Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Thirty Two

RainbowColoredMind

SASKIA

Nakadapa si Migs sa tabi ko at ang isang bisig ay nakapulupot sa tiyan ko habang ako ay nakatulala sa kisame. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok dahil hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko kay Migs. Wala na ang baby namin sa tiyan ko. Nakatago sa kasuluk-sulukan ng cabinet ko ang abo niya. 

Pumihit ang ulo ko kay Migs at sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya at nag-uunahan ang pagdaloy ng mga luha sa gilid ng mga mata ko. Para akong masisiraan ng bait. Nawala na ang baby ko sa akin at pwede din mawala si Migs sa akin kapag nalaman niya na ang totoo. Gumalaw si Migs at mahinang umungol bago ako hinatak palapit sa kanya at isiniksik ang ulo sa leeg ko.

"Bakit gising ka pa?" Paos ang tinig na sabi niya.

"W-wala..." Sagot ko at nagmamadaling pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Na miss lang talaga kasi kita."

"Oh, Saskia..." Tumawa siya ng mahina bago niya inangat ang ulo niya at siniil ako ng halik sa labi. "I missed you, too. I missed you so much. You and our baby were all I could think about while I was in a business trip. But I'm glad you're here with me now."

"Ayaw ko nang umalis ka. Huwag mo kong iiwan." Nanginginig ang boses ko sa pagpigil ng luha.

"I won't. Hangga't hindi ka pa nakakapanganak, hindi na ulit ako tatanggap ng kahit ano'ng business trip that requires me to be away from you for days. I promise. You better go to sleep. You need a lot rest, okay?"

Pigil ang luhang tumango ako. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko bago muling isinubsob ang ulo niya sa leeg ko at ipinulupot ang isang bisig sa akin. Maya-maya pa ay mahimbing na ulit siyang natulog.

Gusto ko pang makasama siya ng matagal. Ang mayakap siya ng ganito. Hindi ko na makakaya kapag pati siya nawala sa akin. Masama bang manghiram ng kahit konting oras pa na kasama siya?  Ang manatili sa realidad na ginawa namin kasama ang magiging anak sana namin?


"Sinabi mo na ba?" Tinabihan ako ni Ninang habang nagluluto ako ng almusal namin. Natutulog pa si Migs sa kwarto ng iwan ko siya kanina. Malamang ay pagod na pagod iyon sa biyahe dahil dito siya dumiretso pagkagaling sa airport.

Iling lang ang naisagot ko.

"Bakit hindi mo sabihin?" Kunot ang noong tanong niya.

"Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang mawala siya. Wala nang dahilan para manatili pa siya kapag nalaman niyang wala na si Baby Migs." Basag ang boses na sabi ko.

Tumabi din sa kabilang gilid ko si Mammy. "Eh, paano  'yan? Malalaman at malalaman niya rin yan. Syempre, magtataka yun. Sa ngayon, kahit paano may umbok pa yan tiyan mo pero paano sa susunod na linggo?" 

"Sasabihin ko naman sa kanya pero hindi pa ngayon." 

"Kailan?" Usisa ni Ninang.

"Hindi ko pa alam..." 

"Good morning po." Pare-pareho kaming nagulat nang marinig ang boses ni Migs. Agad na nagsialisan si Mammy at Ninang sa tabi ko at lumapit naman siya sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Good morning. Napasarap yata ang tulog mo, Migs." Si Mammy.

"Opo, Tita. Medyo jetlagged pa po ako." Tumawa siya ng bahagya. "What are we having for breakfast?"

"Longganisa saka itlog." Sagot ko.

"Kaya pala ang bango." Sabi niya bago inipit ang baba ko gamit ang dalawang daliri niya. "You look tired. Hindi ka nakatulog masyado?"

"Nakatulog..." Nagbaba ako ng tingin. 

"Hindi ako naniniwala. I could feel you tossing and turning last night. It must be the pregnancy hormones, huh? Gusto mo bang magpatingin sa doktor?" May pag-aalala sa boses niya.

Parang nahulog ang puso ko sa narinig ko. Gusto kong maiyak. Malapit na ang check-up ko. Malapit nang magunaw ang mundong pinapangarap ko kasama si Migs at ang anak namin.  Umubo si Ninang nang masamid sa iniinom niyang tubig. 

"Okay lang ako. Mabuti pa samahan mo sina Mammy at Ninang sa mesa para maluto ko na itong almusal natin." Pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

"Ako na diyan, Saskia." Sabi ni Mammy. "Asikasuhin mo na lang si Migs sa mesa."

At iyon ang ginawa ko. Sinaluhan ko na lang sa mesa si Migs habang si Mammy ang nagtuloy ng niluluto ko. Naghain naman si Ninang ng mga plato at kumain na kami. Maya-maya ay bumaba na din sina Yuka at Cosme na naka-uniform na.

"Kuya Migs, thank you sa pabango." Pilit ang ngiting sabi ni Yuka na para bang nakikiramdam.

"You're welcome. You should also try the Jo Malone cologne I bought for you. That's what my sister uses." Sabi naman ni Migs.

"Salamat sa tsokolate at sa mga libro, Kuya." Ani Cosme.

"Oo naman. Ikaw pa, alam mong malakas ka sa akin." Malambing na ginulo ni Migs ang buhok ni Cosme bago bumaba ang kamay niya sa tiyan ko. "Of course, I won't forget about our baby. I bought clothes, too. Hindi ko na nabalikan ang stroller na gusto kong bilhin dahil sabi mo dito mo gustong mamili, hindi ba?"

Parang may kung ano'ng bumara sa lalamunan ko habang pinipigil ko ang luha ko. Wala nang paggagamit ang mga damit na iyon o kahit ano'ng gamit na para sa anak namin dahil wala na ang bata.

"Tita, sinabi na ba sa'yo ni Saskia ang nangyari sa ama niya?" 

"Oo, Migs, matagal na palang dedo ang hinayupak na yun. Noon pa man na nagsasama kami, lasenggero na yun at basag-ulo." Naiiling-iling na sabi ni Mammy.


MIGS

Saskia was in my arms, silently staring at the book I gave her. I'd noticed that she'd been stuck in one page for a few minutes now. She was just staring at it as if she was in a trance. Saskia wasn't herself today. She wasn't as bubbly as she usually was. 

"Is everthing okay?" I asked, stroking her hair. "How's the book? May hindi ka ba naiintindihang sentence or word?"

She let out a long exhale before closing the book and putting it on her bedside table. "Tinatamad akong magbasa."

"You don't have to. Let's just cuddle." I said, pulling her back to bed and closer to me.

"Migs..." She shifted to face me. "Sa tingin mo, alam ni baby kung gaano natin siya kamahal?"

"Oo naman. Kahit hindi pa siya naisisilang sa mundo, I'm sure our baby feels the love and care we have for him." I played with a few strands of her hair. "Saskia, after spending a few days away from you and baby I thought I'd go crazy. Ikaw at ang baby natin ang palaging nasa isip ko. I can't even properly work because you wouldn't answer my calls."

"Sorry, Migs..." 

"I understand." I kissed her forehead. "Naisip ko lang... why don't I move in here with you? Dito na rin naman ako halos natutulog gabi-gabi."

"Gusto mong tumira dito?" I could see how surprise she was.

"Yes. I mean, if you don't mind. Is it bad that I want to be with you all the time? Gusto kong ikaw ang huli kong nakikita bago ako matulog at una kong nakikita pagkagising ko." I had never felt this way for anyone before. I had never wanted to be with a person as much as I wanted to be with Saskia. I'd grown so attached to her that it breaks my heart a little whenever I have to leave for work every morning when I spend the night here. 

She was speechless for awhile and then she spoke. "Gusto mong tumira dito kasama namin?"

"Oo, para mabantayan ko kayo maigi ni baby. Hindi ako mapakali tuwing umuuwi ako sa bahay at wala kayo ni baby sa tabi ko." I cupped her face. "Let me stay here with you, Saskia. I want to always be by your side to take care of you and our baby."

Her eyes slowly watered with tears as she looked at me.

"Hey..." I wiped her tears away with my thumbs. "Makakasama kay baby Savina-"

"Baby Migs." She corrected. "Miguel Cordova Jr. ang pangalan niya."

I chuckled. "Okay, baby Migs. Makakasama kay baby Migs kapag palaging umiiyak ang mommy niya. Baka malungkot din si baby, gusto mo ba yun?"

She shook her head, tears spilled down her face. I kissed her tears away and pulled her in a tight embrace. They weren't lying when they say pregnant women are emotional. I stroked her hair until she fell asleep in my arms.

I couldn't help but watch her as she slept. I was endlessly fascinated by her beauty that for the first few hours she was in my arms, I simply gazed at her. Saskia had turned my world upside down. Since she came into my life, everything I ever knew fell apart. My principles, my future plans, my ideals, they came crashing right in front of me. I thought everything in my life would be spotless. I wanted it to be perfect. And she came and taught me how to embrace all the imperfections in my life, all my flaws and made it into something beautiful. We balanced off each other's strength and weaknesses. 

Saskia wasn't the woman of my dreams. But here she was, the woman of my every waking moment of every single day. I found purity in a relationship that I both nourish and found nourishing. It was funny because all these didn't start out pure at all.

"What have you done to me, Saskia?" I asked as I nuzzled my face into the softness of her neck. I had never felt this deeply for anyone else. Was I falling in love with her?


SASKIA

"Baby Migs, sorry ha? Hindi ko pa magawang masabi sa Daddy mo ang tungkol sa'yo. Natatakot kasi si mommy. Baka magalit siya sa akin. Alam mo mahal na mahal ka nun. Kung anu-ano ngang pasalubong ang binili sa'yo. Sayang hindi mo magagamit ang mga iyon." Naluluhang sabi ko habang hawak ang maliit na plorera. 

Pumasok si Migs ngayon. Ilang gabi na siyang sunod-sunod na natutulog dito at nag-iwan na din siya ng mga damit niya dito. Sabi niya mas madalas na daw siyang matutulog dito dahil gusto niyang nasa tabi ko lang siya para maalagaan ng mabuti si baby. Para na nga kaming nag-lilive on nito. Kung sa ibang sitwasyon, siguro ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. 

Pero wala na ang baby. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo dahil kahit ako mismo hindi ko pa rin tanggap ang katotohanan na wala na ang baby Migs namin. Hanggang ngayon, hinihiling ko na isa pa rin itong masamang panaginip lang. 

"Saskia..." Sumungaw si Mammy sa pinto ng kwarto ko.

Agad kong pinahid ang luha ko at tinago si baby Migs. "B-bakit, Mammy?"

"Yung legal future wife nasa baba. Gusto ka raw kumustahin." Sumunod naman dumangaw ang ulo ni Ninang. 

"Si Hazel?" Kumunot ang noo ko.

"Sino pa nga ba? Bakit bukod ba kay Hazel at sa'yo meron pang iba?" Tumaas ang kilay ng maldita kong ninang.

Ibinalik ko na si baby Migs sa dati niyang pwesto at inayos ang sarili ko bago ako bumaba. Malaki din ang utang na loob ko kay Hazel. Kung tutuusin, dapat nga magalit siya sa akin dahil ako ang sumira ng relasyon nila ni Migs pero tinulungan niya ako noong nasa ospital ako at noong ipina-remake si baby Migs. 

"Hi, Saskia." Tumayo siya mula sa couch nang makababa ako.

"Sige, upo ka lang." Sabi ko sa kanya. 

"Thank you." Muli siyang umupo at umupo naman ako sa pang-isahan na sofa sa kanan niya. Sandali niya akong tinignan bago siya muling nagsalita. "Kumusta ka na?"

Nagkibit-balikat ako, pinipigilan ang luhang unti-unting humihilam sa mga mata ko. "Hanggang ngayon, malungkot pa rin ako sa pagkawala ni baby Migs."

"I am so sorry for your loss." Sabi niya bago tumikhim. "Alam na ba ni Migs ang nangyari sa baby niyo?"

Dahan-dahan akong umiling bago nagbaba ng tingin. "H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang  totoo."

"Hindi ba sa kanya galing ito?" Dinampot ni Hazel ang isang parihabang papel na nakapatong sa la mesita sa harap ng sofa. Iyon ang chekeng iniwan ni Migs kanina bago siya nagmamadaling umalis papunta sa opisina.  

"Oo..." Mahinang sabi ko bago kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"This is a blank cheque, Saskia. Pwede mong isulat kahit magkanong pera ang  gusto mo." 

Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ito ang unang beses na nag-iwan si Migs sa akin ng blankong cheke na may pirma niya na. Ako na ang pinagpapasya niya kung magkano ang ilalagay doon kaya ang ginagawa ko ay kinekwenta ko na ang gastusin namin sa loob ng isang linggo kasama na ang baon ng mga bata at iyon ang halagang inilalagay ko sa cheke. 

"Kahit magkano ang ilagay mo d'yan, hindi mahahalata ni Migs iyon. He has hundreds of millions in his bank account." Sabi niya.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Take advantage of this. Kapag nalaman niyang wala na ang baby sa tiyan mo, sa tingin mo he'd still want anything to do with you. Isipin mo ang sarili mo. Ang pamilya mo."

"Ano bang gusto mong gawin ko? Gusto mong magnakaw ako kay Migs?" 

"Hindi ka magnanakaw. This is with his consent. Nakapirma na siya sa cheke. You can write whatever amount you need. Kung isang milyon ang kailangan mo, go ahead. Sasamahan kitang i-deposit ito sa bangko and then you can start anew. Hayaan mo na kami ni Migs."

Sandali akong natigilan sa sinabi ni Hazel. Nakaramdam ako ng pinong-pinong kirot sa dibdib. Si Hazel ang talagang nagmamay-ari kay Migs at ngayon ay binabawi niya na ito sa akin. Napalunok ako, pilit na tinatanggal ang tila bukol na nakabara sa lalamunan ko. 

"Ngayon wala na ang anak niyo, wala nang mag-uugnay sa inyong dalawa. There will be no reason for him to stay. Iiwan ka rin niya. Take whatever you can take from him. Maliit na bagay pa nga ito kumpara sa ginawa niya sa'yo. He used you for his carnal pleasure. Gusto mo bang bumalik ulit kayo sa hirap? Matitiis mo ba ang pamilya mo? Hindi ba may mga bata kang kapatid? Isipin mo na lang sila. Gusto mong bumalik sa pagiging dancer sa club?"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co