.
My gut instinct told me that she was. The group of men Dad had sent to investigate, came in and handed us the CCTV footages. It confirmed everything. Savina and Bettina were indeed two different people. Nakita sa CCTV footage mula pagpasok nina Saskia at ng pamilya niya sa mall. It had been years since the last time I saw her. Her beauty had grown more vibrant over the years and my eyes caught an unfamiliar man. Halos hindi na nga ito humiwalay sa kanya. I shook the thought and focused on my Savina. She was still in the toystore when I found Bettina right outside. After a couple of minutes, she came looking for me and then she went out of the toy store and stood in the corner, crying. Doon na lumapit si Saskia sa kanya.
"Bettina..." I walked up to her and knelt down to level.
"Tintin na lang." She beamed. In a short period of time, she was already charming everyone in the family with her wittiness and carefree spirit. She also had a smart mouth kaya tuwang-tuwa si Ronnie sa kanya. She was now playing with the toys we'd gotten from the toy store earlier.
"Tintin." I swallowed, holding back my tears as I looked intently at her. "I'm so happy to be able to meet you."
She looked at me and blinked, her lips slightly parting.
"I mean... uh, natutuwa akong makita ka. Ang ganda ganda mo." I fondly stroked her hair. I just couldn't keep my eyes off her. Bettina was no doubt Savina's twin sister but they were not the exact same replica of each other. If look hard enough, you'd notice the little differences. Savina had a slightly more upturned nose than Bettina. Bettina's eyes were a bit wider than Savi's. The people around us would probably never notice the minor differences but I did because I see my daughter everyday. Alam ko ang bawat sulok ng mukha niya.
"Alam ko. Sabi ni Jodie sa akin pag laki ko, pwede daw akong mag-artista o kaya mag-model." She apathetically said.
"You go, girl. High five!" Ronnie laughed and raised a palm.
Bettina high-fived her.
"Hindi pa ba ako uuwi?" She rubbed her fists on her eyes and began to yawn.
"Hinahanap pa namin kung saan nakatira ang mommy mo. Matulog ka na lang muna kaya sa kwarto para paggising mo nandito na sila." I told her and decided to lift her up in my arms. She was as heavy as Savina. I felt warmth all over as she hooked her arms around my neck and nuzzled her face into my shoulder.
"Hindi mo ba talaga alam kung saan ka nakatira o kung ano'ng number ni Saskia? Wala ka bang natatandaan?"
She shook her head. "Alam ko yung bahay namin sa Sto. Antonio pero hindi ko alam yung dito. Kalilipat lang kasi namin."
I chuckled a little despite the tears that were starting to sting my eyes. I brought her up to Savina's room. I laid her down Savi's princess bed and tucked her in.
"Grabe, manong! Ang laki talaga ng bahay niyo. Kung nandito si Yuka, tuwang-tuwa yun. Ilusyunada pa naman yun." She said in a sleepy tone. "Saka ang lamig dito, manong. Para akong nasa loob ng ref."
"Gusto mong i-off ko ang airconditioner?" I asked.
"Huwag na. Makapal naman ang kumot. Yan pala yung sinasabi ni Yuka na aircon." A glimmer of a musement shone in her tired eyes.
"Do you want me to read you a bedtime story?"
She just looked up at me with her doe-like eyes, her mouth slightly parting as if trying to process what I said.
"Gusto mong basahan kita ng story? Iyon kasi ang ginagawa ko kay Savina gabi-gabi."
"Kami kasi ni Saskia, nagkukuwentuhan kami bago kami matulog." She let out a lazy smile. "Namimiss ko na si Saskia, manong."
"I'm sure she misses you, too. Hinahanap naman na namin siya. Gusto mo bang magkuwentuhan tayo?"
She nodded her head and I began to stroke her hair.
"Gaano katagal na kayong nandito sa Manila?"
"Tatlong tulog pa lang. Ang daming malalaking bahay dito, ano? Doon kasi sa Sitio Sto. Antonio, maliliit lang. Pero maliit lang din naman yung nilipatan namin saka inaayos pa namin. Madami daw kasing sira sabi ni Lola Mammy. Pinautang muna kami ni sir Neil nang pampagawa ng bahay habang wala pang trabaho si Saskia."
"Sir Neil?" I cocked a brow.
"Oo, siya yung teacher ni Saskia. Siya yung tumulong kay Saskia na makakuha ng scholarship dito kaya kami lumipat."
"Doon din ba siya nakatira?"
"Hindi, no! Ang liit-liit na nga ng bahay namin. Saan pa siya sisiksik doon?"
I pressed my lips together, swallowing back a laughter. I never thought someone this little could have a big personality. How did all that fit in her tiny frame?
"Alam mo ngayon lang ako nakakita ng mga taong pareho ng kulay ng buhok ko. Doon kasi sa amin palagi akong inaasar." Her eyes were already hooded and her voice was becoming more slow and scratchy.
There were so many thing I still wanted to ask her, so much I wanted to talk about. But the poor little one was already tired and so I let her go to sleep. I looked down at her and tears began to coat my eyes again. Six years and I didn't know she ever existed until now. The difference between Savina and Bettina's was palpable. They were brought up in a different environment and had different people in their lives.
I took her tiny hand in mine and kissed it before burying face and crying. I felt sorry for my daughter for having to go through so much at such a young age. If only I knew about her...
SASKIA
"M-mammy... mammy, si Savina 'to..." Sabi ko habang kalong ko ang mukha niya sa dalawang palad ko. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol nang yakapin ko ang batang nasa harap ko. "Savina, anak ko."
Ilang beses kong pinangarap mangyari ito. Ilang beses kong ipinagdasal na sana dumating ang araw na 'to. Akala ko hindi nga mangyayari iyon.
"I want my daddy..." Humihikbing sabi niya.
"Savina..." Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya at tinitigan siya. Kamukhang-kamukha siya ni Tintin. Wala halos pinagkaiba. "Savina, tahan na. Huwag ka nang umiyak."
Bumalik sa isip ko ang huling beses na kalong ko siya sa bisig ko. Iyak rin siya nang iyak noon na para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na nararamdaman ko. Kung paano ko siya iniwan noon, ganon ko rin siya natagpuan ngayon. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa halo-halong emosyon.
"But I want to go back to my daddy..." Kinusot niya ang mga mata niya.
"I-ibabalik kita sa daddy mo. Tahan na, anak." Isinuklay ko ang mga daliri ko sa mala-ginto niyang buhok at hinalikan siya sa noo.
Matagal ko nang ibinaon sa limot ang alaala ni Savina para maibsan man lang kahit konti ang sakit sa dibdib ko. Noong nawala siya sa akin parang nawala rin ang parte ng puso ko at ngayon na nandito na siya ay parang nabuo muli ito.
Tahimik lang na nanood sa akin ang pamilya ko dahil sila mismo, hindi pa rin makapaniwala na si Savina ang batang babaeng nasa harap namin ngayon. Makaraan ang ilang sandali ay kumalma din si Savina sa kaiiyak.
"Ibig sabihin kambal sila?" Gulat na tanong ni Neil pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya na hindi si Bettina ang batang kasama namin ngayon.
Nakakandong si Savina sa akin habang abala sa pag-inom ng juice. Nagtatanong-tanong naman sina Mammy, Ninang, Yuka, at Cosme sa mga tao kung may nakakita kay Tintin. Ilang beses na rin akong nagpabalik-balik sa customer service para ipapage at tignan kung may nagdala ba kay Tintin doon. Hindi naman mahirap hanapin ang anak ko. Bihira lang naman ang blondie dito sa Pilipinas.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Neil. Medyo balisa pa rin ako, hindi ako makapaniwala na hawak ko ngayon si Savina pero si Tintin naman ang nawala sa akin.
"Kumusta na kaya si Tintin? Sana naman makita na siya. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya, 'no? Matapang naman ang anak ko, kayang-kaya niya sarili niya." Nabuntong-hininga ako at hinalikan ang buhok ni Savina. "Savina, okay ka lang ba?"
"When are you going to take me back to my Dad?" Tanong ng inglesera kong anak at huwag ka, slang na slang. Parang si Migs kung magsalita.
"We are still finding nemo. Ay, your daddy pala. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pababayaan. Habang hindi pa natin nakikita ang daddy mo, aalagaan kita." Inayos-ayos ko ang buhok niya. Hindi ko mapigilan na titigan, hawakan, at yakapin siya. Pilit kong binabawi iyon sa anim na taon na hindi ko nagawa sa kanya ito. "You understand tagalog, Savi?"
"Yes. we have Filipino class in school." Tumango-tango siya.
"Buti naman at hindi na ako mahihirapan mag-english." Nilaro-laro ko ang buhok niya.
"Ate, may nakausap kaming guard, nakita daw nila si Tintin kanina na umalis kasama si Kuya Migs." Sabi ni Yuka nang makabalik siya.
"Gaga ka talaga! Sabi ng guard kasama si Migs? Kilala ba nila si Migs?" Nalukot ang mukha ni Ninang na nasa likod ni Yuka.
"Sabi di ba kasama ang lalaking blonde ang buhok? Syempre si Kuya Migs na yun!"
"N-nagkapalit kami?"
"Ganon na nga yata ang nangyari." Sagot ni Mammy.
"Yung Migs ba ang ama nilang dalawa?" Tanong sa akin ni Sir Neil.
Tango lang ang naisagot ko.
"Eh bakit hindi natin puntahan?" Sabi niya.
Humigpit ang hawak ko kay Savina at isinubsob ko ang mukha ko sa buhok niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Migs. Siguro sa mga oras na ito, alam niya nang hindi si Savina ang nabitbit niya.
"Hindi ganon kadali iyon." Mahinang sabi ko at bumaba ang tingin ko kay Savina.
Alam kong ligtas si Tintin na kasama ang ama niya. Parang gusto ko munang makasama si Savina kahit isang araw lang. Gusto ko muna siyang makasama bago harapin si Migs. Anim na taon ko siyang hindi nakasama. Ayaw ko muna siyang bitawan. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya.
"Savina, habang hinahanap namin ang daddy mo, okay lang bang umuwi muna tayo sa bahay?" Malumanay na tanong ko sa kanya.
"Well, my daddy said hindi dapat ako sumasama sa strangers." Sabi niya.
"H-hindi naman ako stranger. Ako si Saskia." Sabi ko.
"Are you a nice person? 'Cause daddy said there are a lot of bad people and I shouldn't come with them." Kumunot ang noo niya.
"Yes, I'm nice person." Sagot ko.
"Okay, then. But you promise you'd get me back to my daddy?"
"Promise." Itinaas ko ang isang kamay ko.
"Savina, kumakain ka ba ng monggo?" Tanong ko habang ipinagsasandok siya ng kanin. "Kasi alam mo, ito ang paborito ni Tintin."
"Who's Tintin?" Kumunot ang noo niya habang nakaupo sa mesa.
"Si Tintin ang anak ko." Ang kambal mo.
"Where is she now? I only know Mammy Lola, Sir Neil, Ninang, Yuka, and Cosme." Isa-isa niyang tinuro ang mga ito.
"Ay very good naman pala 'to." Niyakap ni Mammy si Savina. "Ang bilis mong makabisado. Matalinong bata. You're brain girl."
"Brainy kasi. Matakot ka kapag naging mukhang naglalakad na utak yan." Sabi ni Ninang.
"Saka infairness, mas tahimik at mahinhin itong si Savina. Akala mo dalagang-dalaga na kung kumilos." Sabi naman ni Yuka. "Hindi katulad ni Tintin na minsan ang sarap busalan ng bibig."
"Si Tintin, nasa daddy mo. Nagkapalit kayo." Paliwanag ko sa kanya.
"Ano'ng ginagawa niya kasama si daddy?" Nakita kong sumimangot siya nang konti.
"Kasi magkamukhang-magkamukha kayo ni Tintin kaya siguro napagkamalan niyang ikaw yun. Pero sigurado ako, alam niya na ngayon na hindi ikaw ang nadala niya."
"Sa daldal ba naman ng anak mo, talagang malalaman niya iyon." Sabi ni Mammy.
"Saka hindi ba natutulala si Tintin kapag kinakausap siya nang ingles. Hala! Kawawa naman ang Tintin natin." Ani Ninang.
Naisip ko si Tintin ngayon. Dumudugo na siguro ang ilong nun. Hindi pa naman sanay mag-ingles yun. Pero panatag naman ang loob ko nang malaman kong si Migs ang kasama niya. Alam kong aalagaan niya ang anak namin at hindi niya ito pababayaan.
"Ate, ano na ang gagawin natin sa kanya? Kailan mo ibabalik si Savina at kukunin si Tintin?" Tanong ni Cosme.
Napabuntong-hininga ako habang abala sa pagsasandok ng ulam sa plato ni Savina. "Bukas. Ipagpaliban muna natin ang gabi. Si Migs naman ang kasama nung bata, hindi niya naman ipapahamak ang anak niya."
"Hey, how did you know my dad's name?" Kunot ang noong nag-angat siya ng tingin.
"Me and your daddy, we are good friends long, long time ago." Napasabak ang ingles ko.
"Oo, sa sobrang good friends nahalukay na ng daddy mo ang kaloob-looban-"
"Ninang!" Napihit ang ulo ko sa kanya. "Bata yan saka may bisita tayo, no? Nandito si Neil."
"Alam naman na ni Neil, no? Hindi ka naman si Virgin Mary. Hindi naman mabubuo yang kambal kung hindi ka nakipagharutan sa lalaking iyon." Dahilan niya.
"Pag pasensyahan mo na si ninang. Ganyan lang talaga yan." Nahihiyang sabi ko kay Neil.
"It's fine." Natawa lang ito ng bahagya.
"Savina, gusto mong subuan kita? Subukan mo lang itong monggo. Magugustuhan mo 'to." Sabi ko at inalok ko ang isang kutsara sa kanya.
Mabilis nama niyang binuksan ang bibig at isinubo ko iyon sa bibig niya.
"Nagustuhan mo?" Nakangiting tanong ko.
Tumango si Savina habang ngumunguya. Sinubuan ko siya hanggang maubos niya ang isang plato.
"Very good naman ang baby ko. Naubos mo lahat, ah." Sabi ko.
"Daddy told me never to waste food because there are a lot of hungry kids out there that don't get to eat."
"Ang bait naman na bata." Niyakap siya ni Ninang.
"Syempre, anak ko 'yan, 'no!" Sabi ko.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam na si sir Neil at napansin kong pipikit-pikit na din si Savina kaya dinala ko na siya sa kwarto para patulugin. Tinabihan ko siya sa kama at niyakap.
"I miss my daddy..." Mahinang sabi niya bago isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Sigurado akong na mimiss ka na din ng daddy mo." Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at hinalikan iyon. "At na miss din kita."
Tumulo ang mga luha sa mata ko. Ilang taon na ang nakakaraan pero sariwa pa rin ang sugat sa dibdib ko.
"It's hot in here. Can we turn the AC on?" Nag-angat siya ng tingin.
"AC?" Agad kong pinahid ang luha ko.
"The airconditioner."
"Nako, baby, wala kami nun. Lakasan na lang natin itong bintilador." Sabi ko at pinindot ang 3 sa bintilador na nasa tabi ng kama. "Yan. Okay na ba?"
"Mmhmm." Nakangiting tumango siya bago muling hinilig ang ulo niya sa dibdib ko.
"Can you read me a bedtime story?"
"Hindi kasi namin nadala yung mga libro ng alamat ni Tintin. Paano kung kantahan na lang kita?"
"Okay..." Humikab siya.
At iyon ang ginawa ko hanggang sa makatulog siya. Hindi ko napigilan pugpugin siya nang halik. Hindi mahiwalay ang titig ko sa kanya. Magkamukha nga sila ni Tintin pero alam kong magkaibang-magkaibang tao sila. Kung nandito lang ngayon si Tintin kasama namin, ako na ang pinakamasayang nanay sa buong mundo.
Nagluluto ako nang agahan nang marinig kong may kumakatok sa pinto namin. Hinatak ako nang katok na iyon mula sa malalim na pag-iisip. Iniisip ko kung ano na ang mangyayari kapag binalik ko si Savina sa mga Cordova at nagharap ulit kami ni Migs. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
"Oo, ito na. Bubuksan na!" Sabi ko nang hindi pa rin tumigil ang katok sa pinto.
Binuksan ko iyon at napaatras ako ng isang hakbang nang bumungad siya sa harap ko. Kanina lang ay iniisip ko siya, ngayon ay nasa harap ko na. Pumikit ako at muling dumilat, iniisip ko na baka naalimpungatan lang ako.
"Migs..." Mahinang sabi ko.
Madili ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Nasaan ang anak ko?" Mahina pero may diin na tanong niya.
"SASKIA!" Narinig ko ang boses ni Tintin at bumaba ang tingin ko sa tabi ni Migs kung saan nakatayo doon ang bata habang hawak niya ang kamay nito. "Saskia, ito nga pala si manong. Siya yung kumuha sa akin nung nawala ako kahapon."
"Tintin..." Napaluhod na lang ako sa harap niya at niyakap siya. "Okay ka lang ba? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Nakapaghapunan ka ba? Kumain ka na na ba?"
"Kumain na ako. Pinagluto kami ni Mama Cassie ng pancake saka maraming-maraming pagkain. Hindi ko alam ang tawag sa mga yun pero masasarap. Ang sosyal ng bahay nila, Saskia. Parang palasyo." Masayang sabi niya at umikot. "Saka tignan mo ang suot kong damit, o! Ang bongga, di ba?"
"Nasaan si Savi?" Muling tanong ni Migs.
Napatayo ako at tumingin sa kanya. "T-tulog pa..."
"Hey, Tintin..." Nag-iba ang tono at mukha niya nang humarap siya sa bata. Mas lumambot iyon. Isinuklay niya ang "Pwede bang pumasok ka muna? Mag-uusap lang kami ni Saskia."
Sumunod naman si Tintin sa utos niya at naiwan kaming dalawa. Sandali kaming nagtitigan. Lalo lang tumingkad at kagwapuhan ni Migs mula nang huling beses kaming magkita. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin sa kanya.
"How can you do this to me?" May bahid na galit sa kalmang boses niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co