Chapter Thirty Three
SASKIA
Isang milyon. Iyon ang halagang nakasulat sa chekeng hawak ko ngayon. Ang nilagay ni Hazel na halaga doon. Sabi niya pwede na daw akong makapagsimula nang bagong buhay sa halagang ito. Mabibigyan ko na ng magandang buhay ang pamilya ko at mapapagpatuloy ng mga kapatid ko ang pag-aaral nila sa magandang eskewelahan. Magiging impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuksong kunin na lang iyon at magpakalayo-layo na.
Mahal ni Migs si Hazel. Si baby Migs lang naman ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa tabi ko at ngayon wala na ang anak namin, wala na siyang dahilan para manatili dito. Iiwan niya ako at babalik siya kay Hazel. Naisip ko sina Yuka at Cosme, ang pag-aaral nila at kinabukasan. Ang laki ng ginanda ng buhay namin mula nang makilala ko si Migs. Nandon ang kagustuhan ko na huwag silang maibalik sa hirap. Gusto kong magkaron sila ng magandang kinabukasan. Ayaw kong sumunod si Yuka sa yapak ko at ni Mammy.
"Kuya Migs, ikaw na." Sabi ni Cosme habang naglalaro kami ng scrabbles sa salas. Sabi ni Migs maganda daw itong larong ito para mas mahasa ang english ko pero wala akong gana maglaro at hindi ako mapakali. Hindi matanggal sa isip ko ang pag-uusap namin ni Hazel.
"Saskia..." Nag-angat ng tingin sa akin si Migs habang nakatayo ako at nanonood sa kanila. "What are you doing there? Halika nga dito."
"Uminom lang akong tubig sa kusina." Sabi ko at lumapit sa kanya.
"We started the game already. Tulungan mo ako dito." Hinawakan niya ang kamay ko at maingat na hinatak ako paupo sa kandungan niya. "Ito ang mga letters natin. We need to form a word with these na pwedeng i-connect sa mga word na nasa board."
"Uy si Ate at Kuya, titingin lang ng mga letters, kailangan nakakandong pa." Nakangising asar ni Yuka sa amin.
"Mag-asawa na ba kayo ni Ate?" Tanong ni Cosme.
"Akala ko ba matalino ka? Kapag kinasal na, mag-asawa na sila. Hindi pa naman kinakasal si Ate. Boyfriend pa lang ni Ate si Kuya Migs, hindi ba, Ate?" Tumingin siya sa aming dalawa.
Natahimik ako.
"Right." Sumagot si Migs.
"Hindi ba kapag nakatira na sa iisang bubong mag-asawa na? Bakit yung kapitbahay natin. Tumira lang si Nonoy doon sa bahay nung girlfriend niya, mag-asawa na sila. Hindi naman sila kinasal." Natural na kay Cosme ang pagiging matanong kapag may hindi siya naiintindihan na bagay. Kaya nga matalino yan, kasi hindi yan titigil hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot.
"Eh kasi nga, hindi naman nila kayang magpakasal. Wala silang datong. Doon sa atin, kapag tumira na kayo sa iisang bahay, mag-asawa na kayo. Pag mayaman, live-in partner pa lang." Sagot naman ni Yuka.
Tumawa nang bahagya si Migs bago ako dinampian ng mabilis na halik sa balikat. Tumingin ako sa kanya at sinuklay ang mga daliri ko sa mala-ginto niyang buhok.
"Mag live-in partner na kayo, di ba?" Tanong ni Yuka sa amin. Nagkatinginan kami ni Migs sa mata at muli siyang natawa. Daig ko pa ang tineydyer na nginitian ni crush sa nararamdaman ko ngayon.
Bumalik ang atensyon ni Migs kay Yuka. "You know a lot, don't you? Your Ate and I are temporarily living together so I can take care of you and our baby."
Bigla akong hinatak pabalik sa realidad. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nagising ako sa ilusyon ko. Bumaba ang isang kamay ni Migs sa tiyan ko at parang gusto kong mapaurong. Ayaw kong makahalata siya.
"Tulog na tayo." Aya ko kay Migs at tumayo na mula sa kandungan niya. Nakokonsensya ako sa pagtago ko sa kanya tungkol sa totoong nangyari sa anak namin. Pero natatakot din akong sabihin sa kanya. Walang kasiguraduhan sa magiging reaksyon niya o sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya ang totoo.
"Kakasimula lang natin, Ate." Reklamo ni Cosme.
"Kailangan magpahinga ng Ate niyo. Kayo na lang muna ang maglaro. Mas agahan na lang natin bukas." Sabi ni Migs sa mga bata bago sumunod sa akin.
Pumasok na kami ng kwarto at nahiga na ako. Tinanggal ni Migs ang relos niya at inilapag iyon sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Sinunod niya ang puting long-sleeve niya at pagkatapos ay ang pang-ibaba hanggang ang boxer niya na lang ang natira.
"Sas, Coco's going to get married." Nakangiting sabi niya bago sumampa sa kama at nahiga sa tabi ko.
"Talaga?"
"Yes. Magpapakasal na sila ni Anais, ang nanay ng anak niya. I was actually thinking of finally introducing you to my family. Kilala ka na nina Mama at Dad pero si Coco pa lang ang may alam nang tungkol sa'yo." Pumulupot ang isang bisig niya sa baywang ko. "Gusto kong makilala ka na nila. Ilang buwan na lang nandito na si baby."
"Migs..." Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang muling pagguhit ng sakit sa dibdib ko. "Migs, kasi, ano eh, si baby..."
"I'm so excited to be a Dad, Saskia." Ngumiti siya sa akin bago inipit ang baba ko sa dalawang daliri niya at bumaba ang labi niya sa labi ko at agad kong tinugon ang halik na iyon.
MIGS
"Parang kailan lang umiiyak-iyak ka pa sa akin na ayaw kang pakasalan ni Anais." I teased my brother as we were having a dinner celebration at Mama and Dad's house. This was a double celebration for us.
We'd just come home from the airport where we picked Mama, Dad, Drey and her husband, Callum. Drey had been living in California for the past four years and this was the first time she'd ever gone home. I found out just days ago that she had been married to a guy we had not even met yet. Dad and Mom only found out themselves about her husband when they went to California three days ago to try to convince Drey to come home so she could attend her twin brother's wedding. He was livid when he called me, fuming about how impulsive and stupid Drey's action was.
"Naunahan na tayo ni Drey at mukhang uunahan na kita, Kuya." Coco grinned, pulling Anais close to him and kissing the side of his head.
I let out a cough to clear my suddenly dry throat. I wanted to tell them about Saskia and how excited I was to be a father to our unborn child. I wanted to bring Saskia with me today so she could meet my family but she didn't feel well. She had just reached her second term of pregnancy kaya siguro palaging masama ang pakiramdam. I'd already schedule an appointment with her doctor, earlier than what had been scheduled on our last visit.
"Hindi ako nagmamadali, Coco." I told him and turned my attention to Callum and Drey. "Kayo ba? How long have you known each other?"
The two looked at each other with a sparkled you'd only see in people in love. Coco and I had been interrogating Callum since we'd met him. We'd all been getting along pretty good. Nakikita naman namin na masaya sila sa isa't-isa. After everything Drey had been through, there was nothing we all wanted but to see her happy again. She was her old self when she was with Callum.
"We met probably... around six months ago?" Callum answered.
"Wala pa kayong isang taon na magkakilala at nagpakasal na kayo?" My brows furrowed.
"It was spontaneous and just natural." Drey smiled.
Callum brought Drey's hand to his lips and kissed the back of it. "The day I met her, I knew she'd be the woman I would marry and have a family with. I fell madly in love with my wife. Hindi naman siguro sa kung gaano katagal kayong nagkakilala nasusukat ang isang relasyon."
"Aw, love at first sight." Anais smiled as she watched the two.
"Tayo din naman, ah. Love at first sight. Baby ka pa lang in love na ko sa'yo." Coco wiggled his brows at her.
"Kita mo, baby pa lang si Anais nilagyan mo na ng baby sa tiyan." Drey chuckled. "Nasaan na ba si Hazel, Kuya? I thought I'd finally meet her."
"You see, Hazel and I... we decided..." I carefully said before gulping down the bottle the can of beer in my hand to put moisture to my throat.
"Hi. Was I late?" I heard a familiar voice from behind me. She wrapped her arms around me and gave me a peck on the cheek. "Hi, Migs."
I turned my head to her and got to my feet when I saw her. "Hazel..."
She went around the single armchair and stood in front of me. Her arms wrapped around my neck and then she leaned forward to give me a kiss on the lips. "I'm sorry. I did a lot of work in the office today."
"Oh, don't worry, Hazel. We haven't had our dinner yet." Sagot ni Drey.
"Finally. Nagkita din tayo sa personal." Hazel turned her attention to my sister. Drey got up from her seat and gave her a cheek-to-cheek kiss. "You're even more beautiful in person."
"Thank you." Drey answered. "Akala ko, ang kasal niyo ni Kuya ang uuwian ko. Mas mauuna pa pala si Coco."
"We're in no hurry. Right, Migs?" Hazel looked at me, she had a smile on but her eyes said differently.
Although still surprised, I forced a smile back and nodded my head. She went around to greet everyone in our family. We acted like perfectly normal couple. There was still a slice of pain in my chest whenever I see Hazel. I think of what I did to her and our relationship. I think of the pain I had caused her. Nangyari na ang nangyari.
I wanted to tell her how what I did had nothing to do with her. She had always been a wonderful girlfriend, a wonderful woman. Hazel was a good woman and she deserved all the love and happiness in the world. Dear God, how I wanted to give her that. But instead I broke her heart in the most unimaginable way and it was unforgivable.
"Hazel..." I said when I finally had her to myself.
She turned to face me with a glass of wine in one hand. And the she sighed and smiled. "Yes?"
"I... to tell you honestly, I don't know what to say. I'm just so happy to see you here. I'm sorry, Hazel." I said with my hands in both my pockets.
"There you are again, seeking forgiveness and validation. You fancy yourself by having people perceive you as the good guy." Hazel shook her head, smiling even though I knew that wasn't how she felt. She fixed my hair with her delicate fingers, pushing some strands back in an affectionate manner. Her grace under pressure had always been what I admired about her. She had a mental fortitude that shrugged off whatever adversity that comes her way. She could be falling apart and still look regal and poised. "You will not get that from me. I will never forgive you for what you did. You're going to have to live with it for the rest of your life. Tuwing makikita mo ako, I will make sure you'll never forget it."
"What I did was unforgivable." My eyes lowered to the ground and exhaled. "Hindi ko na maibabalik lahat ng nagawa kong mali sa'yo. Lahat ng ibinigay kong sakit. But I want you to know that the two years we had was beautiful and wonderful. I loved you, Hazel. Sa kabila ng maling nagawa, gusto kong malaman mo na minahal kita."
"Bukas, may meeting tayo sa wedding planner natin." Her hand slipped down my nape and her fingers played there.
"Hazel, until when are we going to keep this act? We can't fool them forever." I let out a deep exhale.
"Itutuloy natin ang kasal, Migs. Just as we had planned before." She gave me a sweet smile.
Suddenly, I felt like my heart had stopped beating for a few moments. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya.
"P-paano si Saskia at... at ang anak namin?" I asked.
"As long as you keep them out of view from other people, I can live with it." She said.
SASKIA
"Kumusta ang party niyo?" Bungad ko kay Migs nang pumasok siya sa kwarto namin. Isa-isa niyang hinubad ang mga damit niya at inilagay iyon sa basket ng maruruming damit sa gilid ng kwarto.
"It was... it was okay." Walang kangiti-ngiting sabi niya.
"Okay lang? Kumusta si Coco? At yung kapatid mong kakauwi lang sa tate?" Usisa ko nang matunugan kong parang may iba sa kilos niya. Tuwing uuwi si Migs, palagi itong aligagang magkwento sa akin.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'm just going to take a shower and we'll talk, okay?"
Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako sa mga kinikilos niya ngayon. Parang may hindi tama. May mali. Naghintay akong lumabas siya sa banyo at makaraan ang ilang sandali ay muling bumukas ang pinto nito.
Tinanggal ni Migs ang twalyang nakatapis sa kanya at isinabit iyon sa hook sa may pinto ng banyo. Pagkatapos ay tinabihan niya ako at hinatak palapit sa kanya. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at hinalikan sa mga labi.
"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Pumunta si Hazel sa party kanina. Anais invited her over."
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. May nabanggit ba si Hazel sa kanya?
"T-talaga?" Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang lumayo ang katawan ko sa kanya.
"Gusto niyang ituloy ang kasal." Aniya.
Nakaramdam ako ng hapdi sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Pinigil ko ang luha ko sa pagpatak.
"Ganon ba?" Iyon lang ang na sabi ko.
"Saskia, I don't know how to explain to her about us. Hindi ko alam. I've already broken her heart and I don't want to do it again." Sabi niya bago siya dumapa sa bandang tiyan ko at hinilig ang ulo niya doon. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Kahit ano'ng maging desisyon mo, magiging masaya ako para sa'yo. Huwag kang mag-alala hindi ko kayo guguluhin ni Hazel. Pramis." Pangako ko sa kanya.
"Saskia... I don't know what I'm going to do. Hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin. All I know is I want to be with you and our baby." Isinubsob niya ang mukha niya sa tiyan ko at muli niyang pinakita ang kahinaan niya sa akin.
"M-magpakasal kayo..." Basag ang boses na sabi ko. "Ito na ang pagkakataon mo para matama mo ang mga maling nagawa mo sa kanya, Migs."
"Saskia..." Nagtaas siya nang tingin sa akin, namumula ang mga mata sa pagpipigil ng luha.
Pinilit kong ngumiti. "Migs, kayo ang nababagay para sa isa't-isa. Hindi ba gusto mong bumawi sa kanya? Huwag na natin dagdagan pa ang kasalanan natin. Tigilan na natin ito."
"No, no... you're the only thing that's keeping me sane." Muli niyang inangat ang katawan niya at hinatak niya ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Saskia, I need you."
Hinalikan niya ako sa noo ko, pababa sa tungki ng ilong ko, hanggang sa wakas ay dumampi ang mga labi niya sa labi ko.
Binuksan ko ang pinto at sandali akong natigilan nang tumambad sa harap ko si Hazel. Napakurap ako bago ko niluwagan ang pinto. Kaaalis lang ni Migs mula sa trabaho ilang minuto lang ang nakakaraan.
"P-pasok ka." Sabi ko.
Pumasok si Hazel at pinaupo ko siya sa sofa. Inalok ko siya nang maiinom at binigyan ng juice.
"Thank you." Sabi niya nang iabot ko ang baso sa kanya. Uminom siya sa baso bago ibinaba ito sa mesa. "Tungkol sa cheke, have you encashed it already?"
Sunod-sunod akong umiling.
"Ikakasal na kami." Tahimik na sabi niya.
"Sinabi niya nga sa akin." Parang gusto kong manliit sa kinauupuan ko.
"Just take the one million pesos and leave. Barya lang kay Migs iyon. He has enough money that can last him ten lifetimes. Isipin mo ang kinabukasan ng pamilya mo. What will happen after you tell him na wala na ang baby?"
"What do you mean?" Para akong binuhusan nang nagyeyelong tubig nang marinig ang boses ni Migs.
Pareho kaming napalingon sa gawi ng pinto.
"Migs..." Halos magkasabay na sabi namin ni Hazel. Halata rin ang pagkagulat sa mukha nito.
Dahan-dahan at mabibigat ang yabag na sabi niya. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin wala na ang baby?" Mahinang asik niya habang nakatingin sa akin. Nagpalit-palit ang tingin niya sa amin. "Ano'ng wala na ang baby? Sagutin niyo ako?"
"N-nakunan ako." Maluha-luhang sabi ko.
"And you knew?" Tumingin siya kay Hazel. "Gaano niyo katagal na akong ginagago?"
Wala sa amin ang magawang makapagsalita. Galit na ibinaligtad ni Migs ang maliit na mesa sa harap ng sofa at napaigti kami sa gulat.
"Sumagot kayo!" Hindi ko pa kahit kailan narinig na nagtaas ng boses si Migs ng ganon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co