Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Twenty Two

RainbowColoredMind

SASKIA

Tahimik na pinanood ko si Migs na ikinawit ang suot niyang amerikana jacket sa silya sa tabi ng kama ko. Sinunod niya naman tanggalin isa-isa ang butones ng pang-itaas niya. Naramdaman ko ang pag-init ang magkabilang pisngi ko kaya agad akong nagbaba ng tingin. Lumunok ako ng maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko.

Ginabi na kasi siya dito sa bahay namin, nag-usap pa kami tungkol kay Hazel at sa baby namin. Hindi ko man maintindihan yung ibang english niya, naiintindihan ko naman kung gaano siya nasaktan sa nangyari sa relasyon nila ni Hazel. Alam ko din kung gaano niya kamahal ang baby namin at sinabi niya na wala siyang hindi gagawin para rito. Maaaring marami siyang naging maling desisyon bilang lalaki, kasama na ako sa maling desisyon na iyon, pero wala akong maipipintas sa pagiging ama niya sa anak namin na hindi ko pa man naipapanganak.

Hanggang sa nagkaayaan na kami na dito na lang siya matulog dahil gabi na din naman, inaantok na ako at pagod na siya pero parang ayaw niya pang umuwi kanina. Tsaka kung tutuusin bahay niya naman talaga ito. Alangan naman na palayasin ko siya. Fully paid kaya 'to at fully furnished nang ibigay niya sa amin. Hindi naman siya tumanggi nang alukin ko siya kaya heto kami ngayon.

Nagtama ang mga mata namin at napaayos ako ng upo sa gilid ng kama ko. Wala na siyang suot na pang-taas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nag-aalinlangan na inabot ng mga kamay ko ang tali ng robang suot ko. Ito ang unang beses na may mangyayari sa amin na pareho kaming hindi lasing.

"Saskia..." Mahinang sabi niya nang dahan-dahan ko nang ibinababa ang roba ko. Lakad-takbo siyang lumapit sa akin at sinara ang roba ko. Lumuhod siya sa paanan ko at ipinulupot ang mga bisig niya sa akin. "No, don't do this. Please, don't."

"Akala ko ito ang gusto mo kaya gusto mong matulog dito..."

Sunod sunod siyang napailing. "I don't want to have sex. It doesn't always have to be about sex. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nandito. You're a wonderful woman, Saskia. I like being with you. Ikaw lang ang taong alam kung sino ang totoong ako. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. I just want to be with you, nothing more. You... you unbreak me."

Biglang parang nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko nang marinig ko ang mga salitang binitiwan ni Migs.

"Hey, what's wrong?" Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko. "May nasabi ba akong mali? Bakit umiiyak ka?"

Sunod-sunod akong napailing at pinilit kong ngumiti. "Alam mo, Migs, buong buhay ko akala ko hindi totoo yung mga lalaking katulad mo. Bata pa lang ako nakaukit na sa isip ko na isa lang ang kailangan ng mga lalaki mula sa akin, ang katawan ko. Tanggap ko na nga na magiging katulad din ako ni Mammy. Tanggap ko na na darating din ang panahon na kailangan kong hubarin ang damit at pagkatao ko para mabuhay ang pamilya ko. Kung hindi ako magtatrabaho, who will eat my family? Wala naman akong pinag-aralan, boba ako, ito lang ang trabahong alam ko. Alam mo ba na ang pangarap ko lang noon ay makahanap ng isang mayamang lalaki na gagarahe sa akin?"

"Oh, Saskia..." Malamlam ang mga matang tinitigan niya ako.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa kahit patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "Ganon lang kababa ang pangarap ko. Ayaw ko kasing mapagpasa-pasahan ng kung sinu-sinong lalaki. Alam kong nakasakit ako ng tao at nasira ko ang relasyon niyo ng piyans mo. Pero ito ang realidad ng mga babaeng katulad ko at ni Mammy. Hindi naman kami pwedeng maging choosy sa mga kustomer namin. Nakakita ka na ba ng pokpok na may requirdment? Kung hindi kita nakilala, malamang siguro ay naging kabit din ako ng kung sinong mayamang pulitiko o negosyante. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit sa sitwasyon nating ito? Yung nakikita kitang nasasaktan kasi nasasaktan din ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nahihirapan at umiiyak kasi alam kong ako at si baby ang dahilan kung bakit ka nahihirapan, kasi... kasi mahal na kita."

Bakas sa mga pagkagulat sa mukha niya. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero wala na, nandyan na eh. Natatakot ako sa posibleng maging reaksyon niya. Natatakot ako na magbago ang kung anuman meron sa amin.

"Migs, huwag kang mag-alala. Hindi naman umaasa ng kahit ano mula sa'yo. Wala kang responsibilidad sa akin maliban dito sa batang dinadala ko. Ang hirap naman kasing hindi mainlab sa'yo. Ang bait bait mo sa akin at tsaka sa pamilya ko. Ikaw pa lang ang lalaking nagpakita sa amin ng kabutihan bukod kay Ninang, eh iyon naman si Ninang tagilid pa. Siya lang ang naging pader pigeon namin. Ikaw lang ang lalaking nagparamdam sa akin na tao din ako, na babae ako. Sinabi ko lang naman sa'yo yun kasi hindi ko na kayang itago. Pakiramdam ko puputok na sa dibdib ko pag patuloy kong nilihim sa'yo yun. Pasensya ka na, ha? Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin. Kalimutan mo na yung sinabi kong iyon. Who am I of yours, right? Si Saskia lang naman ako..."

"Shh... stop talking about yourself like that. You can't keep doing this to you. Ikaw ang ina ng anak ko, naiintindihan mo? You're worth more than your body. Matapang ka, Saskia, you may not be booksmart but you've got street smarts to spare, mahal mo ang pamilya mo nang higit pa sa sarili mo, mabuti kang tao. Iyon ang ina na gusto kong makilala at makalakihan ng anak ko." Malumanay na sabi niya bago niya ipinulupot ang mga bisig niya sa akin at marahan niya akong hiniga sa kama.

Pumwesto siya sa likod ko at niyakap ako nang buong alab. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko ang malalim na paghinga niya. Pumikit ako at hinayaan ang samsamin ang init ng katawan niya na nakadampi sa akin at pumatak ang luha sa mga mata ko. Matagal na naghari ang katahimik sa pagitan namin.

"Migs, okay ka lang ba talaga? Alam kong pumunta ka dito dahil may problema ka." Tanong ko sa kanya makaraan ng ilang minuto.

"To tell you frankly-"

"Teka sino si frankly?" Kunot ang noong tanong ko. 

Umalog ang katawan ni Migs at mahina siyang tumawa, maya-maya ay lumakas iyon nang lumakas hanggang sa napalitan iyon ng iyak. 

"I'm the problem, Saskia. Ako ang problema. Ako. Ako..." Paulit-ulit na sabi niya.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak habang sinusuklay ang mga daliri ko sa buhok niya. 

"Sabi ni Mama at Dad, hindi ako yun. Hindi ako lahat ng maling ginawa ko. I am not the mistake I made. But I can't keep lying to myself, I can't keep doing shitty things and still believe I'm a good person. It's me... I am all the things wrong with me." Mahinang at parang pagod na sabi niya habang nakdantay ang mga labi niya sa leeg ko. "You are such a beautiful person, Saskia. Inside and out. You don't deserve this. Hazel doesn't deserve this. I don't deserve this, I don't deserve your goodness..."

Hindi ako kumibo dahil hindi ko masyadong maintindihan yun at nagpatuloy sa pagsuklay sa buhok niya. Maya-maya ay lumalim na ang paghinga niya at nang alam kong tulog na siya ay siniil ko siya ng halik sa noo. I know my paper.


"Good morning, world!" Lumabas si Ninang mula sa kwarto niya habang nagluluto ako ng agahan namin. Lumapit siya sa akin at tumayo sa likod ko, sinisilip itong longganisa na niluluto ko.

"Nasaan si Migs?" Bungad na tanong niya sa akin.

"Tulog pa..." Mahinang sagot ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Alam kong makakatikim na naman ako ng talak nang malditang bakla.

"Malandi ka talagang bata ka. Nakailan putok siya?" 

"Ninang, walang nangyari sa amin." Sagot ko.

"Ano'ng ginawa niyo sa kwarto mo kagabi? Nag-mahjong? Huwag mo nga akong pinaglololoko. Hindi ako pinanganak kahapon." Mataray na sabi niya.

"Nag-usap lang kami."

"Paamoy nga!" Inilapit ni Ninang ang mukha niya sa akin. "Amoy Migs ka."

"Amoy zonrox ba?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi..." Pahiya konting sabi niya. "Ano'ng ginawa niyo? Nagkamayan lang kayo? Ganon?"

"Si Ninang ang dumi talaga ng isip. Wala nga kaming ginawa ni Migs magdamag kung hindi ang matulog tapos konting yakap." Hindi ko naiwasan ang mapangiti.

"Gaga ka talaga! Ako na ang nagsasabi sa'yo, masasaktan ka lang d'yan sa mga pinagagawa mo. Hindi lang pukelya mo ang sasaktan niya, pati ang puso mo."

"Hindi ba pwedeng maging friends kami?" Inirapan ko siya.

"Ang sarap mong pompyangin, alam mo yun?" Galit na sabi niya.

"Ang aga-aga nag-aaway na naman kayong mag-Ninang." Naglakad si Mammy papasok sa kusina.

"Ito kasing anak mo, hindi marunong makinig. Manang-mana sa'yo." Pumamewang ang bakla.

"Bakit na naman ba?" Humikab  at nag-unat pa si Mammy.

"Tanong mo sa akin kung nasaan si Migs." Sabi ni Ninang.

"Nasaan?" Umarko ang kilay ni Mammy.

"Edi nasa kwarto ng magaling mong anak." Umiling-iling ang bakla.

"Hayaan mo na, bakla. Ano pa bang mawawala d'yan? Siya naman ang Tatay ng apo ko." Sabi ni Mammy.

"Oo nga." Tumulis ang nguso ko.

"Good morning po." Dumungaw ang ulo ni Migs sa kusina.

"Migs, good morning." Bati ko sa kanya. "Umupo ka na muna d'yan. May sinangag na at malapit nang maluto itong longganisa."

Dahan-dahan naman lumapit si Migs sa mesa at naupo doon. Pagkatapos kong maahon ang longganisa mula sa lutuan ay inilagay ko iyon sa plato at hinain sa mesa. Tahimik na umupo si Mammy at Ninang na matalim ang titig kay Migs. Nagsibabaan na din sina Cosme at Yuka na mga naka-uniporme na din. 

Unang araw nang dalawa sa bagong eskwelahan nila at feel na feel nila ang uniporme nilang pang-private school. Si Yuka hindi matigil ang kadadada kung gaano siya kaexcited sa bagong papasukan niya. Nag-malaking hikaw ang gaga at tinodo ang pag-ayos sa buhok, akala mo paparada sa Sta. Cruzan.

"Ano'ng drama yan, anak?" Tanong ni Mammy sa kanya.

"Malay mo, Mammy, may manligaw sa akin na mayaman doon." Malanding sabi nang gaga.

"Hoy, ano'ng ligaw ligaw? Papasok ka don para mag-aral hindi para kumire, naiintindihan mo? Subukan mong magboyfriend pagbubuhulin ko bulbol niyong magkapatid." Sabi ni Ninang at nagpalit-palit nang tingin sa amin dalawa. "Ewan ko ba sa mga batang inire mo, Sasha. Si Cosme lang yata matino dito sa pamilyang ito. Ito na lang ang pag-asa mo."

"Si Ninang talaga, ang bastos nang bibig. Kumakain tayo tsaka nandito si Migs." Sabi ko bago pinihit ang ulo sa tatay ng anak ko. "Pasensya ka na, ha? Ganyan lang talaga yan."

"It's alright. We're kind of like this too at my parents' house." Pigil ang tawang sabi ni Migs. 

"Yuka, umayos ka. Pag nalaman kong may boyfriend ka, kakalbuhin kita." Banta ko sa kanya.

"Ate, malalate na kami sa klase namin." Sabi ni Cosme na kanina pa kinakabahan sa bagong eskwelahan na papasukan nila.

"Hahatid ko na kayo." Presenta ni Migs.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Yeah, pauwi naman na ako. Don't worry, I'll take good care of them." Pangako niya, malamlam ang mga matang tinitigan niya ako.

"Yung baon niyo, huwag niyong kalimutan. Hinanda ko yan." Paalala ko sa kanila. 

"Ano baon namin?" Tanong ni Yuka.

"Tortang talong." Sagot ko.

"Ate, nakakahiya baka pagtawanan ako ng mga kaklase ko." Sumimangot si Yuka.

"Ano'ng nakakatawa sa tortang talong, gaga?" Sabi ni Mammy.

"Hindi sosyal yan, hindi bagay sa school ko. Ayokong magbaon niyan." Hinalukipkip niya ang mga braso niya sa dibdib niya at sumimangot.

"Ang arte mo, Yuka. Huwag kang umattitude nang ganyan. Huwag kang magbaon, sino bang magugutom?" Inis na sabi ni Ninang.

"It's fine. Idadaan ko na lang sila sa drive thru." Sabi ni Migs.

"Yehey! The best ka talaga, Kuya Migs!" Tuwang-tuwang sabi ni Yuka.

"Migs, hindi mo naman kailangan gawin yun." Nahihiyang sabi ko.

"It's okay. They're going to a new school and they're probably worried about not being able to fit in. Ngayon lang naman." Ngumiti siya.

Nagsitayuan na ang dalawang bata at pati na din si Migs. Tumayo na din ako para ihatid sila papunta sa kotse ni Migs habang nagmamasid ang dalawang gurangers. Nang makarating kami sa pinto ay huminto si Migs habang tumatakbo na sina Cosme at Yuka papunta sa kotse niya.

"Ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko." Sabi ko sa kanya. "Tsaka huwag ka nang malungkot. Baka malungkot din si baby."

Ngumiti siya sa akin at bumaba ang tingin sa tiyan ko. Ipinatong niya ang magkabilang palad niya doon. "Baby, aalis muna ang Daddy. I just need to go to the office. I'll probably be back later after work. What do you want Daddy to bring home for you?"

Lumuhod siya at inilapit ang tainga niya sa tiyan ko. "What did my baby say? Ano'ng gusto mong iuwi para sa'yo ni Daddy?"

"Gusto ni baby nang hopia tsaka karioka tsaka kalamay." Nakangising sabi ko.

"Ganon ba?" Nakangiting tumingala siya sa akin. "Mukhang mahilig sa sweets itong si baby."

"Pupunta ka ba mamayang gabi?" Tanong ko.

"Of course. Baka magtampo si baby kapag hindi ko naibigay yung pasalubong ko sa kanya." Sagot ni Migs.

"Sige, hihintayin ka namin. Ano bang gusto mong ulam para makapagluto ako nang hapunan natin mamaya?"

"I'll eat whatever you cook." 

"Kumakain ka ba ng ginataang kalabasa at sitaw?" 

"Oo naman." Agad naman na sagot niya.

"Yun na lang lulutuin ko mamaya. Gusto mo bang dalhin yung baon ni Yuka? Sayang naman kasi. Kainin mo na lang mamaya pag nagmeryenda ka sa office mo." 

"I would love to." 

"Sandali, kukunin ko lang." Pinigil niya ako ng akmang aalis ako sa kinatatayuan  ko.

Bumaba ang ulo niya sa tiyan ko at siniil iyon ng halik. "I'm going to miss you, baby."

"Mamimiss ka din daw niya, Daddy." Humagikgik ako.

"Behave, okay?" Kinausap niya ang tiyan ko. 

"Behave naman ang baby natin, huwag kang mag-alala. Teka lang, kukunin ko yung baon mo. Baka malate ka na at ang mga bata." 

Unti-unti akong binitiwan ni Migs at tumayo na siya. Pumasok ako sa kusina at kinuha ang lalagyanan ng baon ni Yuka at bumalik ako sa kinatatayuan ni Migs.

"Pasensya ka na, pink pa tong lunch box." Sabi ko nang iabot sa kanya iyon.

"It's alright." Natatawang sabi niya sa akin nang kuhanin niya iyon. "We have to go. Kanina pa naghihintay ang mga bata sa kotse."

"Mag-ingat kayo." Nakangiting sabi ko.

"Don't worry, I'll take care of your siblings." Paatras na naglakad si Migs, hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa akin.

Kinawayan ko siya bago siya pumasok ng kotse at kumaway din siya at ang kapatid ko pabalik sa akin. Inistart niya na ang kotse at pinanood ko sila hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co